bc

Rise of the Shadow Beasts

book_age16+
11
FOLLOW
1K
READ
adventure
prince
drama
bxg
campus
mythology
magical world
superpower
civilian
like
intro-logo
Blurb

"Isang galit. Isang kidlat. At ang lihim na matagal nang itinago sa mundo ng mga tao..."

Sa gitna ng matinding digmaan, tuluyang nasakop ng mga Wizard ang apat na kaharian. Ngunit ang ikalimang kaharian ay hindi nawala—lihim pala itong nagtago sa mundo ng mga tao, sa mismong gitna ng pinakatatakutan at pinakamadilim na gubat na iniilagan ng lahat.

Sa kabilang banda, simpleng buhay-estudyante lang ang hangad nina Renz, Alden, Mia, at Kael, habang pilit na tinitiis ang araw-araw na pambu-bully sa kanila. Walang kaalam-alam ang apat na dugong maharlika ang nananalaytay sa kanilang mga ugat.

Ngunit nang tuluyang mapuno si Renz at magpakawala ng hindi maipaliwanag na kidlat sa isang tulak lamang, magsisimula nang magising ang nakatagong kapangyarihan. Habang naghahanda ang Omni Magic Academy na hanapin ang mga nawawalang dugong bughaw, tanging oras na lang ang magsasabi... hanggang kailan mananatiling lihim ang tunay nilang pagkatao?

chap-preview
Free preview
Chapter 1: Ang Unti-unting Pag-gising ng mga Anino
Ang limang kaharian ay unti-unti nang nawawasak dahil sa matinding digmaan. Dahil dito, ang ilan sa kanila ay napilitang tumakas at magtago sa mundo ng mga tao—kabilang na ang mga prinsipe at prinsesa ng bawat kaharian. Habang ang iba naman ay naiwan para patuloy na makipagdigma at ipaglaban ang kanilang mga sariling lupain. Ngunit sa gitna ng gulo, ang isa sa limang kaharian ay biglang naglaho na parang bula. Dahil doon, apat na kaharian na lamang ang natira, at ang mga ito ang tuluyang nasakop ng mga Wizard. Lumipas ang mahabang panahon sa mundo ng mga tao. Sa hindi inaasahang lugar—doon sa pinakatatakutan, pinakapangit, at pinakamadilim na gubat na iniilagan ng lahat—doon pala lihim na matatagpuan ang ikalimang kaharian na matagal nang naglaho. Sa loob ng palasyo, bakas ang lungkot sa mukha ng Hari at Reyna. "Mahal na Hari at Reyna, narito na po si Prinsesa Anna," magalang na wika ng isang Sombra, ang kanilang tagasilbi. Agad na lumingon ang Hari at Reyna. "Mahal kong Ina at Ama, handa na po akong pumasok sa Omni Magic Academy," pahayag ng prinsesa bago niya mahigpit na niyakap ang kanyang mga magulang. "Mag-iingat ka, mahal naming anak," maluhang sambit ng Hari at Reyna. Ilang sandali pa, dumating si Headmaster Zephyrus at agad na yumuko. "Mahal na Hari at Reyna, naparito po ako upang sunduin ang Prinsesa," magalang niyang sambit. "Kamusta ang paghahanap sa mga prinsipe at prinsesa?" tanong ng Hari. "Hanggang ngayon po ay wala pa kaming ideya kung nasaan sila, ngunit patuloy pa rin kami sa paghahanap," paliwanag ng Headmaster. "Asahan ko yan. Kapag hindi natin ito nagawa sa lalong madaling panahon, baka ito na ang isunod nilang atakihin at lahat tayo ay maglaho. Kaya maaari na kayong umalis at sanayin niyo nang maigi ang aming anak." "Opo, mahal na Hari. Masusunod," tugon ni Zephyrus. Bigla silang naglaho at sa isang iglap ay napunta na sa labas ng palasyo, kung saan may nakahanda nang karwahe na maghahatid sa kanila patungo sa Omni Magic Academy. Sa isang normal na paaralan, masayang namumuhay ang magkakaibigang sina Alden, Kael, Mia, at Renz. Walang kaalam-alam ang apat tungkol sa kanilang tunay na nakaraan at sa dugong maharlika na nananalaytay sa kanilang mga ugat. Sa kabila ng kanilang pagkakaibigan, hindi sila tinatantanan ng mga nambubully. Kahit ilang beses silang gawan ng masama, pinili lang nilang manahimik at hindi lumaban. Ngunit isang araw, tuluyang napuno si Renz. Sa gitna ng pang-aasar, biglang nag-alab ang galit ni Renz at malakas na itinulak ang nambubully sa kanya na si Dave. Kasabay ng pagtama ng kanyang kamay, biglang kumidlat nang napakalakas, dahilan upang mapanganga ang lahat ng mga estudyanteng nakasaksi. Sa sobrang takot, agad na nagtatakbo si Dave palayo habang nanginginig. "Halimaw! Isang halimaw!" sigaw nito habang patuloy na tumatakbo, hindi makapaniwala sa nakitang kakaibang lakas ni Renz. Maging si Renz ay hindi makapaniwala sa kanyang nagawa, habang ang kanyang mga kaibigan ay nanatiling nakatulala sa kanya. Ilang sandali pa, biglang tumunog ang telepono ni Mia, dahilan upang magising sila mula sa kanilang pagkatulala. Nakita nilang tumatawag ang mommy ni Mia, ngunit hindi niya ito sinagot. Sa halip, agad silang lumapit kay Renz. "Hoy, Renz! Paano mo iyon nagawa?" tanong ni Kael nang pabulong, bakas ang pagtataka. "Nakita niyo ba talaga iyon?" balik na tanong ni Renz, na tila hindi pa rin makapaniwala. "Oo, kitang-kita namin!" sabay-sabay na sagot ng tatlo. "Hindi ko alam... hindi ko alam kung bakit iyon nangyari," paliwanag ni Renz habang humihinga nang malalim, sinusubukang pakalmahin ang sarili. Ilang sandali pa, tumunog ang bell. Parang ayaw pumasok ni Renz dahil sa takot. "Renz, tara na. Pag-usapan natin 'to mamaya," yaya ni Kael. "Ayaw kong pumasok, marami ang nakakita," malungkot niyang sambit. "Hayaan mo sila, walang maniniwala roon," sagot naman ni Mia, bagaman bakas din sa boses niya ang kaba. Huminga nang malalim si Renz. Sabay-sabay silang pumasok sa loob ng classroom nang puno ng kaba at takot. Ngunit pagdating nila sa loob, laking gulat nila—si Dave at ang iba pang nakasaksi ay parang walang nangyari. Naupo ang apat sa kanilang mga upuan habang nagtataka. Tumingin si Renz kay Dave, at napansin ito ni Dave. "Ano ang tingin-tingin mo?" matapang na tanong ni Dave, na tila hindi na natatakot gaya kanina. Magsisimula na sanang mang-bully ulit sina Dave, ngunit sakto namang dumating ang kanilang teacher. Pagkatapos ng klase, laking gulat ng apat nang biglang dumating ang kani-kanilang mga magulang para sunduin sila. Nagtataka sila kung bakit sabay-sabay silang pinuntahan gayong hindi naman iyon ang nakasanayan. Dahil sa biglang pagdating ng mga magulang, hindi na natuloy ang plano nilang mag-usap tungkol sa nangyari kanina. "Chat-x na lang tayo," sambit ni Renz sa kanyang mga kaibigan bago sila tuluyang nagpaalam sa isa't isa at sumama sa kanilang mga magulang. Renz POV Habang nasa biyahe pa kami, hindi ko maiwasan na maisip ang nangyari kanina. Hanggang sa unti-unti dumilim ang paningin ko. Nagising ako sa isang magandang lugar at namangha ako ng sobra. Sobrang laki ng palasyo at ang ganda ng tanawin; fantasy world talaga, para akong nanood ng Tv pero nasa loob nga lang. Sa hindi inaasahan, biglang unti-unting dumilim ang paligid. Ang magandang tanawin ay napalitan ng dilim, ang mga bulaklak ay nasalanta, habang ang palasyo ay unti-unting gumuho. Takbo ako nang takbo, akala ko ay mamatay na ako, nang bigla akong nagising dahil sa pag-yugyog sa akin ni Mommy. "Hoy, Renz, anak! Ano ba ang nangyari sa 'yo?" alalang na tanong ni Mommy. "Wala, Mom. Nanaginip lang ako ng masama, akala ko totoo," sagot ko. Agad naman akong niyakap ni Mommy nang mahigpit. "Mom, may sasabihin ako," sabi ko kay Mommy. "Mamaya na lang 'yan, anak. Nandito na tayo sa bahay, magpahinga ka muna sa kwarto mo." Napatingin ako, nasa kotse pa pala ako. Lumabas na kami at ilang sandali pa, umakyat na ako sa kwarto ko. Pagdating ko sa kwarto, agad akong humiga at makalipas ang ilang sandali ay bigla na naman akong nakatulog. Nagising na naman ako sa ibang lugar—nasa loob na ako ng isang kagubatan. May nakita akong tigre na nakatingin sa akin. Bigla niya akong inatake, pero buti na lang at nakailag ako. Nang umatake na naman siya, tumakbo ako palayo hanggang sa bigla na lang akong nagising. Pagtingin ko sa paligid, nasa kwarto na ako. Panaginip lang pala. Huminga ako nang malalim at bumaba para kumuha ng tubig dahil sa uhaw.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MARRYING RYAN DELA CRUZ

read
165.5K
bc

Governor Hidden Mistress

read
66.0K
bc

My Private Sensual Tutor (SSPG)

read
16.3K
bc

My Obsessed Professor (Dela Cuadra Series 3)

read
69.6K
bc

Lick It Harder (SSPG)

read
45.0K
bc

Dare to love ME

read
73.1K
bc

Lara's Seduction

read
186.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook