CHAPTER 6

1425 Words
Friends "Boring!" Sigaw ko sa loob ng kwarto ko. Humilata ako sa kama at tumingin sa kisame bago bumuntong hininga. Kanina pa ako pabalik-balik sa baba at sa kwarto ko. Ako lang mag-isa rito sa bahay kasama sila Mang Jose at ibang kasambahay. Wala si Ate Emerald dahil pumunta siya nang Manila para sa hotels namin doon. Kasama niya sila Mommy at Daddy. Next month pa raw ang uwi nila. Si Lola naman nasa bayan dahil sa hotel din namin. Siya lang ang pwedeng mag-asikaso dahil siya lang ang naiwan dito sa Isla. Kaya ito ako ngayon, walang magawa sa buhay. Walang kaming pasok every friday sa school. Tumayo ako sa kama para bumaba. Kakain na lang siguro ako. Pagbaba ko ay diretso ako sa ref para maghanap ng makakain. Kinuha ko ang red velvet cake na hindi pa nabubuksan. Naglagay ako sa platito ng cake at umakyat ulit sa kwarto ko. I opened my television to watch some movies when my phone started ringing. Habang kumakain ng cake ay kinuha ko ang cellphone ko at sinagot ang tumatawag. "Ava, nasaan ka?" Bumungad sa akin ang boses ni Lucas sa kabilang linya. "Sa bahay lang," Sagot ko bago sumubo ulit ng cake. "Bakit?" "Pwede ka ba ngayon?" Tanong niya. "Oo naman. Boring na nga ako sa bahay namin, eh," Tugon ko. "Saan ba tayo?" "Dito lang sa bahay namin. Wala rin kasi akong kasama. Si Mia lang kasama ko. Pagluto sana kita." Napahinto ako sa pagkain ng cake dahil sa sinabi niya. Lucas is being nice again and I love that about him! "Gusto ko 'yan! Punta na ako riyan, ah?" Masayang sambit ko. "I'll wait for you." Mabilis akong nagpalit ng damit. I decided to wear a maong short and white t-shirt na my printed na cake sa gitna. Tinali ko ang mahaba kong buhok at mabilis na bumaba para ibalik ang cake sa ref. "Saan ang punta mo, Ava?" Tanong ni Mang Jose. "Kanila Lucas lang po," Sagot ko sa kanya. Patakbo akong pumunta sa bahay nila Lucas. Nakita ako ni Aling Marga na papasok ng bahay nila at nginitian ako. Nang makapasok ako sa loob ng bahay nila Lucas ay bumungad sa'kin si Mia na naglalaro sa sala nila. "Hello, Mia!" Lumapit ako sa kanya at mahinang kinurot ang pisngi niya. Six years old pa lang si Mia at nag-iisang kapatid siya ni Lucas. "Hi, Ate Ava!" Ngumiti rin siya sa'kin. "Kuya is in the kitchen." I just smiled at her before I went to their kitchen. I saw Lucas there. He smiled when he saw me. "Ang bilis mo talaga pagdating sa pagkain," Natatawa na sambit niya. Nagkibit balikat lang ako bago lumapit sa kanya. "You know me when it comes to food," Sabi ko. "Anong lulutin mo?" Tumingin siya sa'kin na hindi nawawala ang ngiti sa labi niya. "Anong bang gusto mo?" Nakangiting tanong niya pabalik. Lucas is not just a gentleman but also a handsome. Naka-quiff ang hairstyle ng buhok niya. Makapal ang kilay, brown ang buhok at matangkad siya. Mukha lang siyang masungit at walang pakialam sa mundo pero napakabait niyang tao. Parehas lang sila yata ni Blake ng katangkatan dahil hanggang dibdib lang din ako ni Lucas. "Hmm..." Nag-iisip ako kung anong gusto ko na kainin. "Fettuccine Alfredo? Can you do that?" Ngumiti siya. "Easy," Simpleng sagot niya. I clapped my hands out of enjoyment. "Yes! Tulungan na kita, pwede ba?" "You can cook?" Pang-aasar niya. Inirapan ko siya. "Tutulungan kita sa mga ingredients." Pagtatama ko. He smirked. "Huwag na. Ako na ang bahala sa lahat. Just sit and relax." Sinunod ko ang gusto niya. I sat down on the kitchen counter. Kumuha siya sa ref ng ingredients habang nakatingin lang ako sa kanya. He placed the ingredients on the kitchen counter. Nakaharap ako sa kanya habang mataimtim siyang tinitingnan sa ginagawa. "Is it true?" Maya-maya ay nag-open siya ng topic. "True what?" Nakakunot ang noo na tanong ko. "About you and Blake? Since when?" Saglit siyang nag-angat ng tingin sa akin. "Fake lang 'yon," Sagot ko. "We're just pretending to be a couple to make Alison jealous. Para malaman ni Blake bakit nakipag-break sa kanya si Alison at pag nalaman na niya, tapos na ang pagpapanggap namin." Tumingin siya sa'kin ng seryoso. "Hindi ba parang unfair sa iyo 'yon? He's using you, Ava." "Parang gano'n na nga, pero at least makakatulong ako para sa kanila." Totoo naman ang sinabi niya. Blake is just using me, but we're here now. Hindi ko na pwedeng bawiin ang pinagkasunduan namin ni Blake dahil alam na nang buong campus na kami. "I'm just worried about you, Ava. Mahal na mahal ni Blake si Alison at ayokong masaktan ka," Aniya. Ramdam ko ang pag-aalala niya sa'kin Ngumiti ako sa kanya. "Don't worry, Lucas. I'll be fine. Isa pa, hindi ko type si Blake kaya no hard feelings kaming dalawa sa isa't-isa. I'm not ready to have a boyfriend yet. Once na nag-eighteen na ako, do'n lang ako magbo-boyfriend." "So, if someone tries to court you, will you give him a chance?" Muli siyang nag-angat ng tingin sa akin. Tumaas ang gilid ng labi niya. Nakakahilo ang pagtingin niya sa'kin kaya nag-iwas ako ng tingin. "Oo," Sagot ko. "But I will only entertain suitors once I turn eighteen. Alam mo naman sila Daddy at Mommy. Strick masyado." Napangiwi ako sa huling sinabi. Hindi na siya nagsalita after no'n, pero nakita ko ang lihim niya na pag ngiti. Hindi ko na lang pinansin 'yon at nangalumbaba sa kitchen counter. "Anyway, Lucas," Sambit ko. "Alam mo na ba may gusto sa'yo si April?" "Oo," Simpleng sagot niya. Nakatutok ang buong atensyon niya sa pagluluto ngayon. "What do you think of her?" Tanong ko ulit. Nag-angat siya ng tingin sa'kin. "April is pretty and a nice girl, but I am not ready to have a girlfriend either." Napunta ang buong atensyon ko sa kanya ngayon. Tiningnan ko siya na may pag-aalinlangan. "Weh?" Ngumisi siya. "Oo nga... oh well, I liked someone but I'm just waiting for the time to confess my feelings." "Sino naman ang gusto mo?" Pangungulit ko pa. Tumingin siya sa mga mata ko bago ngumiti. "Secret!" I rolled my eyes at him. "Kung sino man 'yon, mas maganda si April sa kanya! Mabait at matalino pa si April." Natawa siya bago umiling. "You're wrong," He said. "She's the most beautiful girl I've ever seen. Mabait, maganda at matalino ang taong gusto ko." Napasimangot ako. Sayang! Ang sabi ko pa naman kay April ilalakad ko siya kay Lucas. Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa kitchen counter at lumapit sa kanya. Patapos na siya sa niluluto niya. "Pwede nang tikman?" Tumingin ako sa kanya. "Sure!" Kumuha ako ng kutsara sa lalagyan at tinikman ang Fettuccine Alfredo na niluto niya. Hindi ko mapigilan na mapangiti ng matikman ang lasa. "Ang sarap, Lucas!" Masayang sambit ko. "The best ka talaga!" Kinurot lang niya ang pisngi ko bago siya ngumiti. Ayon ang ginawa namin buong maghapon. Nasa bahay lang ako nila Lucas hanggang sumapit ang 6 PM. Naglaro kami nila Mia sa garden nila habang kinakain ang niluto niya. "Hinatid mo pa ako, eh sa tapat lang naman bahay namin," Natatawa na sabi ko sa kanya. "I want to make sure that you're safe," He said, generously. Ngumiti ako. "Sige na. Ba-bye, Lucas! Salamat sa pagkain. Nabusog ang tiyan ko," Ani ko sabay simpleng paghawak ko sa tiyan ko. "Pasok ka na sa bahay niyo," Nakangiting saad niya. Tumango lang ako bago pumasok sa gate ng bahay namin. Nakangiti akong pumasok sa bahay namin nang makita ko si Lola sa loob. Lumapit ako sa kanya at nag-mano. "Lola, kanina ka pa po rito?" Tanong ko. Nakangiti siya. "Yes and I just saw you and Lucas together. Anong ginawa niyo?" "Ah, niyaya niya po ako sa bahay nila dahil bored na bored na ko rito sa bahay," Sagot ko. Hindi nawala ang ngiti ni Lola kaya naningkit ang mata ko sa kanya. "Lola, what's with the smile?" Naguguluhan na tanong ko. "Wala," Sagot niya. "I just love seeing you together with Lucas. You looked great together." Natawa ako sa sinabi ni Lola. "Lucas and I are just friends, Lola. Huwag po kayong mag-isip ng kung ano." Nagkibit balikat siya. "Gusto ko si Lucas para sa iyo, Ava. Lucas is a decent man and I know he will take care of you." "Alam ko naman po 'yon, Lola. Kaso magkaibigan po kami." Ulit ko. Inirapan niya ako. "Ewan ko sa iyo, Ava," Sabi niya bago ako iniwan sa sala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD