INIHANDA sa harap ko ang ilang mga pagkain na hindi ko naman ni-order. Pinagmamasdan ko iyon lahat at aminado naman ako na takam na takam na ako sa mga ito.
“Don't be shy; everything here is for you.” Tumaas ang tingin ko nang tignan ko siya. Marami ito at hindi ko naman ‘to kayang kainin ng mag-isa. Hindi ba siya kakain? Kinagat ko ang labi ko at nakita ang malalaking hipon at alimango. “M-marami po ito para sa isang tao,” tugon ko nang animo’y ikinatawa niya.
“I'll eat as well, Silly.”
Nakita ko kung paano siya ngumiti. Pansin ko rin ang kaniyang ilong na sobrang tangos, habang ang buhok niyang bagsak at makintab. Ang balat niyang maputi at ang katawan niyang natatakpan ng puting mahabang damit. “Hindi mo ba gusto ang mga pagkain?” tanong niya sa akin na ikinalaki ng mga mata ko.
“H-hindi po!”
“Hindi mo gusto?”
“Gusto ko po!” Tumaas ang boses ko kaya may ilang tao ang napatingin sa akin. Narito kasi kami ngayon sa isang magandang kainan matapos naming puntahan ang lolo niya. Natuwa pa nga ang lolo niya sa akin nang malaman na ako ay magiging katuwang niya sa araw-araw. “Kumain ka na,” ani niya.
Sa bawat pagsubo ko ay tumitingin din ako sa kaniya. Sumisilip na para bang naghihintay kung may sasabihin siya sa akin. Nagdadalawang isip na rin ako kung magsasalita pa ba ako— hindi ko na rin kasi alam kung makakaistorbo pa ako sa pagkain niya ng hipon.
Nahihiya akong kumuha ng alimango pero sa gutom ko ay hindi ko na pinalampas pa ang pagkakataong makatikim nito. Nang kamayin ko iyon ay tinignan ako ni Sir Solomon. Agad kong binitawan ang alimango at ibinalik sa kung saan siya naroroon.
“Pasensiya na po! Sa ‘yo po ‘yon?” Naisip kong baka kaniya lang ang alimango. “No,” sagot niya at umiling ito. Pinunasan niya muna sandali ang kaniyang labi mula sa kinuha niyang puting panyo na ibinigay ng waiter sa amin kanina. “I was surprised that you grabbed the crab with your bare hands.” Sunod niyang ani at ngumiti muli sa akin. Nakaramdam ako ng hiya sa aking katawan. Ginawa kong karinderya ang mamahaling kainan na ito at dito pa ako nagkalat ng kahirapan kong ugali.
Nahihiya akong yumuko at kinain na lamang kung ano ang nasa plato ko. “D-did I make you upset?” Nakatikom lamang ang bibig ko sa kaniyang tanong. Hindi ako makasagot, dahil nahihiya ako sa ginawa ko. Halatang walang kaalam-alam sa mundo. “I was just afraid you'd hurt your hands. Matulis ang alimango,” paliwanag niya.
Pinagmasdan ko siya na kunin ang alimango at doon niya iyon binuksan gamit ang crab opener.
“Here,” bigkas niya at ibinigay sa akin ang nabuksan na nitong alimasag. “Pagbubuksan pa kita.” Napakurap-kurap ako sandali nang mapagtanto ko ang ginagawa niya. “A-ay! Hindi na po—ako na po! Hindi niyo naman kailangan gawin pa ito sa akin, Sir Solomon.” Napahinto rin siya nang marinig niya ang tawag ko sa kaniya.
“It’s fine. Hindi ka pa naman nagsisimula.” Umiwas siya ng tingin sa akin at simula no’n, hanggang matapos kaming kumain ay hindi na siya makatingin sa akin. Pinasakay niya ako sa kaniyang kotse na itim at habang nasa byahe ay tanging tugtog lamang sa radyo ang naririnig naming dalawa. Naiilang ako ngayon, dahil siya ang boss ko pero inihahatid niya ako.
“Ciara?”
“Yes, po?”
“Where shall I drop you off?” Umawang ang labi ko nang kanina pa siya nagda-drive at ako naman itong feeling passenger princess na akala mo’y may taga hatid-sundo. “Sa Rioveros Hospital po sana.” Agad kong nakita ang pagtaas ng kaniyang dalawang kilay. “Naroon ang lolo mo?” Tumungo na lamang ako bilang sagot.
“Pupunta na rin ako doon para dalawin siya. Ipagpapaalam kita-” Hindi ko siya pinatapos nang magsalita na ako. “Hindi pa po kasi siya gumigising, Sir Solomon.” Bumuka ang bibig niya at ngumuso sandali. “I'm sure he can hear me. So, still...” Nilingon niya ako nang tumigil unti-unti ang sasakyan nang magkulay pula ang mga signal light ng kotse sa labas na nakapalibot sa amin.
Nang makarating na kami sa ospital ay agad bumungad si Evan sa aming dalawa ni Sir Solomon. Bumalik ang tingin sa akin ni Evan at tumaas naman muli sa kasama kong lalaki. “Evan, ito nga pala ang boss ko. Si Sir Solomon Isaac Del Cantara,” wika ko nang ilahad naman ni Sir Solomon ang kamay niya kay Evan.
“Solo.”
“Evan.”
Nagkatitigan silang dalawa habang ako ay napapagitnaan lamang nila. Sa ilang segundo na nagkatitigan silang dalawa ni Evan ay gumawa na ako ng paraan at hinila na ang kaibigan ko. “Maupo ka muna, Sir Solomon.” Turo ko sa sofa na ikinatungo naman niya at agad na inupuan. Nilibot niya ang tingin sa kwarto ni lolo at doon napako naman naman ang titig niya sa lolo ko.
“Ano ang ginagawa niya rito, Ciara? Saka anong sinasabi mo na boss mo siya?” Nagtatakang tanong niya sa akin nang lapitan ko ito. “Siya iyong boss ni Vee.” Kumunot ang noo niya sa akin at sinilip sa likod ko si Sir Solomon. “Paano ka nakapasok sa kanila? Ano ang trabaho mo?” Marami siyang tanong sa akin at isa-isa ko naman iyong sinagot. “Mag-aalaga sa lolo niya?” Medyo lumakas ang tanong niya.
“Yes.”
Napalingon ako sa aking likod nang maramdaman ko si Sir Solo na malapit na sa akin. Kumabog ang dibdib ko nang maamoy ko ang pabango niya. Pigil hininga kong pinagmasdan si Evan na ngayon ay nakakunot pa rin ang noo. “Pumayag ka?” tanong muli ni Evan sa akin.
“Is he your boy friend?” Boses ni Sir Solomon sa likod ko kaya ako humarap sa kaniya. “H-hindi po, Sir Solomon. Matalik ko po siyang kaibigan.” Siniko ko si Evan—hindi ko pwedeng sayangin ang offer na ibinigay ngayon sa akin ni Sir Solomon, nang dahil sa ugali nitong si Evan. “Ako ang nagbabantay sa kaniya.” Si Evan iyon.
“Kung ganoon ay kayo na lamang dalawa ni Ciara ang mag-usap tungkol sa kaniyang trabaho. Inihatid ko lamang siya rito at para na rin ipaalam siya sa kaniyang lolo.” Nagtagis ang panga ni Evan sa sagot ni Sir Solomon na ngayon ay nakatingin sa akin. “Ciara, hindi na rin ako magtatagal.” Tumango naman ako at sinamahan siya palabas ng kwarto ni lolo.
“Pasensiya na po kayo sa kaibigan ko.” Yumuko pa ako ng kaunti nang hawakan niya ang braso ko. “It's a good thing your friend is aware of every detail of your job. Tulad ng sabi niya ay siya ang guardian mo, Ciara.” Ipinasok niya ang kaniyang kamay sa loob ng bulsa nito mula sa kaniyang brown pants at ngumiti naman sa akin.
“Hihintayin kita bukas, Ciara.” Tumungo siya sa akin at doon na siya lumisan. Nagulat si Evan sa aking mga sinabi sa kaniya. Hindi siya makapaniwala na ganoon kalaki ang offer ng Del Cantara sa akin. Ang sabi ko pa nga ay, “Kahit ako ay hindi makapaniwala. Maraming salamat sa ‘yo, Evan. Ikaw ang naging tulay sa lahat ng blessings na natanggap ko ngayon.”
“Dito na lang po kayo pumasok,” wika ng babae nang makarating na ako sa mansyon ng Del Cantara. Agad kong nakasalubong ang nag-aalaga sa lolo ni Sir Solomon. “Kumusta!” Bati niya sa akin at niyakap.
“Pasalamat na lang talaga ako at nagkaroon ako ng katuwang sa pag-aalaga kay Senyor.” Ngayon pa lang ay kinabahan na ako. Parang may kutob ako na kaya malaki ang offer sa akin ay dahil masakit siya sa ulo alagaan. “Nakakatakot po ba siya?” Agad kong tanong sa kaniya na ikinatawa naman nito.
“Hindi nasabi sa ‘yo ni Señorito?” Kumakabog na ang aking dibdib, ngunit sa kaniyang pagtawa ay napangiti na lamang ako. “Mabait naman si Senyor. Mainitin lamang ang ulo— alam mo naman at may edad na.” sunod niya pa.
Nang makaakyat na kami sa kwarto ni Senyor Del Cantara ay agad naman bumungad ang matandang nakahiga sa kaniyang kama at nanonood sa telebisyon. “Nariyan ka na pala, Hija!” Tawag niya sa akin at agad naman na pinalapit. “Rosa, mamaya ay samahan mo itong bata na ‘to sa buong mansyon. Turuan mo na rin sa mga gagawin niya.” Lumapit sa akin si Ate Rosa at hinagod ang likod ko.
“Maraming salamat sa pagtanggap mo ng trabahong ito, Hija. Hindi ko alam kung paano ka napilit ng apo ko. Ngayon pa lamang ay humihingi na rin ako ng pasensiya, dahil aminado akong hindi maganda ang ugali ko.” Nakatingin lamang ako sa kaniya. “Gusto ko rin magpasalamat ulit sa ‘yo sa pagligtas mo sa akin, Hija” Ngumiti siya sa akin at ganoon din ang ginawa ko sa kaniya.
Wala pang sandali nang tumunog na ang alarm clock sa gilid. Naglakad patungo doon si Ate Rosa at pinatay ang alarm clock. May kinuha siya sa drawer at nagbigay ng gamot kay Senyor Joseph Del Cantara. Binigyan niya rin ito ng tubig.
Matapos uminom ni Senyor Joseph, ay tumungo na ito sa amin. “Sige na, Rosa. Iikot mo na siya,” utos nito nang tumungo naman kaming dalawa sa kaniya. Nang makalabas kami ng mansyon at patungo sa hardin ay nakasalubong namin si Sir Solomon na nakaayos at dala-dala ang susi ng kaniyang kotse.
Yumuko si Ate Rosa kaya yumuko rin ako.
“Magandang umaga po, Señorito…” bati ni Ate Rosa kay Sir Solomon, kaya bumati na rin ako. “Magandang umaga po, Sir Solomon Isaac.” Buong tawag ko sa kaniyang pangalan. “Good morning, Ciara.” Umangat ang tingin ko sa kaniya at ngumiti.
“Ate Rosa, ikaw na ang bahala kay Ciara.” Saka siya naglakad patungo sa kaniyang kotse na sinundan ko lamang ito ng tingin. Maraming naituro sa akin si Ate Rosa at lahat ng iyon ay para bang papatayin ako sa dami. Malaki ang sahod, pero malaki rin ang sakit sa ulo.
“Ciara!” Sigaw ni Senyor Joseph nang sumigaw na ito mula sa taas. Agad-agad akong umakyat at pagbukas ko pa lamang ng pinto ay nakita ko na ang kaniyang kunot na noo at pulang-pula na mukha. “Utang na loob, Hija! Kapag nag-bell ako ay umakyat ka na!” Sigaw niya sa mukha ko.
“Pasensiya na po, Senyor. Kumuha lang po ako ng tubig— utos niyo po iyon sa akin.” Mas lalong kumunot ang noo nito. Hindi naman makakalipad pataas kung galing akong ibaba, hindi ba? Ano ang magagawa ko at wala ng tubig sa itaas. Syempre at sa ibaba ako kukuha ng tubig na inuutos niya. “Ano po ang kailangan niyo, Senyor?” Tanong ko sa kaniya nang ialis niya ang kumot sa doon bumungad sa akin ang kulay berde sa puti niyang sapin sa kama.
“Hala! Umihi ka po?” Kita ko kung paano niya nasapo ang kaniyang noo. “Hindi ba halata, Hija?” Sarcastic niya pang tanong sa akin. “Bakit d’yan po kayo umihi?” Saka ko siya binuhat upang makaupo sa kaniyang wheelchair. Inalis ko ang bedsheet at iba…
“Hindi ka ba nadidiri, Hija? Ihi ko ‘yang inaalis mo r’yan.”
“Ganito rin po ang ginagawa ko sa lolo ko. Wala naman po pinagkaiba kung maging trabaho ko.” Habang busy ako sa pag-aalis at kumuha na rin ng panibagong nitong pants at damit.
“Dalhin ko na po kayo sa banyo, Senyor.” Hindi gusto ni Senyor Joseph na makikita ang ari niya. Kaya mayroon siyang supporter sa pagtayo sa banyo at siya na ang magpupunas ng kaniyang ari. Kapag susuotan mo siya ng diapers ay nakatalikod ka lamang sa kaniya at ang kaharap mo lamang ay ang kaniyang kulubot na pwet.
Sa loob ng tatlong buwan ay ganoon ang ginagawa ko tuwing pagsapit ng alas-dose, hanggang alas dose ng madaling umaga.
Umiinom ako ng tubig sa ibaba at pasalamat na lamang ako’t tulog na si Senyor. Magigising na lamang iyon bukas ng umaga at si Ate Rosa na ang magbabantay sa kaniya. Napapaisip ako minsan na ang sarap ng schedule ni Ate Rosa. “You look tired.” Nagulat ako nang marinig ko ang boses na iyon.
Napatingin ako sa likod ko nang makita ko si Sir Solomon sa kaniyang suot na tux. Ang pabango niya ay ganoon pa rin at inaakit pa rin ako.
“Magandang gabi po, Sir Solomon Isaac-”
“Please, Ciara. Sir Solo, na lang ang itawag mo.”
“O-opo, Sir Solo.” Pinagmasdan ko ang orasan ko nang mapagtanto kong alas-otso na. “Kumain na po kayo, Sir Solo? Paghandaan ko po ba kayo ng makakain-” Hindi ko iyon natapos nang umiling na siya.
“Pero kakauwi niyo lang po ng trabaho. Kumain na po kayo doon?” Tumango na lamang siya sa akin. “Gatas na lang, kung maari.” Agad kong sinunod ang gusto niya’t binigyan nang kung ano ang hinihiling niya. “Next year ay makakapag-aral ka na ng kolehiyo, Ciara. Nakausap ko na ang kaibigan ko mula sa magandang university.” Nanlaki ang mga mata ko sa saya. Hindi ko alam kung paano ko ba ilalabas ang saya ko ngayon nang tumakbo ako sa kaniya at mabilis na niyakap.
“Thank you so much po, Sir Solo!” Sa sobrang higpit ng yakap ko ay parnag sinisipa ako ng dibdib niya sa lakas ng t***k ng puso nito. Saka ko lang na-realize kung ano ang ginawa ko. Mabilis akong kumalas sa aking pagkakayakap sa kaniya nang itaas ko ang tingin ko sa kaniyang mukha.
Nakatingin lamang siya sa akin at bumaba ang mariin niyang titig sa labi ko. “S-sir Solo…” tawag ko sa kaniyang pangalan nang siilin niya ako ng halik sa aking labi na ikinagulat ng katawan ko.