Chapter 1: The new generation of Leaders
Prologue
"K-kamahalan, paparating na ang batang emperador ng Odisius!" gulat na wika ng heneral sa kaniyang emperador.
"Hayaan mo siyang dumating at papasukin mo ito sa ating tarangkahan," nakangiting sambit ni emperador Jiren sa kaniyang heneral.
Dumating si emperador Jeremiah sa bayan ng Medas upang bisitahin nito ang kaniyang tiya reyna na si Karinne at ang kaniyang mga pinsan. Bumaba sa trono si reyna Karinne upang yakapin ang kaniyang pamangkin.
"N-narito ka na pala Schniziel este Jeremiah," gulat na saad nito sa pamangkin emperador.
"Kumusta ka na aking tiya reyna, matagal na rin tayong hindi nagkikita. Tatlong taon na ang nakakaraan," nakangiting sambit nito sa kaniyang tiya.
"Heto maayos naman aming Jeremiah, isa ka ng emperador ng ating kinalakihang bayan. Tila hindi namatay ang iyong ama sa iyong katauhan. "
"Opo, tiya. Subalit magkapareho man ang aming mukha at katangian, ngunit magkaiba pa rin ang aming katauhan."
"Alam ko iyon, aking pamangkin. Halika at uminom muna tayo ng tsaa at dito ka na rin maghapunan."
Umupo silang magtiya sa hardin ng palasyo at kinumusta nito ang kaniyang kaharian, ang emperyo ng Odisius.
"Kumusta ka na aking mahal na pamangkin, nasaan sina Allirea, Aerith at Scaffer?"
"Maayos lamang po ako tiya reyna, sina Aerith, Allirea at Schneider ay nasa bayan ng Krushan. Sapagkat wala pong kasama roon ang aking kapatid na emperador. Inaalala ko ito tiya dahil alam kong mahina ang kaniyang kalooban."
"Tulungan mo na lamang ang iyong kapatid dahil kayo na lamang ang magkakaramay sa ngayon. Bagama't wala na ang inyong mga magulang alam kong nakabantay lamang sila sa inyo."
"Alam ko po iyon tiya ngunit mas pinili kong matulog sa silid nila upang kahit papaano ay naiisip kong kayakap ko sila tuwing gabi. Masasabi kong napakasuwerte ko dahil mapagmahal ang aking mga magulang. Masama man sa paningin nila ang aking kilala nilang malupit kong ama subalit para sa amin ay walang kapantay ang kanilang pagmamahal."
"Oo, aking pamangkin. Nagbago ang iyong ama magmula nang makilala niya kayo. Bagama't hindi maganda ang pagkakakilala ng iyong ama at ina, subalit nakita ko ang pagmamahal nila sa inyo. Handa nilang gawin ang lahat upang mabuhay at maging maayos lamang kayo."
"Tiya bakit ganoon? Bakit mas piniling mamatay ni ama? Hindi man ito namatay sa digmaan bakit mas pinili nitong bantayan ang puntod ng aking ina hanggang sa huli nitong hininga?"
"Alam mo ang kasagutan diyan, Jeremiah. Mahal na mahal ng iyong ama ang iyong inang si Amethyst. Alam mo bang ang ikaunang pag- ibig ng iyong ina ay si Clovis?"
"T-totoo ba iyan tiya? Tila ngayon ko lang nalaman iyan!"
Kinuwento lahat ni reyna Karinne ang nakaraan nila ng kaniyang mga magulang at laking gulat ni Jeremiah sa kaniyang nalaman.
Chapter 1: The new generation of leaders
Jeremiah's POV
Tatlong taon na ang nakakaraan nang mamatay ang aking amang dating emperador na si Schniziel. Nakikita kong napakaganda ng kaniyang mga nagawa upang mabigyan lamang ng magandang buhay ang mga alipin na kaniyang nasasakupan. Ang mga alipin naman sa aming palasyo ay ang iba ay nag- asawa na ng mga kawal at sa ngayon ay nakatira na sila aming bayan. Ang mga kadagalahan na wala nang tirahan ang nanatili sa kuwadra. Maliban na lamang kay Amaya na aking matalik na kaibigan simula pagkabata, nakatira na ito sa aming bayan. Umuuwi ito sa kanila at hindi na natutulog sa kuwadra ng mga tagapagsilbi. Bilang kapalit ng kanilang magandang serbisyo, nagbibigay ako ng salapi sa kanila bilang tulong na rin kung may nais silang bilhin na kagamitan para sa kanilang mga sarili. Ulila na rin si Amaya at wala nang mga magulang dahil namatay sila tatlong taon na ang nakakaraan. Ang kaniyang kapatid na babae na lamang ang kaniyang katuwang, siya ay si Anata. Matanda ng isang taon sa akin si Amaya subalit habang tumatagal, gumaganda ito sa aking paningin. Napapansin kong maraming kawal ang gustong ligawan siya subalit tinatanggihan niya ang mga ito. Labis naman nahuhumaling ang aking kaibigan na si Ritzen at gusto niya rin ligawan ang aking kababata. Subalit sa tuwing sila ay nag- uusap hindi ko maiwasan ang magalit at tila naiinis ako. Lagi lamang itong nakangiti at sa tuwing nasisilayan ko ito, bumibilis ang t***k ng aking puso. Palihim kaming nag- uusap bilang matalik na magkaibigan at napapangiti niya ako sa tuwing binibiro ako nito. Minsan ay kinausap ko ito habang naglalaba ito sa likod ng aming palasyo.
"Kumusta ka na, Amaya?" Nakangiting tanong ko sa kaniya.
"Heto po kamahalan, buhay pa rin," pabirong tugon nito sa akin.
"Hindi ka ba nahihirapan sa mga gawain dito sa aking palasyo?"
"Hindi naman po aking kamahalan sapagkat marami naman akong katuwang dito."
"Mabuti naman kung ganoon, subalit kumusta ka naman sa labas ng palasyo ko?"
"Natatanggap ko na po na wala na ang aking mga magulang. Nasasanay na rin po akong matulog kasama ko ang aking kapatid na si Anata. "
"Balita ko ay nililigawan ka na ni prinsepe Ritzen, magkasintahan na ba kayo?"
Hindi ako makatingin sa aking katanungan sa kaniya at tila nagagalit ako sa aking itinanong sa kaniya. Yumuko ito at ngumiti na lamang dahil alam kong kalahating buwan ng nanliligaw si Ritzen sa kaniya.
"H-hindi pa po kamahalan at hindi pa po ako handa para sa mga ganyang bagay. Subalit sasabihin ko po ang aking saloobin kamahalan, tila nahuhulog na ako sa kaniya," nakayukong wika nito sa akin at namula ang kaniyang mukha.
"S-sige maiwan na muna kita, may aasikasuhin akong mahalagang bagay," gumagaralgal na saad ko sa kaniya.
Tila nasaktan ako sa kaniyang isinaad. Gusto ko rin itong ligawan subalit hindi siya ang nababagay sa akin, dahil sa totoo lang isa lamang siyang alipin sa aking paningin. Ayokong bumaba ang tingin nila sa akin sapagkat isa akong makapangyarihang emperador sa buong bansa. Masaya ako sa tuwing nahahawakan ko ang kaniyang kamay. Ako ang nagturo sa kaniya kung paanong magbasa at magpatugtog ng plawta. Simula pagkabata ay mayroon na akong lihim na pagtingin sa kaniya ngunit hindi ko siya puwedeng ibigin. Tulad ng ikinuwento ng aking tiya na si reyna Karinne sa akin, nasaktan ako sa aking nalaman. Ganoon pala kalupit ang aking ama pagdating sa aking ina. Naging mapusok ito dahil sa pagnanasa sa aking ina ngunit bandang huli sila pa rin ang nagkatuluyan. Tila nagagaya na ako sa aking yumaong ama, habang tumatagal tumitindi ako sa aking pagnanasa sa aking kababatang alipin na si Amaya.
End of POV