NAGLALAKBAY ang utak ngayon ni Calum pabalik noong gabi ng masquerade ball. Rajhnia Ross. That woman is driving him crazy. Mas lalong naging komplikado ang sitwasyon ng makilala niya ang babaeng iyon. Dahil dito nagugulohan siya kung sino talaga ang totoong itinitibok ng kanyang puso, kung si Marjorie o ang babaeng iyon na nakamaskara.
Hindi niya alam kung saan magsisimulang hanapin ito dahil bukod sa pangalan lamang nito ang kilala niya, wala na siyang ibang alam tungkol dito. Maski ang mukha nito ay hindi niya alam kung ano ang hitsura dahil hindi siya nagtagumpay na alisin ang maskarang nakabalot sa katauhan nito. She’s very mysterious but somehow she reminds her of Marjorie, the way his body reacts especially the erratically beating of his heart when he was with her that night. Even their eyes looks similar though they have different eye color.
But what irritated him the most was when he ordered Jamie to look for her name on the list of invited guests that night only to find out that there’s no Rajhnia Ross at all. That woman! How dare she flirt with him and aroused his body then left afterwards? He will find her no matter what and make her pay for it.
“My Lord, I’ve been learning Filipino for almost a week now. I am eager to use it soon but when are we going back to the Philippines? So I could try it there?” tanong ni Jamie sa kanya habang inaayos nito ang magulo niyang mesa.
Kasalukuyan niya kasing pinag-aaralan ang funds na ibibigay niya sa kanyang kauna-unahang charity upang suportahan ang San Agustin Orphanage. Hindi naman ganoon kalaki ang pinansiyal na pangangailangan ng orphanage kaya ayos lang sa kanyang magbitaw ng dobleng halaga sa kailangan ng mga ito. He dropped the papers and face his secretary.
“Well then let’s have a flight tonight. Arrange everything now so we just have to pack our things,” utos niya dito habang hinihilot ang sumasakit na sentido.
“Yes, My Lord. Right away,” agad namang sumunod si Jamie at palabas na ng opisina niya ngunit nagsalita ulit siya.
“By the way, how’s the investigation going?” he asked still massaging his temple.
Tumigil ito mula sa pagpihit ng doorknob at muling humarap sa kanya. “About Miss Rajhnia Ross, My Lord?”
“Is there somebody else that I want you to investigate with?” iritadong niyang tanong pabalik.
“W-Wala na pong iba, kamahalan,” utal nitong sagot at napabilib siya sa paggamit nito ng wikang Filipino. Baluktot man iyon at may accent, natutuwa pa rin siya dahil sinubokan nito.
“Kamahalan? I like that more than Your Grace and My Lord,” anito atsaka nginitian ang sekretaryo na halatang nakahinga ng maluwang. “So? How’s the investigation?” he asked again.
“Still no progress, My Lord… Oh! I mean ‘kamahalan’,” sagot nito sa kanya sabay yuko. Halatang ayaw nitong makita ang magiging reaksiyon niya. Maybe he was expecting him to be irritated, disappointed or angry like how he used to be the past few days when he asked about it.
“Leave it then. I’ll just order someone who’s best at tracking the most mysterious people down,” malumanay niyang turan na ikinaangat ng tingin sa kanya ni Jamie. “Go and do what I told you to do.”
“Opo, kamahalan,” yumukod ito bago tuloyang umalis.
Nang mapag-isa siya agad niyang dinampot ang kanyang cellphone sa ibabaw ng kanyang mesa at hinanap ang numero ng taong matagal na rin niyang hindi nakakamusta. Ilang ring din ang lumipas bago nito sinagot ang kanyang tawag. “Hello, Your Grace. Long time no call, ah! I can sense it that you need something,” bungad ng nasa kabilang linya.
Napangisi siya atsaka nilaro ang hawak na lapis sa isang kamay. “I’m sorry, Conrad. Nagtatampo ka yata dahil kilala lang kita kapag may kailangan ako,” biro niya sa kausap.
Conrad Conor Mancini. This man is a very well-known badass tracker and hacker, aside from that he’s also a famous international model who owns an IT Company.
“Whatever, crackhead. Just get into the point because I’m busy shopping with my girlfriend right now,” hindi nito pinatulan ang biro niya ngayon at doon siya nagulat dahil gustung gusto ng lalaking ito na makipagbangayan sa kanya hanggang sa maasar siya at matalo sa huli.
“Really? No ‘asar talo’ game today?” nanunudyo niyang tanong dito.
“I’m sorry, man. My girlfriend is more important than you and because you didn’t get it straight to the point when I’ve given you the chance, I’m hanging up now.” And truth to his words, that motherfvcker already ended the call.
Natatawang inalis niya mula sa pagkakalapat sa taenga ang cellphone niya at tumipa doon upang ipadala na lamang bilang mensahe ang nais ipagawa dito. Mukhang abala nga ang loko sa bago na naman nitong babae.
Look for a woman named Rajhnia Ross. I met her three days ago at Ireland during the Findledor’s masquerade ball. Sent to Conrad.
A woman? Finally! Because I’ve been doubting you as a gay before, I’m very thankful you’re not. He received that reply from him after five minutes.
Napairap siya sa hangin dahil nagsimula na itong asarin siya. But tulad kanina, ‘asar talo’ game is not today for them to play. The motherfvcker is busy with his girlfriend and he’s not in the mood.
So he replied. Just find her, you crackhead! I’m not wasting a huge amount of money to you just for nothing. And I want the result tomorrow.
Matapos ng huling mensaheng pinadala niya ay wala na siyang natanggap pang sagot mula dito. Ibinagsak na lamang niya ang cellphone sa ibabaw ng kanyang mesa and sumandal sa kanyang swivel chair habang minamasahe niya ulit ang sentido.
As he closed his eyes to rest, Marjorie’s face while smiling sweetly flashes before him. And then came Rajhnia’s seductive and alluring smile. He immediately opened his eyes and barged out from his office. He walked upstairs directly to his bedroom and went to his bathroom to take a cold shower.
No, Rajhnia Ross. You are not going to ruin my sanity. And I’m gonna get my revenge from you while I win Marjorie’s heart. That’s what his mind keeps on telling him under the pouring water.
ISANG araw na naman ang lumipas at kahit papaano nagiging magaan na ang pakiramdam ni Marjorie. Hindi na rin niya gaanong naiisip ang tungkol sa ginawa niyang pagkakamali sa Ireland. Nagagawa na ulit niyang magtrabaho ng maayos at hindi na siya tinutudyo ni Juris na tulad ng kahapon.
“Salamat at naparami ang kuha natin ng gatas ng kalabaw ngayong araw na ‘to at makakagawa ulit ako ng masarap na pastillas para sa mga bata,” natutuwang turan ni Juris na may bitbit na dalawang kahoy na timba at naglalaman ng gatas ng kalabaw na sariwa galing sa mga kalabaw mismo ng mag-asawang sina Ginoong Josefino at Ginang Ingga. Matanda na ang mag-asawa at puro nasa ibang bansa ang tatlong anak at may sarili na ring mga pamilya. Nagpa-iwan ang dalawa dito sa Pilipinas na sinusuportahan naman ng mga anak, mabait ang mga ito at palaging nagbibigay at handang tumulong sa bahay ampunan.
“Oo naman, Juris. Si Tatang Jose at Nanang Ingga pa ang kumuha niyan para sa atin,” tugon niya at bahagya pang itinaas ang buhat ding dalawang kahoy na timba’t may laman ng gatas ng kalabaw. Sariwa at masustansiyang gatas.
Hindi nila namalayang dalawa na malapit na sila sa ampunan dahil sa masaya nilang kwentuhan at biruan. Napatigil lamang silang pareho sa pagtawa ng makita nila ang nagkakagulong mga bata sa malawak na bakuran at tila nagkakasiyahan ang mga ito. Kaagad nilang binilisan ang paglalakad at nagulat siya ng makita kung sino ang dahilan ng kaunting kagulohan.
Narito na naman at naligaw sa ampunan ang lalaking ayaw niya na sanag makita pa. Matapos ng nangyari sa kanila ay wala siyang mukhang maihaharap pa rito ngunit narito na naman ito nais gulohin ang utak at puso niya na naghuhuramintado ngayon sa kaba at pananabik sa binata.
Parang nag-ala Santa Claus ito ngayon dahil may dala itong mga pasalubong para sa mga bata, maraming iba’t ibang klase ng tsokolate, mga damit at mga sapatos na isa isa niyang ipinapasukat sa mga bata. Hindi naman ito gaanong nahihirapan kahit magulo ang mga bata dahil tinutulongan ito ng sekretaryo nitong mukhang palagi nitong bitbit, pati sina Father Hayme, Mother Faith at lahat ng madre ay nakitulong rin sa pamamahagi ng dalang pasalubong ng binata.
Hanggang sa nahigit niya ang hininga at mas bumilis ang pagtibok ng kanyang puso ng mapatingin ito sa gawi niya at nagtama ang kanilang mga mata. Does he already know? Iyan ang unang pumasok sa isip niya matapos magtama ng kanilang mga mata at ngitian siya’t kawayan nito.
Nakita niyang tumayo ito sabay tapik ang sekretaryo nito sa braso at itinuro sila ni Juris habang nagsasalita. Pagkatapos ay sabay na naglakad palapit sa kanila ang mga ito. Ang katawan niya ay natuod na naman at hindi niya maigalaw sa sobrang kaba’t nerbiyos na nararamdaman.
“Marjorie,” masaya nitong tawag sa pangalan niya dahilan upang bumalik sa realidad ang takbo ng kanyang utak.
“C-Calum,” tawag niya pabalik sa pangalan nito. “A-Anong ginagawa niyo dito? Bakit kayo bumalik?” tanong niya agad at pilit itinatago ang kaba. Muntik na siyang pumiyok buti na lamang at nakontrol niya ang boses at hindi iyon nangyari.
Hindi ito nakasagot at pinasadahan lamang siya ng tingin. “Akin na iyang buhat mo,” bigla nitong sabi atsaka dahan dahang kinuha mula sa kanya ang hawak niyang dalawang timba.
Napalingon naman siya sa gawi ng kaibigan at hindi na siya nagulat ng makitang ang sekretaryo na ni Calum ang may bitbit sa kanina’y hawak ding mga timba ni Juris.
“Tara na sa kusina at kailangan pa naming pakuluan ang mga gatas,” mabuti at nagsalita si Juris upang putolin ang namayaning katahimikan.
Si Juris din ang nagturo kung saan ilalagay ng dalawa ang mga timba habang siya nama’y inihanda ang kalan. Kapagkuwa’y naramdaman niya ang papalapit na presensiya mula sa kanyang likuran. Alam niya agad na si Calum iyon dahil naamoy niya ang pabango nito na naging paborito niyang amoy pagkatapos ng masquerade ball.
Nainis siya sa sarili dahil sa naalala uli niya iyon. Dapat nga ay magpasalamat na lamang siya dahil mukhang hindi pa rin nito alam na siya ang babaeng nasa likod ng mga maskara at sa pangalang Rajhnia Ross.
“How have you been?” tanong nito at nanatiling nakatayo isang dangkal ang pagitan sa kanyang tabi.
Tumikhim muna siya bago sumagot upang hindi manginig ang boses niya dala ng kaba. “Maayos naman. Ikaw?” kalmado niyang tugon.
“I’ll be a liar if I tell that I’m fine when in fact I’m not,” he answered her honestly.
Dahan dahan siyang humarap dito at kita niya nga sa mukha nitong hindi ito maayos. Halata sa ilalim ng mga mata nito ang malaking eye bags na wala naman noong una niya itong makilala. Hindi niya napigilan na haplusin ang pisngi nito dahil sa pananabik at nakokonsensiya siya dahil mukhang siya ang dahilan. Not her as Marjorie but her as Rajhnia.
Pati naman siya ay palaging laman ng isip ang mga pangyayaring iyon sa pagitan nila ng gabing iyon ngunit nakakatulog naman siya ng maayos. Ngunit bakit ito? Masyado ba niya itong naapektuhan? O baka naman may ibang rason kung bakit ito problemado?
“Handa na ba ang lutuan? Isasalang na – “ napatigil si Juris sa pagsasalita ng makita nito ang posisyon nila ni Calum. Siya ay nakahawak sa pisngi ng binata habang ito ay hinapit siya palapit hawak ang kanyang bewang.
Kaagad siya tuloy bumitaw dito at lumayo sa binata. Nagmamadali niyang kinuha ang malaking kaserola at isinalang iyon sa kalan.
Tumulong si Jamie, naalala na niya ang pangalan ng sekretaryo ni Calum, sa paglilipat ng gatas ng kalabaw mula sa timba papuntang kaserola upang hindi mahirapan si Juris. Natahimik sila pareho ni Calum habang pinapanuod ang dalawa at nang matapos ang mga ito, kumuha siya agad ng dalawang malaking panghalo at ibinigay ang isa kay Calum na nagtataka naman sa kanyang ginawa pero kinuha pa rin nito iyon.
Lumipas ang oras at tila wala silang kapagurang dalawa sa paghahalo ng gatas. Sina Juris at Jamie ay abala sa mesa na masayang nagkukuwentuhan habang inihahanda ang mga sangkap para sa lulutoin nilang hapunan. Kahit baluktot ang Ingles ni Juris at baluktot ang pananagalog ni Jamie ay himalang nagkakaintindihan ang dalawa. Hindi na siya nagtaka sa kaibigan kung madali nitong nakuha ang loob ni Jamie, sadyang palakaibigan ito at madaling magustohan ng tao sa kwela at masayahin nitong ugali.
“By the way, Marjorie,” kuha ni Calum ng atensiyon niya at tumigil sa paghahalo upang magpunas ng pawis gamit ang kamay. “I’ve been thinking if the orphanage would want to build a playground for the kids outside the wide yard?” Anito.
Tumigil din siya sa paghalo at hinugot ang face towel mula sa bulsa ng kanyang bestida atsaka ito nilapitan upang siya na ang magpunas ng pawis nito sa mukha at leeg. Tumingkayad pa siya upang maabot lamang ito, mabuti na lamang at nagbaba ito ng ulo upang hindi siya gaanong mahirapan. Ibabalik na sana niya sa bulsa ang tuwalya nang agawin nito iyon mula sa kanya at pinunasan din ang pawis niya.
Hindi niya gaanong pinatagal ang pagpupunas nito ng pawis niya dahil kailangan na nilang bumalik sa ginagawa. Ilang minuto ang lumipas at pinalitan sila nina Juris at Jamie upang makapagpahinga sila ni Calum.
Magkaharap silang naupo sa hapag at walang umimik. Napayuko siya atsaka nilingon sina Juris na masaya at ang mga ito ngayon ang naghahalo ng gatas.
Napatingin lamang siya sa gawi ni Calum ng napabuntong hininga ito. Nagtama ang kanilang mga mata at dahil hindi niya kaya ang dulot nitong pagpapatibok ng mabilis sa kanyang puso ay siya ang unang nag-iwas ng tingin. Hanggang sa hindi siya nakagalaw sa sumunod nitong ginawa at sinabi.
“I missed you,” masuyo nitong turan at inabot ng mga kamay nito ang kamay niyang nakapatong sa mesa.
Awang ang mga labing muli niya itong tinitigan. Inaarok ng utak niya kung tama ba ang kanyang nadinig.
“A-Anong sabi mo?” utal niyang tanong.
“I said, na-miss kita. Na-miss mo ba ako?” pag-uulit nito sa sinabi at may kasama na ring tanong.
“O-Oo,” labas sa ilong niyang sagot at halos hindi niya pinag-isipan ang sagot niyang iyon. Again. Her body taking over her mind? Really? Marupok na naman siya.
“I still heard it,” nakangising saad ni Calum sabay lapit sa kanya at mabilis siyang hinalikan sa mga labi.
Mas lalong lumaki ang mga mata niya dahil ginulat uli siya nito. My third kiss from this jerk. Nakatulala lamang siya doon sabay haplos ng mga labi niya at hindi alintana ang nasisiyahang kaharap.