CHAPTER 2:The Father who protects His Son!

1581 Words
"The struggle you're in today is developing the strength you need tomorrow"-Robert Tew,writer. Nakatulugan ko ang pag iisip tungkol sa singsing na binigay ng aking Ama.Naalimpungatan ako ng pakiramdam ko ay may nagmamasid sa akin..at tama ako ng hinala..dahil nasa silid ko ang aking dalawang kapatid.. "Pinatatawag ka ni Ama..andiyan na ang mga panauhin!naiiritang wika ni Bethany "Kumpleto na kami sa bulwagan..ikaw na lang ang hinihintay..kahit kelan paimportante ka!"dugtong naman ni Arabela "Bumangon ka na diyan..mahiya ka sa mga nag aantay sa iyo"pairap na sabi ni Bethany bago lumabas ang mga ito sa silid ko.. Napailing na lang ako bago bumangon..kahit kelan talaga para itong mga step sister ni Cinderella.Mabilisan akong naligo at naghanap ng maisusuot.Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin..I have reflections..Walang nakakaalam nito maliban sa aking ama!Hindi ko alam kung bakit inilihim nito yun sa aking ina at mga kapatid pero mainam na din iyon..Ayokong makita ang panibagong disgusto sa mata ng mga ito.Nang masigurong maayos na ang lahat ay bumaba na ko.Sa bintana na ako dumaan at diretso sa bulwagan ang likuran ng aking silid. Lahat ay napalingan sa pagbaba ko.Hindi ko inaasahan na ganun karami ang taong nag aantay sa akin.Halos puno ang bulwagan na kayang umokupa ng 200 daang katao..Dahil sa likurang bahagi ako lumapag ay naglakad ako palapit sa pamilya ko na nasa unahang bahagi ng bulwagan.Lahat ng madaanan ko ay sinusundan ako ng tingin.Nakita ko ang maluwag na ngiti ng aking Ama..tila proud na proud na tinitingnan nito ang paglapit ko.Seryoso naman ang mukha ng aking Ina..at ang dalawa kong kapatid ay parehas nakataas ang isang kilay ng mga ito. "Mga minamahal kong kalahi..malugod kong pinakikilala sa inyo..ang aking nag iisang anak na lalaki...Calvin Timothy Elizon"saad ng aking Ama ng makalapit ako..Nagpalakpakan ang mga tao roon..Lalong lalo na ang mga bisita ng aking Ama. "Siya ang papalit sa akin bilang kinatawan ng aming Pamilya sa konseho"tumigil ang palakpakan.Umugong ang bulong bulungan! "Pero Lixondro..hindi pa handa si Calix para umupo sa konseho..Nandito naman si Arabela o si Bethany o kaya ako..pwede namen hawakan ang posisyong iyon habang nagsasanay ang anak mo!"kontra ng aking ina sa sinabi ng aking Ama. "Huwag ka mag alala Cassandra..ako ang personal na magsasanay sa ating anak"tiningnan nitonang aking ina at hinawakan ang kamay niyon.."Isa pa mga kalahi ko..sa konseho pa lang naman ako papalitan ni Calix..kapag ready na siya..inaasahan ko ang suporta niyo sa aking anak kung sakaling siya na ang mamumuno sa inyong lahat!"sabi pa nito na tiningnan ang lahat na tinugon ng mga ito ng masigabong palakpakan "Mabuhay si Lixondro!Mabuhay si Calix"sigaw ng isa na sinegundahan ng lahat.Nakita kong nagwalk out ang dalawa kong kapatid..Binalak itong sundan ng aking Ina subalit mahigpit na hawak ni Ama ang kamay nito.Binigyan na lang ako nito ng matalim na tingin... "Bueno..alam kong gutom na kayo..Maaari na tayong kumaen lahat..Madami tayong supply ng sariwang dugo ngayon kaya magpakasawa kayo"lalong lumakas ang sigawan sa narinig ng mga ito "Anak..halika ipapakilala kita sa bawat miyembro ng konseho!"binitiwan nito ang kamay ng aking Ina. "Puntahan mo ang dalawa mong anak..Hindi ko gusto ang ginawa nila"baling nito sa aking Ina.Naging pula ang kulay ng mga mata nito.Pinipilit nitong itago ang galit..Nahintakutan naman na sumunod ang aking Ina sa sinabi ng aking Ama!Dagli kong hinawakan ang balikat ng aking Ama..maya maya pa ay bumalik na ang dating kulay ng mga mata nito..hudyat na humupa na  ang galit na nararamdaman nito.Ganun ang mga bampirang tulad ko..Nag iiba ang kulay ng aming mga mata kapag may sobrang intense na emosyon kaming nadarama.Sobrang galit..saya.lungkot.Dahil nga hindi tumitibok ang mga puso namen..ang mga mata namen ang nagiging salamin ng aming mga dadamin. "Tara na.. Calix"nagsimula akong ipakilala nito sa tatlo pang miyempre ng konseho.. Nakilala ko si Miguel Kasakitan at ang asawa nitong si Michaela..hindi nito kasama ang mga anak dahil abala ang mga ito sa mga personal na bagay..Lumapit din kami sa table nila Severino Morayta at ng asawa nitong si Lulu..Present din ang ng iisang anak ng mga ito na si Sophia.. at syempre ang De leon family sa pangunguna ni Gustavo.Wala itong kasama isa man sa pamilya nito.Pamilyar ang amoy nito.Hindi ko lang matandaan kung saan ko iyon naamoy!Hindi ito nagsalita tulad ng naunang dalawang pinuno na nakilala ko.Ngumiti lang ito sa akin..Maging ang pangiti na iyon at pamilyar din sa akin! Nagkanya kanyang alisan na sa bulwagan ang mga dumalo sa pagtitipon matapos ang masaganang hapunan..Yung ibang bisita na sa malalayo pa ay kanina pa nakauwi..Tanging si Gustavo De Leon lang ang nagpaiwan..Kasalukuyan nitong  kausap ang kanyang Ama ng magpasya akong umakyat muna sa taas.. Nahiga muna ko sa kama..Ayon sa naging pag uusap ng konseho bukas ay opisyal ng sisimulan ang pagsasanay ko bilang kahalili ng aking Ama..Handa na ba ako?Tinimbang ko ang sarili ko..maliban sa pangil..at sariling repleksyon sa salamin..gayundin ang kakayahang makatagal sa sikat ng araw..wala naman ako halos pinagkaiba sa mga bampirang kalahi ko.Hindi din tumitibok ang puso ko at nagbabago din naman ang kulay ng mata ko gaya ng karaniwang bampira.. "Hindi mo ba yun hahadlangan?"Narinig ko ang boses ni Arabela.Sigurado akong nasa malayo ang mga ito dahil may kahinaan ang dating ng boses nito sa pandinig ko.. "May magagawa ba tayo?"boses naman ni Bethany ang sumunod kong narinig "Kelan mo ba isasagawa ang plano?"ngayon naman ay ang aking inang si Cassandra ang nagsasalita.. Nasaan kaya ang mga ito..Magkakasama kaya ang mga ito?Hindi ko sigurado dahil iba iba ang dating ng boses sa pandinig ko.Mahina ang kay Arabela..may kalakasan ang kay Bethany at eksakto lang ang sa Ina niya.Come to think of it..kasabay ang mga itong umalis ng mga tao sa  pagtitipon.Dumaan ang katahimikan..wala nanaman akong marinig.. "Ngayong gabi ang magiging katapusan niya!"may isa pang tinig na hindi pamilyar sa akin. Nangunot ang noo ko..Katapusan nino?Nawala nanaman ang mga boses..Maya maya..mga nagmamabilisang hakbang ang narinig ko at ang sigaw ng aking Ama..Halos mabingi ako sa lakas ng pagkakasigaw nito.. "Calix!!!!..Takbo anak!"Anong nangyayari?Dali dali akong bumaba..Wala ang aking Ama sa sala..Ang tanging nandun ay si Gustavo na nakahandusay sa sahig..May tarak itong punyal sa dibdib..Hinawakan ko ito upang makita ang mga naganap subalit malabo ang mga imaheng pinapakita nito.. "Calix!"narinig ko nanaman ang tinig ng aking Ama.medyo mahina na iyon.Palatandaan na medyo malayo na ito sa bahay! Lumabas ako.Simbilis ng hangin kong ginalugad ang kakahuyan! "Ama..nasaan ka?Ama...sumagot ka"Pinaigting ko ang talas ng pandinig ko..At unti unti nakarinig ako ng mga kaluskos..Sinubukan kong basahin kung anong nangyayari mula sa mga kaluskos na naririnig ko..Nakita ko ang pagsipa kay Arabela ng isa ding bampira.Sigurado ako dun dahil maliksi ang kilos nito.May limang lalaki pang nakapalibot sa nakahandusay na sila Bethany at ang aking Ama.Nakatakip ang mukha ng mga ito.Tanging mga mata lang ng mga ito ang nakalabas.Hindi ko lang sigurado kong bampira din ang mga ito.Hinanap ko ang aking Ina pero wala ito doon.Sinimulan ko ng puntahan ang mga ito ng makita kong pinagsisipa nito ang aking Ama. Naabutan kong duguan na ang aking Ama..Bago ako nakalapit  eh Hinarang na ako ng mga lalaking nandun..Kung pagbabasehan ang mga mata ng mga ito..3 dito ay bampira..hindi ko alam ang dalawa pero hindi din basta ordinaryong tao ang mga ito.Dahil may angking lakas ang mga ito.. "Bakit ngayon ka lang?"untag sa akin ni Arabela..na kahit sa ganitong sitwasyon nakukuha pa din nitong magtaray!Nakita ko ng malakas nitong paghagis..Napatingin ako sa pinanggalingan ng puwersa!May isa pang nilalang na nandun..Wala man itong takip sa mukha..hindi ko naman ito maaninag.Theres a witch!Kaya pala nakuha nilang saktan ang kanilang Ama!Ang buong lugar na ito ay nababalutan ng mahika..Kaya hindi ko ito nakita kanina.. Pinagtulungan ako ng lima..Sa tulong ng mahika ng bruha..nakuha akong pabagsakin ng mga ito!Tumindi ang galit na nararamdaman ko..Isa sa mga ito..ang naglabas ng punyal!May suot itong singsing na minsan ko ng nakita pero hindi ko matandaan kung saan..Sinugatan nito ang mukha ko gamit ang punyal na hawak nito.. "Aaaaaaahhhhhhh!Napasigaw ako sa sobrang sakit na naramdaman..Tila pinupunit nito ang aking pisngi!Halos mawalan ako ng ulirat sa sakit na nararamdaman ko.. "Calix.."sigaw ng aking Ama..Pinipilit nitong bumangon..Pero dahil sugatan na ito at malakas pa ang mahikang pumipigil dito! Nakita kong sumenyas ang lalaking may hawak ng punyal..Kumilos ang iba pa at itinayo ako.. "Pagkaen ka lang dapat namen!Noon ka pa sana namatay!"saad nito!Itinaas nito ang kamay na may hawak ng punyal! Hindi ako takot mamamatay!Mas naiisip ko ang mararamdaman ng aking Ama.Tiningnan ko ito..Sa natitirang lakas nito ay tinakbo nito ang distansya sa pagitan namen..Walang nagawa ang witch na kumokontrol dito dahil maging ito ay nanghihina na din... Agad akong niyakap ng aking Ama..at kasabay ng yakap na iyon ay ang pagtarak ng punyal sa likod nito..tagos sa puso nito ang punyal..hanggang sa balikat ko..Lumayo ng bahagya ang aking Ama upang hindi na lalong bumaon ang punyal.. "Anak..mahal kita..at masaya akong naging Ama mo!"Lumayo ito ng tuluyan sa akin.Nagsimula itong magliyab hanggang sa maging abo na lang ito! "Ama!Hindi Ama!"hindi ko na nagawang tumangis pa ng mas mahaba dahil nagsimulang mag apoy ang buong paligid!Nagkanya kanyang pulasan ang mga salarin..Hindi ko na nakikita ang buong pangyayari dahil sa kapal ng usok ng buong paligid..Nahihilo na din ako.Bukod pa ang kirot sa mukha at balikat ko..Pagod na pagod na ako.Pero hindi pwedeng ito ang maging katapusan ko.Kailangan kong malaman kung sinu ang may kakagawan nito na naging dahilan ng pagkamatay ng Ama ko..Kinakailangan kong iganti ito!Pero paano?Unti unti na kong nanghihina..Sa nanlalabo kong paningin..Nakita ko ang isang pigurang palapit sa akin! "River Dolly..anong ginagawa mo?"narinig ko pang tanong isa pang pigurang nasa likod nito..bago tuluyang nagdilim ang aking paningin!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD