Chapter Five

2202 Words
LUMINGON lingon si Marjorie sa magkabila niyang gilid at sa kanyang likuran upang alamin kung may kasama siyang nakatayo sa parteng iyon ng bulwagan at puro iyon wala. Nag-iisa lamang siya sa madilim na bahaging iyon malapit sa pintuan palabas. Inatake siya bigla ng kaba nang papalapit na si Calum sa kinaroroonan niya. *Teka? Nakikilala niya ba ako? Alam niya bang nandito ako ngayon? But I’m wearing a mask.* Hindi niya mawari kung ano nga ba ang dapat gawin at ang kanyang mga paa ay hindi na niya magawang ihakbang pa. Tanging ang tumakbo paalis at palayo dito ang nararapat gawin pero hindi niya magawa dahil ayaw makisama ng kanyang katawan. Dala ng kaba at nerbiyos hindi niya napigilan ang sariling tunggain at inumin ang buong laman ng cocktail glass niya. And before Calum can make it near her, she losts her balance because the effect of the alcoholic drink has already an effect on her. But before she could land on the floor, strong arms were quick to save her. “Be careful, Miss. You should not drink a lot if you can’t take it,” may ngisi sa mga labing pahayag nito. Did he say Miss? Does it mean he didn’t recognize me? Napatulala na lamang siya sa guwapo nitong mukha at hindi alam ang sasabihin o ang gagawin. Mabuti na lamang at inalalayan siya nitong makatayo ng maayos. “T-Thank you,” utal niyang pasasalamat. “You are very much welcome.” “Well, I-I have to go,” utal na naman niyang turan at plano na niyang maglakad at lumabas ng tuloyan ngunit hinila siya sa kamay ng binata dahilan upang mapatigil siya sa paglalakad. Dahan dahan siyang humarap ulit dito at nagtatanong ang mga matang tinitigan ito. “D-Do you need something?” hindi niya pa rin mapigilan ang mautal sa tuwing magsasalita siya at ikinainis niya iyon sa sarili. “Can you please stay just for a moment? I…” napakamot ito sa batok na parang nahihiya sa nais sabihin. Alam pa pala nitong mahiya samantalang hindi naman ito nahiya habang nakikipaglandian sa may asawa kanina. “I want to ask you if I can dance with you tonight? Just one dance, ” pagpapatuloy nito sa naudlot na sasabihin. Mas nadagdagan ang inis niya sa sarili dahil natagpuan na lamang niyang umoo siya. “Y-Yes, why not?” aniya. Nais niyang sabunotan ang buhok sa mga oras na iyon dahil nasira ang plano niyang lumayo dito at umuwi na. Naging marupok siya dahil lang sa si Calum ang nag-aya sa kanya? Think wise, Marjorie! Galit niyang paalala sa sarili na mukhang hindi niya magagawa dahil sa epekto ng cocktail sa kanya. “May I know your name, Miss?” tanong ni Calum habang inaangkla nito ang braso niya sa braso nito at iginiya siya pabalik sa bulwagan. “Ma – Uh – Rajhnia Ross, yeah… It’s Rajhnia Ross.” Muntikan na niyang masabi dito ang pangalang ginagamit niya buti na lamang at maagap siyang palitan iyon. Mula kasi nang umalis siya sa poder ng ama ay Marjoie Alcantara na ang pangalang tanging ginagamit niya. But now, her other name was needed. “Nice to meet you Miss Rajhnia Ross. And I’m Calum Scott, your gentleman for tonight at your service,” he was smiling gorgeously and that makes her stare at him and praise how perfect his features could be. He could be mistaken as a Greek God. Kinuha nito ang isa niyang kamay at dinala iyon palapit sa mga labi nito at ginawaran ng halik. That’s when she remember how he flirts a while ago. Kaya naman agad siyang nag-iwas ng tingin dito at sa ibang direksiyon tumingin sabay bawi ng kanyang kamay na tapos na nitong halikan. Malapit na sila sa gitna nang bulwagan nang biglang pumailanlang ang malamyos na tugtogin. It’s a Slow Waltz and everyone started to find their partners and walks into the ballroom and dance harmoniously with the music. “Shall we, my lady?” biglang kumalas sa pagkakaangkla ng braso nito sa braso niya at nakayukod habang nakalahad ang mga palad sa harapan niya si Calum. Tinanggap naman niya ang nakalahad nitong kamay at nagpatianod sa binata. When they are already in the ballroom his right hand went on her back down to hold her waist. Then he put her left hand on his right shoulder. While their other two hands are clasped together at chest height. As they started dancing with the other guests, she somehow calmed down and only think of enjoying the ball just this moment. Nagpaubaya pa siya ng hapitin siya lalo ni Calum papalit sa katawan nito. Sobrang magkadikit ng katawan nila na halos ramdam niya ang mabilis na pintig ng puso nito. Since she’s short and Calum is way taller than her, her head is just on his chest level. Not to mention that she’s already wearing a three inches heels. “You look more beautiful and dazzling up close, Miss Ross,” puri nito habang titig na titig sa kanya at masuyo siyang isinasayaw sa saliw ng malamyos na musika. “You look hot and gorgeous yourself, Mr. Scott,” pagpuri niya rin dito atsaka ngumiti. She can’t control herself anymore. The cocktail drink is really taking over her body and she couldn’t think straight now. “And your eyes. They remind me of someone but she has different eye color than yours,” anito na nagpabalik ng kanyang kaba. Napayuko siya bigla at pilit kinakalma ulit ang sarili. Inisip niyang hindi siya ang Marjorie na kilala nito ngayong gabi at siya ngayon si Rajhnia sa paningin nito. After that she looked up at him again smiling seductively. “Oh? Really? Does her eyes looks more beautiful than mine?” she asked. “Both of you have beautiful pair of eyes, Miss Ross. And you can’t compare one’s eyes to another because all of us has their own beauty in them,” sagot nito atsaka yumuko upang mailapit nito ang bibig sa kanyang taenga. Ramdam niya ang mainit nitong hininga sa parteng iyon ng kanyang katawan at biglang nag-init ang kanyang pakiramdam. “W-What are you doing, Mr. Scott?” pigil ang hiningang tanong niya. Lalo pa niyang nahigit ang hininga nang biglang dilaan ng binata ang likod ng kanyang taenga atsaka nito ginawaran ng tatlong mumunting halik ang kanyang leeg. “P-Please stop it,” saway niya dito habang pigil ang mapaungol sa sarap ng sensasyong dulot ng ginawa nito. And this sensation she’s feeling right now is new to her. “I can feel it that you like it, don’t you?” he said teasingly. “B-But we’re in public. Look at the crowd they might – “ and before she could finish talking he already pulled her away from the hall. They were heading upstairs and she found herself with Calum on the balcony. Madilim ang paligid at ang bilog na buwan ang tanging nagbibigay liwanag sa kanila. Ramdam niya ang mabilis na t***k ng kanyang puso habang wala siyang kahit na anong pagtutol sa ginagawa ng binata sa kanya. Mukhang napapatunayan niyang marupok talaga siya pagdating dito. Maski ng hapitin uli siya nito palapit sa katawan nito ay nagpaubaya siya. Hanggang sa unti unting nagbaba ito ng ulo upang magkapantay sila ng mukha. And before she could react, his lips were already glued on hers. My first kiss. She’s shocked and all that but her lips kissed him back. She then closed her eyes and encircle her arms around his neck. Her body was responding against what her mind was telling her. It was a gentle kiss and to tell the truth, she likes it. Looks like she’ll never regret this. It was a magical moment, Calum and her kissing on the balcony under the moon. She feels like they were in a romantic movie. Not until she felt his hand untying the knot of her mask. Awtomatikong naitulak niya ito at humakbang siya paatras habang sapo ang maskara na muntik na nitong matanggal. Malalaki ang mga matang tumitig siya sa nagugulohang mukha ng binata. Mukhang nagtataka ito kung bakit ayaw niyang maalis ang maskara. Kahit nabitin siya sa halikang nangyari sa pagitan nila, kahit na gustung gusto niyang maramdaman ulit ang labi ng binata sa labi niya ay pinigil niya ang sarili. “I-I’m sorry, I… I didn’t mean to take it off. I just want to see your face, my lady,” paliwanag nito habang naglalakad palapit sa kanya. Nanatili naman siya sa kinatatayuan habang inaayos ulit sa pagkakatali ang suot na maskara. Pagkatapos niya iyong ayusin ay nakalapit na sa kanya ang binata at tila nag-aalangan sa susunod na gagawin. Natatakot sigurong lumayo siya ulit dito. Tumingala siya dito at kahit tutol ang utak niya, ginawa pa rin niya. She tiptoed and gave Calum a peck on the lips and when she’s done she teasingly touched his chest down to his Adonis belt. She has no idea what and why she was doing it. “I have to go, Mr. Scott,” pagpapaalam niya at hindi nagawang magsalita ng binata dahil natuod ito sa kinatatayuan dahil sa ginawa niya. “And Oh!” naglalakad na siya patungong hagdanan ng may maalala siya. Tumigil siya at nilingon ito. “I forgot to tell you something…” Ngumisi siya ng dahan dahang lumingon ito sa kanya habang hindi pa rin kumikilos ang katawan nito. “It’s my first kiss and thank you because you made it magical,” she winked at him and continue walking until she was already downstairs. “Wait! Miss Ross! Please don’t go!” narinig niya ang malakas na sigaw ni Calum habang nakatingin ito sa kanya mula sa ikalawang palapag. I’m in trouble. Agad niyang tinanggal ang suot na heels at buhat ang mahabang laylayan ng gown ay tinakbo niya ang daan palabas ng mansion. Wala na siyang pakialam kung sa kanilang dalawa na naghahabulan nakatuon ang pansin ng mga tao at sila ang naging sentro ng usapan. Dali dali niyang pinuntahan ang sasakyang nirentahan ni Axel para gamitin niya dito sa Ireland. At nagpapasalamat siya dahil naroon pa rin ito at naghihintay. Mabilis siyang sumakay sa loob at nagpapasalamat siya dahil hindi siya naabotan ni Calum. “Back to the hotel, please,” saad niya sa driver na pinaandar naman ang sasakyan at pinaharurot na iyon paalis. Doon lamang siya nakahinga ng maluwang at hindi niya magawang mag-isip pa rin ng matino. That cocktail drink! Paninisi niya sa inumin habang sapo ang sentido. Muntikan na siya doon. Ayaw niya kasing malaman ng nakakarami kung sino talaga siya. That she’s a Ross because she hates being one. You hate seeing him flirt tonight but you enjoyed it when you are the one he’s flirting with. Don’t deny it. You even enjoyed your first kiss with that jerk! And another part of her brain makes her regret what just happened. MAGTATATLONG araw na rin ang nakakalipas mula nang mangyari ang pagkikita ni Marjorie at Calum sa Ireland. Para kay Marjorie, hindi niya kahit kailanman malilimutan ang ala alang iyon sa tanang buhay niya. Pakiramdam niya kasi tuwing sinasariwa niya ang mga nangyari sa masquerade ball ay ibang katauhan niya ang kanyang ipinakita. Hindi siya ganoong klase ng babae kung kaya’t hanggang ngayon ang sising sisi siya sa mga nangyari. “Marjorie? Kanina ka pa tulala diyan? Hindi ba masarap ang niluto kong tinola?” untag ni Juris sa kanya na kaagad niyang nilingon atsaka bumaba ang tingin niya sa mga pagkain sa kanyang harapan. Kasalukuyang nagtatanghalian na sila ng kaibigan dahil tapos na nilang mapakain ang mga bata. Napabuntong hininga siya at nagsimulang kumain. “May problema ka ba, Marj? Pagkabalik mo kasi galing ibang bansa ay halos maubos ang oras mo kakatulala,” puna nito sa naging kilos niya noon pang mga nakaraang araw. “Wala ito, Juris. Huwag mo na akong pansinin,” tugon niya at nanatiling nakatuon ang kanyang pansin sa pagkain. “Baka naman tungkol ito doon sa guwapong lalaki na bumisita sa iyo noong nakaraang linggo?” may bahid ng panunudyo na tanong ng kaibigan. Nasamid siya bigla habang humihigop ng sabaw dahil sa naging katanungan nito. Nag-angat siya ng tingin dito at walang anu ano’y binatukan sa ulo. “Huwag mo ulit ipapaalala sa akin ang lalaking iyon kung hindi kakalimutan kong kaibigan kita,” pagbabanta niya kay Juris na hinahaplos ang banda kung saan niya ito binatukan. Hindi naman gaanong masakit ang ginawa niya, sakto lang upang takutin ito. “Mukhang siya nga ang dahilan pero sige tatahimik na lang ako,” saad nito kapagkuwan at may naglalarong ngiti sa mga labi. Inirapan na lamang niya ito atsaka muling bumalik sa pagkain. Kung alam lang nito ang buong nangyari baka magtititili ito sa kilig at itudyo pa siya lalo kay Calum. Naiinis na talaga siya sa sarili dahil halos puro ang binata na lamang at ang nangyari sa pagitan nila noong masquerade ball ang tumatakbo sa utak niya. Sana huwag na itong magpakita sa kanya kahit na kailan dahil tiyak na magiging marupok lamang siya. Oo, inaamin niya dahil napatunayan niya iyon ng gabing iyon kahit pa sabihing nasa ilalim siya ng kapangyarihan ng cocktail drink.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD