Chapter 2: The Mission

2869 Words
Isang linggo nang nananatili si Azrael sa Lady Angels Orphanage pero wala pa siyang nagagawa sa mission niya. Paano naman kasi puro dasal ang ginagawa nila kaya ayon tuloy na memorized na niya ang mga prayers. At nahihirapan din siyang gumalaw at simulan ang plano dahil bantay sarado sila. Kahit gustuhin man niyang tapusin na agad ang mission ay wala siyang magagawa kundi maghintay ng tamang oras para isakatuparan ang lahat. Dahil pagnagkataon at pumalpak siya wala siyang lusot. Napabuntong-hininga siya habang nakatanaw sa mga batang masayang naglalaro. Nakakahawa ang kasayahan nila. Wala silang kaalam-alam kung anong kinabukasan ang naghihintay sa mga ito. Kinabukasang alam niyang ipagkakait ng mga halang sa kayaman at kapangyarihan sa mga musmos na mga bata. Kung alam lang ng mga ito kung ano ang magiging papel nila sa ampunang ito. Drug vessel... Oo, yon ang tanging papel ng mga batang ito sa ampunang akala ng karamihan ay tumutulong sa lahat ng batang naulila. Na mabibigyan ng magandang kinabukasan. Pero itong ampunan na'to pala ang sisira sa buhay ng mga bata. Itong ampunan pala ang siyang kikitil sa munting buhay ng libo-libong bata. But not anymore..... Dahil narito na siya at pinadala siya ng nakakataas sa kanila para magtiktik at maging espiya. Para malaman kung sino ang pinuno ng illegal na gawain na'to at para mailigtas rin ang mga bata. At sisiguraduhin niya na sa oras na malaman niya kung sino ang pinuno ay siya mismo ang kikitil sa buhay nito. Paparusahan niya muna ito. Papahirapan hanggang sa unti-unting malagutan ng hininga. "Sister Nica." tawag sa kanya ng kasamahan na si Sister Lenna. Nica Natividad kasi ang ginamit niyang pangalan. Katulad rin niya ito bagong pasok. Pero ito ay seryoso na maging madre. Sabi nga nito "God's calling" daw kaya nagpasya itong magmadre. Mayaman ito at nag-iisang anak pero mas pinili nito amg pumasok sa kumbento para pagsilbihan ang Diyos. "Bakit sister Leena?" tanong niya ng makalapit na ito sa inuupuan niya. "Pinapatawag tayo ni mother superior." "Huh? Bakit kaya?"nalilito niyang tanong. Hindi naman kasi nagpapatawag ang mother superior rito kung wala kang nilabag sa mga batas nila. "Hindi ko alam. Ang sabi lang ni Sister Amelia pinapatawag tayo dahil kakausapin daw tayo. Halika ka na. Ayaw pa naman non na pinaghihintay siya." anyaya nito sa kanya. Kahit naguguluhan ay minabuti na lang niyang sumunod. Iniisip niya kung may nagawa ba siyang hindi kanais-nais o kaya sumuway ba siya? Pero wala ehh. Lahat naman sinunod niya. Kailangan niyang sumunod para makuha ang tiwala ng mga ito. Para mapabilis ang mission niya. Nang makarating sila sa labas ng opisina ng mother superior ay kumatok muna si sister Leena bago sila pumasok. "Good morning po mother superior." sabay bati nila ni Sister Leena. "Good morning." ganting bati nito na hindi ngumiti. Seryoso ito na walang kangiti-ngiti sa mga labi kaya iisipin mong araw-araw may dalaw ito. Ganoon siguro kung matanda na. "Mother superior ano po ang sasabihin niyo sa amin ni Sister Nica at kami ay pinaparito mo?" tanong ni sister Leena. "May nalabag po ba kami?" tanong rin niya. "Wala naman kayong nalabag sa mga palatuntunan dito sa ampunan." panimula nito. "Nagrequest kasi ang kabilang bahay na magpadagdag sila doon ng dalawang madre. At dahil kayong dalawa ang magagaling sa mga gawain at sumusunod sa mga batas ng ampunan ay kayo ang ilalagay ko don. Ang gagawin niyo lang ay wag mag tanong. Sundin lahat ng batas at bawal lumabas ng silid niyo paggabi na." wika nito na nakikinig lang sila. "Nagkakaintindihan ba tayo?" "Opo mother superior." sagot nilang dalawa. "Bueno, ayosin niyo na ang mga kagamitan niyo at ihahatid kayo ni sister Amelia sa kabilang bahay." anito at tumayo na sila ni sister Leena. Ito na ang pagkakataong hinintay niya. Baka andon sa kabilang bahay ang tatapos sa mission niya. Wala kasi sa bahay-amponan na tinutuluyan niya ang hinahanap niya. Ang nandito ay puro mga bata at madre. Walang illegal na gawain. Baka nga sa bahay-amponan na yon na ginagawa ang illegal na gawain. Mas mabuti naman para matapos na at mailigtas na rin ang mga musmos na bata. Agad na nag-empake silang dalawa at inihatid nga sila ni sister Amelia sa kabilang bahay-amponan. Ang kabilang bahay ay hindi malayo naman malayo nasa likod lang ito at nasa 700 meters ang layo. Pero may napansin agad siyang kakaiba. Kasi may mga nakaarmadong kalalakihan na may mga de-kalibreng baril na hawak. Nagkalat ang mga ito sa bawat sulok sa labas ng bahay at ang bawat madaanan nila ay pinagtitinginan sila. Lust and hungry of flesh ang mababasa sa mga mata ng mga ito. Kung inosente lang siya sa larangang iyon ay hindi niya maiisip ng mga ganoon pero lintik lang kasi alam na alam niya ang uri ng titig na iyon. At dapat silang mag-ingat. "Dito kayo matutulog ni sister Leena." baling ni sister Amelia sa kanya. "Ang bilin ni mother superior ay wag na wag kayong lalabas kung gabi na. Idoble lock ninyo ang mga bintana at pintuan. Kung may kakatok wag na wag kayong magbubukas. Nakita niyo ba ang mga lalaki sa labas?" tanong nito na ang tinitukoy ay ang mga de-baril na kalalakihan. "Opo sister Amelia." sagot niya. "Bakit po andito sila at may hawak na baril?" tanong niya na hindi pinapahalata ang tunay na intention niya. "Kagustuhan yan ng may-ari ng ampunan. Para maprotektahan ang lahat dito. Alam niyo naman na liblib tayo. Baka daw may mga abu-sayaff or NPA na lulusob." paliwanag ng madre. Napatango na lang sila ni sister Leena. Kahit ito hindi rin nagsasalita siguro dahil sa takot kanina sa mga mahahabang baril nila. "Wag kayong matakot. Manalig kayo sa Panginoon. Masasanay rin kayo sa kanila. Basta wag na wag kayong titingin sa mga mata nila at wag na wag magpapakita ng kahit anong intention lalong-lalo na at baguhan kayo." paalala naman ng madre. Tango lang ulit ang sagot nila. Mabilis na nagpaalam ang madre dahil madami pa daw itong gagawin sa kabilang bahay. "Manalig na lang tayo sister Nica. Alam kong hindi tayo papabayaan ng Panginoon." Sambit ni sister Leena na may pilit na ngiti ito sa mga labi. Gusto niya sanang kumontra pero hindi na lang siya sumagot. Tango lang ang sagot niya. Hindi naman siya nag-aalala para sa sarili niya, sa totoo lang kaya niyang iligtas ang sarili pero paano ito? Paano ang mga bata? At paano ang mga totoong madre? Kaya ba niyang ipagwalang bahala? Syempre hindi. Kahit galit siya sa Diyos ay may konsensya naman siya. LUMIPAS NG ILANG ARAW at nasasanay na sila ni sister Leena sa paligid. Pero alerto pa rin siya sa lahat ng oras. Mahirap na at baka mapahamak pa sila. Gaya ng bilin sa kanila na hindi sila pwedeng lumabas tuwing gabi kahit kabaliktaran sa gusto niya na simulan na ang mission pero wala siya magagawa dahil una sa lahat hindi pa niya kabisado ang pasikot-sikot sa loob ng bahay. At hindi lang pala sa labas ang may mga bantay pati din pala sa loob. Kaya wala siyang magagawa kundi ang pag-aralan muna ang buong bahay. Hanggang tatlong palapag iyon. "Wow pare ang ganda naman ni sister Nica. Kung bibigyan ako ng pagkakataon na makama yan, ihi lang ang pahinga niya." narinig niyang wika ng dalawang nag-uusap sa likuran niya. Nasa playground kasi siya kasama ang mga batang masayang naglalaro. "Oo nga pare. Ang sarap siguro ni sister lalong-lalo na kung nakatali itong patiwarik habang sinusubo yong akin. Ang sarap pare, lalabasan na yata ako ehh." rinig niya ulit na wika naman ng isa. Pasimple niyang nilingon ang mga ito na hindi makakahalata. Sa mga pagmumukha pa lang ng mga to ay alam niyang demonyo na ang dalawa. May balbas ang mga ito at nangingitim na ang mga ngipin dahil hindi yata nagto-toothbrush ang mga ito. Naningkit ang mga mata niya dahil sa galit. Kung hindi lang ito mission ay kanina pa niya pinutulan ng hinaharap ang dalawang ito. Nang gagalaiti at nagpupuyos siya sa galit para sa dalawa habang mala-demonyong nagtatawanan ang mga 'to. "Sister Nica." kalabit sa kanya ni sister Leena at umupo ito katabi niya. "Bakit?" nakakunot-noo niyang tanong. Awang ang mga labi nito at parang binuhusan ito ng malamig na tubig dahil sa pamumutla niya. Kinakabahan siya sa hitsura nito. Sana naman wala itong nakita o nalaman na kahit ano. Hindi exposed sa karahasan si sister Leena. Maraming bagay siyang hindi alam dahil sa pag-aaral, bahay at sa simbahan lang umiikot ang mundo nito. "Sister Leena, anong nangyayari sa'yo? May ginawa ba sila sayo?" nag-aalala niyang tanong pero hindo ito sumasagot. May bigla itong itinuro. Nang sundan niya ang itinuro nito ay sa loob ng building. Ano kaya ang nakita nito na nagpapanginig dito? Naibulong niya sa isip. "Sister, balik na lang tayo sa kabilang building. Ayaw ko na dito." wika nito at biglang humagulgol. Naalarma siya dahil nasa labas sila ng kanilang silid. Baka makaagaw sila ng pansin at magkagulo pa. "Sister Leena, pigilan mo ang mga luha mo. Baka mapahamak pa tayo. Kung ano man yang nakita o narinigmo doon natin pag-usapan sa loob. Huwag dito dahil madaming CCTV ang pakalat-kalat." pilit niyang pinapakalma ito. Buti naman at nakinig sa kanya ito. Hindi na nga ito umiiyak pero andon pa rin sa mga mata nito ang takot. "Halika sa loob ng dasalan sister. Pag-usapan natin yan doon na mukhang nagdadasal tayo para walang makahalata." sabi niya at sabay silang tumayo ni sister Leena. Pagkarating nila malapit sa altar ay agad silang lumuhod at nag-usap pero nakaharap sila sa altar. Kung sino man ang makakita sa kanila ay iisiping nagdadasal sila. "May narinig o nakita ka ba sister Leena?" mahinang tanong niya dito. Tama lang na marinig nila ang isa't-isa. "Papasok na sana ako sa kusina kanina sister Nica para kumuha ng maiinom ng mga bata kanina ng napatigil ako dahil sa pag-uusap ng dalawang bantay. Narinig ko na may inilibing sila sa likod ng building na ito ng dis-oras ng gabi at ang nakakabigla sa akin at natakot talaga ako ng sobra ay iyong huling sinabi nila na apat na bata ang inilibing dahil hindi daw nila nakayanan. Hindi ko na alam ang karugtong niyon dahil nagmamadali akong lumabas." mahina itong umiyak. "Alam mo bang kahapon ko pa hinahanap ang dalawang bata na pinapabantayan sa akin. Pero hindi ko na sila nakita hanggang ngayon sister. Ayaw kong magduda na isa sila sa apat na bata na sinasabi ng mga bantay na inilibing. Sana nga patnubayan sila ng Panginoon." ramdam niya ang sakit at lungkot sa boses ng butihing si sister Leena. Kahit siya ay nagpupuyos ang dibdib sa galit. Gusto niyang ilibing ng buhay ang gumawa niyon sa mga bata. Hindi na pwedeng hindi pa siya gagalaw. Madami pang buhay ng mga bata ang masasayang kung tutunganga lang siya at maghihintay ng tamang panahon. Dahil sa mga ganitong mission walang tamang panahon ang hihintayin kung buhay ang nakataya. Ang bawat segusdo ay pwedeng magbago at baka sa pagbabagong iyon ay may munting buhay na naman ang ipagkakait. Tamang timing lang ang kailangan at syempre ang pagiging alerto palagi. It's now or never but she had to do it tonight. NANG MATAPOS SILANG mag-usap ni sister Leena ay bumalik na sila sa mga bata. Pagsapit pa lang ng gabi ay nasa higaan na ang lahat ng mga bata at sila rin ay nasa sariling silid. Sinigurado nilang sarado ang bawat pinto at bintana. Natulog na rin si sister Leena. Naghintay pa ng konting minuto si Azrael bago kinuha ang bag kung saan nandon ang sleeping powder niya at ang mga ibang maliliit na bagay na makakatulong sa mission niya. Nagtakip muna siya ng ilong bago binuksan ang takip ng sleeping powder at kumuha ng konti bago iyon ipinaamoy kay sister Leena. Tamang-tama lang na makakabalik siya sa loob ng trienta y minuto bago ito magising o maalimpungatan. Nagpalit na rin siya ng damit kung saan black lahat ang suot niya. She's wearing a sexy black leather suit which shows some of her flesh like her clevage and both sides of her sexy hips but her arms are all covered. What's good with that suit? It is bulletproof. Hapit na hapit iyon sa seksing katawan niya. Naglipstick rin siya ng sobrang mapula at isinuot ang wig niyang kulay violet at black mask. Pinaresan rin niya iyon ng black killer shoes. Ito yong araw-araw niyang sinusuot dito para sa kaligtasan in case na magkabukingan pero naaadjust kasi ang heels non pwedeng maging flat at kahit 4 inches ang taas niyon. Mas safe siya pag iyon ang sinusuot dahil may nakapaloob na weapons don. Nagsuot rin siya ng contact lenses na kung saan makakita siya sa kadiliman. Nang matapos ay pumasok siya loob ng banyo at naglocked . Binuksan niya ang maliit na daanan sa kisame at doon siya umakyat. Doon siya dadaan papunta sa banyo sa kusina. Malapit lang kasi sila. Dahan-dahan siyang gumapang sa kisame at ng makarating sa banyo sa kusina ay mabilis ang galaw niya. Wala siyang sinayang na minuto. Bago lumabas ng banyo ay isinuot muna niya ang itim na maskara upang itago ang pagkakilanlan. Maingat at may pagmamadali ang bawat hakbang niya na iniiwasan na mahagilap siya ng CCTV. Sa bawat madaanan niya ay nilalagyan niya ng micro camera na parang maliit na dumi lang iyon. Hindi iisipin ng makakita na isa iyong camera . Nasa ikatlong palapag na siya ng makarinig ng mga yabag na papalapit sa pwesto niya kaya mabilis siyang pumasok sa isang silid. Napasinghap siya sa napasokan. Nagkalat sa ibabaw ng mahabang mesa ang mga imported na cocaine sa buong mundo. Syempre alam niya dahil pinag-aralan niya muna iyon. Well, lahat naman sila ng mga kaibigan alam kung ano ang hitsura at epekto non sa gagamit. Ito ang cocaine na kahit konti lang ang gamitim mo ay malakas na ang epekto nito sa'yo at ito rin ay nakakamatay sa loob lamang ng sampung Segundo. Kaya ipinagbabawal ito at dito lang pala niya matatagpuan. Mabilis siyang tumuntong sa upuan na nasa dingding kung saan may malaking painting na nakasabit doon. Doon niya inilagay ang micro camera sa pinakadulo ng painting para hindi mahalata. Kita ang bawat sulok ng silid na iyon sa micro camera. "Bilisan niyo at dalhin na ang mga yan sa underground." narinig niyang sigaw sa labas ng silid. Idinikit pa niya ang tenga parapakinggan ng mabuti ang mga ito. Pero mga yabag na papalayo lang ang narinig niya. Nagpalipas muna siya ng isang minuto bago lumabas. "Kung ganoon may underground dito? At siguro dun nila ginagawa ang pag-oopera sa mga bata." naibulong niya. "Kailangan kong mahanap iyon." nasa pasilyo na siya ng may biglang nagtutok sa knya ng baril. Ang ayaw na ayaw niya sa lahat ay iyong tinututokan siya ng baril. "f**k!" mahinang mura niya. "Sino ka? Anong ginagawa mo dito? At paano ka nakapasok?" tanong nito. Dahan-dahan siyang humarap dito at nakangisi dahil titig na titig ito sa clevage niyang nagmamalaki. Mabilis niya itong sinipa sa leeg at bumaon ang matulis na kutsilyo doon na galing sa suot niyang killer shoes. Nang ibaba niya ang paa ay bumulusok ang dugo nito at walang buhay na nalugmok sa sahig. Mabilis siyang tumakbo palayo dahil may mga yabang na paparating. May anim na minuto na lang siya bago magigising si sister Leena. Mabilis siyang bumaba sa ikaltlong palapag hanggang sa unang palapag ng may biglang humigit sa kanya sabay takip sa bibig niya. Awang ang mga labi ng matitigan niya ang mga mata nitong nakakahalina. Biglang tumigil yata sa pag-ikot ang mundo niya dahil sa lalaking ito. Sisipain na sana niya ang lalaki pero mas mabilis ang galaw nito. The next thing happened ay naramdaman niya na magkalapat na ang mga labi nila ng mapangahas na salarin. Pero in fairness kasi masarap humalik ito kaya napapikit siya at lumaban ng halikan. Malalim na din ang halikan nila at pinipisil na ng lalaki ang malalaki niyang dibdib. Nang makarinig ng mga yabag ay doon lang siya nagising at mabilis niya itong binayagan. "Damn woman." mahina ngunit pagalit na sabi ng lalaki. Sapo nito ang gitnang katawan at patalon-talon pa ito. Hindi na niya ito pinansin at mabilis na lumiko sa pasilyo at pumasok sa banyo kanina na kung saan siya gumapang sa kisame. Mabilis ang galaw niya bago pa gumising si Sister Leena. Nang makababa sa banyo nila ay mabilis na inalis lahat ang suot at maayos niya iyon inilagay sa ilalim ng mga damit niya. Hindi iyon mahahalata dahil sa secret pocket niya iyon inilagay. Agad siyang naglinis ng katawan para walang maamoy na kahit anong pulbura o dugo kung pasukin ang kwarto nila para sa inspeksyon. Nang makahiga na siya sa higaan ay nasa mapanghas na lalaki ang isip niya. Masarap at puno ng init ang halik na pinagsaluhan nila kanina. Kung sino man yon ay hindi makakabuti sa kanya. That brute!!!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD