University 26

1511 Words
Nagpatuloy na lamang ako sa paggawa ng aking potion hanggang sa tuluyan na akong matapos. Nail of the Ogre, 3 grams of unicorn’s hair, screaming cactus, a pinch of death sand, and lastly, the hair of the victim. Mixed it all up, and wait for a minute or two before putting it on the fire. Habang naghihintay ay napatingin ako sa paligid at nakitang nakatuon ang mga ito sa paggawa ng kanilang potion. Seryoso ang lahat na tila ba ay nakataya ang kanilang buhay sa paggawa ng potion. Hinayaan ko na lamang ang mga ito at ibinaling ang aking atensiyon sa taong nasa harapan. Nakatitig lamang ito sa akin na para bang sinusuri ako. Nakilala na ba nila ako? Sana naman ay hindi pa. Hindi ko pa natatapos ang goal ko. Hindi ko pa naipaghihiganti ang aking pamilya. Kailangan kong manatili sa paaralan na ito as long as possible. “You only have 20 minutes left!” Sigaw ni Tula at umupo sa isang mahabang lamesa. 20 minutes is more than enough for me to make the potion. I just have to put this liquid on the fire for 3 minutes and let it boil for 2 minutes and sit for 5 minutes. After that, add some flavor and let the victim drink it. Of course, ayaw ko naman na malasahan nila ang totoong potion kung kaya ay ilalagay ko ito sa tubig. Lumipas ang dalawang minuto ay kinuha ko na ito at inilagay sa apoy. Nang matapos ay inilagay ko na sa baso at dadalhin na sana sa harapan nang maunahan ako nilang apat. Na una si Athena tapos susunod si Forrest na nakikipagbangayan pa kung sino talaga ang na una at si Mark naman ang susunod. “Ang gulo talaga ng dalawang iyan,”sabi ni Morris habang dala-dala ang isang transparent na baso na may kulay na itim na likido sa loob. Hindi ko alam kung alam ba ni Morris ang pinagkaiba ng Potion sa Poison. Mukha kasing lason ang nasa laman ng kaniyang baso. Hindi ko naman siya hinuhusgahan pero natatakot ako para kay Tula. Mamamatay pa yata siya ng maaga kakatikim sa potions namin. Huminga ako nang malalim at hinayaan na lang ang mga ito. Na unang tinignan ni Tula ang baso ni Athena, noong una ay parang nagdadalawang isip pa itong inumin iyon kaya kumuha ito ng isang palaka sa gilid. Pagkatapos ay binuhos niya ito roon. Agad naman nagbago ang katawan ng palaka at bigla na lang nanigas pero ramdam ko pa rin ang enerhiya mula rito. “You failed to conceal its full power but somehow, you managed to make it as a statue,”komento nito, “Proceed to next examination.” “I passed!” Sigaw nito at halos hindi matigil kakasigaw. “Next!” Sigaw ni Tula. “This is my potion.” Pagpre-presenta ni Forrest. “I see. It doesn’t looked like a toxic liquid but I have to take precautions, ”ani nito at ibinuhos ito muli sa pangalawang palaka. Sa unang buhos nito ay parang wala lang naman ang hayop pero makalipas ang isang minuto, bigla na lamang itong tumigas at ang enerhiya nito ay nawala. Hindi naman lahat ng enerhiya pero kakaunti na lang ang natira. “Impressive,”ani nito, “Passed!” “Kita mo iyon?” Sigaw nito sabay harap kay Athena, “Impressive sa’kin!” “Mama mo!” Napapailing na lamang akong tumingin sa susunod at nakitang si Mark na pala ito. Noong una ay akala ko iinumin na talaga ito ni Tula pero ganoon pa rin ang kaniyang ginawa. Binuhos ito sa palaka at ang mas nakakagulat pa ay na gawa niya ang pinapagawa nito. Nawala ang enerhiya sa katawan ng palaka at bigla na lang itong naging estatwa. Tila ba ganoon na talaga iyon. “Job well done, Pr—student,”saad nito. What was that? Ano ba ang mayroon kay Mark at may gusto silang itawag sa kaniya pero hindi nila magawa? Hay naku. “Next!” Sumunod na si Morris hanggang sa ako na. Pasado silang lahat at ako na lang ang inaabangan nila. Ibinigay ko kay Tula ang aking baso at tinignan niya ito. Gulat na gulat siya habang nakatingin sa tubig na nasa kaniyang harapan. Bakit? Ayaw ba niyang inumin iyan dahil nandiyaan ang buhok niya? “This is a well made potion,”bulong nito, “I didn’t expect for you to make this one perfect.” Well, hindi naman talaga iyang perfect. May kulang pa na isang ingredients pero hindi naman iyon gaanong kailangan. “Maybe. So?” Gulat na gulat kaming lahat nang bigla na lamang nitong ininom at tumakbo sa isang tabi. Pagkatapos ay bigla na lamang siyang tumigas at kahit ni kaunting enerhiya na nagmumula sa kaniyang katawan ay wala kaming mahagilap. “P-passed,”saad nito. Tumango lamang ako at ngiting naglakad patungo sa kanila. “Well done! Tara break na muna tayo!” Aya ni Forrest. “Kailangan mo pa ba na pumasok sa paaralan na ito, Ana? Mukhang marami ka pa kasing alam kung ihahalintulad ko sa mga propesor dito,”natatawang biro ni Athena. “Of course, may mga bagay naman kasi na wala talaga akong kaide-ideya,”tugon ko, “Isa pa, ayaw mo ba akong makasama?” “Oy! Gusto ah!” “Ayon naman pala eh.” Tumatawa kong tugon at tinignan ang iba pa naming mga kasama. “Saan pala tayo papunta?” Tanong ko. “Kakain lang,”ani ni Morris, “Sigurado naman ako na pagkalabas natin dito ay sa Garden ang labas natin.” Napataas ang aking kilay dahil sa kaniyang sinabi. “How did you know?” Tanong ko rito. “Well, sabi kasi ng ate ni Athena. Kapag daw papasok tayo sa silid na ito ay garden na ang nasa labas non,”paliwanag ni Forrest, “Nitong mga nagdaang araw kasi ay palagi kaming pumupunta sa bahay nila Athena upang magtanong patungkol sa kung ano ang nasa paaralan na ito.” “Dito ba siya nag-aaral?” Tanong ko. “Oo, noon. Nakapagtapos na nga lang siya ngayon,”tugon naman ni Athena at ngumiti sa akin, “Hali ka na. Medyo gutom na ako.” Tumango na lamang ako at sumunod sa kanila. Mukhang kailangan kong maging malapit sa ate ni Athena ah? Parang marami siyang alam patungkol sa kaharian na ito at lalong-lalo na sa akademiya na ito. Baka siya pa ang magsabi sa akin kung sana ko mahahanap ang mga bagay na gusto kong malaman. Isang ngiti ang gumuhit sa aking labi dahil dito. Paunti-unti ko ng nakakamit ang gusto kong makuha. Ngunit, kailangan ko munang magdahan-dahan dahil mukhang nakakapansin na ang mga guro sa akin. Nang tuluyan na kaming makalabas sa silid ay tama nga sila. Isang malawak na hardin ang bumungad sa amin. Sa gitna ay may isang lamesa doon na pinapalibutan ng mga upuan. Isa lang ang masasabi ko, sobrang ganda nito. Walang-wala sa tinatawag naming hardin sa aming kaharian. Puro lantang dahon at halaman lamang ang naroroon. “Doon tayo!” Sigaw ni Athena at na una nang tumakbo. “Mag-ingat ka nga, Athena! Alam mo naman na may naninirahan dito, baka maistorbo mo sila!” Sigaw ni Morris. “Ay, oo nga pala,”saad nito at tumigil sa paglalakad habang nakatingin sa daan. May nakatira rito? Sino? Ano? Wala naman akong nakikitang bahay kaya paanong may naninirahan dito? Multo ba o spirits? “Sino ang naninirahan dito?” Tanong ko. Napalingon naman sa akin si Morris at ngumiti nang malapad, “You will see later. Tara na!” Saad nito. Tumango lamang ako at sumunod na sa kanila. Si Forrest ay tuwang-tuwa na nakatingin sa mga halaman samantalang si Mark naman ay nakalagay lamang ang dalawang kamay nito sa bulsa habang nakatingin sa paligid. Ano kaya ang nasa isip ng taong ito? Kanina ko pa napapansin na sobrang tahimik niya at parang ayaw kaming kausapin. "Hayaan mo na iyang taong iyan. Ganiyan talaga iyang si Mark, tahimik. Nagmana kasi sa kaniyang ama,"ani ni Morris, "Kaya minsan ay gulat kami noong nakita namin na nag-uusap kayo. Hindi namin inaasahan na darating ang panahon na kung saan ay makikita naming nagsasalita ito ng ilang words." Natawa naman ako dahil sa sinabi nito. Grabe naman kasi kung manghusga ang mga ito. Alam ko naman na kakaiba si Mark pero huwag naman sana nilang pag-isipan ng ganiyan. "Alam ko kung ano ang nasa isipan mo pero totoo talaga iyang sinasabi ko. Tara na nga!" Ani nito. Ilang sandali pa ay nakarating na rin kami sa gitna ng hardin. Si Athena ay nakatayo lang sa tabi at parang tumatawa. Nababaliw na ba ang taong ito? "Talaga? Ayos lang ba sa inyo?" Tanong nito. Sino ba ang kausap niya? Wala naman akong nakikitang tao sa harapan nito. "Sige, ipapakilala ko mga kaibigan ko sa inyo,"ani nito at humarap sa amin, "Guys! Gusto raw kayo makilala ng mga kaibigan natin. Ayos lang daw sa kanila ang manatili tayo rito." Sino ba kasi iyan?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD