CHAPTER 7

1434 Words
Meeting his family "Mang Jose, tara na po?" Tawag ko kay Mang Jose sa labas ng gate namin. Kausap niya si Aling Marga na kasambahay nila Lucas. Masaya siyang tumango bago sumakay ng kotse. "Mang Jose, ano na po ba ang score mo kay Aling Marga?" Pang-aasar ko sa kanya nang makasakay ako ng kotse. Nahihiya na ngumiti siya sa'kin mula sa view mirror ng kotse. "Magkaibigan kami, Ava," Simpleng sagot niya. "Sus! Huwag mo po akong pinagloloko, Mang Jose! Ang tagal mo na sa aming nagtatrabaho kaya alam ko na may something sa inyo." Patuloy ang pang-aasar ko. Wala pang asawa si Mang Jose dahil mas focus siyang alagaan ang Nanay niyang nasa probinsya. Forty years old na siya at mabait si Mang Jose. Sa 20 years niyang driver ng family namin ay kilala ko na siya. Hindi siya nakapag-asawa dahil siyam silang magkakapatid at siya lang ang may matinong trabaho kaya nawala na sa isip niya ang pag-aasawa. "Mabait si Marga at ang kanyang anak," Tugon niya. "Maghihintay pa ako ng tamang tiyempo, Ava." Ngumiti ako sa kanya. "Good luck sa'yo, Mang Jose! You deserve to be loved because you're a great man and you deserve to have a wife. Sana kayo na talaga ni Aling Marga dahil maganda ang may kasama sa buhay habang tumantanda," Saad ko. "Para kang matanda kung magsalita, Ava," Natatawa na sambit niya. "Gano'n lang po siguro talaga pag tumatanda na. Let's face reality po," Simpleng tugon ko. Nang makarating kami sa school ay mabilis akong bumaba sa kotse. Nakita ko si Blake na papunta sa direksyon ko. "Anong ginagawa mo rito?" Takang tanong ko. "Sinusundo ka. Syempre, girl—" Mabilis kong tinakpan ang bibig niya gamit ang palad ko. Ang ingay talaga! Pinanlakihan ko siya ng mata. He looked at me. Questioning why I did that. "Ava, kaibigan mo?" Tanong ni Mang Jose mula sa kotse. Tinanggal ko ang kamay sa bibig ni Blake bago tumingin kay Mang Jose na nakatingin sa aming dalawa. Ngumiti ako. "Opo," Sagot ko. "I'll see you later, Mang Jose! Ingat po sa pag-uwi!" Nang makaalis si Mang Jose ay sinamaan ko ng tingin si Blake. "Muntik na tayong mahuli dahil sa'yo!" Inirapan ko siya. Nag-peace sign siya sa'kin. "Sorry naman," Tugon niya bago ako inakbayan. "Pwede naman na siguro gawin 'to, 'di ba?" "Wala naman si Alison, eh!" Maktol ko. "I told you, rule number 2." Ngumisi siya sa'kin. "Oh, clingy ba 'to? Hindi naman, ah? Nandito tayo sa school so we should act as a couple." Napabuga na lang ako ng hangin dahil sa kanya. Hinayaan ko siya na naka-akbay sa'kin habang papasok ng campus. At syempre, usap-usapan na naman kami. Hindi na lang namin pinansin. Nakita namin sila Kath at April sa may bench ng school malapit sa court. "Ava, come here!" Sigaw ni April. Lumapit kami ni Blake sa kanila. Nakangiti ang dalawa na tila kinikilig sa amin ni Blake. Alam nila na pagpapanggap lang ang meron sa amin ni Blake. Sinabi ko dahil ayokong magsinungaling sa mga kaibigan ko lalo na't nasa school kami laging nagkikita. Maganda na rin 'yon, para alam nila ang totoo. "Blake, kasali ka sa cooking festival ng school sa August?" Tanong ni Kath pagkuwan. "Ah, oo. Sayang din 'yon at isa pa para sa St. Willford ang karangalan kung mananalo ako," Nakangiting sagot ni Blake. Humarap ako sa kanya. "Ano 'yon?" Nakakunot ang noo na tanong ko. "Cooking festival. Limang school ang maglalaban doon mula sa Maynila at kasama ang St. Willford dahil dito gaganapin ang contest. Kung sino ang manalo, makakapunta sa Aragon Grandé Hotel sa Baryo Maligaya at may ding prizes," paliwanag ni April habang kumakain. "Hotel namin 'yon, ah?" Saad ko. Kinurot ni Blake ang pisngi ko. "Kaya nga I need to do my best for our school." "Kaya mo 'yan. Magaling ka!" Tinapik ko ang balikat niya. "Sama kayo sa villa namin next week. Birthday ni Kuya David," Sambit ni Kath. "Oo nga pala," Sabi naman ni Blake. "Kaya pala nagpapa-baby ang Kuya mo sa'kin. Magbi-birthday na pala ang siraulo." "Sama ko si Lucas, ah? Hindi ako papayagan ni Lola kung hindi kasama si Lucas," Ani ko. April giggled. "Syempre kasama ang love of my life ko! Gagawa kami ng moments together!" Talagang crush na crush ni April si Lucas. Hindi ko masabi na may gustong iba si Lucas dahil syempre, ayokong masaktan ang kaibigan ko. "Sunduin kita sa inyo? Pwede ba?" Bumaling sa akin si Blake. Sinamaan ko siya ng tingin. "Makikita ka ni Lola. Kay Lucas na lang ako sasabay. May tiwala sa kanya si Lola." Nagkibit balikat lang siya. "Hatid na lang kita sa room niyo." Hinatid kami ni Blake sa room namin. Nandoon na lahat ng classmates ko at si Ma'am Hermosa na lang kulang, ang teacher namin. Naunang pumasok sila April at Kath sa room. Humarap ako kay Blake na nakangiti. "Sige na. Ba-bye." Paalam ko. I was about to entered our room when he grabbed my left hand. Napatingin tuloy ako sa kanya. Nagtatanong ako na tumingin sa kanya. He pointed his right cheeks while smiling. Nakita ko tuloy 'yong dalawang malalim niyang dimple. "What?" Naguguluhan na tanong ko. "Goodbye kiss," He said cooly. Oh, I almost forgot that Alison is here! Nahihiya man ay mabilis akong tumingkayad at hinalikan siya sa pisngi. Hindi ko na siya tiningnan pa at dali-dali na pumasok sa room. Rinig ko ang mga bulungan ng mga classmates ko, pero wala roon ang atensyon ko. For the first time in my life, I kissed a man! Feeling ko nag-iinit ang dalawang pisngi ko. I tried to compose myself from that kiss. Hindi lang ako sanay na ganito. Dati si Daddy lang ang lalaking hinahalikan ko sa pisngi, ngayon iba na! Dumating si Ma'am Hermosa at nag-start magturo ng lesson niya. May group project kami para sa subject kaya 'yon ang ginawa namin nang wala kaming teacher sa Math. Nang mag-breaktime ay sabay-sabay kaming lumabas nila Kath at April para kitain sila Althea at Gino sa cafeteria. HUMSS students sila Althea at Gino na kaibigan ni Kath kaya naging kaibigan ko na rin. "Ava, can I talk to you about our project later?" Palabas na kami nang humarap sa amin si Alison. As usual, kasama niya sila Jyra at Alyssa na nakataas ang kilay sa'kin. Ngumiti ako. "Okay lang naman. Mamayang uwian na natin pag-usapan 'yong project," Sagot ko sa kanya. "Okay. Hintayin na lang kita mamaya sa soccer field. Joseph will be there also. May practice lang siya mamaya," Tugon niya. Mahinhin tingnan si Alison. Malalaman mo na mabait talaga siya dahil sa maamo niyang mukha. Hindi tulad ng dalawa niyang kaibigan na demonyita. Tumango ako. "Okay. I'll see you there later." Lumabas kami ng room at pumunta sa cafeteria. Nakita namin agad nila Althea at Gino kasama si Lucas sa table. Ngumiti sila nang makita kami. "Nag-order na kami ng food niyo!" Sambit ni Lucas habang nakangiti na nakatingin sa'kin. "Ang bait-bait mo, Lucas! Maging akin ka sana," Tugon ni April. Natawa lang si Lucas kay April bago nahihiyang ngumiti sa'kin. We sat down on the chair when we saw Blake walking towards us. Nang makalapit siya sa amin ay ngumiti siya sa'kin. "What?" Tanong ko. Nakangiwi siya bago napakamot ng batok. "I need to talk to you," Saad niya. "Nag-uusap na tayo," Simpleng sagot ko. "Private, Ava. This is important." Tumango ako bago sumama sa kanya. Pumunta kami sa likod ng cafeteria. "Ano ba 'yon?" Tanong ko. "You know..." Napangiwi siyang muli. "Since kalat sa buong campus na tayo. Nalaman nila Mama at Papa. My parents wants to see you after class today." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. "Blake, wala sa usapan 'yan! Biglaan naman yata 'yan!" Gulat na bulaslas ko. Napakamot ulit siya sa ng buhok bago ngumisi sa'kin. "I have no choice. Kailangan makita ka nila after class!" "N-nahihiya ako," Mahinang wika ko. I can't believe this! Halos wala pang one week simula nang magpanggap kaming magkasintahan tapos makikita ko agad ang pamilya niya?! Potek! Hindi naman ako prepared na may meeting with the parents pala! First time ko 'to kaya wala akong idea sa ganito! Hinawakan niya ang kamay ko. "Mabait sila Mama at Papa. Don't worry about them. Gusto ka lang nilang makilala and I know they will like you," Malumanay na sabi niya. Bumagsak ang balikat ko bago bumuga ng hangin. "May group project kami mamaya nila Alison. Pwede bang after na lang no'n?" Ngumiti siya. "Okay lang. I'll just wait for you." Mariin akong napapikit bago kinagat ang pang-ibabang labi. Ano ba itong pinasok ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD