CHAPTER 2

987 Words
ELLA’S P.O.V Kinabukasan gumayak na ako patungong trabaho para pormal na magpaalam. Sumabay ako sa mga taong nakapila sa labas. Alas nuebe ang bukas ng bangko at oras na para papasukin ang mga tao para sa kani-kanilang transaksyon. Sinadya ko rin magpahuli para hindi makasabay ang mga kasamahan sa trabaho. Sa loob nang tatlong taong pagtatrabaho ko dito hindi ko rin maiwasang malungkot. Dito na rin umikot ang buhay ko, gayunpaman isang magandang ala-ala na naging bahagi ito nang aking nakaraan. Hindi ko alintana na matagal na pala akong nakatayo sa harap nang pinapasukang trabaho. Nagpatingin na sa akin ang guwardiyang nakabantay sa pinto. Nagtataka ito kung bakit hindi pa ako pumapasok sa loob. Bumalik ako sa realidad nang may isang bulto ang bumangga sa aking likuran. “Ouchh!" gulat kong sambit. Wow ha! dahan-dahan naman po, sa tangkad kong ito hindi mo ba ako nakikita?" reklamo ko habang dinadampot ang tumilapon na hawak-hawak kong folder. "Sorry Miss, I'm just in a rush, I didn't meant it. Ito ang narinig ko mula sa lalaking nakabangga sa akin, at iniangat ko naman ang aking paningin para masilayan ang lalaki ngunit tumuloy na ito pumasok sa loob. Naiwan naman akong nakatulala at dinama ang naiwan niyang bango at paulit-ulit kong narinig ang malamyos ang boses. Bigla naman bumilis ang t***k ng puso ko at parang gusto ko ulit siyang marinig. Parang musika at ang sarap pakinggan. Puno naman ng panghinayang ang nararamdaman ko dahil hindi ko man lang ito nasilayan ang pagmumukha nang lalaki. Napailing-iling na lamang ako habang nakatanaw sa kawalan. "Iha nasaktan ka ba?“ tanong ng Ginang na nagmamagandang loob. “Ho! Ayos naman po ako," sagot ko. Medyo nawindang ako dun sa sumagi sa akin, alam ko hindi niya iyon sinasadya. Pero hindi man lang ako tinapunan ng tingin o tulungan man lang. Nagmamadali yata ang guwapong lalaki at hindi ka na tinulungan pa," sabi ng Ginang na medyo kinilig pa ito sabay abot ng gamit ko. “Okay lang ho. Baka may mahalagang bagay po siguro siyang aasikasuhin. “Oo nga pala nandiyan sa loob ng folder mo iyong gamit na tumalsik kanina," saad nya. "Sige po maraming salamat," tugon ko sa Ginang at sumabay na rin ako sa kanya pumasok sa loob. Marching my way to the office of the branch manager, hinagilap ko ang lalaking bumangga sa akin at ewan ko ba merong akong pag-uusisa na nararamdaman. Napagawi ang aking paningin sa pwesto ni Gary at naroon ang lalaking nakabundol sa akin. Kasalukuyang kausap ni Gary ang lalaki at napasulyap naman si Gary sa kinatatayuan ko at ako na ang kusang umiwas sa tingin niya. Kung ano man ang nangyari sa relasyon namin ngayon siguro lahat ng ito ay merong dahilan. Dalawang taon din kaming magkasama ni Gary sa iisang trabaho kaya dito rin kami unang nagkakilala. Mabait ito at seryoso sa buhay, marami din ang nagkakagsto sa kanya dahil matalino at guwapo ito. Ganoon talaga siguro kapag hindi mo mahal ang isang tao, kahit ano pa man ang katayuan nito sa buhay. Marahan akong kumatok sa pinto nang aming manager. "Come in," aniya. Huminga ako ng malalim bago pinihit ang siradura. "Good M-morning ma'am," medyo nauutal kong bati. "Good morning too Ms.Suarez." Have a sit, at itinuro niya ang sofa sa tapat ng kanyang mesa. "Thank you ma'am," tugon ko sabay nginitian siya. “I received your message yesterday. So what we will talk about?" Nagpadala ako ng mensahi sa kanya kahapon para magpaalam na hindi muna ako papasok ngayong araw pero magrereport ako at may mahalagang bagay kaming pag-uusapan. Magpakawala muna ako ng malalim na hininga para mabawasan ang kaba at sabay inabot ko sa kanya ang puting envelop. ”What is this?” takang tanong niya. Agad naman niya itong binuksan at binasa. She looked at me in desbelief. “Why? What's the reason? Why suddenly you decided to leave your work?” sunod-sunod na tanong nito. Pinagpawisan ako ng malagkit kahit ang lakas nang aircon sa opisina niya. Para akong napako sa kinauupuan at hindi malaman kung ano ba talaga ang mabigat na dahilan kung bakit lisanin ang magandang trabaho. Sa kabilang banda nang pagkatao ko merong lungkot akong nararamdaman dahil ito naman ang pinangarap ko noon.Ang makapagtrabaho sa isang bangko. "Ah... Eh... Ma'am kasi po gust—" hindi ko pa natapos banggitin ng magsalita ito. "Ms. Suarez you are one of my best employee in this branch and one more thing you are selected to promote by next year," sabi niya at ikinagulat ko naman. Gusto ko man tanggapin ngunit buo na ang pasya ko. Masaya po ako sa balitang yan ngunit ikinalulungkot ko hindi ko po matatanggap ang posisyong inalok niyo. Napagpasyahan ko na po ito. Sasama po kasi ako sa tiyahin ko papuntang Canada," pagsisinungaling ko. Napangiwi pa ako sa kalokohang nagawa. Bahala na si batman sa sinabi ko. Sabihin man ng karamihan na ang tanga-tanga ko dahil marami ang nangarap ng magandang trabaho, at mataas na posisyon. Pero para sa’kin iba ang pananaw ko sa buhay. Kapag may sarili kang kakayahan at nasa tao na ang umunlad sa buhay. Dahil sa pagsisikap ko noon sa pag-aaral kaya nakapagtapos ako sa kursong Business Administration at dahil sa mataas ang credentials status ko, maraming kompanya ang gustong mag hire sa akin pero mas pinili ko ang magtrabaho sa bangko dahil mula pagkabata ito na talaga ang pinangarap ko. "Kung ‘yan na talaga ang desisyon mo wala na akong magagawa pa. Kapag naisipan mong bumalik dito, bukas ang pinto ng bangkong ito maluwag kitang tatanggapin," saad niya sabay pirma ng resignation letter form na binigay ko, Good luck to your journey, hangad ko ang kaligayahan mo Ms. Suarez. "Thank you maam," tugon ko at niyakap siya. Ito ang huling araw ko sa lugar kong saan minahal ko ng tatlong taon. Ang bagay na pinangarap ko noon ay tuluyan ko ng iwan..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD