CHAPTER 1:Am I a vampire or Not?

1334 Words
"who in the world am I?That's the greatest puzzle"-Lewis Caroll YEAR 2010 "Calix"matinis na sigaw sa akin ni Arabela..ang nakakatanda kong kapatid..Base sa tinig nito..nasa malapit lang ito..Binuksan ko ang bintana at tumalon mula sa ikatatlong palapag ng aming bahay!Masyadong mababa pa ito..Yung ibang katulad ko ay kayang tumalon mula sa ikasampung palapag! "Calix"boses naman ni Bethany ang sunod kong narinig!Pinakiramdam ko ang paligid...nanggagaling ang tunog sa loob ng kagubatan..Mabilis akong tumakbo patungo roon..Halos wala pang sampung minuto naabot ko na ang kinaroroonan ng dalawa.. Nakapamaywang na sinalubong ako ng mga ito.Nakita kong may tumutulo pang dugo sa mga bibig na mga ito.Nakita kong may  malaking baboy ramo na nakahandusay sa likod ng mga ito. "Ang bagal mo!"binatukan ako ni Arabela na makalapit ito sa akin.Ito ang pinakamatanda sa aming tatlong magkakapatid.200 years old na ito.Samantalang si Bethany ay 189..at ako ay turning 145 years old na this year.Hindi ako sanay na tawaging ate ang mga ito kaya first name basis kami. "Oh..."padaskol na inabot ni Bethany  ang patalim sa akin."May mapipiga ka pa diyan!Iuwi mo na din ang laman niyan  pagkatapos mo..May mga bisita ang Ama mamaya. "Pasalamat ka at ibinilin ni Ama na tirhan ka namen..Sa susunod bilisan mo kilos para hindi ka nauubusan"buska ni Arabela bago singbilis ng hangin itong nawala sa paningin ko. "Where did his fang go?Hassle na lagi tayong may bitbit na patalim..Daig pa nito ang prinsipeng dudulutan ng pagkaen..Ano tingin nito sa atin abrelata?"narinig ko pang wika ni Bethany kahit nasa malayo na ang mga ito. "We cannot do anything about that..alam mo yan!' At alam ko din yun.Masyado akong pinoproteksiyunan ng Ama naming si Lixondro  Elizon..Ito ang pinuno ng aming lahi.Walang batas nito ang hindi nasusunod.At ang isa na dun ay ang pagpatay ng tao..kung kaya't nakokontento kami sa mga hayop na inaalagaan namen at sa mga dugo na nanggagaling sa blood bank.Kung minsan kinukulang kami kung kaya't hindi maiwasang pumasok ng kagubatan para mangaso at maghanap ng ipangtatawid uhaw.Marami man ang tutol sa sistema nito..hindi naman ng  mga ito maisatinig ang mga bagay na iyon.!Takot ang mga ito sa kanilang Ama.Gayundin ang kanyang ina na si Cassandra..Na bagamat tutol sa pagtratong ibinibigay sa akin ng aming Ama ay wala ding magawa..Kung minsan kapag umaalis ang aking Ama para bumaba ng bayan upang kumuha ng mga pangangailangan namen at asikasuhin ang business ng pamilya...We do own a lot of funeral shops..advantage sa amin iyon dahil kami na mismo ang nag aasikaso sa paghahanda ng bangkay kasama na ang embalsamo..At kung may embalsamo...May libreng supply ng dugo..!ay  pilit ako nitong pinapapasok sa kagubatan para mangaso.. Kung pangangaso  lang ay sisiw sa akin iyon!wala man akong pangil at kakayahang kumagat at sumipsip ng dugo..taglay ko naman ang lahat ng kakayahang merun ang isang bampirang tulad ko.Isa pa..bukod tanging ako lang ang nakakalabas at naeexpose sa araw ng hindi na kinakailangan ng Lapis Lazuli.it was a daylight jewelry with Lapis in it!It can be ring..bracelets,anklets or even necklace!May kakayahan daw ang bato ng Lapis para protektahan ang sinumang may suot nito laban sa malakas na pwersa ng kalikasan at para sa aming mga bampira..yun ay ang sinag ng araw!Pero hindi lahat ay nabibigyan ng daylight jewelry..kinakailangang makuha ng mga ito ang tiwala ng aking Ama dahil bukod tanging ito lang ang nakakaalam kung saan ito makukuha.Binabawian din ng alahas ang mga pangahas na sumuway sa utos!Kamatayan ang hatol sa mga ito sa pamamagitan ng pagbibilad sa mga ito sa ilalim ng sinag ng araw.Ito ang dahilan kung bakit kinatatakutan ang aming Ama bukod pa sa taglay nitong lakas.Ito lang ang bukod tanging bampira sa lahi namen na purong dugong bampira..Nagmula pa ito sa Spain..Ito ang nagpasimula ng lahi ng bampira dito sa Pilipinas..Ang aking Inang si Cassandra ay isang taong ginawa lang bampira ng aking Ama ng malapit na itong mamatay sa sakit na cancer!And the rest  of our clan was human before they turned into one of us. Kaso minsan pakiramdam ko ay may mga matang nakamatyag sa akin..Hindi lang mababangis na hayop ang nasasagupa ko sa loob ng kakahuyan...meron ding ibang nilalang.Kaya tuwing uuwi ako galing sa pangangaso ay sugat sugat ako.Wala akong mapagbintangan..at mukang plinano ang bawat pag atake..wala akong madinig na ingay..ni ang mukha ng mga ito ay hindi ko nakikita..pero meroong naging pamilyar ang amoy sa akin.Hindi ko ito naamoy kahit kelan sa loob ng lupon namen. Dahil din sa kakayahan nameng paghilumin ang aming mga sugat kung kaya't hindi ko magawang magsumbong sa aking Ama..dahil tiyak na magagalit ito at pagsisimulan ng away.Ayoko ng dagdagan pa ang hindi magandang pakikitungo sa aking ng mga kalahi ko dahil lang sa "special" ako. Alam ko na pinag uusapan ako ng buong kalahi ko sa tuwing wala ang aking Ama.Lantaran ang pagpaparinig ng mga ito.Pero dinedma ko na lang dahil noong minsang lumaban ako..I was 100 years old that time..at may kinakailangan asikasuhin ang Ama ko kaya matagal itong nawala..Iwas beaten to death and was Iwas put under the sunlight without my ring..Naramdaman ko ang hapdi sa buo kong katawan.Nagsimulang kumawala ang usok sa aking balat..pero makalipas ang ilang oras..Hindi ako lumiyab!I was not turned into dust na ikinabigla ng lahat maging ako!Noong araw na iyon namen nalaman na  I can stand under the rays of sun!At dahil din sa kakayahang  natuklasan namen ng araw na iyon ay lalong umigting ang pagkadisgusto ng mga ito sa akin higit lalo ng aking Ina! TOK...TOK..TOK. Nakarinig ako ng katok sa pinto.Napalingon ako doon..at dahan dahang sumilay ang ngiti ko ng humarap ako sa aking Ama!Nasa loob na ito ng aking silid pero sa bintana ito dumaan..Patunay pa ang nililipad kong kurtina dahil sa nakabukas na bintana..Malimit akong biruin ng aking Ama..Sa tuwing may pagkakataon ito..madalas ako nitong bisitahin sa aking silid..para lang makipag usap!Gustong gusto nitong pakinggan ang mga paulit ulit kong kwento na kung minsan ako na mismo ang nagsasawa.Kaya naman kahit halos pagtabuyan ako ng lahat..ramdam ko ang halaga ko kapag nandito si Ama!Nasabik man ako sa kalinga ng isang Ina..napunan naman iyon ng pagmamahal ni Ama..kaya okay na din lang! "Narinig kong nangaso kayong magkakapatid kanina.."sabi nito matapos akong bigyan ng isang tapik sa balikat.Nakita kong humiga ito sa kama pero ang mga paa ay nakatapak pa sa  sahig "Yes..nasa kusina na nga pala yung baboy ramo na inorder mo!"himig biro kong sabi at pinagpatuloy ang pagbabasa na naudlot nung pumasok ito kanina.Nakita ko ang pagtayo nito at ang paglapit sa akin..Umupo ito sa upuang nasa harap ko..Napatingin ako dito ng kunin nito ang binabasa ko at isarado iyon. "I think its time for you to join the council"imporma nito sa akin. Ang council na tinutukoy nito ay ang  binubuo ng apat na natatanging  pamilya ng mga bampira sa buong bansa..Ang pamilya Kasakitan,Morayta, De Leon  at ang pamilya nila..Elizon!Taon taon ay nagpupulong ang mga ito kasama ang ilan sa mga piling bampira sa bawat lupon ng mga ito. "Hindi ba dapat si Arabela o si  Bethany mo ang inaaya mo para samahan ka sa pagpupulong na iyon..Bakit ako?"nakadekwatrong tanong ko dito. "Dahil ikaw ang nararapat na humalili sa akin!"simpleng saad nito. "Hindi mo kailangan ng kapalit Ama..Masyado ka pang malakas"biro ko dito..at tumayo na ko upang mahiga sa kama ko..Hindi pa ko nakakalapit sa kama ko ng humarang ito sa dadaanan ko.Seryoso ako nitong tiningnan.. "Kunin mo ito"nagulat ako dahil kinausap ako nito gamit lang isip.Tiningnan ko ang inabot nito.. "Singsing?para sa"naputol ang sasabihin ko ng takpan nito ang bibig ko at sumenyas na huwag akong magsalita.. Nangusap ulit ito gamit ang isip "Kung sakaling may mangyari sa aking masama..hanapin mo ang pipiliin ng singsing na ito..Iilaw ito kapag nakaharap na niya ang taong iyon.Kailangan mo siyang mahanap para maging buo ka Anak!" Kung gaano ito kabilis pumasok sa silid ko..ganun din ito kabilis lumabas..pero this time sa pinto na ito dumaan.Nahihiwagahan man ako sa sinabi ng aking Ama ay isinuot ko pa din ang singsing na bigay nito.Para itong daylight ring except sa kulay dilaw ang bato nito.Another mystery has added to my mind!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD