5 Days after..Year 2010
"Calix..."Nakarinig ako ng tumatawag sa akin.Inilibot ko ang paningin sa paligid..Wala akong makita kundi pawang kadiliman.
"Calix!"Naulit ang tawag.Sinubukan kong iadjust ang mga mata ko sa dilim ng paligid..at nagtagumpay ako..dahil unti unti nakakakita na ako ng liwanag...
"Calix....."lumakas ang pagtawag sa akin.Ipinikit ko ang mga mata ko at pinakiramdaman ang buong paligid.Nakinig ako sa sa bawat hampas ng hangin sa aking mukha..na pinagtaka ko dahil kanina ay wala namang hangin.Nagfocus ako..may nakita akong mga tao pero hindi malinaw ang mukha at dun din nanggagaling yung boses ng tumatawag sa akin..Nagmulat ako ng mata..Humakbang ako sa isang tiyak na direksyon.Unti-unting lumiliwanag lalo ang paligid..Huminto ako ng makarating sa lugar na nakita ko..Napatda ako ng mapagtanto kung sino ang tumatawag sa akin..Dahil sa gitna ng pabilog na apoy ay andun ang aking Ama..sakal sakal ng isang nilalang!
"Calix...anak!"nakita ko ang panlalaki ng mata ng Ama kong si Lixondro..Kulay pula na ang kulay ng mata nito..indikasyon ng matinding emosyong nararamdaman nito.Hindi ko sigurado kung sobrang nasasaktan na ito dahil sa mga sugat na tinamo nito.Malakas ang aking Ama!Ito ang pinakamalakas sa lahat ng mga kalahi namen na pinamumunuan nito.Ang pagkakaroon nito ng ganung kalalang pinsala ay nangangahulugang lubhang malakas ang nakasagupa nito.
o Sobrang galit ito ng mga oras na iyon dahil wala itong magawa kundi tingnan sina Arabela at Bethany na duguan ng nakabulagta sa isang tabi.
"Anak..bakit ka pa pumunta dito?"tanong ng aking Ama..Napaigik ito ng higpitan ng nilalang na nasa likod nito ang pagkakasal sa leeg nito.Tiningnan ko ang nilalang na iyon.Nakatakip ang mukha nito at tanging mata lang nito ang nakikita ko mula sa kinatatayuan ko.Bampira ito!Sigurado ako dun..pula din ang mga mata nito.Itinaas nito ang punyal na nasa kabilang kamay nito.Kuminang ang singsing nito ng tamaan ng liwanag..Nahintakutan ako sa sumunod na ginawa nito..Itinarak nito ang punyal sa Puso ng aking Ama.
Hindi ako makagalaw..Hindi ko alam kung bakit gustuhin ko mang tumakbo ay hindi gumagalaw ang aking paa..Ibinuhos ko ang aking buong lakas para makalapit sa aking Ama..na nagsisimula ng magliyab..Dahil may puwersang pumipigil sa akin ang bawat paghakbang ko ay may kapalit na sakit!.Nagsimulang sumirit ang mga dugo ko sa mga bahagi ng katawan ko dahil sa paglaban sa puwersa.Pero wala akong pakialam.!.kailangan kong marating ang kinaroroonan ng aking Ama..Dahil sa dami ng sugat ko..unti unti akong bumagsak..Kahit pagapang pinipilit ko pa ding umusad sa puwesto ko.
"Tama na anak..huwag ka ng lumaban".tupok na ang katawan nito..tanging ulo na lang ang natitira dito.
"Wala ka din namang magagawa!"sigaw ni Bethany.Nakita ko itong nakatayo na sa tabi ng natutupok kong Ama!
"Wala kang silbi kahit kelan!"sugsog din ni Arabela na nasa tabi na din ng mga ito.
"Dahil sa iyo namatay ang asawa ko"galit na saad ng aking Ina..Nasa likod ito ng dalawa kong kapatid at tumatangis na tinitingnan ang nagaganap sa aking Ama.
"Mali ako!Kahit kelan hindi ka magiging tulad namen!"yun ang huling salita ni Ama dahil tuluyan na itong tinupok ng apoy at inilipad ng malakas na hangin ang abo nito!
"Ama!"sumigaw ako ng sobrang lakas..Namatay ang bilog na apoy.Nagdilim ang buong paligid..Wala nanaman akong makita.Nakiramdam ako!Wala akong maramdamang presensiya ng kahit sino sa lugar na iyon.Hinang hina na ako!Malapit na akong bumigay!
Nakarinig ako ng papalapit na yabag...May palapit sa akin!Nakamaskara ito..
"Kung hindi ka nabuhay..hindi mo sana dinaranas ito ngayon!"saad nito.Base sa boses nito..Babae ito.."Pinagsisihan marahil ng iyong Ama ng kupkupin ka niya!"nang uuyam na ngumisi ito sa akin..Sinubukan ko itong abutin..pero ng ipitik nito ang mga kamay..andun ulit ang pamilyar na puwersang pumipigil sa akin..Sa kanya nanggagaling ang puwersa kanina!
"Si..no ka?nanghihina kong tanong
"Dahil hindi na tayo muling magkikita dahil paniguradong ito na ang huling araw mo...sasabihin ko kung sinu ako..."itinaas nito ang maskara nito "Ako si"
"River Dolly"napalingon ako sa malakas na sigaw na iyon..May panibagong pigurang palapit ulit sa akin..Nanlalabo na ang paningin ko dahil sa dami ng dugong lumalabas sa akin..Ibinaling ko ulit sa nakamaskara ang atensiyon ko..Hindi ko sigurado kung ito pa din ang babaeng nakamaskara dahil halos nakapikit na ako.
Inabot ko ito..Sa huling hibla ng katinuan ko..nakita kong umilaw ang singsing sa daliri ko..Ang singsing na ibinigay sa akin ng aking Ama!
"Mr...wake up?!"ramdam kong may yumuyugyog sa akin.
"Akeshi..let him rest"
"But he is been in bed for 5 days now..Bien"
"He suffered so much..you saw that.!"
Nakarinig ako ng mga ngsasalita sa lengguwaheng banyaga!Banyaga subalit lubusan kong naunawaan..Sa tagal kong nabuhay sa mundong ito..walang lengguwahe akong hindi kabisado..Kabisadong isulat,sabihin,basahin at unawain.
"Let's go Akeshi..Maybe Pops is looking for us"
Narinig ko anv pagbukas at pagsara ng pinto.Hudyat na umalis na ang mga ito.Iminulat ko ang mga mata ko!
"See Bien..I told you!He is awake..Now give me your playstation"lumingon ako sa mga ito..Hindi pa pala ito nakaalis..Nasa tabi lang ito ng nakasaradong pinto.
Magkamukha ang mga ito..Kambal marahil!Mga 7 or 8 years old siguro ang mga ito..Naglakad ang mga ito palapit sa akin..Ang isa sa mga ito na nakasuot ng kulay pulang jumper ay tinitigan ako..Wari'y kinakabisado nito ang mukha ko..Hindi ako kumukurap.Pinitik nito ang noo ko..na ikinakunot ng noo ko.
"Akeshi!"sigaw ng isa pang batang nakasuot din ng parehong jumper ngunit ibang kulay lang..Blue naman dito!
"What?Im just making sure..he is still alive!"
"Buhay nga ba ako?"naisatinig ko..Kahit ako..matapos ng mga nangyari sa akin..Sigurado ba akong buhay pa ako?Nawala ang aking Ama sa mismong harap ko..Ang aking Ama na kaisa isang nagpakita ng totoong pagmamahal sa akin!
"Look..his eyes turns red Bien!Tumakbo ito sa likod ng kakambal..Hindi naman kumukurap ang kakambal nito at nakatingin lang sa akin..Tumayo ako..Nanakit man ang buong katawan ko ay pinili kong umupo..
"Are you okay Mr.?"tanong ng tinawag na Bien ng batang si Akeshi..
"Nasaan ako?"Nagkatinginan ang mga ito..Hindi marahil nito maintindihan ang sinabi ko.."Where am I?"inulit ko ang tanong pero lengguwahe na ng mga ito ang ginamit ko..
"Akeshi!Bien!"pumasok ang isang may edad ng lalaki sa kwarto ko.
"Pops!"nagtakbuhan palapit dito ang dalawang bata.
"Mabuti at gising ka na!"Bati nito sa akin
"Are you Filipino?"maang kong tanong dito..Singit ang mata nito..Gayundin ang dalawang bata..
"Ofcourse..a Full blooded one!Bakit parang takang taka ka?"Naupo ito sa upuan sa harap ko..Nasa likod nito ang dalawang bata..
"Akala ko ibang nasyon kayo dahil ang dalawang iyan"tinapunan ko ng tingin ang dalawa sa likod nito."Ay English lang ang sinasalita at nauunawaan!"
Nakarinig ako ng hagalpakan..Nakita ko pang nag high five ang mga ito.
"Niloloko ka lang nitong mga apo ko..ginoo!Akeshi..Bien...magsorry kayo!"utos nito sa dalawa..Tumigil ang mga ito sa pagtawa.
"Sorry!"at tumakbo na ang mga ito palabas ng silid..Pero ang makulit sa dalawa na si Akeshi ay huminto pa sa may pinto at binalingan ang lolo ng mga ito.."Pops..nagiging pula ang mga mata niya!"binelatan pa ko nito bago lumabas.So childish!Masarap talagang maging bata..dahil wala kang seseryosohin ag poproblemahin.Ngumiti ako ng mapait!Sana bata na rin lang ako..para maaari kong makalimutan lahat ng sakit na nararanasan ko ngayon pag tanda ko..
"Eheem..."tumikhim ang tinawag ng mga bata na Pops "Ako si Lolo Pino..Pede mo din akong tawaging Pops"
"Mas matanda pa ko sa iyo."mahinang sabi ko dito na hindi naman umabot sa pandinig nito..Marahil may kahinaan na.
"Ano yun iho?"tanong nito sa akin..Nanatili akong nakatingin sa pintong pinaglabasan ng dalawa.Nasaan kaya ako?Ano kayang nasa likod ng pintong iyon?Isa bang maganda o masamang paligid ang nagiintay sa akin sa labas ng pintong iyon?
"Nandito ka sa bahay namen sa Sta.Sinukuan!"saad ng matanda sa akin..Napatingin ako dito..Inaantay ko ang susunod pang sasabihin nito."Limang araw kang hindi nagigising..malamang gutom ka na..Tara na munang kumaen..I will tell you everything later!"tumayo na ito at lumakad palabas ng pinto..Sumenyas ito na sundan ko ito..Nakalabas na lang ito ay hindi pa din ako natinag sa kinauupuan.Nakarinig ako ng mga nagkakaingay sa labas ng pintuan..Out of curiosity..i get on my feet para silipin ang nangyayari sa labas..
"Waaahhhhh"isang atungal ang narinig ko..kaya naman dali dali akong tumalon mula sa hagdan..May sampung baitang din marahil ang hagdanang iyon..
Natigil ang nagkakaingay at ang umaatungal...Lahat ng mata ay napadako sa akin..Maya maya..dalawang matitinis na sigawan ang narinig ko..
"He is a Monster Pops!"hindi ko na nalaman kung sinu sa dalawa ang nagsabi niyon..Basta na lang nagtago ang mga ito sa ilalim ng hapag.