bc

I Will Be Here: FreenBecky

book_age18+
120
FOLLOW
1K
READ
family
HE
heir/heiress
blue collar
drama
mystery
childhood crush
like
intro-logo
Blurb

"Anong ginagawa mo?" Agad na napukaw ng atensyon ko ang isang babaeng ngayon ay nakatingin sakin at sa mga kasama ko?

Napangisi ako at tumingin sa mga kasama bago muling ibalik ang tingin sa kanya.

"It's none of your business." Kumunot ang noo niya at agad na lumapit para kunin ang kamay ng babaeng ito at hinila papunta sa likod niya.

Napaayos ako ng tayo at nagngitngit ang panga. Sino ba siya? Magkatitigan lang kami mata sa mata at ramdam ang tensyon sa pagitan namin.

Hey guys, this is the first time na magsusulat ako ng GL Story. Hm ilang araw na siyang nakatambay sa utak ko. Bahala na, may magbasa man o wala basta isusulat at tatapusin ko to. Ciao!

chap-preview
Free preview
I Will Be Here: FreenBecky
Chapter 1 "Goodmooooorning..." Bati ko kay Mommy at Daddy habang pababa ng hagdan, nakita ko sila na nagpeprepare ng breakfast namin, si Mommy na inaayos ang sink at si Daddy na inaayos naman ang table namin. "Goodmorning baby.." Bati nilang dalwa habang nakangiti. "Halika na dito at kumain na. Baka malate ka pa sa school mo." Sabi naman ni Daddy at hinigit ang upuan upang makaupo ako. "Salamat." Sabi ko. Naglinga linga ako. "Nasan si Yaya Joy?" Tanong ko. Napabuntong hininga naman si Mommy at tumingin kay Daddy. "Pinagday off muna namin ng daddy mo, may sakit kasi ang mama niya, walang magbabantay kaya hinayaan na muna naming makauwi ng probinsya." Sagot ni Mommy na siyang kinalungkot ko. Si Yaya kasi ang lagi kung kasama at maging tropa nadin, madalas siya ang nag aasikaso sakin lalo na kapag nasa business trip si Mommy at Daddy abroad. "Ganon ba." "Pero wag kang mag alala babalik naman siya, but for now, kami na muna ni daddy mo ang maghahatid at sundo sayo sa school." Agad akong napangiti dahil sa sinabi ni Mommy, si Yaya din kasi taga hatid at sundo ko dahil marunong din naman siyang magdrive. "Really!?" Agad silang napatango. "Yes habang hindi pa kami busy masyado ng mommy mo." "E pano si Tito Arnel?" Tanong ko, siya naman kasi yung driver talaga namin. Kumunot naman noo ni Daddy. "Wait, ayaw mo ba na kami maghatid at sundo sayo?" "No! No! I'm just reassuring na kayo talaga susundo at maghahatid sakin sa school." "Okay okay, let's eat bago lumamig ang pagkain." Sabi ni Mommy. Napabuntong hininga ako habang nakatingin sa table na puno ng breakfast namin. Anyway, I'm Rebecca Patricia Armstrong, Senior High sa isang prestigious school, I'm from a rich family, only child of Mr and Mrs Armstrong, kung nagtataka kayo saan nanggaling ang Armstrong, yun ay mula sa tunay kong father na nasa heaven na, he had an accident 10yrs ago while heading home, bata pa ako nung mga time na yon. Si mommy nalang ang nakasama ko until she met Daddy Anthony, he is only my step-dad but he treat me the way my Father treat me. I love him so much, he gave me so much love like his own daughter and to my mother as well. As long that he loves my mother, I will respect him and treat him like my father. "We're here baby." Agad nakuha nila mommy ang atensyon ko na nakatingin sakin mula sa backseat ng kotse. Napatingin ako sa labas, nandito na nga kami sa tapat ng School namin. Ngumiti ako at nagpaalam sakanila bago bumaba. "Take care okay? Gusto mo bang ihatid ka namin sa loob?" Agad silang napatawa kasabay ng pagkunot ng noo ko. "No!" Agad na sagot ko. "Dad, Mom! I can take care of myself okay? Dont worry, and isa pa dalaga na ko, para naman akong bata nan kung hanggang sa loob ihahatid niyo ako." Sagot ko na ikinatawa nila. "Binibiro ka lang namin, o siya sige na at baka malate kapa." Sabi nilang dalwa kaya naman bumaba nako. Pagkababa ko ng kotse nagwave lang ako sa kanila upang magpaalam bago humarap sa daang tatahakin ko. Ngumiti ako at bumuntong hininga, napangisi ako ng maramdaman ko ang mga tingin sakin ng ibang estudyante at alam ko din na pinagbubulungan nila ako. Actually, sikat ako sa school na to. Mayaman ako diba? Malaki ang shares ng family ko sa school na to kaya lahat sila takot sakin. Hindi ko maintindihan kung bakit sila natatakot sa isang katulad ko na wala namang ibang ambag sa school na to kundi ang mambully kapag trip ko. Campus Princess ang bansag nila sakin pero alam ko din naman na Witch naman ang tawag ng ibang may galit sakin. Lalo na sa mga inggit, nasa akin na kasi ang lahat. Maganda, maraming talento, sikat, mayaman, matalino. "Hey Becca!!" Napatigil ako sa paglalakad ng marinig ko ang familiar na boses. Ngunit ng pagharap ko. "Ahh!" Agad akong napatili at napapikit ng maramdaman ko ang isang bagay na bigla nalang bumangga sakin. Kasabay nito ang pagbagsak ng gamit ko. Di ko pa man naimumulat ang mata ko mula sa pangyayari, naramdaman ko ang bagay na nakayakap sakin. "S-sorry.." Isang boses ang narinig ko na napakalumanay, agad kung naimulat ang mata ko at nagulat sa nakita ko. Panandalian akong napatitig sa mga mata niya at napalunok dahil ang lapit ng muka niya sakin. Ilang segundo kami sa ganoong posisyon ng itulak ko siya palayo sakin, mukang nagulat siya sa ginawa ko. Pinagmasdan ko siyang mabuti, hindi siya familiar sakin, panibagong transferee na naman ba to? Nakakunot noo ko sa kanya, habang pinagmamasdan siya. "I'm really sorry, hindi kasi kita nakita." Sabi niya. Napangisi ako at napacrossarms. Ngumisi lang ako dahil sa porma niya, nakablack pants siya with white top na may nakapatong na blazer na black, maganda at shiny ang mahabang buhok, napalunok ako ng marealize kung ano ba tong iniisip ko. "Becc are you okay?" Napatingin ako sa lumapit sakin si Irin at Tin pala. Halata sa muka nila ang pag aalala. "Pwede ba sa susunod magingat ka, wala ka sa track and field." Agad na pinagtarayan ni Tin ang babaeng nasa harap namin ngayon. "I'm sorry ulit, ito oh." Agad na inabot niya sakin ang gamit ko na bumagsak pala ng diko na napansin. "I'll be careful next time." Sabi nito, napatitig lang ako sa kamay niyang hawak hawak ang gamit ko at muling napabalik sa muka niya. Aabutin ko palang sana sa kanya ang gamit ko ng bigla itong kunin ni Irin sa kamay niya. "Get out of our face!" "You heard her? Choo!" Sabi nitong dalwa na ikinailang niya at naglakad na paalis sa harap namin. So I rolled my eyes, "Let's go!" Sabi ko nalang at naglakad na kami patungo sa room namin. Excited kami sa first day of school dahil Im sure na hindi naman kami agad agad magkaklase. "Where is Cheska?" Tanong ko dito sa dalwang katabi ko. "Baka late alam mo naman yon." Sagot ni Tin. Pagdating namin sa room namin, nagkakagulo na naman ang mga classmates namin sa loob, wala pa kasi ang teacher. Agad silang natahimik ng makita kaming dumating. Humawi silang lahat na para bang binibigyan kami ng way para makadaan. "Sis, lets sit there at the back." Pagturo ni Irin sa likod kaya naman naglakad kami patungo doon, napadikit ang tingin namin sa isang classmate namin na nakayuko at mukang natutulog sa upuan na gusto naming upuan. "Tsh!" Napangisi ako, ang aga aga natutulog siya ulit. Napacrossarms kaming tatlo habang nakatingin sa iisang classmate namin na mukang mahimbing ang tulog. Iginala ko ang tingin sa lahat ng mga classmates namin na halata ang takot at napapayuko kapag matitingnan ko. "Pwede bang gisingin niyo siya?" Sabi ko at muling ibinalik ang tingin sa nakayukong ito. Ngunit walang naglalakas ng loob na gisingin ang taong ito. Kaya muli kung ginala ang tingin ko hanggang sa nakuha ng isang classmate namin ang atensyon ko. "Ikaw!" Pagturo ko, "Gusto kong hilahin mo ang buhok niya patayo, ng magising siya!" Sabi ko. "Di mo ba narinig ang sinabi niya?" Tanong ni Tin sa classmate namin. "P-pero..." "Oh buhok mo nalang hilahin ko palabas ng room na to?" Agad na dagdag ko at pinagtaasan siya ng isang kilay. Kaya naman dali dali siyang lumapit at hinila ang buhok ng classmate namin. "A-aah!" Irit naman ng classmate naming natutulog. "A-ano ba!?" Magagalit pa sana siya ng bigla siyang mapatingin sakin. "B-becc.." Nauutal na sambit niya bago bawiin ang buhok sa humila nito at nagvow ng paulit ulit samin. "Makinig kayong lahat!" Anunsyo ko. "Simula ngayon, dito sa likod kami uupo, walang maglalakas ng loob o magtatangka na upuan to." Agad naman silang mga nagtanguan. "Oh my mean becca is back!" Napatingin kami sa nagsalita mula sa pintuan habang nakacrossarms at nakasandal doon. Napatitig ako sa kanya at napangiti. Siya si Benzy Cruz, Benz nalang ang Campus Heartthrob, Ex boyfriend ko pero ngayon we're in good terms as friends. Bakit kami nagbreak? Kasi ayoko na, puro lang kami away at selos, not healthy and that's it! Mabilis lang din naman ako nakamove on sa kanya at natanggap ang lahat. Ngumisi ako sa kanya at lumapit siya sakin. "Ginagawa mo dito?" Tanong ko. Hindi ko naman kasi siya kablock. "I'm just checking kung nakadating ka na." Sabi nito, mabait si Benz, di man nagwork ang relationship namin, but as friends? Mas okay kami don, mas nagkakasundo kahit na minsan pakiramdam ko tinatry padin niyang bumalik ako sa kanya. Pero may ugali kasi akong once I am done! I'm done, pinaliwanag ko naman sa kanya na hanggang kaibigan nalang din talaga kaya kung ibigay sa kanya. After break up, wala pa ulit siyang ibang nagugustuhan o nagiging girlfriend, kahit na napakadami naman nagkakagusto sa kanya. "Hay nako Benz bumalik kana sa room mo." Sabi ni Cheska na ngayon ay ibinaba naman ang bag sa upuan niya, nakadating na pala siya. "Bakit ngayon ka lang girl?" Tanong ni Tin. "Traffic aga aga." Matabang na sagot nito at ibinaling naman ang tingin kay Benz. "Nanliligaw kana naman sa baby girl namin, bumalik kana sa room mo." Dagdag nito kaya naman napakamot nalang sa batok si Benz, ngumiti ako sa kanya. "Becca, magchat nalang ako mamaya at pinapaalis nako ng mga tropa mo." Sabi nito na parang batang nagsusumbong sakin. "Goodmorning Class!" Agad na napukaw ng atensyon naming lahat ang boses ng nagsalita. Si Mrs. Chan ang teacher namin. Kaya naman agad na umalis nadin si Benz para bumalik sa subject niya. "Goodmorning Ma'am." Bati naming lahat. "Okay class, ako ang magiging teacher niyo sa Filipino maliwanag? Magsiupo na kayong lahat at bago ang lahat." Tiningnan niya muna kaming lahat bago muling magsalita. "May gusto akong ipakilala sa inyo." Agad siyang napatingin sa labas ng pinto kasabay nito ang pagpasok ng isang babaeng may mahaba ang buhok. Napakunot ang noo ko habang pinagmamasdan siyang papasok. "Hi, I'm Sarocha Chankimha, pero mas kilala akong Freen, bago lang ako dito kaya sana makasundo ko kayong lahat, interest ko? Mahilig ako sa arts, mahilig din akong maglaro ng volleyball, magsulat ng libro at marami pa. 22 years old nako kung nagtataka man kayo na mas matured nakong tingnan para sa inyo." Pagpapakilala nito sa sarili niya na siyang ikinatawa ng iba. "E bakit Senior High kapa din?" Isang epal na nagsalita, napatingin ako dito at napakunot ang noo bago muling ibalik ang tingin sa kanya. Napalunok siya pero agad din naman ngumiti. "Tumigil ako sa pagaaral para matulungan ko si Mama sa mga gastusin namin sa pang araw araw." "So mahirap ka lang?" Isa pang epal na muling nagsalita. Tumango siya. "Pano ka nakapasok dito?" Tanong naman ni Irin na ikinatawa nitong mga katabi ko. Hindi ko inaalis ang tingin sa kanya. "Papano naman maaafford ng isang tulad mo ang tuition fee dito kung ganung mahirap ka lang?" Dagdag naman ni Cheska. Napatingin siya sa gawi namin at doon nagtama ang mga mata namin, nakatingin siya sakin na, napangisi ako sa isip ko, nakilala niya siguro ako dahil ako ang nabunggo niya kanina habang tumatakbo siya pagmamadali. "May nag offer sakin ng full scholarship para makapasok dito, sino ba naman tatanggi don, big priviledge sakin ang mabigyan ng ganitong pagkakataon." Muli siyang tumingin sakin after niyang ngumiti sa teacher namin at makipagngitian sa mga classmates namin. "Class class si Ms, Sarocha ay makakasama natin ng buong taon, kaya sana bigyan niyo siya ng pagkakataon para makilala kayo. Sige na umupo kana sa upuan mo." Iginala niya ang tingin sa buong classroom upang maghanap ng pwedeng maupuan, at dahil marami sa classmate namin ang takot samin, walang nagtangkang umupo sa isang bangko na nasa harapan ko kaya agad siyang lumapit dito at inilagay ang gamit niya. ——— Next....

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Fireheart

read
1.2K
bc

Bending My Straight Boss

read
65.6K
bc

Purr-fect Match

read
6.5K
bc

The Little King

read
5.0K
bc

Madness [MxM] - Completed

read
55.5K
bc

JARED'S ESTRANGED MATE(book two chronicles of Her Grace)

read
568.9K
bc

Love In The Moonlight (BXB)

read
30.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook