KABANATA I

1054 Words
NANGINGINIG ang pagkakahawak ko sa aking mga kamay nang makita ko si Evan at may dala-dalang sobre. "Nasa akin na ang talent fee mo," ani niya nang tumayo ako, ngunit tila nakaramdam ng sakit sa ibaba ko. Hinawakan niya ako agad sa aking braso at sandaling inalalayan na umupo ulit. "Huwag ka muna gumalaw," wika niya pang muli. "Pasensiya ka na at masyado ko atang nalakasan ang pagpasok sa 'yo..." Inangat ko ang tingin ko sa kaniya nang mahina ako. Ayoko na maalala ang nangyari kanina at ayoko na rin alalahanin pa. "A-ayos lang ba na huwag na natin pag-usapan ang nangyari? Hindi pa kasi ako kumportable." Nakita ko kung paano niya respetuhin ang pakisuyo ko sa kaniya nang tumungo lamang ito. "Kung gusto mo ay sa kotse na kita magpahinga habang nabyahe tayo papuntang ospital?" Suot-suot ko na ang damit ko at pantalon nang hindi ko magustuhan ang pakiramdam ko sa ibabang parte ko. "It's natural to feel sore, Ciara. I'm sorry..." Ngumiti lang ako sa kaniya. Nasa kotse na kami niya na maganda at alam kong mahahalin. Iniayos niya ang paglagay sa akin ng seatbelt at tinunguhan na lamang ako nang isandal ko ang ulo ko sa bintana ng kaniyang kotse. Nagpatugtog lamang siya ng kanta na hindi masakit sa tainga at ang inaasahan ko na kakausapin niya pa ako ay hindi na nangyari. Binigyan niya lamang ako ng oras para mag-isip at natuwa ako roon. Gagawin ko ang lahat para lamang sa lolo ko na siya'ng nagpalaki sa akin. Nagpaaral, nagpakain at higit sa lahat ay kumupkop sa akin nang iwanan ako ng nanay ko sa kaniya. Namatay na si lola at kaming dalawa na lamang talaga ang lumalaban para sa buhay ni lolo. Habang ang kaibigan kong si Evan ay siyang matalik kong kaibigan noong high school. Hindi ko akalain na siya ang tutulong sa akin. "I'm so sorry, Ciara. Hindi ko maipahiram sa 'yo ang natitirang pera ko. Kailangan kasi ni Echo 'yon sa tuition niya sa high school." Tumingin ako sa kaibigan ko na ngayon ay may lungkot sa kaniyang mukha. "Evan, maraming salamat. Hindi mo kailangan na humingi ng pasensiya sa akin. Ako mismo ang nagsabi sa 'yo na kahit anong trabaho ay papasukin ko para lang makakuha ng pera." Hindi na siya sumagot sa akin nang makarating na kami sa ospital matapos ang isang oras na byahe. Habang naglalakad sa gitna ay may iilan na nakatingin kay Evan. Sa gwapo niya ay alam kong imposibleng walang magkakagusto sa kaniya. Ngunit hindi nga lang ako tinablan ng karisma niya. Pero siya naman ang nakauna sa akin... "Magbabayad po ng downpayment para kay Redolfo Vasquez." Silip ko sa maliit na bilog na bintana sa counter. Ibinigay ko ang ilang detalye ni lolo nang sumulip din si Evan sa gilid ko. "Ito rin po 'yung para sa remaining balance ni Redolfo Vasquez." Abot niya tag iisang libo nang harangan ko siya. "Ano ang ginagawa mo, Evan?" Hindi siya nagsalita ngunit ginulo niya ang buhok ko. "Ito lang ang matutulong ko sa 'yo, Ciara." Napasinghap ako nang sandaling marinig ko ang boses ng babae sa cashier. "I received forty thousand, sir." Sa ilang araw pa lamang na narito si lolo ay kumain na agad ng ganoon na halaga ang babayaran namin. Mas lalong tumulo ang luha ko nang ma-realize ko kung gaano lumuwag ng kaunti ang mga problema ko. "Please, stop. Don't cry, Ciara..." Tinignan niya ako at agad na pinunasan ang mga pisngi. Isang mariin na yakap lamang nang lumabas na rin ang resibo na binigay ng cashier sa amin. Nang makapasok kami sa kwarto ni lolo ay doon ako nanghihina. Hindi ko kayang makita siyang nakatubo at hinang-hina. Walang lakas at payat... "Lakasan mo lang ang loob mo, Ciara. Magagalit sa atin si Tatay Red, kung maririnig ka n'yang umiyak. Baka habulin nanaman ako ng itak n'yan," sambit niyang patahan sa akin. Pinagmasdan ko ang papel na aking hawak at doon ko lang napagtanto na medyo malaki-laki pa ang kailangan ko. "Two hundred thousand pa..." "Malaki-laki pa ang kailangan..." "Sobrang laki pa," hinang-hina ko pang tugon. "Gagawan ko ng paraan 'yan-" Umangat ang tingin ko sa kaniya't umiling. "Hindi mo 'to problema, Evan. Hayaan mo 'kong trabahuin ang kailangan ko." Pinili kong mag-usap kami sa labas kaysa marinig ni lolo ang trabaho ko. "Ciara, hindi mo naiintindihan ang trabaho sa loob ng pinasok mo. Babae ka, Ciara. Nirerespeto ka..." Natauhan ako sa sinabi niya nang umiwas ako ng tingin. "Maraming tao ang makakapanood sa ginawa natin. Hindi man nila tayo makilala pero ikaw? Babae ka... ikaw ang pinagpapantasyahan nila, Ciara." "Sa bawat panonood nila sa video natin. Habang pinapasaya nila sarili nila ay ikaw ang iniisip nila, Ciara..." sunod niya pa. "Kung ganoon ay ano ang gusto mong gawin ko? Maghintay sa 'yo na tulungan mo 'ko?" Taas kilay kong tanong sa kaniya ngunit napahilamos na lamang siya. "Hahanapan kita ng matinong trabaho, Ciara. Kakausapin ko ang kakilala ko para bigyan ka ng raket.” Tinaas ko ang tingin ko kay Evan at doon ko lamang napansin kung gaano kaseryoso ang itsura niya. “Hindi mo na kailangan gawin ito-” “Kailangan ko. Ako na lang ang makakatulong sa ‘yo, Ciara. Hindi ko makakalimutan ang tulong mo sa akin noon. Hayaan mo na akong tulungan ka kahit sa maliit na bagay na lang.” Kinulit niya pa rin ako hanggang sa pumayag na rin ako sa kaniyang gusto. Umalis na si Evan at ngayon ay naiwan na ako sa loob ng kwarto ni lolo. Kung hindi dahil kay Evan ay baka walang sariling kwarto ngayon ang lolo ko. Alam kong mas komportable ngayon ang katawan niya at makakapagpahinga siya ng maayos. “Lolo, gising na.” Ngumiwi akong hawakan ang kamay niya. Noong kailan ay na-heart attack siya matapos mamatay ni Lola. Nalaman din namin na may kumplikasyon siya sa atay at sa iba pa niyang organ. “Lolo, ayos lang ba na iwan muna kita rito ulit? Lalagyan ko lang ng bulaklak ang puntod ni Lola. Birthday niya kasi ngayon…” Wala akong nakuhang sagot pero alam ko na gusto niya ngayon sumama sa akin. Gagawin ko lahat para sa iyo, Lolo. Mahal na mahal ko kayo ni lola. Kahit ang mapahiya na ako sa buong mundo ay gagawin ko ang lahat, gumaling ka lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD