bc

Her Secret Story

book_age18+
1
FOLLOW
1K
READ
drama
like
intro-logo
Blurb

Ito ay isang kuwento ng babaeng nangarap para sa kanyang pamilya. Lahat ay gagawin mabigyan lang ng magandang buhay ang kanyang mga magulang. Hanggang saan ang kayang gawin at titiisin ni Amery kapiling ang kanyang asawang kailanman ay hindi siya minahal? Makakaya ba niya itong iwan kapalit ng pagdurusa ng kang pamilya? Paano kung mahal na niya ito sa kabila ng mga pasakit na dinanas niya dito?

chap-preview
Free preview
Her Secret Story
Kring... Kring... Kasalukuyang abala si Amery sa pagluluto ng nagring ang cellphone nya. Kailangan pa namang magmadali siya dahil tumawag si Rhyll, ang kanyang asawa. Paparating daw ang kanyang mga biyenan. Hindi pa naman siya pupwedeng hindi magmadali dahil alam niya kung gaano ka estrikta ang kanyang mother in law. Lahat ng ginagawa nya ay mali para dito.. Hello ma, napatawag po kayo? May problema po ba? Pasensya na anak, ang papa mo kasi napaawayan sa kalasingan sa kabilang Kanto.. Nasa presinto na naman.. Bakit, ano po bang ginawa nya ma? Si papa naman, alam niyang kapapanganak lang ni lizzy at naubos ang konti kong ipon pambayad sa hospital. Titingnan ko na lang kung anong magagawa ko ma. Kailangan ko munang taposin ang pagluluto't darating mayamaya ang mga magulang ni rhyll. Pupunta na lang ako diyan bukas.. Bye ma... Hay, hindi ko na alam kung anong gagawin ko kay papa.. Mula ng nalugi ang negosyo nya ay araw araw na lang lasing. Kailangan ko na namang makiusap kay rhyll nito. Pagkatapos kung magluto ay sakto namang dumating sina rhyll kasama ang mga magulang niya. Good evening po mom, dad.. Pagbati ko. Pero as usual, nakataas lang ang kilay ng biyenan kong babae. Ramdam na ramdam ko magmula ng dinala ako ni rhyll sa bahay nila ang disgusto ng mommy nya sa akin.. Naiintindihan ko naman dahil sino lang ba ako kung ikompara sa narating ni rhyll. Isang matagumpay na negosyante sa batang edad. Samantalang ako, di naka graduate ng college. Napatigil kasi ako ng malubog sa utang si papa. Nakilala ako ni rhyll sa isang sikat na mall sa Davao. Doon ako nagtatrabaho bilang sales clerk. Aaminin ko, bukod sa naattract ako sa gwapo at kisig ng asawa ko naiisip ko din na matutulungan ako ni rhyll sa problemang pinansyal since ako lang ang may trabaho sa amin. Si mama ay isang simpleng housewife lang at si lizzy naman, ang bunso namin ay maagang nabuntis at hindi pinanagutan.. Kaya lahat ng problemang pinansyal ay nakaatang sa akin. Apat na buwan na kaming kasal, at so far okey naman ang pagsasama namin except sa mga kunting diperensya. Makakaya ko namang mag adjust dahil alam ko ang responsibilidad ko bilang asawa niya. Nung pinatigil ako ni rhyll sa trabaho, nandito na lang ako sa bahay. Paminsan minsan nadadalaw ko naman sila mama at papa. At si lizzy at ang cute kung pamangkin. Kahit papaano, binibigyan naman ako ng asawa ko ng allowance yon ang binibigay ko sa mga magulang ko. Pero kahit na ganun minsan naiisip ko kung tama ba ang pagpapakasal ko kaagad sa kanya. Wala pa yatang isang buwan kaming nagkakilala ng magdesisyon siyang magpakasal kami. 26 siya at ako naman ay 20. Pero hanggang ngayon, naiisip ko pa rin yung babaeng tumawag sa kanya nung kinagabihan ng kasal namin. Kasalukuyan siyang nasa banyo ng mag ring ang cp nya ang sabi nya sagutin ko na lang dw muna. Pagkapindot ko pa lang sa cp narinig ko ang hikbi ng isang babae. Hello.. Hello.. Sino po 'to? "Pakisabi kay rhyll congratulations at saka nya ibinaba" . Wag mong intindihin yon, isa lang yon sa mga babaeng naghahabol sa akin, sabi naman nya and since hindi ako matanong na tao binalewala ko na lang yon. Kahit na may umusbong na pagdududa sinarili ko na lang. Nahugasan mo bang mabuti ang mga ipinansahog mo dito sa ulam? Napatigil ako sa pagbabalik tanaw ng marinig ko ang tanong ng ina ni rhyll. Napatingin naman ang daddy nya at sinaway ang asawa niya," of course naman mahal, napasarap nga ang kain ko, oh.. Umismid naman ang mommy ni rhyll.." sinisiguro ko lang. Alam mo naman ang mga galing iskwater". Gustohin ko mang sumagot ay nagpigil na lang ako. Napatingin si rhyll sa akin at iniba nya ang usapan. Dad, gusto ko sanang bumili ng property sa Batangas.. Balak kung i develop at gawing resort. Kaya pa ba ng schedule mo, anak? Okay naman ang business mo dito sa maynila. Isipin mo rin na excited na din kami ng mama mo makita ang mga apo namin.. It's been 4 months, wala pa ba Amery? Napatingin ako sa dad ni rhyll at napatungo. Dad, wag mo muna i pressure si Amery. Bata pa naman kami.. Marami pang panahon para diyan, di ba hon? Sabay kindat ni rhyll sa akin. Anyway, gabi na dad. Ihahatid ko na kayo sa bahay. Ikaw na man kasing bata ka, puwede pa rin naman akong mag drive sana di ka na nahahassle sa paghahatid sa'min ng mom mo. Hatid ko ng tanaw ang paglabas nila sa gate. Naiisip ko parin ang konting pagbabago ni rhyll sa pakikitungo sa akin. Hindi na siya yung dating active sa sexlife. Di gaya nung mga unang buwan namin na kahit sa lunch biglang umuuwi siya dahil nami miss daw niya ako at syempre pa laging may mangyayari. Pero hindi ko naman feel na may iba sya dahil wala namang pagbabago sa oras ng pag alis at pag uwi nya. Talagang pagod lang siguro sa trabaho. Pagkatapos kong maglinis sa kusina ay naligo muna ako. Sabi naman nya babalik agad sya. Nami miss ko na ang paglalambingan namin before matulog. Manood muna ako ng tv pampalipas oras. I'm sure wala pang isang oras makabalik na ang isang yun. Bukas baka kailangan ko na namang mag withdraw sa konti kong savings para pang areglo kay papa. Hay buhay naman oh. Napabalikwas ako ng bangon ng marinig ko ang kotse ni rhyll. Nakatulog pala ako sa kakahintay sa asawa ko. Napatingin ako sa wallclock, ala una na ng madaling araw. Nagkayayaan siguro sila ng daddy nya mag inuman. O, bakit gising ka pa? Napasarap ang usapan namin ni daddy. Hindi na ako nakatawag. Pumasok ka na sa kwarto, susunod na ako. Alam kong nakainom si rhyll kaya hindi na lang ako umimik. Antok na antok na ako. Nabalewala ang pagligo at pagpapabango ko. Next time na lang. Pagkapasok niya, "bukas nga pala hon, pakihanda ng mga damit ko good for three days. Kailangan kung makausap yung may ari ng resort na balak kung bilhin. Hindi ba ako puwedeng sumama, hon.. Gusto ko din magrelax muna at saka sabi ni dad di ba excited na siyang makita ang mga apo niya.. Baka alam mo na, sabay kindat sa kanya. Nami miss na din kita.. Lagi ka na lang busy... Hon, hindi naman ako magliliwaliw doon. May kakausapin akong tao. Kailangan kong makuha ang resort na yon dahil alam kong kikita ako ng malaki dun. And, kailangan mo din asikasohin ang papa mo bukas. Nag text si lizzy kanina sa akin. Mag withdraw ka na lang bukas. Matulog na tayo. I'm tired. Sabay talikod sa akin. Hon, may nagbago ba sayo? Bakit pakiramdam ko nag iba ka na?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Claimed by my Brother’s Best Friends

read
786.5K
bc

The Luna He Rejected (Extended version)

read
557.0K
bc

Secretly Rejected My Alpha Mate

read
19.9K
bc

The Slave Mated To The Pack's Angel

read
378.3K
bc

Dominating the Dominatrix

read
52.8K
bc

The Lone Alpha

read
123.1K
bc

The CEO'S Plaything

read
15.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook