"Anong nangyayari?" tanong ni sister Leena sa isang lalaki.
Mas dumami pa ang mga bantay sa buong paligid kaysa noong una. At ang napapansin niya ay may mga mahahabang baril ang hawak ng mga 'to. Kaya naman naramdaman niya na nanginginig ang katabi niyang si sister Leena.
"May pumasok dito kagabi at pinatay ang ibang kasamahan namin. Siguro magnanakaw yata." sagot nito.
"May pinatay ho kagabi?" tanong niya.
"Oo. Mga limang kasamahan namin pinatay kagabi. Kaya kayo mga sisters bawal kayong lumabas sa inyong silid habang hindi pa nahuhuli ang salarin. Kaya bumalik na kayo." Sambit nito at pinapasok sila ni sister Leena ulit.
"Mahabagin Diyos! Ilayo niyo po kami sa kapahamakan." nausal na dasal ni sister Leena habang naglalakad sila pabalik sa kwarto nilang dalawa.
Tahimik lang si Azrael na nakaupo sa kama niya at iniisip ang sinabi ng armadong lalaki kanina sa labas.
Lima ang pinatay kagabi?
Imposible dahil isa lang ang napatay niya kagabi. Kung ganoon hindi siya nag-iisa sa misyong ito. Pero ang tanong sino? At ano ang sadya nito?
Yong lalaking lapastangan na humalik sa akin kagabi. Tama, posibleng siya ang pumatay sa iba dahil kung hindi siya dapat inatake na niya ako pero hindi. Naisip niya.
Possible kayang magkapareha sila ng misyon o kaaway niya ito? Kung kaaway niya dapat mag-ingat siya sa mga plano o hakbang na gagawin niya. Hindi pwedeng pumalpak siya dahil dito.
Kung magkapareho sila ng misyon dapat unahan na niya ito. Kailangan niya ng kumilos sa lalong madaling panahon para hindi maunahan ng kung sino mang lapastangan na iyon.
At pagnatapos niya ang misyon niyang ito ang lapastangan naman ang isusunod niya na ililigpit dahil sa kapahangasang paghalik sa kanya.
Hindi niya pwedeng palampasin ang pagnanakaw ng halik niya. First torrid kiss niya iyon kaya dapat may paglagyan ang isang iyon.
Big deal iyon sa kanya.
Kahit naman ganito siya ay sinisave niya ang lahat ng first torrid or kahit anong first sa katawan niya para salalaking mamahalin niya
At hindi siya papayag na ganoon na lang.
Walang kahit na sino o ano ang makakatakas na hindi nito pagbabayaran ang kalapastangan. .
NANG BALINGAN NIYA SI SISTER LEENA ay nakatulog na ito. Inilabas niya ang isang small device mula sa bag niya at pumasok sa banyo. Doon pinindot niya ang pulang button niyon at nagsimulang magsalita.
Instead na itetext o itatype ang mga sasabihin niya ang hawak niyang device ay isang uri ng voice mail.
Nang matapos siya sa pagrereport through voice mail ay mabilis niyang inayos ang mga kagamitan.
Kailangan ng matapos ito ngayong araw. Para bukas ng maaga maitakas na ang mga bata. Baka matiktikan pa siya ng mga kalaban. Mapapahamak ang mga inosente. At iyon ang hindi niya kakayanin. Ang mamatayan ng mga inosente sa sarili pangangalaga.
Humihingi na naman siya ng back up kaya sigurado siya bago sumapit ang umaga ay nasa labas na ang mga back up.
Sana nga lang ay hindi maging abnormal ang mga kaibigan niya dahil pagnagkataon wala siyang pagpipilian kundi makikipaglaban siya hanggang kamatayan.
Mabilis ang mga hakbang ginawa niya. Nakaready na ang lahat ng gagamitin niya.
"Sister saan po kayo pupunta?" tanong ng isang bantay sa kanya.
Nang lingunin niya ito ay ito ang isa sa mga lalaking pinag-uusapan siya na ikama. Ang manyakis na lalaki na ang sarap niyang patikimin ng Lexxa's move, ang uppercut punch. Tiyak na isang suntok lang ito at mawawalan na ng buhay.
Pero syempre hindi pa pwede.
"Sa mga bata. Ichecheck ko lang kung okay ba sila." pagdadahilan niya.
Hindi ito sumagot o gumalaw man lang. Nakatitig lang ito sa kanya na waring pinag-aaralan siya.
"Ano 'yang dala mo sister?" tanong nito na ang mga mata ay nasa kayong hawak niya.
Ang laman kasi ng kahon ay isang tracking device na ilalagay niya sa mga bata. Para kung sakaling may maiiwan na bata o saan man ang mga ito ay mabilis niyang mahahanap.
"Damit para sa mga bata." sagot niya.
Totoo namang mga damit iyon pero sa ibabaw lang. Nasa ilalim ang mga tracking devices.
"Kailangan muna naming icheck yan sister."
Shit! Mahuhuli ako. Dammit!!!
Naipikit na lang niya ang mga mata ng hahawiin na sana nito ang mga damit. Tiyak niyang makikita nito ang tinatago niya sa ilalim niyon. Pero bago pa iyon maitaas ay may biglang nagsalita.
"May problema ba pare?" tanong ng bagong dating.
Nakahinga siya ng maluwag dahil sa bagong dating.
"Pati ba naman si Sister paghihinalaan mo pa pare?" tanong nong bagong dating.
Boses pa lang nito ay makalaglag panty na. Buti na lang at nagshoshorts rin siya kaya safe ang panty. Nakakahiya naman kung si Sister Nica ay mahuhulugan ng panty dahil sa boses ng isang lalaki.
Nang balingan niya ito ay nginitiaan lang niya.
Kulot ang buhok nito at may mahahabang balbas. Kung mag-aahit lang ito ay may hitsura ang isang 'to. Yon nga lang may edad na 'to. Siguro nasa 50's na ito pero makikita mo pa rin sa tindig at pangangatawan nito na gwapo at masarap ikama.
Leche! Bakit ko naman naisip na ikama ang isang 'to? Parang tatay ko na ito. At oo gwapo siya.
Yes gwapo. Ngayon lang pumuri sa isang lalaki ang isang tulad niya na walang pakialam sa mundo. Kaya dapat magpasalamat ito dahil pinupuri niya.
Bakit nga ba ito lang ang pinuri niya? Simple lang dahil immune na ang mga mata niya sa kapangitan ng mga bantay dito sa Orphanage. Idagdag pa ang mga maiitim na ngipin ng mga 'to.
Lihim siyang natawa sa mga naiisip.
"Hindi naman pare. Alam mo naman na utos yan ng nakakataas sa atin na parating ichecheck ang mga dalaga nilang gamit."
"Sus, ang sabihin mo nagpapansin ka lang kay sister. Sabagay kung hindi lang magmamadre si sister tiyak kong liligawan mo siya. Maganda nga naman si sister." sagot nito na ang mga mata ay nasa kanya.
Nasa mga mata nito ang isanag uri ng emosyon. At alam na alam iyon ni Azrael. Lust.
Shit! Bakit yata bigla siyang kinabahan sa titig nito? Ano ang ibig sabihin ng malakas na pintig ng puso niya?
Nangyayari lang iyon sa kanya kapag nararamdaman niya ang paparating na panganib.
Mapanganib ba talaga ang lalaking ito?
Marahang bumuntong-hininga si Azrael at tinitigan ang binata.
"Hindi ka dapat nagsasalita ng ganyan. Alagad ako ng Panginoon." sagot niya.
Naku Nica! Maghunos dili ka kung ayaw mong masunog ang kaluluwa mo. Really? Alagad ng Panginoon? Wow ha. Sarkastikong sigaw ng isip niya.
"Sorry po sister. Daldal po kasi nitong kasama ko." wika ng lalaki na sumita sa kanya kanina. "Sige na po sister puntahan niyo na po ang mga bata."
Tango lang ang sinagot niya.Mabilis siyang humakbang palayo sa mga ito. Hindi na niya nakita ang talim na pagtitig at nakakalokong ngisi sa likuran niya ng bagong dating na lalaki kanina.
Hindi na siya lumingon pa at tuloy-tuloy lang sa paglalakad hanggang sa makapasok siya sa silid ng mga bata.
Natapos na niyang ilagay ang mga tracking device sa likod ng tenga ng mga bata na hindi mahahalata at hindi basta-bastang natatanggal iyon kung hindi siya mismo ang magtanggal. May password kasi iyon at nakadikit iyon mismo sa balat.
"f**k! WHERE THE HELL ARE YOU GIRLS? I need a back up now. Letsugas kayo. Wag niyo akong paasahin dahil may mga batang nanganganib sa mga oras na ito." bulyaw niya sa kabilang linya.
Nakarinig siya ng mga mura at nagsisihan ang mga 'to.
"Sorry Az, ito naman kasing si Camille kumuha ng kotse di pa chineck kung okay pa ba ang gulong. Kaya ito kami nasa gitna ng daan dahil naplatan kami." sagot ni Marygrace.
"Eh di sumakay kayo ng taxi o kahit anong sasakyan."
"Eh wala ngang sasakyan na dumadaan dito Az."
"Leche! Maglakad kayo papunta dito." bulyaw niya.
Buwiset na buwesit na siya sa mga kaibigan dahil sa mga kapalpakan ng mga ito.
Idagdag pa ang humahabol sa kanila at ang mga sigawan at iyakan ng mga bata.
"f**k!" napamura siya ng malakas ng may bumangga sa likuran.
"Hey Az, are you okay?" rinig niyang tanong sa kabilang linya.
"Oo at paghindi pa kayo dumating. I swear mamamatay ako dito. At mumultuhin ko kayo ni Camille dahil virgin akong mamamatay. Putres kayo bilisan niyo." pagkasabi nun ay pinatay na niya ang tawag.
Kailangan niyang mailigaw ang mga sumusunod sa kanila.
"Sister Leena, marunong ka bang magdrive?" tanong niya sa katabi niya.
Kasama din niya sa bus na iyon ang mga totoong madre. Marami na rin ang nailigtas sa naunang dalawang bus. Nasa pangangalaga na ng mga pulis ang mga bata at alam niyang magiging safe ang mga yun dahil nandon ang iba la niyang mga kaibigan.
"O-oo." nauutal na sagot ni Sister Leena.
"Magpalit tayo. Ikaw ang magdrive." utos niya.
"Pero sister N-."
"Nica na lang sister. Hindi naman talaga ako totoong madre. Nagpanggap lang ako para mailigtas ang mga bata." paliwanag niya dito na nasa mukha ang gulat at pagkalito. "Sige na po sister."
Mabilis namang itong kumilos kahit na nanginginig ito sa takot.
"Kahit anong mangyari sister wag na wag kang titigil. Iligtas mo ang mga bata. At wag kang mag-alala may sasalubong sa inyo na dalawang babae. Mga kaibigan ko sila at sila na ang bahala sa inyo."
"Anong ibig mong sabihin sis- Nica?"
"Kailangan kong pigilan ang mga sumusunod sa atin."
"Pero hindi mo kaya." pag-aalala nito sa kanya.
"Don't worry sister mag-iingat ako. Ipagdasal mo na lang ako." wika niya bago iniwan ito.
Mabilis ang mga hakbang niya na may pag-iingat na naglambitin sa pinto ng bus hanggang sa makarating siya sa bubong ng bus.
Mabilis niyang inilabas ang dalawang baril at nakipagpalitan ng putok sa dalawang kotseng humabol sa kanila.
Nataman niya ang driver ng isang kotse kaya gumiwang-giwang ito hanggang sa tumaob ito sa gilid ng daan at nagliliyab sa apoy.
"Ang galing ko." pagmamayabang na aniya.
Dahil sa tuwa kaya di niya napansin na inilabas ng lalaking sakay ng isang pang kotse ang mahabang baril nito at itinutok nito sa kanya at pinaputukan siya.
Buti na lang ay mabilis ang reflection niya at mabilis na nagtambling kaya naiwasan niya iyon pero pagulong-gulong ang katawan niya sa gilid ng bubong hanggang sa mangunyapit siya sa pinto ng bus.
"Leche!! Muntik na ako dun ahh." naiwika niya. "Hindi ito ang tamang oras para magsaya ka Lexxa Remember madami pa sila at may paparating pa." paalala niya sa sarili.
Mabilis ang galaw ni Azrael na tumalon papunta sa kotse ng kalaban. Wala na siyang ibang choice kundi punteryahin ang driver dahil isang bala na lang ang natitira sa kanya.
Nahulog kanina ang isang baril niya ng nagtumbling siya at gumiling sa gilid ng bubong ng bus.
Nang makita niya na kakalabitin ng kalaban ang hawak na baril nito ay inunahan niya ito.
Mabilis niyang binaril sa ulo ang driver kaya gumewang ang kotse at papasalpok ito sa malaking kahoy.
Agad siyang tumalon bago pa iyon sumalpok.
Nagmamadali niyang nilapitan ang mga wala ng malay na kalaban at kinuha ang mga baril ng mga 'to bago pa niya pinaputukan ang gasulina na umaagos sa sasakyan.
Naglakad siyang palayo sa mga ito na nagliliyab ang sasakyan.
Nasa gitna siya ng daan at tinanaw na lang niya ang papalayong bus na may ngiti sa mga labi.
Alam niya na magiging ligtas na ang mga ito. At natitiyak niyang makakasalubong ng mga 'to ang mga kaibigan niya. At siya dito lang siya sa kinatatayuan niya habang hinihintay ang paparating na kalaban para masiguradong hindi na masusundan ang bus.
Dumudugo na rin ang ulo niya at ang ibang parte ng katawan niya . Lalong-lalo na ang kaliwang braso niya na natamaan pala kanina ng barilin siya.
Pero wala siyang pakialam. Ang importante ay masigurong ligtas ang mga bata at ang ibang mga madre.
Alam niya na once makaligtas siya rito ay mapaparusahan siya ng mas nakakataas sa kanila dahil nagplano siya na walang pahintulot sa mga ito.
Pero hindi niya hahayaang isa na namang buhay ang kikitilin ng mga halang ang kaluluwa..
Bahala na basta ligtas na ang mga bata.
Nakatayo lamang siya sa gitna ng daan ng tumunog ang cellphone niya.
"Az, kasama na namin ang mga bata at madre . Where are you? Bakit hindi ka nila kasama?" sunod-sunod na tanong ni Camille. "Sabihin mo sa amin kung saan ka at pupuntahan ka namin."
Masaya siya kasi safe na ang mga bata. Wala na siyang poproblemahin.
"Don't worry about me. Dalhin niyo sa Goddess Orphanage ang mga bata at mga madre. Kayo na ang bahala sa kanila. May tatapusin lang ako."
"Damn Az, wag kang gagawa ng ikakapahamak mo. Hintayin mo kami diyan."
"Too late Camz, dumating na ang mga hinihintay ko. Bye now." paalam niya at pinatay ang tawag na hindi na hinintay na makapagsalita ito sa kabilang linya.
Nakikipagpalit siya ng putukan sa mga ito. Nang maubos na ang bala niya ay taas kamay siyang lumabas sa pinagtataguan.
"So, ikaw pala ang mapangahas na nagtakas sa mga bata huh. Pagsisihan mo ang ginawa mo. Sayang ka sister, gusto pa naman kitang maikama pero mukhang ang lupa na makikinabang sayo." Nakangising wika ng lider ng mga 'to.
"Boss, sayang naman ang ganda ni sister. Baka pwedeng ibalato sa amin ang katawan niya pagnapatay na namin siya." ani ng kalbong lalaki na ikinahiyaw ng mga kasamahan nitong mga manyak.
"Hindi natin siya papatayin Bogart. Ihaharap pa natin siya sa ating pinuno." wika nito.
Kung ganoon may pinakamataas pa dito? hmm kailangan niyang makita ang lider ng mga ito at mapatay. May dapat pagbayaran ito sa kanya ng personal.
"Ang dami niyong satsat." sigaw niya. "Hindi niyo pala ako papatayin yun ay kung mahuhuli niyo ako. At ang unfair naman yata, madami kayo at ako nag-iisa lang."
"Sige pagbibigyan kita babae ka. Sugudin siya at bugbugin.." utos nito sa mga kasama at sinugod nga siya.
Nag-uunahan ang mga ito na tinakbo siya na sinalubong naman niya ng malalakas na suntok at sipa. kahit nararamdaman niya ang sakit sa kaliwang braso dahil sa natamong sugat ay hindi niya iyon pinansin.
Nakahinga siya ng maluwag ng mapatumba niya ang limang lalaki. Nakahandusay na ang mga ito at may paparating na naman sa kanya at ganoon rin ang ginawa niya sa mga ito katulad sa limang wala ng buhay.
Busy siya sa pakikipaglaban ng tumunog ulit ang cellphone niya.
Fuck!Kahit kailan disturbo ang mga iyon.
Mabilis niyang kinapa ang bulsa ng pantalong suot niya at sinagot ang tawag kahit na sumisipa siya sa kalaban.
"Azrael ano na naman itong ginawa mo hah?" pasigaw na tanong sa kabilang linya.
Isa lang ang kilala niya na ganoon. Nellangel.
"Where the f**k are you?"
"f**k! I'll talk to you- s**t!..later.."hindi siya makapagconcentrate sa pakikipaglaban kung may marami itong tanong at binubulyawan pa siya.
Hindi na lang niya ito pinansin at mabilis niyang sinipa ang isang matabang lalaki.
Bigla siyang napaubo ng maramdaman ang suntok sa sikmura niya. Sunod niyon ay ang mukha niya kaya napasubsob siya sa lupa.
Mabilis siyang dinaluhan ng dalawa at mahigpit na hinawakan ang mga kamay niya.
Habang ang isa naman ay papalapit sa kanila at pinagsusuntok siya.
Bago pa siya mawalan ng malay ay narinig niya ang sinabi ng lider ng mga ito.
"Dalhin na yan sa kampo at ikulong. Tiyak matutuwa si boss nito."
"Mommy.."huling na sambit niya.