HABANG inaayusan ako ng isang babae sa aking mukha ay narinig ko na agad ang boses ni Trixie. "Magandang umaga!" Maligalig niyang lakad at may dala-dala pang kape para sa amin.
"Ang bait mo naman, Trixie." Iyong babaeng kasama namin sa run na ito. "Kakasahod ko lang kasi," ani naman niya at agad na lumapit sa akin. Inilapag niya ang kakaibang inumin malapit sa may mga makeup set. "Hindi ka nainom ng kape, 'di ba?" Ngiti niya pang tanong sa akin at agad naman akong kinindatan.
"Hindi mo kasama si nurse?" Luminga-linga siya sa loob ng kwarto na ito. Narito kasi kami ngayon sa hotel na kung saan ay sa lounge ng hotel na ito gaganapin ang run. "H-hindi," tipid kong sagot nang lagyan ng babae ang labi ko ng lipstick. "Hayaan mo na at magkikita pa naman kaming dalawa. Sana ay tanggap mo kami kung sakaling sagutin ko siya." Hawak niya pa sa kaniyang dibdib.
Kumunot ang noo kong pagmasdan siya, ngunit imbis na magsalita pa ay hinayaan ko na lamang siya. Wala na rin naman akong mapapala kung sagutin ko siya sa mga iniisip niya. Tinignan ko na lamang ang ibinigay niyang frappe at kinuha iyon.
"Salamat sa frappe, Trixie. Matapos lang ibigay sa akin ang talent fee ko ay babayaran ko 'to-"
"No! It's my treat, silly! Hindi ko naman sinabi na bayaran mo iyan. Lahat kayo ay binigyan ko." Taas-taas pa niyang kilay sa akin nang umupo na rin siya sa tabi ko. "Tapos na ikaw sa hair and makeup. Magbihis ka na lang ng uniform niyo," ani ng babaeng nag-aayos sa akin nang tapikin niya ang balikat ko.
"Maraming salamat po," pasalamat ko nang tumayo na ako at tila humikab sandali. Ramdam ko ang antok sa aking katawan, dahil hindi sapat ang tulog ko. Habang naglalakad patungo sa banyo ay narinig ko na ang ibang mga babaeng nag-uusap. "Kilala mo ba iyong babae na maganda?" Pinakikinggan ko na lamang ang usapin nila, habang hinahanap ang pangalan sa puting tape na nakadikit sa plastic ng uniform namin.
"Marami tayong magaganda rito, bes!"
"Iyong Trixie!" Medyo lumakas ang boses niya nang lumingon na ako sa kanila. Nakita ko naman kung paano ako nakita ng isang babae na kausap niya kaya hinampas niya ang braso ng kaibigan niyang nagbigkas ng pangalan ni Trixie. "Hinaan mo naman ang boses mo," saway niya sa kaibigan.
"Hayaan mo siya! Kahit nga siya ay hindi niya pinapansin iyong si Trixie. Alam mo kung bakit? Kasi nago-onlyfans siya, bes! Isipin mo 'yun? Disente pa ba siyang babae," bulaslas niya nang umayos na ako ng tayo at magsimulang maglakad na rin patungo sa kanila, dahil nakita ko na ang pangalan ko. Dala-dala ko ang uniform ko nang makapasok na rin ako sa loob.
Parehas silang dalawa na tumahimik.
Nginitian ko na lamang sila nang tila hindi ko na alam kung maghuhubad na ba ako sa harapan nila. Naka-red dress kami at wedge, habang straight naman ang ayos ng buhok namin. Wala na akong choice nang hubarin ko na lamang ang suot kong bathrobe na puti. Bumungad sa kanilang harapan ang push-up bra ko at ang aking high waist panty short na kulay itim.
"Ang ganda ng katawan mo." Nahinto ako sandali nang puriin ng babae ang katawan ko. Ngumiti lang ako muli nang suriin ko rin ang kaniyang katawan. "Maganda rin ang katawan mo," puri ko rin.
"Kung ganito lang sana kahinhin si Trixie ay paniguradong maganda siya. Ang kaso ay hindi na mangyayari iyon. Ang babaeng binibenta ang katawan ay hindi dapat nirerespeto." Iling-iling pa niya. Gumalaw ang aking panga nang marinig ko iyon. Iniisip ko kung paano nila naiisip na magsalita ng isang bagay na hindi naman nila alam kung ano ang pinagmulan at ano ang dahilan. "Mabait naman siya," sabat ko.
Tila nabigla sila nang sabihin ko iyon matapos kong masuot ang dress sa katawan ko.
"Binilhan niya nga tayo ng inumin," sunod ko pa. Pinagmasan ko ang sarili ko sa salamin, habang sinasabi ko iyon sa kanila. "Dahil lang sa inumin ay masasabi mo na mabait na siya? Mag-iingat sa mga sinasabi mo, bi! Mahirap magtiwala sa kaniya at mamaya ay ibugaw ka n'yan." Pumikit ako ng mariin nang tila hindi ko na maintindihan kung ano ba ang gusto niyang palabasin.
"'Wag ka sanang magagalit sa akin kung magsasabi ako ng totoo." Humarap na ako sa kaniya. "Palagay ko ay mabait siya at totoo. Hindi nagbabalatkayo at natanggap ng libre mula sa mga taong naninira sa kaniya kapag nakatalikod." Malakas ang loob ko ngayon sa harap nila. Alam ko naman kasi kung kailan tatahimik ang bunganga ko. Palagay ko ay ito naman talaga ang tama kong sabihin. Wala naman kasi talaga silang alam sa buhay ni Trixie at hindi naman ako papayag na may lalaitin na tao sa harapan ko na nakikitaan ko naman ng kabaitan.
"Baka katulad ka niya kaya mo siya pinagtatanggol?" Lumapit sa akin ang isang babae na siyang naninirang puri kay Trixie. "Che-che!" Pigil sa kaniya ng kaibigan niya.
"Alam mo? Ikaw na nga ang pinagbabalaan sa babaeng iyon pero ikaw pa 'tong malakas ang loob. Akala mo naman ay matagal ka na sa pagra-raket! Wala kang alam sa mundong pinasok mo. Pasalamat ka nga ay kinuha ka kahit wala kang experience." Tumabingi pa ang kaniyang ulo nang sabihin pa iyon sa akin. "Che, ano ba?!" Saway na lalo sa kaniya at hawakan na ang braso nito.
"Relax, girls!" Napatingin kami sa gilid nang makita namin si Trixie na hawak-hawak na ang kaniyang uniform. "Kung mag-away kayo ay parang wala ako rito." Turo niya pa sa sarili niya at naglakad na agad patungo sa akin. "Ikaw naman, Che. Umayos ka naman sa pagsasalita mo. Hindi naman katawan mo ang pinapakita ko sa media para mag-inarte ka d'yan." Tila natawa ako kay Trixie sa kaniyang sinabi kay Che.
"At utang na loob, Che. Ang tanda mo na! Para kang kapitbahay namin na kuda nang kuda. Iluwa mo nga 'yang binigay kong kape sa 'yo! Sayang ang two-hundred pesos ko sa 'yo!" Animo'y lalapit na lalo si Trixie kay Che nang hawakan ko na ang braso nito.
"Kumalma ka lang, Trixie." Mahinhin kong wika sa kaniya nang ngumuso siya. "Akala mo naman sobrang ganda mo. Malaki lang naman dede mo!" Diin niya pang bigkas kay Che-che nang kumunot ang noo nito. "At least, ako hindi ko binibenta ang katawan ko! Hindi tulad mo na kulang na lang ay ikiskis ang pekpek mo sa screen mo!" Hindi ko nagustuhan ang sinabi niya na iyon kay Trixie, dahil masyado na iyong masakit para sa isang babae.
"Ikaw nga mukhang pekpek 'yang mukha mo. 'Wag na 'wag kang mag-selfie, dahil 'yang mukha mo ay walang-wala sa pekpek ko. Makinis at walang pores! Hindi tulad ng mukha mo na kailangan pa ng foundation para kuminis!" Habang nagsasalita si Trixie ay hindi ko mapigilan matawa sa mga pinagsasabi niya. Kailanman ay hindi pa ako masyadong nagkaroon ng babaeng kaibigan na ganito ang tabas ng bunganga.
"May nangyayari ba?" Lahat kami ay natahimik nang sumilip si Vee. "Kanina pa ako may naririnig na pekpek. Kaninong pekpek ba ang pinag-uusapan dito?" Pumasok na rin siya sa loob at pagmasdan kaming lahat. "Wala naman po, Miss Vee. Si Che-che kasi ay nagtatanong kung paano raw kikinis ang mukha niya. Nagseselos po kasi sa pekpek kong dinaig pa ang nag-sunscreen araw-araw." Pinanlakihan niya pa iyon ng mata nang sabihin niya iyon sa harapan ni Che.
"Tama na iyan. Magbihis ka na, Trixie. One hour na lang ay dapat nasa ibaba na tayo." Huling sabi ni Vee at agad na rin naman na nawala sa may pintuan ng banyo. "Hind pa tayo tapos, Slutbag," ani ni Che-che.
"Try me, sad girl." Maangas sa sabat ni Trixie nang hinila na lamang si Che-che ng kaibigan niya. Nang makalabas na ang dalawa ay agad na humarap sa akin si Trixie na nakangiti. "Hooo! Grabe, ano? Ang hirap talaga makipaglaban sa mga ganoon na babae." Saka siya naglakad patungo sa gilid at inihubad na ang kaniyang robe. Nakatingin lamang din siya sa akin habang inisusuot ang dress nito. "Salamat nga pala, Ciara. You know, I can't do this without you." Napaisip ako sandali, dahil wala naman akong naitulong sa kaniya sa labanan nilang dalawa.
"Ano naman ang nagawa ko?"
"Iyong kahit paano ay pinagtanggol mo ako!"
"Ayoko kasi na nilalait nila ang isang bagay na hindi naman nila alam kung ano ang pinagmulan," sagot ko nang tulungan ko siyang i-zipper ang likod ng dress. "Well, totoo naman. Salamat pa rin, Ciara." Tinapik ko lamang ang likod niya upang sabihin na tapos na ang pag-zipper ko.
"So? Friends na tayo?" Nang ilahad niya sa akin ang kaniyang kamay. Pinagmasdan ko pa iyon nag-iisip kung tatanggapin ko ba iyon. Ngunit sa mga sandaling ito ay gumaan ang loob ko sa kaniya kaya tinanggap ko na iyon. "Oo naman." Ang akala ko ay bibitawan niya na ang kamay ko, ngunit hindi.
Hinila niya ako at mabilis na niyakap.
"Yes! May girl friend na ako! Oh, my gosh!" Nagtatalon-talon pa siya, habang ako ay naiipit na sa dede niyang malaki. "S-saglit..." pigil ko nang mapansin niyang hindi na ako masyadong makahinga sa pinaggagawa niya nang mabilis na siyang kumalas sa pagkakayakap sa akin. "Sorry!" Dalawang kamay niyang animo'y nag-highfive pa sa akin.
"Wala ka bang kaibigan?" tanong ko sa kaniya nang ayusin ko ang buhok ko na nagulo ng kaunti, dahil sa pagyakap niya. "Wala akong totoong kaibigan talaga. Iyong pagtatanggol ako kahit wala ako sa tabi niya. Hindi naman ako pinagtanggol ng mga tinuri kong kaibigan noon. Tinuri kasi nila akong kalaban, e." Ngisi niya pa nang pagpagin niya ang dress na kaniyang suot-suot.
Nang malabas na kami ay ni-retouch nanaman ang buhok namin at pinisikan ng spray.
Nang magsimula na ang event ay may kanya-kanya kaming pwesto sa loob ng lounge. Halos malaking event nga ito ay may nakalagay na malaking seventy number na standee na kulay gold sa stage. Sa briefing namin ay sinabi na sa amin kung ano ang project na ito. Birthday ito ng lolo ng C.E.O of Del Cantara Group. Nakalimutan ko ang pangalan ng C.E.O, pero sa pagkakatanda ko ay may Isaac iyon na pangalan.
Ang gagawin lamang dito ay nakatayo lang at mag-assist ng ibang guest. Tamang turo lang ng daan at tatayo lamang sa gilid. Magpapaganda sa mga guest na pupunta at kung kausapin man kami ay sasagot lang. Madali lang naman ang trabaho na ito para sa akin kaya naman gagalingan ko kahit ang gagawin ko lang ay tumayo.
Sa pagdaan ng oras ay isa lang ang masasabi ko. Hindi pala madali ang trabaho na ito! Ang sakit ng paa ko! Para na akong tinutusok-tusok at ang lamig! Iyong tipong ang sakit na ng ilong ko sa lamig, habang para na akong natatae sa kilabot ng balat ko. Ngunit sandali lamang nang agad pumitik si Vee at agad na kaming umayos ng tayo.
Lahat na ata ng mga narito sa loob ay nakatingin na rin sa entrance. Sandali lamang nang agad bumungad doon ang ilang mga naka-American suit na lalaki. Nakita ko na agad kung sino ang may birthday. Isang matandang lalaki na naka-American suit din at nakaupo sa kaniyang wheelchair habang tulak-tulak ng isang babaeng nakasuot ng scrub suit.
Ngunit tila tumama ang mata ko sa kasunod nitong lalaki. Naka-white polo long sleeve at black slacks, habang ang sapatos niyang kulay brown na oxford style. Hindi mawala ang tingin ko sa kaniya at animo'y nadamay na rin sa kaniyang ngiti.
Malaki ang ngiti niyang makipagkamayan sa mga nadadanan niyang mga tao. Mukha siyang mabait at halatang napalaki sa gintong kutsara. "Laway mo." Nagulat na lamang ako nang marinig ko ang boses ni Trixie na nasa gilid ko na ngayon.
"Bakit narito ka? Baka mamaya ay sitahin ka ni Miss Vee," wika ko nang umiling lamang siya. "Hindi ko makita 'yung apo. Ang sabi nila kasi ay gwapo..." bulong pa niya sa akin. "Gwapo nga, Ciara. Kaso ang nasa puso ko na ay ang nurse na kasama mo." Tumaas na lamang ang dalawang kilay ko sa sinabi niya.
"Bumalik ka na pwesto mo, Trixie. Baka makita ka ni Miss Vee." Mabuti na lang talaga at sumunod naman siya sa sinabi ko nang bumalik na siya sa pwesto niyang hindi naman kalayuan sa akin. Nasa unahan na ngayon ang apo at ang kaniyang lolo na napapaligiran na ngayon ng ilang mga kaibigan nito. Sa ilang minuto pa ang nakalipas ay nakita ko na ang apo sa stage at hawak-hawak ang isang mic.
"Good day, everyone! I'm glad that you make it here on grandpa's seventieth birthday. We're sorry that we're late for about an hour." Marami pa siyang sinabi habang nakangiti. "Ngiting-ngiti, ah..." Napalingon naman ako sa aking gilid nang makita ko nanaman si Trixie. "Baka matunaw 'yan, Ciara. Marami ka kaagaw d'yan sa bebe crush mo." Tila namula ang pisngi ko nang bigkasin niya ang bebe crush.
"Hindi ko siya crush, ah!" Mahina kong tugon sa kaniya ngunit nginitian niya lamang ako. "Ano 'yun? E, bakit ka namumula?" Tinakpan ko ng aking palad ang pisngi ko't umiling naman sa kaniya. "B-bumalik ka nga roon!" Humalakhak lamang siya at tila binigyan ako ng tingin na para bang nang aasar.
Nang matapos na siyang magsalita ay ibinigay niya na ang mic sa isang babae na siyang host ng event na ito."Thank you so much, Sir Solomon Isaac Del Cantara, our attractive C.E.O of Del Cantara Group!" Solomon Isaac Del Cantara... ang ganda ng pangalan niya. Pangalan pa lang ay parang ang hirap na abutin. "Balita ko ay wala raw siyang girl friend." Pumikit ang mga mata ko nang alam ko na kung sino nanaman ang nasa tabi ko.
"Oo na. Babalik na ako sa pwesto ko." Hindi pa man ako nakakapagsalita ay sinabi niya na iyon. Huminga na lamang ako ng malalim at pinanood na lamang sila na kumain at magkwentuhan. "Ciara! Lunch break muna kayo for thirty minutes," ani ni Vee nang lumapit siya sa akin.
"Sabihan ko lang din si Trixie para may kasama ka sa table." Turo niya pa sa likod ng table na hindi masyadong pansinin ng mga tao. Kaya naman habang naglalakad ako patungo sa table ay tila madadaan ko muna ang ilang mga grupong lalaki na nakatayo at may hawak na baso sa kanilang mga kamay.
"Miss!" Tawag sa akin ng isang lalaki kaya lumingon sa akin ang ilan na lalaki. Doon ko napansin kung sino ang mga naroon. Si Solomon Isaac at ang lolo niya na may kausap, habang napapalibutan ito ng ilang mga lalaki. "Y-yes, po?" Ngumiti na muna ito sa akin at agad na binulungan.
"Can you grab me some napkins, please?" Tumungo naman ako nang bumalik ako sa nilakaran ko kanina kaya nakasalubong ko na si Trixie. "Oh? Saan ka pupunta?" Tanong niya sa akin.
"Pinakukuha kasi ako ng napkins ni Sir." Turo ko sa lalaking nakatayo. Humalakhak naman siya sandali at agad naman na nagsalita. "Sana tinanong mo kung, with wings o wala." Hindi ko alam kung ano ba ang nasa isip niya at puro kalokohan na lamang ang nasasabi niya. Umiling na lamang ako nang maglakad na patungo sa isang table at doon kumuha ng napkin.
Nang makabalik na ako ay agad ko naman na kinausap ang lalaki para sa kaniyang hinihinging napkin nang makisuyo rin ang isang lalaki. Ngunit tila dumapo ang tingin ko kay Solomon at agad napansin ang kaniyang lolo. Hinahawakan niya ang kaniyang batok at tila dahan-dahan na hinihimas ang kaniyang dibdib.
Marami ang nakausap sa kaniya at hindi niya alam kung sino ba ang pakikinggan niya. Tinignan ko siya ng klaro at doon ko napansin na may butil na ng pawis ang noo niya at para na siyang hindi mapakali. "Sandali lang po, Sir..." ani ko sa lalaking inutas ako nang lumapit ako sa matanda.
"Excuse me? Lady?" Hindi ko pinansin ang lalaking nagsasalita nang humarap na ako sa lolo niyang tinitignan na ako. May nangyayari na nga sa kaniya na hindi napapansin ng mga taong nakapaligid sa kaniya. "Are you?" Lumipat ang tingin ko kay Solomon nang tanungin niya ako. "Pwede po ba kayo tumawag ng medic? May nurse po ba si Sir?" Agad sumeryoso ang mukha niya nang tanungin ko siya.
Tila may narinig na ako agad na bulungan at animo'y lalapitan na ang lolo ni Solomon nang harangan ko na ito. "Hello po! Ayos lang po na bigyan po muna natin ng space si Sir? Kailangan niya po kasi talaga ng space..." Naningkit ang mga mata nila sa akin na para bang tinatanong kung sino ako. "Luigi, where's Ate Silva?" Medyo lumakas na ang boses ni Solomon nang tawagin niya ang isang lalaki na malapit lang sa kaniya.
"Nakita ko po na nakain, Sir. Tawagin ko po." Tumango agad si Solomon nang lumapit sa kaniyang lolo at agad na tinanong. "Lolo? Ayos lang po ba kayo-" Hindi niya natapos ang itatanong niya nang pinaurong ko ito. Nagulat naman siya sa ginawa ko at hindi na siya binigyan pa ng tingin nang lumuhod na ako sa lolo niya.
"Ayos lang po ba kung alisin natin ang necktie mo po at ang suit niyo po?" Pumikit lamang ang lool ni Solomon nang para bang nahihirapan na ito huminga. "Sir. Solomon, patulong naman sa pagtanggal ng suit at ako naman po sa tie." Tumango naman siya sa akin nang gawin namin iyon at agad kong inalisan ng butones ang kaniyang white polo.
Agad dumating ang kaniyang nurse at lumapit na sa amin.
"May dala po kayong aspirin?" Madali kong tanong sa nurse na may kinukuha na sa kaniyang bag. "Mayroon po!" Animo'y natataranta niyang sagot sa akin. "Allergy po ba siya sa aspirin?" sunod kong tanong sa kaniya nang sumagot na rin naman ito. "Hindi po! Ito po!" saka niya ibinigay sa akin.
Tinanggap ko iyon saka ko iyon inilagay sa bunganga ng lolo ni Solomon. "Nguyain niyo lamang po. Dahan-dahan lang po..." mahinhin kong paalala sa kaniya. Kita ko ang paluluha ng mga mata ng lolo ni Solomon. Kinagat ko ang aking labi nang maalala ko ang lolo ko nang mangyari ito sa kaniya. "Magiging maayos lang po kayo. Pisilin niyo po ang kamay ko kung sobrang sikip na po ng dibdib niyo." Nasa ibabaw ng palad niya ang kamay ko mula sa gilid ng wheelchair niya.
Pinagmasdan niya ako nang dahan-dahan niyang i-tap ang kamay ko.
"Ate, mas mabuti na dalhin niyo po siya sa mas makakapagpahinga siya," sabi ko sa nurse na ngayon ay natungo-tungo naman sa akin. Tumungo ang tingin ko kay Solomon na seryoso ang tingin sa akin habang hawak-hawak niya ang magkabilaang braso ng kaniyang lolo na may takot sa mga mata niya. Ngumiti lamang ako ng tipid sa kaniya at agad na pinasadahan ng tingin pa ang lolo nito at saka ko nginitian.
"Pagaling po kayo." At doon na ako tumayo at pagmasdan na lamang sila na umalis.