University 27

1008 Words
Mas lalo kong nilapitan si Athena at tinignan kung sino ang tinutukoy nito. Kailangan kong makita sila, kailangan kong malaman kung anong klaseng nilalang ang mga ito. Baka ito pa ang maging dahilan kung bakit ako mamamatay. Hindi ko pa naman alam kung anong klaseng mga tao ang naninirahan sa lugar na ito. Kailangan ko mag-double ingat. Habang tumatagal akong nanatili rito ay mas lalo kong nakikita kung anong klaseng kaharian at mga tao ang mayroon ang lugar na ito. Huminga ako nang malalim habang naglalakad papalapit sa kaniya. Ilang sandali pa ay labis ang aking gulat nang makita ko ang isang maliit na tao na lumilipad sa harapan ni Athena. Naka-ngiti lamang itong nakatitig sa kaniya habang may dala-dalang bulaklak na maliit. Sa ulo nito ay nakapatong ang isang korona na gawa sa mga vines at bulaklak. Ang tenga nito na mahaba at ang buhok nitong mas mataas pa sa height niya. Ang pakpak nitong kay ganda na halos hindi na makita dahil sa sobrang transparent nito. “Nandito ang namamahala sa mga Fairies,”sabi ni Athena at ngumiti sa akin, “Hali ka rito, Ana. Ipapakilala kita sa mga ito.” Lumingon ang maliit na tao sa akin o mas tinatawag nilang Fairies at ngumiti sabay tango. Ngunit, habang papalapit ako ay unti-unting nagbago ang mukha nito. Ang kaninang kalmado at masayahing mukha niya ay bigla na lamang napalitan ng pagkabigla, tila ba ay nakakita ito ng isang multo. Naguguluhan man ay nagpatuloy pa rin ako sa paglapit. Hindi ko alam kung ano ang rason kung bakit ganito siya pero siguro ay may dahilan naman. Sana nga lang ay wala siyang kakayahan na basahin ang totoo kong pagkatao. Na isa akong nilalang na galing sa kabilang kaharian. "Ito ang aming bagong kaibigan si Anastaschia. Huwag kang magulat kapag narinig mo ang pangalan niya, kapangalan niya lamang ang taong iyon,"paalala ni Athena at ngumiti sa akin sabay abot ng kaniyang kamay. Agad ko naman itong tinanggap, "Ito naman ang prinsesa ng mga Fairies. Malapit ako sa kaniya dahil na rin sa ate ko. Palagi kasi iyon nakatambay rito. Ang pangalan niya ay si Fae." Fae. Parang kinuha lang din sa kanilang uri. Ngayon ko lang din na pansin na sobrang ganda pala ng babaeng ito. Maputi at makinis dahil na rin siguro ay isa siya sa mga tagapangalaga ng buong lugar. Bigla na lamang nagsalita si Fae ngunit hindi yata ito naiintindihan ni Athena dahil hindi tugma ang sagot niya at isa pa, umiiling na napapatingin sa akin si Fae. "Saan niyo siya nakilala?" Tanong ni Fae. "Hindi rin ako sigurado Fae,"ani ni Athena. Halos mapahilamos ako sa mukha dahil sa sagot ni Fae. Nag-uusap ba sila kanina kahit hindi sila nagkakaintindihan? Napaka-weird nila tignan. "Hindi! Hindi mo ako naiintindihan. Bakit ba kasi ang hirap makipag-usap sa mga tao kapag wala si Inang Reyna?" Tanong ni Fae sa kaniyang sarili, "Sabi ko ay hindi niyo ba siya nakikilala?" "Ano?" Tanong ni Athena. Dahil doon ay tuluyan ng napahilamos sa mukha itong si Fae. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maawa sa Fairy na ito. Mukhang nahihirapan na siyang ipaliwanag kay Athena ang gusto niyang sabihin.  Ngunit, ayon nga kay Fae. Nakakapag-usap naman ang mga tao at Fairies, iyon nga lang at kailangan nandiyaan lagi ang Reyna nila. Kung wala ay mahihirapan talaga ang mga ito. Sa kadahilanan na natutuwa ako sa katangahan ng dalawa ay nanatili lamang akong nakatayo roon. "Mas maayos pa yata kausap ang kapatid nitong babaeng ito. Kahit hindi sakto, at least malapit lang sa gusto kong sabihin. Hindi tulad sa isang 'to na talagang ang layo ng sagot sa sinabi ko,"napapailing nitong bulong. "Hindi mo naman siya masisisi. Sabi mo nga ay hindi ka namin maiintindihan kung wala ang inyong reyna,"tugon ko.  Gulat na napatingin si Athena at Fae sa akin. Hindi yata nila inaasahan na magsasalita ako. "What?" Gulat na tanong ko. "Naiintindihan mo siya?" Tanong ni Athena. "Well, oo, yata? Hindi ako sigurado, iyong salita na ginagamit niya ay ang salita lang naman natin eh,"paliwanag ko at nagkibit-balikat. Napatingin ang dalawa sa isa't-isa at sabay-sabay na lumapit sa akin. "Sige nga, kung talagang naiintindihan mo si Fae. Ulitin mo ang sasabihin niya,"paghahamon ni Athena at hinila ako patungo sa isang upuan na nakapalibot sa lamesa rito. Ang mga kasama namin ay nakatitig lang sa aming dalawa at inoobserbahan ang kinikilos namin. "Ano na naman ba iyang ginagawa mo kay Ana, Athena?" Tanong ni Morris sabay inom ng tsaa, "Alam mo naman na oras ng pahinga ngayon. Huwag mo siya disturbuhin." "Manahimik ka muna. May gusto akong e-confirm,"ani nito, "Now, Fae, sige na." Tumango lamang si Fae at umupo sa harapan ko, "Talaga bang naiintindihan ako nito o tsamba lang iyon kanina?" Tanong nito sa kaniyang sarili habang nakayuko. "Nagdududa ka ba sa akin?" Tanong ko rito. Mabilis na napalingon si Fae sa akin sabay titig sa aking mga mata, "How--How did you do that?" "I don't know. I have no idea on what is going on,"tugon ko at uminom na rin ng tsaa. Siguro naman ay akin itong tsaa na ito, ano? Nasa harapan ko naman at kaming lahat naman na nandito ay may kaniya-kaniyang baso. "It is not that easy,"ani nito sabay lingon kay Athena, "There is only one way to confirm this. Now, repeat after me. I am..." "I am?" Tumango si Fae kay Athena at muling nagsalita, "Fae Amethyst, ruler of the Garden." "Fae Amethyst, ruler of the Garden.." "This is insane!" "This is insane!" Kasama pa ba ito sa script na dapat kong sundin? Bakit ganito yata ang usapan namin ngayon? "Hindi iyan kasali!" "Hindi iyan kasali!" Sigaw ko muli. Hindi ko alam kung gagayahin ko pa rin ba iyon o gagawin na pero kung gagawin nga ay titigil na ako. "I get it. You can understand us without the need of our queen's power,"sabi ni Fae at tumingin kay Athena, "She understands us." "O my God!" Sigaw ni Athena, "Gaano ka ba kalakas Ana at kahit ang ganitong klaseng nilalang ay naiintindihan mo?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD