NILAGYAN ko ng bulaklak ang puntod ni lola at umupo sa tabi nito. Pinagmasdan ang pangalan niyang nakaukit sa bato.
"Lola, 'wag niyo muna kukunin si Lolo, ha?" Ngumiti ako nang hawakan ko ang bato na may pangalan niya. "Sabihin niyo kay Papa Jesus na pasensiya na," sunod ko pang sambit. Kinagat ko ang aking labi upang huwag lang ako maiyak. Pinilit kong ngumiti kahit na alam kong niloloko ko na lamang ang sarili ko.
"Lola, sana patawarin mo rin ako. Patawarin niyo ako ni Lolo sa nagawa kong kasalanan." Durog na durog ang puso kong punasan ang aking luhang bumubuhos ngayon sa aking pisngi. Hindi ko alam kung mapapatawad pa ba ako ng panginoon sa ginawa ko. "Miss na miss ka na ni Lolo..." Sa malambing kong salita na animo'y parang narito lamang siya sa tabi ko kung kausapin ko ang puntod niya.
"Pati 'yung luto mo..." Pumiyok ako nang sandaling maalala ko ang masasayang nakaraan na narito pa siya sa mundong ito. "Pati 'yung kung paano mo kami sermunan ni Lolo. Nami-miss na kita, Lola..." Mahina kong sambit at doon na nagsimulang patahanin ang sarili ko. Kailangan ko kasi lumaban sa mundong ito. Kailangan ko ibigay ang best ko, dahil may isang tao na umaasa sa akin.
Sumapit ang kinabukasan nang pumunta ako sa go-see na sinasabi ni Evan sa akin.
"'Wag kang kabahan, Ciara." Binigay sa akin ni Evan ang bote ng tubig nang makita ko ang ibang mga babae na animo'y parang mga modelo. Makikinis ang balat at matatangos ang ilong. "Baka hindi ako makuha, Evan." Halata ang kaba sa aking mukha ngunit nang dahil kay Evan ay nakakuha ako ng lakas kahit paano.
Magsasalita na sana si Evan nang may tumawag sa kaniyang pangalan kaya parehas kaming napalingon sa babae. "Evan! You're here!" Napaurong ako ng kaunti, dahil binigyan ko sila ng space para makapag-usap sila ng maayos. Iniwas ko ang aking tingin sa kanilang dalawa at inilibot na lamang iyon dito sa loob.
"Pasensiya ka na, Evan. Kakatapos ko lang kasi mag-asikaso ng ibang brand ambassadors sa loob." Kunyari na lamang ay wala akong naririnig sa mga sinasabi niya. Sa isip-isip ko ay mukha lamang akong timang dito sa tabi ni Evan, habang pinagmamasdan ang mga babaeng magaganda sa gilid-gilid. "Ayos lang 'yon, Vee. Maraming salamat sa 'yo at tinulungan mo ako para sa kaibigan ko," wika ni Evan kaya lumingon na ako sa kanila.
"Vee, this is Ciara." Pakilala ni Evan sa babaeng mas matangkad sa akin at siguro'y mas matanda lang din sa akin ng taon.
"Hello!" Ngiti kong bati at inabot ang kamay sa kaniya na tinanggap naman niya agad. "Evan, naman. Bakit ngayon mo lang siya pinakilala sa akin? She's so pretty, at ang fresh niya! Pwede siyang mag-extra sa mga movies!" Hampas niya pa sa braso ni Evan nang bitawan nito ang kamay ko. "Nice to meet you, dear!" Lumapit siya sa akin at doon naman niya idinikit ang pisngi nito sa akin.
"Ciara, pasok na tayo sa loob. Naroon kasi ang client at gusto ka makita." Isang tingin ko lamang kay Evan nang tunguhan niya na ako. "Hihintayin kita rito," ani niya nang sumunod na ako sa babaeng pangalan ay Vee.
"Bago ka lang ba sa ganitong trabaho?" Tanong niya sa akin nang mahina lang akong tumungo. "Don't worry, Ciara. Mababait naman ang mga client natin. For sure you'll will get more projects after this run." Saka niya binuksan ang pintuan at doon tumambad sa akin ang sampu pang babae na nakaupo.
"They're still looking for five more usherettes, kaya may mga models na narito ngayon," sunod niya sabi nang sumunod lang ako sa likod niya.
May kinausap siyang dalawang babae na nakaupo sa harapan at tila inaayos ang projector. Sumilip ang isang babae sa akin na unang binulungan ni Vee at pinasadahan ako ng tingin. Tumungo lang ito kay Vee at may itinuro na upuan sa gilid.
Sandali lamang akong nakaupo sa likod niya nang dalhin niya na rin ako sa upuan na malapit lamang sa dalawang babae na nasa laptop.
"Hi!" Lumingon ako sa aking gilid at doon ko napansin ang isang magandang dilag. Outstanding ang ganda niya at halata sa mukha niya na may lahi ito. "H-hello..." Nahihiya ko pang bati rin sa kaniya. Masyado siyang maganda at hindi ko matitigan ang mga mata niya. Hindi ko matitigan ang mga mata niyang tutok na tutok pa rin sa mukha ko.
"You're so pretty." Ngumiti lamang ako nang puriin niya ako.
"I-ikaw rin," tugon ko at tila nagulat nang lumipat siya ng upuan sa tabi ko. "Matagal ka na bang na raket?" Lumawak lalo ang ngiti niya sa akin nang umiling ako. "Ito pa lamang ang una ko-" Hindi ko iyon natuloy ang sasabihin ko nang marinig ko na ang boses ni Vee na lumapit ngayon sa amin.
"Kaibigan mo, Ciara?" tanong nito sa akin nang hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Tumaas ang dalawa niyang kilay habang nakangiti sa akin nang mapag-isipan ko na ang sagot ko sa maikling minuto.
"Yes, po. Kaibigan niya po ako..." Ang babaeng maganda na siyang sumagot sa tanong ni Vee. "Kung ganoon ay mabuti naman at may kakilala ka." Saka niya kami binigyan ng papel.
Tinignan ko ang babaeng maganda sa tabi ko. Paano niya nasabing kaibigan ko na siya? Kahit pangalan niya ay hindi ko alam.
Kinagat ko na lamang ang labi ko nang magsimulang magsalita na ang babae sa harapan. "Hello, everyone! I'm Mellisa; some of you know me, dahil matagal na silang naggo-gosee for projects." Pakilala niya sa sarili niya.
Maganda rin siya.
"But this time, we have to make sure that you're fit for this project. This is Kristin from Del Cantara Group." Lahad niya ng kamay sa isang babae na tumayo rin at ngumiti sa amin. "That's Vee, handler." Turo niya kay Vee na nakangiti naman sa amin.
Matapos niyang sabihin iyon ay pinatayo niya na kami at doon tinignan isa-isa. Nakita ko ang aking setcard na kanilang ni-print pa at tignan ang mukha namin isa-isa. "Ito ang mahirap sa mga rakeristang katulad niyo." Iyong client ng DCG ang nagsalita.
"Magkaiba ang itsura niyo sa setcard at sa personal. Even the height ay hindi na pinalagpas." Hindi ko maintindihan ang ilan sa sinasabi niya pero alam kong galit siya ngayon dahil sa ibang mga kasama ko.
After thirty minutes long speech, ay may ilang pinatayo na rin siya. Gladly, hindi ako sinama sa pagtawag. Even the woman beside me who claimed that she's my friend.
Iyong mga tinawag kasi ay sila iyong hindi tanggap sa project na ito. Hindi ko alam kung paano rin ba ako nakapasok, dahil wala naman akong alam sa ganitong trabaho. "Congrats!" rinig kong bati sa akin ng babaeng maganda sa tabi ko.
"By the way, I'm Trixie." Tinaas niya pa ang isang kamay niya na para bang kumakaway sa akin. "Ciara," wika ko naman, kahit alam kong alam niya na.
"You're the porn star, right?" Agad nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang tanong niya sa akin. Hindi naman iyon malakas pero agad akong natakot dahil alam niya ang tinatago kong baho. "Para ka namang nakakita ng multo. Don't worry! My job is onlyfans." Kindat pa niya at hinawi ang buhok patalikod saka niya ko binigyan ng maliit na ngiti.
"I'll talk to you later. We can catch up! We're kind of similar, kasi... you are a porn star, tapos ay onlyfans girl." Tango-tango pa niyang sambit nang hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko sa kinauupuan ko ngayon. Parang walang nalabas na salita sa aking bibig nang tanungin kami ng client at habang bini-brief niya kami sa mga gagawin namin ay para naman akong nalipad.
Pakiramdam ko ay lahat sila'y nakatingin sa akin at iniisip na nakahubad ako. Bumibigat ang paghinga ko nang maramdaman ko na lamang na hawakan ako sa kamay.
"Are you okay, dear?" Lumabas ang hangin sa aking bibig nang makita ko si Vee na tinaasan pa ako ng kaniyang dalawang kilay. "O-opo..." Hindi ako maayos. Gusto ko iyong isagot ngunit hindi naman pwede, dahil tatanungin niya ako kung bakit. Sinilip ko ng tingin si Trixie na siyang nakangiti lamang na nakikinig sa babae sa harapan.
Matapos ang briefing ay binigyan na rin kami ng pera para raw sa pamasahe na ginastos namin at sa pagkain. Nang sinilip ko kung magkano ang nasa sobre ay nasa isang libo iyon. Malaki na ito sa akin at malaking tulong na rin ito para sa ngayong araw ko at kinabukasan. Magtitipid ako dahil malaki pa talaga ang kailangan kong likumin para kay lolo.
Hinintay ko si Vee na matapos nang lumapit na rin siya sa akin at hawakan ang balikat ko.
"Tandaan mo na ang project na ito ay importate sa client, Ciara. Hindi na rin kita mahahatid sa labas ng kwarto at naroon naman na si Evan na naghihintay sa 'yo." Tinapik niya lamang ang braso ko kaya nagsimula na akong maglakad nang may tumabi sa akin. Doon ko naamoy ang pabango niya at napagtanto na mas matangkad nga siya sa akin ng kaunti. Nginitian niya ako na para bang close na close kaming dalawa.
"So! Coffee?"
"H-hindi ako nainom ng kape..."
Nakakahiya man aminin ay hindi talaga ako nainom ng kape. Hindi naman dahil sa hindi ko afford, ah! Sumasakit kasi ang t'yan ko kapag nainom ako ng kape. Kaya puro tubig lang ako at kung may pera ay juice at buko.
"Milk tea? Frappe?" Maarte niya pang tanong sa akin muli na para bang naniningkit na ang mga mata niya. "Oh, c'mon! Please? Samahan mo na ako at wala talaga akong kaibigan na maiintindihan ako." Bumaba pa ang kaniyang braso na para bang hirap na hirap na makipag-usap sa akin. "H-hindi pa kasi kita talaga kilala, e." Nang isagot ko iyon sa kaniya ay malakas siyang tumawa.
"Excuse me!" Napalingon kami sa ilang babae na dadaan palabas ng pinto. Nakaharang kasi kami kaya nang hawakan niya na ang braso ko ay hinigit niya na rin ako palabas. "Sige na, Ciara!" Pilit niya pa sa akin nang makita ko na si Evan na nakaupo lamang sa isang sofa at nang makita na ako ay lumapit na sa akin. "Shocks! The nurse!" Binitawan ni Trixie ang pagkabit niya sa braso ko nang lumapit siya agad kay Evan.
Ang akala ko ay papansinin siya ni Evan, ngunit nagkamali ako nang lumapit na siya sa akin at ayusin ang buhok ko. "Ayos ka lang?" Tinabingi niya ang ulo niya nang tanungin niya ako no'n. Imbis na sumagot at tumango lamang ako nang mapapikit na lamang ako, dahil ngayon ay nasa gilid ko na si Trixie.
"So, may something kayo?" Malawak ang ngiti niyang itanong iyon kay Evan. "Okay! I'm Ciara's friend. Call me Trixie, but you can call me Baby..." Kindat niya pa kay Evan nang ngumisi lamang ito.
"Tara na?" Tumango lamang ako kay Evan nang sumunod lamang si Trixie sa amin. "Evan, kanina pa 'yan siya makulit. Gusto raw niyang makipag-catch up sa akin." Bulong ko iyon kay Evan nang para bang hindi niya pinansin ang sinabi ko. Mabuti na lamang ay nang makarating na kami ng parking ay hindi na siya sumunod pa sa amin.
"A-ano... Evan." Kabado akong sabihin ito sa kaniya.
"Yes?" Habang nag-aayos siya ng seatbelt. Huminga muna ako ng malalim nang sabihin ko na agad sa kaniya ang nalalaman ni Trixie. "Sabi niya ay porn star daw ako. Mukhang napanood niya na ata tayo at ang sabi niya pa sa akin ay nag-only fans daw siya. Ano 'yun?" Curious kong tanong sa kaniya nang dinilaan niya lamang ang sarili niyang labi.
Sandali niyang kinuha ang telepono nito at agad na nag-type. Wala pang minuto nang ibigay niya na sa akin ang cell phone niya at doon tumambad ang mukha ni Trixie. Nilalaro ang sarili niya...
"Oh! Yes! Send more tips! Ohh!!" ungol niya pa habang pinapasok sa kaniyang ibabang parte ang parang ice candy na mahaba. "Ah! Ah! Ah!" Mas malakas niyang ungol nang hilain niya na lamang ang cell phone na hawak-hawak ko.
"K-kumita ka siya ng pera sa ganoon?" Nanlalaki ang mga mata kong itanong kay Evan. "Yes, monthly subscriptions and tips," sagot ni Evan sa akin nang mapaisip ako. Ibig sabihin ay malaki na ang kinikita niya. Bakit siya nagra-raket pa? Katulad ko rin ba siya na may kailangan suportahan na pamilya?
"Oy!" Pumitik ang kaniyang daliri sa harap ko kaya napatingin na ako sa kaniya agad. Hindi ko napansin na nakutalala na pala sa ako, habang nag-iisip. "'Wag mong sabihin na binabalak mo na rin mag-onlyfans, Ciara. Hindi ako papayag." Umiling naman ako agad sa sinabi niya. Tumahimik lamang ako sa byahe hanggang makarating kami ng ospital at sandaling makita na agad ang mga kaanak ni lolo.
"Ang tagal naman mamatay ni Abeng. I-send mo ang picture ni Abeng sa mga kaibigan niyang nasa abroad at manghingi ka ng tulong, Claire. Lalo na iyong kaibigan niyang dating sundalo! Malaki ang ibinigay no'n noong lamay ni Lenlen!" Tila parang nagpintig ang tainga ko nang marinig ang mga sinabi ng mga kapatid ni lolo.
Lahat ng abuloy ay napunta sa kanila! Ngayon ay sasabihin nilang matagal mamatay ang lolo ko? Para ano? Makuha nila ang abuloy?!
Mabilis akong lumapit sa kanila at tila nagulat na makita ako. "Narito pala si Ciara!" Turo ni Lola Risa sa akin na siyang nagsabi na ang tagal mamatay ni Abeng. Habang ang nasa tabi naman niya ay si Lola Rita, ang bunsong kapatid nila. Nag-iisang lalaki lamang ang lolo ko at siya ang panganay sa kanilang magkakapatid.
"Namayat ka, apo!" Wala pang saglit nang umiyak na siya sa harapan ko. "Ano ba ang nangyayari ngayon?! Una si Lenlen, ngayon naman si Abeng!" Tinignan ko lamang siya na para bang hindi ko alam ang mga pinagsasabi niya kanina. Wala na si Evan ngayon, dahil matapos niya akong ihatid sa ospital ay umalis na rin siya. Ang sabi niya kasi sa akin ay may shoot para raw siya mamaya. "Risa, kumalka ka at baka matulad ka rin kay Abeng!" Nang pagsabihan siya ni Lola Rita at animo'y tumigil ang luha niya at tumayo agad ng maayos.
"Kakarating lang din namin ngayon, Ciara. Kumusta ka na?" Si Lola Rita iyon na nagtanong sa akin. "Pagod po," sagot ko.
"Risa, umupo ka muna doon sa tabi ni Abeng at kakausapin ko muna itong si Ciara." Tumungo lamang si Lola Risa at pumasok na sa loob ng kwarto. Pinagmasdan ko lamang siya at tila natatakot na baka mamaya ay may gawin siya kay lolo sa loob. "Pasensiya ka na kung kaunti lang ang matutulong ko kay Abeng," wika niya.
Kumpara kay Lola Risa ay mas mabait naman si Lola Rita.
"Iyong si Markie kasi ay kakapasok lamang sa company ng mga arkitekto. Hindi pa masyadong malaki ang sahod niya, kaya pasensiya ka na muna kay Lola mo kung ito lang muna ang maibibigay ko sa 'yo." Saka niya kinuha ang palad ko at inabutan ng pera.
"Nako! Lola! Hindi na po! Kaya ko pa naman po at may pera pa naman po ako. Nakakuha po kasi ako ng trabah-" Hindi iyon natuloy nang magsalita siya ulit. "May ilang session kay Abeng na binayaran ko na sa baba, Ciara. Itong Lola Risa mo ay hindi ko alam kung ano ba ang matutulong nito kay Abeng," ani niya.
"Ayoko na ma-stress, Ciara. Matanda na ako at kaunti na lang din ang natitira kong buhay sa mundo. Mas pipiliin kong maging mabait, kaysa mamatay at sa impyerno mapunta. Ayoko... baka magkita kami doon ng Lola Risa mo." Tumungo lamang ako sa kaniya nang halikan niya ako sa aking noo at agad na inalalayan din siya patungo sa loob ng kwarto ni Lolo Abeng.