Chapter 2

1954 Words
"Magpabili nalang tayo sa classmate natin tapos ipadala nalang sa tambayan." Kanina pa reklamo ng reklamo tong si Tin, tinatamad kasi siyang pumila sa Cafeteria. "Bright idea!" Pagsang ayon naman ni Cheska sa kanya. "Ikaw tingin mo Becca?" Tanong naman ni Irin sakin. "Huy!!" Sabay ng paggulat nito. Kaya naman napabalik ang tingin ko sa kanila. "Ano ba yan kanina ka pa tahimik at tulala, ano bang tinitingnan mo?" Agad naman nilang sinundan kung saan nakadikit ang tingin ko, napalunok ako at ngumisi saka binalingan ng tingin ang mga kasama ko. "Aha! Mukang trip mo yung transferee ah." Sabay tawa ni Irin sakin na siyang kinakunot ng noo ko. "H-ha? Anong trip pinagsasasabi mo!?" Nailang ako sa sinabi niya. "Trip mung pagtripan." Agad nitong dagdag, kaya naman nagtinginan sila bago bumalik tingin sakin na parang nawiwirduhan. "Anong nangyayari sayo? Kanina kapa lutang." "Oo nga, magfocus ka nga." Nagcrossarms si Tin at tumaas ang isang kilay. "Siguro may pinaplano ka sa kanya no?" I rolled my eyes, "Pwede ba tigilan niyo ko." Muling napabalik ang tingin ko sa kanya na saktong napatingin din sakin, muling nagtama ang mga mata namin, ngumiti lang siya at muling humarap sa kausap niyang classmate din namin, nagtatawanan sila. Palipat lipat lang tingin ko sa kanilang dalwa bago ayusin ang sarili. "Matagal paba yan?" Mataray na tanong ko sa mga kasama ko. "Sinabi ko naman sa inyo magpabili nalang tayo." "Kaya nga." Ngumisi ako at naglakad papunta sa unahan, tiningnan ko ng masama yung mga nakapila na nauna samin kaya naman agad silang humawi. "S-sorry Ms. Becca." Wala pa man akong sinasabi panay ang sorry na nila. Tsh! Pathetic. Kaya naman nakabili na kami agad ng kakainin namin. Palabas na sana mga kasama ko patungo sa tambayan namin. "Let's stay here." Sabi ko na kinakunot ng noo nila. "Ha? Are you serious Becc?" Tumango lang ako at nagtungo sa isang vacant table. Habang naglalakad palapit dito, napagawing muli ang tingin sakin ng transferee na to, nagtitigan kami hanggang sa makarating ako sa table kung saan nakaharap sa kanya. Seryoso ko lang siyang tingnan, maya maya pa siya nadin bumawi ng tingin na yon at muling tinuloy ang pakikipagkwentuhan niya sa isang classmate namin. Pinatong ko ang tray ko sa table maging mga kasama ko. "Gutom na ko." Saad ni Tin at sinimulan na ngang kumain, nagmerienda na kami ng maya maya pa ay narinig namin ang mga palihim na tilian ng mga studyante sa loob ng cafeteria. Napagawi ang tingin namin sa naglalakad palapit samin. It's Benz and Enzo. Napangiti kami ng lumapit sila samin dala ang food tray nila. Kaya naman pala kinikilig na naman ang mga girls dito. "Girls, anong ginagawa niyo dito?" Tanong ni Enzo na lumalapit kay Irin. "Akala ko nasa taas kayo, nagpadeliver pa naman ako ng snacks para satin." Dagdag naman ni Benz na tumabi sakin. "E kasi tong si Becca mas gustong kumain dito." Sagot ni Cheska. "Wow!" Natatawang naaamaze na reaction ni Benz. Tinuloy ko lang pagnguya ko habang pinaguusapan nila kung bakit dito kami kumakain, usually we hang out sa tambayan namin sa taas, extra room talaga siya para samin ng mga friends ko. "Trip kung kumain dito may masama ba?" Tanong ko ng naiirita sa kanila, bat di nalang sila kumain at manahimik. "Wala naman Becca." Tatawa tawang sagot ni Enzo na tila nang aasar pa. Ningisian ko lang siya bilang sagot. "Taray talaga ng Becca nitong bestfriend ko." Agad ko siyang inirapan. "Loko!" Napipikon naman siyang binato ni Benz ng pagkain niya. "Chill dude." Sabi nito na may mapang asar na ngiti padin. Nagtatawanan naman ang mga kaibigan ko dahil sa pang aasar ni Enzo. Tsh! "Tigilan niyo kami." Sabi ko nalang kasabay ng paglipat ng tingin sa taong nasa kabilang table na katapat ko. Inaayos na niya sarili niya at tumayo na, agad kung naiiwas ang tingin sa kanya ng mapagawi ang tingin niya sa gawi ko. Ramdam ko at kita sa peripheral vision ko ang pagalis at pagdaan niya sa side namin. "Anyways, do you have any plans after class?" Tanong ni Enzo. "Wala pa naman, pero kailangan kong umuwi agad dahil may dinner kami ng Family ko." Sagot ni Irin. "Ako din, if ever you want to hang out later, nagpromise ako sa kapatid ko na magbebake kami ng cake mamaya para sa birthday niya." Sagot naman ni Cheska. Nalungkot naman si Enzo dahil dito. "Aww, how bout you Tin and Becca?" "I'm free, okay lang naman sakin." Cool na sagot ni Tin. "Bec?" Napatingin ako kay Benz na nagtanong naman sakin. Kinuha ko muna inumin ko at nagsip sa straw bago siya tingnan. "Next time." Matabang na sagot ko bago ayusin ang sarili at tumayo. "Tapos kana?" Nagtataka nilang tanong. "Oo, kita nalang tayo mamaya." Sagot ko at iniwan sila don. "Anong nangyari don?" Rinig kung tanong nila sa isat isa ngunit di ko na pinansin. Parang gusto ko nalang muna ng break, so nagdecide ako na magswimming muna, may swimming pool area ang school at kasing laki ito ng olympic swimming pool mahilig akong sumali din sa mga activities dito sa school, pageant, sports, music, etc. Habang tinatahak ko ang daan papunta dito, nakasalubong ko naman si Nam na papasok din sa gymnasium, nagdarecho siya sa locker room, napangisi ako at sinundan siya. Napatingin siya sakin at tila nagulat ng makita ako na binubuksan ang locker ko. "Para ka naman nakakita ng multo nan." Sabi ko at saka siya hinarap matapos kung makuha ang gamit na gagamitin ko. Sinara ko locker ko at tumingin sa kanya habang nakasandal ako sa locker ko. "H-hindi naman sa ganon, nagulat lang ako. Pasensya ka na." I rolled my eyes. "Gusto ko sanang magpractice ng walang kasama." Kita ko ang takot sa mata niya ng sabihin ko ito sa mahinahong tono. Mayaman ang pamilya ni Nam, pero wala padin ang yaman ng pamilya ko sa pamilya niya. "G-ganon ba. Sige mamaya nalang kami magpapr-" "I'm ready Nam!" Agad kaming napatingin sa bagong pasok. Naiayos ko ang tayo ko at tiningnan siya mula ulo hanggang paa, mukang nagtataka pa siya sa nangyayari. Pinagmasdan ko siya mula ulo hanggang paa, nakaready na nga siya, san siya galing? At san siya nagbihis. "Ahm, Freen, mamaya nalang?" Sabi ni Nam at dali daling lumapit sa kanya para hilahin palabas. "H-ha? Pero bakit?" Nagtatakang tanong nito. "W-wag ka ng magtanong, halika na." Hihilahin ulit sana siya nito ng nagmatigas na di umalis. "May problema ba?" Tanong nito sa kanya at kasabay ng pagtingin sakin, so I crossed my arms atsaka naglakad palapit sa kanila. "Meron." Matabang na sagot ko kaya napakunot ang noo niya. "Ayoko ng may kasabay." Saad habang titig na titig sa mga mata niya, pansin ko dito ang pagkawala ng pagtataka sa muka niya at napalitan ito ng pagiging seryoso, pareho na kami ngayon nagsusukatan ng mga titig. Matagal kami sa ganong posisyon ng mapalunok ako at napaiwas ng tingin. Damn! Bat ganon nalang siya tumingin. Muli kung binalik ang tingin sa kanya ng iritable, ang lakas ng loob niyang tingnan ako at makipagtitigan sakin. Muli akong napalunok ng mapababa ang tingin ko sa labi niya na binasa niya gamit ang dila niya. Bumigat ang dibdib ko dahil sa ginawa niya, nakatitig lamang ako dito. "Wala naman sigurong masama kung sasabay kami sayo." Napabalik ako sa ulirat sa mga sandaling iyon ng magsalita siya. Hindi pa man ako nakakapagsalita ng muli siyang nagsalita. "Ganito nalang, napag alaman ko kasi na ikaw yung bully sa School na to dahil mayaman ka, nagiisang anak, maganda, maraming achievements, etc, maraming natatakot sayong studyante, walang nagtatangkang lumaban kasi hindi nila gugustuhin ang magalit ka." "Eh?" Napangisi ako sa sinabi niya, kita ang gulat din sa muka ni Nam dahil sa sinabi niya. "A-ah Freen, alam mo halika na sa ibang araw na lang, pwede naman tayong tumambay sa soccer field Im sure may mga nagpapractice din don, tama dun nalang tayo." Pagkumbinsi sa kanya ni Nam, ngunit mukang di siya nagpapatinag, di niya binabawi ang tingin sakin. "Kanina pa natin to pinaguusapan sa cafeteria, alam ko na gusto mo, kaya gagamitin natin ang pool ngayon." Dagdag nito na siyang nagpangitngit ng panga ko. "Ang lakas ng loob mo." Mariin na sabi ko habang darecho padin nakatingin sa kanya. "4 na taon ang tanda ko sa inyo, at yung pinapakita mo na ugali sakin ngayon, ang childish tingnan." Napatayo ako ng ayos kasabay nito ang pagkainsulto na naramdaman ko dahil sa sinabi niya. "F-freen?" Gulat si Nam. "Tsh!" Muli kung pagngisi. "Ganon ba ate?" Balik na pangiinsulto ko sa kanya. Ngunit di siya natinag doon. "Sorry Ate, pero pag sinabi kung ayoko, ayoko!" Taas kilay kung saad. Napansin ko lang ang pag angat ng isang kilay niya at gilid ng labi. "Halika na Nam." Hinila niya si Nam papunta sa Pool Area. Natulala ako sa ginawa niya, what the eff! Sino ba siya sa inaakala niya. Iniwan nila ako ditong magisa. Umangat ang dugo ko sa buong muka ko. "Aahh!!" Irit ko sa sobrang pagkainis. Sinundan ko sila. "Sino ka ba sa inaakala mo? Hindi kaba natatakot na kakapasok mo palang dito, pwede ng mawala agad yang scholarship mo!?" Nakuha ko atensyon nila na ngayon ay nagreready na para tumalon sa pool. "Kayang kaya ko yon gawin!" Dagdag ko. "Yan, alam mo bang sa mga series at movies ko lang napapanuod mga bully na katulad mo, hindi kana bata, act your age." Sabi nito na ikinahinto ko. Sunod sunod ang paghinga ko dahil sa mga sinasagot niya sakin. "Hindi na ako bata!" Naiinis na sagot ko. "Then act like one." Agad na sagot niya, sa totoo lang pinipigilan ko ang luha ko na pumatak sa sobrang pagkainis sa kanya. Hindi ang katulad niya ang mambabara sakin ng ganito at magpapahiya. "Know your place, you poor b***h!" Sagot ko. Napalunok siya at dahan dahan naglakad palapit sakin. "I know my place, hindi nga ako kasing yaman niyo, wala ako ng meron kayo, but I know how to respect people. You have to learn that." Sagot nito sakin. Natigilan ako sa sinabi niya. Muli siyang nilapitan ni Nam. "Freen, it's okay, next time nalang. Matatapos nadin naman yung break time. Bumalik na tayo sa room." At tuluyan na siyang dinala ni Nam paalis. Natigilan ako sa mga sandaling iyon. Bago tingnan ang daang tinahak nila. — Pagbalik ko sa room, wala nadin naman akong ganang magpractice ng swimming. Papasok palang ako ng makita ko siyang nakaupo na sa pwesto niya, sa unahan ng pwesto ko, sandaling nagtama mga mata namin bago ako tuluyang maglakad papunta sa pwesto ko. "San ka galing?" Tanong nitong tatlo. "Kanina kapa tinatawagan ni Benz bigla ka nalang nawala kanina." Tanong ni Irin. "Oo nga girl, san ka ba nagpunta?" Darecho lang akong nakatingin sa itim at mahaba niyang buhok mula dito sa likod niya. "Okay ka lang ba?" Hindi padin nawawala ang pakiramdam kung mapahiya dahil sa mga sinabi niya sakin. "Huy!" Napabalik ako sa wisyo at tumingin sa mga kaibigan ko. "Okay lang ako." Simpleng sagot ko. "So san ka nga galing?" Alam ko na naririnig niya ang mga usapan namin dahil napakalapit ng pwesto niya samin. "Wala." Simpleng sagot ko. "Sigurado ka bang okay ka lang?" "Tsh! May araw ka din." Bulong ko sapat na marinig niya. "Ha? Sino? Sinong kaaway mo?" Tanong ni Cheska at sabay sabay silang napatingin kung saan ako nakatingin ngayon, hindi ko inaalis ang tingin mula dito sa likod niya. "Owh" Reaction nitong tatlo sa tabi ko. Ramdam ko ang paghinga niya ng malalim mula sa harapan ko. Ngunit di siya naglalakas ng loob na humarap samin darecho lang siyang nakatingin sa unahan, hanggang sa dumating na nga ang next subject namin. —- Next...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD