LUMAPIT sa akin si Trixie sa akin na may halong nakakaasar na ngiti. "Mukhang maagang matatapos ang run natin ngayon, ah." Taas-taas pa ng kaniyang kilay na sabihin iyon sa akin. Napahinga na lamang ako nang sandaling maisip kung ano na kaya ang nangyari sa lolo niya.
"So? Gwapo ba talaga kapag malapitan?" Bulong niyang tanong sa akin kaya napatingin na ako sa kaniya mula sa aking gilid. "At mabango," sagot ko sa kaniya. Dali-dali niya akong hinampas sa aking braso nang sandaling ma-realize niya ang sinabi ko.
"Ang lakas mo talaga, Ciara! Paano mo natutunan 'yun? Parang hindi ko alam 'yung mga pinagsasabi mo kanina. Nurse ka ba?"
"Pangarap ko lang." Napangiti ako nang kahit paano ay nakatulong ako.
Naalala ko noon na gustong-gusto ko talaga makapag-college, ngunit hindi pa talaga kaya ng pera. Iyong kinikita ko sa pagtitinda ng balot noon ay ginagastos ko rin para sa amin ni lola at lolo. Kung yaman ang pag-uusapan ay mayaman talaga kami, hindi nga lang sa pera. Mayaman kami sa pagmamahal... na kahit maliit lamang ang bahay namin at hindi gawa sa bato ay masasabi kong para sa akin ay palasyo na iyon. Iyong mga kapatid ni lolo ay talagang may kaya, ngunit hindi naman kami tinulungan.
Hindi naman sa inaasa ko sa kanila na tulungan nila kami, pero kasi ang lupa na hatian para sa kanilang magkakapatid ay kinuha ni Lola Rita. Ang sabi niya ay mas kailangan daw ng pamilya niya iyon, dahil mag-aaral daw ang anak niya ng kolehiyo. Ang Lola Lenlen ko naman ay siyang may ari ng pira-pirasong bahay.
Kaniya ang lupa at aaminin kong malaki ang bakuran namin kaysa sa bahay namin. May sarili akong kwarto at ipinagpapasalamat ko na kinupkop nila akong mag-asawa.
"Ciara!" Tawag sa akin ni Vee nang madali naman siyang lumapit sa akin at hinaplos ang braso ko. "Ano ang nangyari? Hindi kita malapitan kanina, dahil parang tinutulungan mo sila at naroon ang malalaking mga investors sa paligid ng mga Del Cantara," ani pa niya sa akin.
"Kakain na po sana ako, Ate Vee. Ang kwento po kasi nu'n ay tinawag po ako nu'ng lalaki at nagpakuha po ng tissue. Nang makabalik na ako sa lalaki po ay nakita ko po 'yung lolo at pansin ko na hindi na po siya makahinga kaya in-action-an ko po agad." Mahaba kong kwento sa kaniya na may turo-turo pa ako sa kung saan ko kinuha ang tissue. "Ayoko ko po kasi na matulad po siya sa lolo ko," sunod ko pa.
"Napakabuti mo talagang bata, Ciara." Ngiti niya sa akin at pinalakad na papunta sa mesa. "Kumain na muna kayo, ha? Kakausapin ko lang ang client natin, dahil mukhang nagkakagulo na ang mga guest at wala naman ang celebrant." Tumungo na lamang kami ni Trixie nang mapag-isipan na rin namin na kumuha ng pagkain.
"Hindi ko maintindihan talaga kung bakit sarap na sarap sila sa ganito." Pinagmasdan ko ang kinuha niyang steak. "Madugo pa ito, oh!" Nang hiwain niya pa iyon at ipinakita sa akin. Ang kinuha ko naman sa akin ay manok lamang na prito at ilang mga pagkain din.
Nakakahiya naman kasi na lumamon dito at baka bumakat ang t'yan ko sa fitted dress na ito. "Masarap pala siya," tugon pa ni Trixie nang manguya niya ang hiniwa niyang steak. "Kung ako sa 'yo ay kumuha ka rin ng ganito, Ciara. Masarap pala talaga!" Tumataas-taas pa ang kaniyang kilay.
"Hindi kasi talaga ako mahilig sa ganiyan," sagot ko nang maramdaman kong may humawak sa aking braso. Nang lingunin ko ito ay nakita ko na kung sino iyon.
"H-hello..." Utal kong bati nang pinagmasdan niya ang plato ko at tumungo na rin. "Ciara, mamaya ay mag-usap tayo, ha?" Iyong client namin na si Meliisa.
Matapos naming kumain ay bumalik na muna kami sa pwesto namin. Wala na talagang retouch-retouch na kanina pa kinakainit ng ulo ni Trixie.
"Paano na lang kung may magkagusto sa akin dito? Hindi man lang ako mukhang kaaya-aya, Ciara!" Umirap na lamang ako ng patago nang mapansin kong hindi na marami ang tao sa loob. "Parang kaunti na lang ang bisita," ani ko nang pagmasdan din ni Trixie ang kabuuan ng venue.
"Ay! Parang oo nga." Naniningkit pa ang mga mata niyang pagmasdan ang ilang mga tao na nakaupo pa sa kanilang upuan at nag-uusap. Umalis sa tabi ko si Trixie nang sundan ko ang kaniyang tinitignan. Umayos na rin ako ng tayo at ngumiti agad sa kaniya.
“Ciara!” Bati niya sa akin nang hawakan ang siko ko. “Ayos lang ba na after this run, ay sumama ka muna sa akin?” tanong niya na ikinataas ng aking kilay. “P-po?” Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Ni-hindi ko nga alam kung bakit ako sasama sa kaniya.
“Gusto ka kasi makausap ni Sir. Del Cantara.” Tumaas ang aking dalawang kilay nang mabahiran ng gulat ang mukha ko. “Maayos na po siya ngayon?” Agad kong tanong nang ngumiti naman na siya sa akin.
“He’s fine, but still need to rest.”
“Kung ganoon ay dapat po’y magpahinga na muna siya. Hindi po ata ako makakatulong sa kalagayan niya kung pupunta po ako-”
Hind niya ako pinatapos nang umiling siya sa akin. “You know my job, Ciara. Kung ano ang sinabi ng boss ko ay ayun talaga ang gagawin ko. You must come with me, baka may promotion pa na ibigay sa ‘yo.” Tila napakurap ako sa aking narinig. Kinagat ko ang labi ko nang maisip kong baka nga bigyan ako ng promotion. Kuminang sandali ang mga mata ko at kinagat sandali ang sarili kong labi.
“Anong oras po ba?” Nakita ko kung paano siya natawa sa tanong ko sa kaniya. “Sumabay ka na sa akin mamaya. Bago mag-five, ay tapos na ‘to.” Tinignan ko ang oras sa aking relo nang ilang oras na lang ay mag-aalasingko na rin.
Umalis na si Ma’am Mellisa nang lumapit na agad sa akin si Trixie. “Ano ang sinabi niya? Sinungitan ka ba? Parang biglang-bigla ka kanina, e.” Medyo kunot pa ang noo niya at sundan ng tingin ang likod ni Ma’am Mellisa.
“Sabihin mo sa akin, Ciara? Inaway ka? Gusto mo abangan ko sa labas ‘yan?” Umiling na lamang ako sa kaniya nang magsalita na ako. “Nagsabi lang siya sa akin na gusto raw ako kausapin ni Sir Del Cantara,” sabi ko nang magliwanag ang mata niya.
“Iyong apo?”
“Hindi ko alam. Baka iyong lolo,” sagot ko.
Nakitaan ko siya ng ngiwi sa kaniyang labi. Tumirik din ang kaniyang mata na para bang hindi siya natuwa sa sinabi ko. “Dapat iyong apo, Ciara! Kung ako sa ‘yo ay magpaganda ka! Matanda na iyong lolo ni Solomon Isaac Del Cantara, dai! Doon ko na sa natayo pa ang Amen niya!” Napapikit ako nang bigkasin niya iyon.
“Ew… gano’n talaga ang mga cheap, ano? I told you, Ciara. Ibubugaw ka lang n’yan.” Daan ni Che-Che and friends na silang kakain naman ngayon. “Pa-ew-ew ka pa r’yan. Sampalin kita, e!” Tila amba ni Trixie nang tumaray lamang si Che at agad na patuloy maglakad.
“Alam mo, Ciara? Hindi ko na maintindihan sa babaeng iyon kung ano ang problema niya.” Pinakalma ko siya nang sumabat pa rin siya sa akin. “Para bang hindi kumpleto ang araw niya kung hindi niya ako lalaitin,” sunod niya pa.
“Kumalma ka muna, Trixie. Baka ganoon na talaga ang ugali niya.”
“Baka nga.”
Sang-ayon sa akin ni Trixie nang sa ilang oras pa na-duty namin at pag-asikaso sa ibang mga guest ay natapos na rin ang event na ito ngayon. “Tara na!” Yaya na sa akin ni Trixie nang umiling pa ako. Gusto ko kasi muna tulungan na mag-ayos ang mga natirang tao rito sa loob. Alam kong hindi ko na ito trabaho pero alam kong may pamilya rin na naghihintay sa kanila at pagod na rin sila. Kung tutulungan ko sila ngayon ay hindi naman ako magkakaroon ng problema, hindi ba?
“Nako! Huwag mo na akong tulungan, Miss!” ani ng matandang babae na nakuha ng ilang kalat sa mesa. “Hayaan niyo na po ako tumulong.” Pilit ko sa kaniya nang tila tignan niya ang kabuuan ng katawan ko.
“Ang ganda mong dalaga. Sigurado ako na napaka-swerte ng magiging boy friend mo,” wika niya sa akin nang ngumiti lamang ako sa kaniya at tulungan na siyang maglinis. “Ciara!” sigaw ni Trixie nang makalapit na siya sa akin.
“What are you doing?” sunod niya pang tanong sa akin kahit alam naman niya kung ano ang ginagawa ko. “Natulong ako, Trixie. Gusto mo rin ba tumulong?” tanong ko sa kaniya nang bumaling ang mata niya sa matandang babae na kasama kong mag-ayos sa mesa. “Ang ganda rin ng kaibigan mo, Miss.” Puri niya kay Trixie nang umiwas lamang si Trixie ng tingin sa matanda at agad kong napansin ang maliit niyang ngiti.
“I actually not that kind, pero gusto ko kayo tulungan,” sambit niya sa matandang babae. Alam ko naman kung bakit siya tutulong ngayon sa amin. Pakiramdam ko ay madali lang naman siya kilalanin. Lumapit siya sa matanda at agad naman na kinuha ang isang upuan at inalisan iyon ng punda. “Totoo po bang maganda ako?” rinig ko pang tanong niya sa matanda na ikinatawa ko.
“Abay, oo! Gandang-ganda kami sa inyo kanina. Mas naiiba ang ganda niyong dalawa sa tatlo niyo pang kasama.” Animo’y umayos ng tayo si Trixie at humarap lalo sa matanda. “Iyong mahaba rin ang buhok? Iyong mapanga ng kaunti at may pagka-morena ang kulay?” Sunod-sunod niyang tanong sa matanda.
“Iyon nga! Nasusungitan ako roon, Miss. Kaibigan niyo ba iyon?” Agad umiling si Trixie sa matanda. “Best friend niya po iyon,” sagot ko naman at itinuro pa si Trixie.
“Pasensiya na po, Miss!” Tila nakitaan ko ng gulat ang matanda nang umiling-iling si Trixie. “Hindi ko po iyon kaibigan! Kung hindi nga lang po ako pinipigilan ng babaeng ito ay matagal ko na po iyong sinampal ng lamesa.” May gigil pa sa kaniyang boses nang sabihin niya iyon.
Pakiramdam ko kasi ay nagseselos si Che kay Trixie, hindi ko alam kung paano sila nagkakilala pero ramdam ko ang alitan nilang dalawa na para bang matagal na silang magkakilala.
Pinagmamasdan ko lamang si Trixie na I-backstabbed si Che sa matandang babae na ito ngayon, habang nag-aalis kami ng punda sa ilang upuan at mesa. Natatawa na lamang ako kapag may sinasabi siyang kakaiba. “Ang sabi niya pa sa akin ay nakakahiya raw ako. E, mas nahihiya nga po ako kasi hindi siya mukhang babae! Mukha siyang lalaki!” Marami pa siyang sinabi na kakaiba at hinayaan ko na lamang siya.
Nang matapos kami sa ilang mesa ay agad kaming pinasalamatan ng matandang babae.
“Napakabait niyo talagang dalawa. Bilang ganti ay huhulaan ko na lamang kayo,” sambit niya nang kunin niya ang kamay ni Trixie at pinagmasdan ang palad nito. “Uhmm… mukhang mahihirapan ka sa pag-ibig. Nakikita ko sa palad mo na hindi mo kayang bitawan ang pera para sa pag-ibig.” Saka niya tinapik ang palad ni Trixie na tahimik lamang at pinagmamasdan ang sariling palad.
“Huwag mong sasambahin ang pera, Miss. Iyon lang ang mapapayo ko sa ‘yo,” wika pa ng matanda at agad naman na lumapit sa akin. “Akin na ang palad mo.” Natatakot ako na ibigay iyon sa kaniya at baka na mabasa niya ang napakadilim kong kasalanan.
“Mukhang magsisimula ang swerte mo ngayong araw, Miss. May taong dumating sa buhay mo na tanggap ka.” Kumurap-kurap pa ako sandali at tila aalisin na ang kamay ko nang higpitan niya iyon muli at animo’y may binabasa sa palad ko. “Ngunit hindi mo tanggap ang sarili mo,” sunod niya.
Saka niya binitawan ang kamay ko at agad naman na iyong itinago sa likod ko. Inilipat ko ang tingin kay Trixie na tinititigan lamang ang palad niya. “Paano niyo nababasa ang palad?” tanong iyon ni Trixie nang hindi nakatingin sa matanda.
Imbis na sagutin pa niya kami ay agad na naming narinig ang tawag ng isang babae sa pangalan ko.
“Ciara!” Sa mahinhin na boses ay napalingon na kaming dalawa ni Trixie. “Let’s go, na?” Tango niya pang sabi nang tumungo na lamang ako bilang sang-ayon. “Mauuna na rin po kami. Maraming salamat po sa hula niyo sa aming dalawa ng kaibigan ko.” Ngumiti lamang ito sa amin at nagsimula na lamang mag-ayos pa ng ilang mga upuan at mesa.
“Ang babait niyo naman at tinulungan niyo sila.” Si Miss Mellisa na pinuri kami nang makarating kami sa kinaroroonan niya. “Itong si Ciara, Ma’am, ang mabait talaga. Totoo talaga na kapag mabait ang kasama mo ay maiimpluwensiyahan ka na rin ng kabaitan,” ani pa ni Trixie nang banggain ko siya.
Nang makarating na rin kami sa kwarto para magbihis ay hinila ako ni Trixie sa loob ng banyo. Wala na roon ang mga babae na kasama namin tulad ni Che at ang iba niyang kaibigan. Tanging gamit lang talaga namin ang natira. “T-teka lang, Trixie!” Nang ayusin niya ang damit ko.
“May pakiramdam talaga ako na hindi si lolo ang gusto ka makita, Ciara.” Naniningkit pa ang mata niya. “Kailangan mo ng maayos na suot,” sunod niya nang may ibigay siyang dress mula sa kaniyang maleta na dala sa loob ng banyo.
“Bakit ganito?” Kunot ang noo kong pagmasdan ang kabuuan ng dress. Halos kitang-kita na ang dibdib ko, dahil sa sobrang haba ng linya sa gitna. “Magandang dress ‘yan!” Saway niya pa sa akin nang pilitin niya akong suotin iyon.
“Ang laswa nito, e!”
“Anong malaswa? Hindi ‘yan malaswa!”
Malaswa talaga siya sa totoo lang at hindi ko alam kung paano ako haharap kay Sir Del Cantara kung ganito ang suot ko. “Hindi ko talaga kaya suotin ‘to.” Nasapo niya ang kaniyang noo nang may lumabas na hangin sa kaniyang bibig.
“Okay, fine. Ito na lang.” At may inilabas nanaman na damit at pants.” Demin pants iyon na highwaist ngunit ang damit ay maikli at hapit. Dahil maayos naman na ito sa akin ay sinuot ko na iyon. Tinulungan niya ako at nang makita ko sa salamin ang nakasulat na tatak sa gitna ng damit ko ay nanlaki ang mga mata ko.
Lick me!
“Ano ‘to? Ayoko nito-” Hindi ko man na iyon natapos sabihin nang pumasok na si Ma’am Mellisa sa kwarto at agad na sumilip sa banyo. “Oh! Ready ka na pala! Tara na!” Hila niya pa sa akin palabas ng banyo. Kinuha ko ang bag ko na aking dala-dala at naiwan na lamang si Trixie sa loob.
“Ingat po kayo! Dito po muna ako mag-selfie lang po ako at alis na rin ako. Ibalik mo ‘yang damit ko, Ciara, ah!” Turo niya pa sa akin nang makalabas na rin kaming dalawa ni Ma’am Mellisa ng kwarto. Nahihiya man akong tignan ang kasuotan ko nang ngitian lang ako ni Ma’am Mellisa.
“Don’t be nervous, Ciara.” Ngumiti lang ako sa kaniya nang pakalmahin niya ako. Ni-hindi ko nga alam kung appropiate pa itong suot ko. “S-saan nga po pala tayo pupunta?” Agad kong tanong sa kaniya nang makalabas kami ng elevator at tumungo na sa sasakyan na kulay itim.
“Sa mansyon ng Del Cantara,” sagot niya nang papasukin niya na ako sa loob ng sasakyan. Halos hindi ko na alam kung paano ko ba itatago itong naka-print sa damit na ito. Ayoko naman na mabastusan sa akin si Sir Del Cantara, at isipin na wala akong selfrespect bilang babae.
Sa ilang minuto na byahe ay bumungad na agad sa akin ang isang malaking gate na kulay kahel at agad naman na umikot sa may malaking fountain sa gitna.
Agad kong nakita ang isang anghel na bata at nalabas ang tubig sa kaniyang… pututoy.
“Tara na?” Kung hindi pa nagsalita si Ma’am Mellisa ay marami na akong masasabi sa nakita ko. Ngayon pa lang kasi ako nakakita ng ganoon at wala namang may fountain sa amin na ganoon ang style. Binuksan ko ang pinto nang bumungad agad sa akin ang malaking pinto na dalawahan.
Naunang maglakad sa akin si Ma’am Mellisa nang sumunod na lamang ako sa kaniyang likod. Binuksan niya ang isang pintuan at nanlaki ang mga mata ko nang makapasok ako. Ramdam ko agad ang lamig sa aking mukha.
Ang bahay na ito ay para bang nakita ko na sa mga princess movies. Iyong may malaking chandelier sa gitna at iyong dalawang hagdan sa magkabilaan ng kanto ng bahay nila. Ang tanging nagawa ko na lamang ay lumunok ng aking laway.
Ganito sila kayaman!
“Maupo ka na muna rito at kakausapin ko muna si Sir Del Cantara.” Tumungo lamang ako nang makaupo ako sa malaking sala nila. Wala silang TV, at ang tanging makikita mo lang ay ang malaking lamesa at mahahabang upuan na para bang ang may ari ay ang mga royal blood. Baka naman royal blood sila? Maraming natakbo sa aking isipan, habang nililibot ko ng tingin ang sala na ito.
Sa ilang minuto pa ay narinig ko na si Ma’am Mellisa na tinatawag ako. Madali akong tumayo at lumapit na sa kaniya. “Ready ka na ba? Mabait naman siya. Kakatapos lang niya kasi magpahinga, dahil sa nangyari kanina.” Paliwanag sa akin ni Ma’am Mellisa.
Doon ko napagtanto kung sino ang Del Cantara ang makikita ko ngayon.
Binuksan niya ang isang pintuan at doon na ako tinunguhan. Nagtataka ako kung bakit ako lang ang papasok kaya huminto ako sa paglalakad. “Hindi po kayo sasama?” Agad kong tanong sa kaniya nang umiling siya sa akin.
“Confidencial ang pag-uusapan niyo. Saka ikaw lang naman ang sinabihan niya na kakausapin niya.” Sa mga sandaling iyon ay natakot ako. Nasagi sa isip ko na baka may mali akong nagawa sa pagtulong sa kaniya kanina kaya mas lalong lumala ang sakit niya. Kabadong-kabado ako nang makapasok na ako sa loob ng kwarto.
Sa isang malaking mesa sa gitna at ang palibot nito ay mga bookshelves. Inilibot ko ng tingin ang kabuuan ng kwarto nang mapansin ko lamang ang isang wheelchair sa likod ng mesa.
“H-hello, po…” bigkas ko.
Naawa ako sandali sa matanda nang mapagtanto kong kahit may nangyari na sa kaniya ay nagagawa niya pa rin magtrabaho. “D-dapat po ay nagpapahinga na po kayo, Sir.” Hindi pa rin naharap ang matanda sa akin at nakatalikod lamang itong nakaharap sa kaniyang bintana.
“Retreat!” Nagulat ako nang marinig ko ang sigaw niya. Parang bata pa ang boses niya at hindi na parang pang matanda. Sandali lamang nang umikot ang wheelchair at doon nanlaki ang mga mata ko. “Ohh!!” Gulat niyang sigaw nang makita niya ako.
Agad niyang ibinaba ang cell phone nito at kumurap-kurap sandali. Inayos niya ang kaniyang damit at nang sandaling tumayo siya ay para na siyang naging cool muli. “N-nice to meet you, Miss Ciara Amando.” Lahad niya ng kamay sa akin.
Sa isip-isip ko ay parang sasabog na ang dibdib ko sa kaba. Kilala niya ako! Alam niya ang buong pangalan ko! Maraming natakbong salita sa isip ko nang sandaling bumalik ako sa reyalidad nang magsalita siya muli.
“Please, have a seat!” Turo niya sa upuan na nasa tapat ng kaniyang mahabang lamesa. Agad kong iniwas ang tingin ko sa kaniya. Hindi ko kayang tignan ang napakaamo niyang mukha. “I apologize for sending you here unexpectedly,” ani niya.
Hindi pa rin ako makatingin sa kaniya ng maayos kaya tumungo lamang ako, habang ang tingin ko ay nasa bookshelves at hindi sa kaniya.
“I'd like to express my sincere appreciation for what you done earlier to my grandfather,” sunod niya pa sa akin. “G-ginawa ko lang po ang tama, Sir.” Hindi pa rin ako nakatingin sa kaniya.
“Look at me, I don't eat humans.” Lumunok ako nang sabihin niya iyon. Humarap ako sa kaniya, maging ang pag-upo ko ay inayos ko para lang makaharap sa kaniya ng maayos. Kagat-kagat ko ang aking labi nang makita ko ang mukha niya.
Oh, Lord! Sobrang gwapo niya! Para siyang angel na may dimple!
Ngunit sandali lamang nang bumaba ang tingin niya sa dibdib ko at doon ko na-realize kung ano nga pala ang nakasulat doon.
“S-sa kaibigan ko po itong damit na ‘to-” Ngunit bigla na lamang siyang nagsalita kaya hindi ko na iyon natapos.
“I have a proposal for you, Miss Ciara.” Proposal? Parang titirik ang mga mata ko sa aking narinig! “P-pero… ngayon pa lang po tayo nagkakilala-” Hindi nanaman iyon natapos nang magsalita siya muli.
“I'd like to hire you as my grandfather's nursing assistance.”