NANLAKI ang mga mata ko nang marinig ko ang kaniyang sinabi. Nursing Assistance? Para sa katulad kong wala pang lisensiya sa ganitong bagay ay napakadelikado nito. Agad akong umiling sa kaniya nang paulit-ulit.
“Pasensiya na po kayo, Sir Solomon Isaac, pero hindi ko po matatanggap ang proposal niyo,” wika ko. Siguro kung ibang proposal iyan ay mapag-iisapan ko pa. Nakita ko kung paano manliit ang mga mata niyang pagmasdan ako. Animo’y parang hindi niya nagustuhan ang sagot ko sa kaniya.
“I heard that you need help for your grandfather.” Inayos niya ang pag-upo at ang kaniyang dalawang siko ay nasa itaas na ng lamesa nito, habang ang kaniyang dalawang palad ay pinaghawak kamay niya’t pinatungan ng kaniyang baba. Hindi ko mawari kung saan niya nalaman ang bagay na iyon.
May pagka-chismosa rin pala si Solomon Isaac.
“O-opo?” Hindi ako sure, kung kailangan ko ba ng tulong. “Pero ginagawan ko naman po ng paraan para mabayaran ang mga pangangailangan niya sa ospital,” sunod kong sagot sa kaniya. Hindi pa rin mawala ang tingin niya sa akin na ikinaiiwasan ko.
“Let’s make a deal. Babayaran ko lahat ng kailangan ng lolo mo sa ospital. I’ll pay till he gets better.” Nakaka-tempt ito sa totoo lang, pero wala pa akong masyadong kaalam-alam sa gusto niyang gawin ko. Ang alam ko lang ay iyong ginawa ko kanina sa lolo niya, dahil ganoon din ang ginagawa ko sa lolo ko.
“Aaminin kong gusto ko po kagatin ang offer niyo. Ang kaso po ay delikado ang gusto niyong ibigay na trabaho sa akin. Hindi po ako nag-aral ng nursing, hindi po ako nag-aral ng college.” Mahaba kong paliwanag iyon sa kaniya nang tumungo-tungo naman siya sa akin.
“However, I believe you have nursing potential.” Nang sabihin niya iyon sa akin ay hindi ko mapigilang mapangiti. “Pangarap ko po ‘yan,” masaya kong tugon sa kaniya nang bigyan niya rin ako ng ngiti.
“Ganito na lang,” wika niya nang alisin niya na ang kamay niya sa mesa at sumandal na sa kaniyang wheelchair. Napansin ko rin na dalawa ang upuan niya at ang magandang upuan na pang office ay nasa tabi lamang ng wheelchair. “I will send you to college. Everything you need to pay for, I will pay for. What your grandfather needs, I'm willing to pay for. Therapy, surgery, vitamins, antibiotics, x-rays—everything.” Napalunok na lamang ako sa kaniyang offer.
Malaking pera ang magagastos niya para sa akin kung ganoon ang no recompense is demanded.gagawin niya.
“Miss Ciara, please consider this carefully.” ani niya. “I saw potential in you and am giving you what you deserve. I noticed your kindness. All goodness in the world should be blessed,” patuloy pa niya.
“Malaking pera ang gagastusin niyo para sa akin, Sir Solomon Isaac.” Ngumiti lamang siya sa akin at nagkibit ng kaniyang balikat. “Don't worry about it, Miss Ciara. You can earn more money, but you can't buy time.” Taas-taas pa ng kaniyang kilay sa akin.
“B-bakit po ako ang napili niyo? Marami naman pong iba r’yan na may mga diploma at naka-graduate sa kursong angkop sa gusto niyang trabahuin ko.” Naguguluhan ako sa totoo lang, ngunit batid kong hindi naman siya masungit kung sakaling itanong ko naman ito sa kaniya. “It’s because you’re different from them. You chose to help my grandfather without expecting anything in return,” sagot niya sa akin.
Pakiramdam ko ay mali naman ang sinabi niya. Kahit ang mga nurse ay ganoon din naman. Kung naka-graduate ako ng nurse ay tutulungan ko pa rin naman ang lolo niya nang walang kapalit.
“Pag-isipan mong mabuti, Miss Ciara…”
“Opo, Sir Solomon Isaac—”
Bakit ba ang hilig niyang hindi ako patapusin kung magsalita? “Ako ‘yung napapagod sa ‘yo sa pagtawag mo sa buong pangalan ko, Miss Ciara. Just call me Solo.” Tumaas pa ang aking magkabilaang kilay. “Kung ganoon ay tawagin mo na lang akong Ciara.” Sinabayan ko iyon ng ngiti nang mapagtanto kong nakangiti na rin siya sa akin.
“Pero ayos lang ba kung tawagin kitang Sir Solo?” Kinagat niya ang labi niya sandali at animo’y nag-isip. “Just Solo. Hindi mo pa naman tinatanggap ang offer ko sa ‘yo. So, I’m still not your boss…” Umawang lamang ang aking bibig at ngumiti lamang sa kaniya nang laruin ko ang aking daliri.
“Are you free tonight?” Sinikap kong hindi mabigla sa kaniyang tanong nang kurot-kurutin ko na ang daliri ko. “B-bakit po?” tugon ko.
“Gusto ko sanang yayain ka ngayong gabi sa isang dinner. Pasasalamat ko lang kanina sa ginawa mo.” Tago akong ngumiti. Date na ba ito? Hindi na mapigilan ng isip ko ang mag-delusional sa mga nangyayari ngayon. “It's alright if you're not available. Hopefully, we can have dinner at some other time,” sunod niya pa.
“P-palagay ko naman ay wala naman akong gagawin mamaya. Magbabantay lamang ako sa ospital sa lolo ko pagsapit ng mga alas-diyes ng gabi. “Sino ang nagbabantay sa kaniya ngayon?” Binabantayan siya ngayon ni Evan ngayon doon.
“Iyong kaibigan ko po.”
“Wala ka bang kapatid?”
“H-hindi ko po alam. Anak po kasi ako sa labas.” May mali sa akin na sinabi ko pa iyon sa kaniya. Ang pwede ko naman na isagot sa kaniya ay oo lang at hindi, pero mas pinili kong isagot iyong mabibigyan siya ng pagkakataon na laitin ako. Anak sa labas…
“Sorry,” pagpasensiya na.
“Pasensiya na rin po kayo at masyado po akong maraming nasasabi na hindi naman po dapat.” Ngumiti siya muli sa akin at inayos naman ang kaniyang buhok. “Well, anak din ako sa labas.” Napatuwid ako ng upo sa aking narinig.
Bakit niya ito sinasabi sa akin?
“Ikaw pa lang ang nakakaalam nito. So, keep my secret…”
“Bakit niyo po sinabi sa akin? Secret niyo nga po, ‘di ba?” Mas lalo siyang natawa sa aking tanong. Kita ko pa ang maliit na butid ng luha niyang patulo na sa gilid ng mata nito kakatawa. “It’s because I’m comfortable with you, Ciara. You seem nice, and I know you’re trustworthy.” Napuri nanaman ako.
Kakaiba talaga kapag siya mismo ang napuri sa akin. Parang kinikilig na ang buong katawan ko. Agad akong sinampal ng reyalidad nang maisip kong hindi ka pwede kiligin.
Tulad nang sinabi nila sa kaniya ay mabait talaga si Solo. Isa nga raw siya mga rare na lalaki. Mabait, laging nakangiti at higit sa lahat ay sobrang green. Hindi siya pwede sa katulad kong madilim ang nakaraan. Ayokong bahiran ang pangalan niya.
Isang sampal lamang iyon sa akin, dahil niyaya lamang ako mag-dinner ay iniisip ko na agad ang susunod na mangyayari sa aming dalawa. Umiling-iling ako nang marinig ko ang boses niyang tawagin ako. “Ciara?”
“Y-yes po!” Kurap kong sagot.
“Gusto mo ba na makita muna si Lolo? Matutuwa iyon kapag nakita ka niya ngayon.” Tumungo na lamang ako bilang sang-ayon sa gusto niyang mangyari nang tumayo na rin siya. “Bakit po pala wheelchair ang gamit niyo? May sakit po ba kayo?” Dali kong tanong sa kaniya na may bahid ng pag-aalala.
Umiling naman siya at kinuha ang wheelchair saka iyon inilagay sa gilid. Pinagpalit niya ito ng pwesto, kaya ngayon ay ang office chair na ang nasa gitna ng kaniyang mesa.
“Nirarayuma na po kayo?” Napahinto siya sandali at tumingin sa akin. "How old do you believe I am?" Niliitan ko ang aking paningin nang pagmasdan lamang ang kabuuan ng katawan niya. Malaki ang muscles niya na bumabakat sa kaniyang white long sleeves. Maputi ang balat niya na parang papel at mapula ang labi.
Wala pa akong makitang wrinkles sa mukha niya at makapal naman ang kilay niya. Kulay black-brown ang buhok niya na parang pang-korean Idol ang hairstyle, na messy style.
“Twenty-four?” Hula ko.
“Thirty-one,” sabat niya.
Anim na taon ang agwat niya sa akin, pero ang mukha niya ay parang magkasing-edad lamang kami. “A-ano po gamit niyo sa mukha niyo?” Curious kong tanong sa kaniya.
“Soap lang. Let’s go?” Nang makalapit na siya sa akin. Amoy na amoy ko ang napakatapang niyang amoy. Iyong amoy na para ba akong inaakit! Soap lang ang gamit niya pero parang hindi siya nagmukhang maasim kahit isang beses lang sa buhay niya. Samantalang ‘yung sabon ko ay pang hugas ng pwet at pang hugas ko na rin ng mukha.
Pasensiya na kung medyo dukha ako sa part na ito, pero ang mahal kasi ng sabon.
Pinagbuksan niya ako ng pintuan at doon ay nakalabas na kami sa kwarto na kaniyang office pala. “Mellisa, dadalhin ko muna siya kay Lolo. Pakihandaan mo naman kami ng meryenda,” utos niya kay Mellisa nang tumungo naman ito.
“A-ayos lang naman po kung hindi na ako magmeryenda rito.”
“Magagalit si lolo, Ciara. Matutuwa rin iyon na makita ka niya rito. Mas lalong matutuwa iyon kung tatanggapin mo ang sinabi ko sa ‘yo.” Huminga ako ng malalim at agad na tumungo. Lambutin talaga ako pagdating sa mga matatanda. Siguro ay dahil lumaki ako sa lolo at lola ko, kaya naging ganito ako.
Habang naglalakad kami ay nag-iisip na ako. Wala namang nagsasalita sa aming dalawa kaya ay napagdesisyunan ko na. “Sir Solo!” Huminto siya nang tawagin ko ang pangalan niya.
“I told you, Ciara. Just call me Solo—”
“Napayag na po ako na maging nursing assistance ng Sir Del Cantara.”