Chapter 4

906 Words
ELLA’S P.O.V Pagdating ko sa bahay, I throw all my things on the floor and I lay in the soft couch. Ang tahimik nang apartment ko. Hindi pa kasi bumabalik si Ate Grace, ang kasama ko dito sa bahay. Kamag-anak siya ng matalik kong kaibigang si Gina. Naghahanap ito nang maupahan malapit sa kanyang pinagtatrabahuan at nagkataon noon na naghahanap din ako ng uupa sa kabilang kwarto para na rin may makakasama ako. Nabili ko itong apartment nakaraang taon lamang. Dalawa ang kwarto at hindi naman gaano kalakihan. Sapat lang ito para sa isang pamilya. Habang nakahiga ako at nakatitig sa kisami ay mayroon akong narinig na isang pamilyar na boses nang lalaki. Dali-dali akong bumangon at sinilip sa bintana. Nakita ko ang lalaki na nakatalikod sa labas nang gate. Naalala ko ang lalaking bumangga sa akin sa trabaho.Nagmadali akong lumabas para makausap siya. Sandali lang huwag ka munang umalis! Nagsisigaw ko sa kanya ngunit hindi ito huminto bagkus nagmamadali itong umalis. Sandali lang please! Gusto kitang makilala paki-usap huwag ka munang umalis!” malakas kong tawag sa kanya. Napabalikwas ako at napahawak sa dibdib. Hingal na hingal at halos kapusin nang hininga. Panaginip lang pala! Hindi ko namalayan nakatulog pala ako. Napagod ako sa pag-iikot ko sa park kanina. Dahil wala naman ako ginagawa sa bahay kaya naisipan kong magpalipas ng oras. “Bakit ako nanaginip sa kanya?” tanong ko sa sarili. Tumingin ako sa orasan. Alas kwatro na pala ng hapon. Ang haba yata nang tulog ko at inabot ako ng ganitong oras. Tumayo ako para maghanda ng hapunan. Napansin ko ang isang paper bag na dala-dala ko kanina. Hindi ko pa pala ito binuksan. Dinampot ko ito at tiningnan ang laman. Ano ba ito? Bakit niya ako binigyan nito? Ano itong papel at isang kahon na kulay pula?” Binasa ko ang nakasulat sa puting papel. Naalala ko pala ang sabi ni Kuya guard na hindi ako makaka-usap nang lalaki ng personal dahil may mahalaga itong lakad. My Lady, Please accept this thing as my apology present. I don’t want to be rude at you in the first place. But. I am sorry. I really don’t have time to meet you. I’m sorry for what happened and hope you like it. Sincerely your’s, Mr. DC L. Napanguso ako dahil pa suspense ito. Hindi man lang niya kinumpleto ang pangalan may pa initial pa siyang nalalaman. Pero infairness ha! Ang ganda ng sulat kamay niya ahm gwapo niya siguro kinilig naman ako. Kaloka dahil lang sa sulat kamay kinilig na kaagad. Paano pa kaya kong makaharap ko ito baka himatayin ako bigla. Bumilis ang t***k nang pusok ko. Hindi na yata normal ang t***k ng puso ko dahil bigla-bigla na lang kinakabahan. Bakit kaya ganito? Baka naman may sakit na ako sa puso? Hayssss…. Napapailing ako dahil kung anu-ano na lang ang naisip. Binuksan ko ang pulang kahon. Ano ba ito? Kakanin dalawang bilog na may kanya-kanyang supot. May dalawa itong flavor. Binasa ko ang nakasulat. Double salted eggyolk and Single salted eggyolk moon cake. Mukhang especial ito ayon na rin sa supot. Inayos ko ang ibang gamit na nasa sahig nang may kakaibang bagay akong nasasalat sa loob nang folder. Nang tingnan ko ito isang pulseras ang nasa loob. Kulay pula at may dalawang gold coin sa gitna. Hindi ko mabasa ang nakasulat dahil sa liit nang letra nito at sa palagay ko sa ibang bansa ito nanggaling. Naalala ko ang Ginang na dumampot ng gamit ko. Malamang siya ang naglagay nito sa loob nang folder ko sa pag akalang akin ‘yon. Kanino naman ito? Hindi kaya sa lalaking bumangga sa akin ang may-ari nito?" Pinasok ko na lamang sa loob nang aking bag at pinagwalang bahala na lang ito. Pagkatapos ko magluto nang hapunan, umupo ako sa sofa para manood nang TV nang biglang bumukas ang pinto. “Hi Ell," bati ni Ate Grace. Nilapag niya sa sahig ang kanyang mga dalang gamit at isinara ang pinto. Alam kong pagod ito dahil nanggaling pa siya ng probinsiya. Isang linggo na itong nawala sa bahay kaya ganoon na lang ang lungkot ko nitong nakaraang mga araw. “Hello po Ate, ang tagal mo naman yata sa probinsya?” paglalambing kong tanong. “Namiss mo ba ako?” nakangiti niyang tugon. Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko. Napabuntong hininga siya at ramdam ko ang pagod niya sa byahe. "Opo, sobrang na miss ko po kayo dahil mag isa lang ako dito sa bahay at walang kausap,” nakanguso ko namang sagot. Tumawa na lamang ito nang mapakla. Nandoon kasi sa probinsiya ang kanyang pamilya kung kaya’t hirap para sa kanya ang malayo sa mga ito. “Kumain ka na ba?” tanong ko sa kanya. Halatang gutom na ito at hindi pa nakapaghapunan dahil naririnig ko na ang kanyang mga alaga sa tiyan. "Hindi pa nga eh!" agad naman niyang sagot. “Sakto nakapagluto na ako. Sabay na tayo kakain. Nagluto pa naman ako ng sinigang na bangus. Ito ang paborito naming lutuin at halos pareho kami ng hilig ni Ate Grace. Kung kaya’t pamilya na rin ang turing namin sa isat isa. “Sige maliligo muna ako,” tugon niya. Hinintay ko siyang matapos maligo para sabay kumain. Namimiss ko ang daldalan namin tuwing gabi. Malungkot pala talga ang mag-isa sa buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD