Naalimpungatan ako ng makarinig ng paguusap. Unti unti kong dinilat ang aking mata at bumungad sa akin ang puting kisame. I sighed as I realised where I was.
Nilibot ko ang aking mata upang hanapin ang mga tinig na iyon. Wala akong ibang nakita kundi si Yeuseff lang na may kausap sa phone.
I clearly remember what happened. I guess, I passed out after that. Sinubukan ko na bumangon ngunit napangiwi ako ng sumakit ang likod ko. s**t!
"Summer, don't move yet!" nakalapit na sa akin si Yeuseff at inalalayan akong humiga ulit.
He's not holding his phone anymore.
Anong oras na kaya? Mukhang hindi na naman ako makakapasok nito. Mukhang kaylangan ko nang lumipat ng school. Sa nangyayari ay hindi ako nakakapag aral ng maayos.
"God, Summer! I was so worried. Nung nalaman ko ang nangyari sayo, agad kitang pinuntahan dito pero wala kang malay." .arahang hinaplos ni Yeuseff ang braso ko. Concern is very evident on his face. Napangiti na lang ako ng bahagya.
Umupo ito sa aking kama at tinitigan ako. Medyo nailang ako sa klase ng tingin na binibigay niya sa akin. Then he held my hand.
"Summer, sorry.."
Nagtaka ako sa sinabi niya. "Bakit ka naman nagsosorry?"
"I was not there when it happened to you. Sorry. Inutusan kasi ako ni King nun e. Hindi ko akalain na gagawin nila ito sayo. Sorry, Summer.."
Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi nito. Tingin ko rin naman ay kahit nandoon siya, wala siyang magagawa. Mas mabuti na rin ito, at least hindi siya nadamay.
"It's not your fault, Yeuseff. I'm fine."
I told him my decision about transferring and he agreed with it. He said it was fine with him kung ikabubuti ko rin naman. Bibisitahin pa rin daw niya ako kahit na anong mangyari. Napangiti na lang ako sa kakulitan niya.
I talked to dad and discussed to him my plan. Good thing hindi na siya nag tanong pa ng marami. Buti rin ay hindi niya nakita ang mga bruises ko sa katawan. Thanks to magic concealer na bigay ni Yeuseff.
I wake up early. Kelangan kong bumalik sa St. Martin para asikasuhin ang pag transfer ko. Dad already advised our dean about it pero hindi makakapunta si dad sa school bukas because of his work, so nagpresinta ako na ako na lang ang mag process. Also to bid my good bye to Yeuseff. He deserves it. Kahit papaano ay naging mabuti siya sa akin.
I arrived early at school. I made sure na wala pa gaanong students ang napasok. I asked dad to text the dean na kelangan namin mag meet as early as he can. Mabuti na lamang at pumayag ito. I had with my two bodyguard to escort me. In case na may gumawa ulit ng masama sa akin. I don't know but dad seemed to know everything that has happened to me.
But that's the least on my concern as long as he's not opening the topic. Ayoko nang balikan pa ulit ang alaala ng kahapon. Ayoko nang maalala how mess I was when they tortured me. They made me feel like I was a trash. They made me realised how pathetic I was. But that would be the last.
Kumatok ako sa pinto ng office ng dean. I asked my bodyguard to just stay on the outside. Pumasok ako at binati ang dean na mukhang kagigising lang. I felt sorry though. Napa-aga ang gising niya dahil sa akin.
"Miss Summer, I'm very sorry for what happened. Believe me, I really do. Hindi ko ine-expect na mangyayari ito sayo. Sorry at wala akong nagawa. I was at Macau yesterday, Summer. Your daddy just asked me to flight back to process your transfer form."
Napatitig ako sa dean. He looked on his mid forties. He's saying sorry but why do I feel like he don't really meant it?
Napatawa ako ng pagak. Imposibleng hindi niya alam ang nangyayari rito. Sigurado ako na hindi lang sa akin nangyari ito, but the bastard didn't even warn me nung unang dating ko rito. Even the student president did not.
I sighed. Sa itsura pa lang ng dean na ito, halatang pera na ang nagpapatakbo sa mundo siya. Will he live kung sakaling mawalan siya ng pera? I'm very curious to know.
Ngumiti ako ng plastic sa kaniya. "Just process my transfer form. I will wait you here."
Tinalikuran ko na siya at naupo na sa silya sa opisina niya. Sabi ng dad ko, wala na raw akong kaylangan gawin. Ang dean na ang gagawa lahat at kelangan ko na lang hintayin ito matapos. Mabuti naman at umalis na ang dean. Sana ay bilisan niya. Ayoko ng magtagal dito.
I took out my phone at nagkalikot doon just to ease my boredom. I decided to just play a music nang bumukas ang pinto. Niluwa nun ang taong pinaka ayokong makita. I looked at his eyes for a second. Kaagad kong naramdaman kung gaano ka-intense ang mga tinging iyon kaya agad na akong bumitaw at binalik ang tingin sa cellphone ko.
I will pretend like I don't see him. I will pretend like he doesn't matter to me. Wait. Anong sinabi ko? Did I admit that he does matter to me? Nope. Never. I hate him and I never want to see him.
I stared at my phone nang magsimulang magplay ang song na napili ko. She Will Be Loved by Maroon5. Nakikinig lamang ako sa musika pero nananatili akong nakikiramdam. Nakatayo pa rin kasi siya sa may pinto.
Gusto kong umalis at iwasan siya pero hindi ako pwedeng lumabas. Natatakot ako na baka makita ulit ako ng mga demonyong studyante rito at maulit ang nangyari kahapon. Tiniis ko ang presensya niya.
Wala naman nagsasalita pero nakakaramdam ako ng tensyon. Parang napaka bigat ng paligid at hindi ako makahinga. Hindi ko na napigilan at tumingin sakaniya.
But it was a wrong move. Nakatingin na pala siya sa akin, he caught me looking at him. Tumaas ang isa kong kilay, at binalik ang tingin sa phone. Suddenly, bigla kong nagustuhan mag-internet kahit hindi ko naman hilig, matuon lang sa iba ang aking atensyon.
"Miss Summer!"
Nakahinga ako ng maluwag nang marinig ang boses ng dean. He entered his office holding a file of paper. Hindi naman iyon ganon ka-kapal. Nawala ang ngiti sa labi niya nang makita si Hades sa loob ng office niya.
"K-King,"
Napangisi ako sa tinawag nito. Even this old man is afraid of him. I suddenly want to punish this dean for being such a noob.
I crossed my arm and stared at his reaction. Bakas ang takot sa itsura nito habang nakatingin sa kaniya si Hades. Bumaba ang tingin ni Hades sa kamay ng dean na may hawak na papel. Kinuha niya ito at binasa.
"Hey!" apasigaw ako ng biglang punitin ni Hades ang papel na hawak ng dean.
Maging ang matanda ay nagulat sa ginawa niya.
"Anong ginawa mo? Bakit mo pinunit?!" tumaas ang boses ko.
Nag-igting ang panga ni Hades at tanaw ko rin ang pagyukom ng kamao nito. I closed my fist because of anger and at the same time because of fear. Hindi ko pa rin maiwasan ang kabahan sa klase ng mga titig niya.
"Leaving is not a solution, woman." kung gaano ka-init ang klase ng mga titig niya, ganoon naman kalamig ang boses niya.
Nagulat ako sa sinabi nito.
"Then what is? Kill myself?"
Lumapit ako sa kaniya at kinuha ang papel na pinunit niya. Binasa ko ito at halos manggalaiti ako sa galit ng mabasang transfer paper nga ito. Nakakainis! Bakit ba lagi niya akong pinapahirapan?!
Tinignan ko ng masama ang dean.
"Get another one!"
"What?" nanlaki ang mata nito sa sinabi ko.
Nagtaas ang isa kong kilay.
"May problema ba?"
Umiling ito. Wala itong nagawa kundi umalis muli at gawin ang sinabi ko. Nang ma-realised ko ang sitwasyon ngayon, bigla akong nagsisi na pinaalis ko ang dean. Dalawa na lang kaming nandito at feeling ko ay nasasakal ako lalo na't kapag malapit siya.
Bumalik ako sa inupuan ko nang hindi siya tinignan. Muli akong naglibang sa phone ko, but he's still standing there like a ridiculous statue. Seriously, ano bang trip niya?
"Summer Harrison,"
Nanigas ako nang banggitin niya ng buo ang pangalan ko. It was the first time he mentioned my name and it felt... weird.
My name with his voice, I felt something different. Parang ang sarap pakinggan kung ang boses na iyon ang tatawag sa pangalan ko.
I shook my head and mentally cursed myself. What the hell am I thinking? Ang bilis ng kabog ng dibdib ko. Bakit ba ganito ang epekto niya sa akin?!
Hindi ako lumingon o tumingin 'man lang sa kaniya. Hindi rin kasi ako makagalaw dahil sa kaba. Was this because of fear, nervous? I can't believe that this guy just ruined my life.
"Why can't you look at me?"
Napasinghap ako sa sunod nitong tinanong. What now?! Is he trying to be friend with me? After what he had done?! He made me suffered and he's asking me why can't I look at him?
This is ridiculous. Just where the hell is that goddamn dean ng makaalis na ako? I look at my hand and got shocked when I noticed I was already trembling. The hell Summer!
Minutes passed and still wala pa rin. Hindi na ako makahinga. Kanina pa siya nakatayo doon at alam kong sa akin lang siya nakatingin. Hindi ako feelingera. Ramdam ko na sa akin siya nakatingin at dahil doon ay hindi ako makahinga. He was suffocating me! He was torturing me!
"Miss Summer, it's done!"
Napatayo agad ako nang dumating ang dean. Nagulat pa rin ito nang makitang na sa office pa rin niya si Hades. Lumapit ako sa kaniya at kinuha na ang papel. Binasa ko ito.
"Wala na ba ibang aasikasuhin?" I asked flipping the pages.
"Wala na. Okay na 'yan. Bibigay mo lang yan sa dean ng paglilipatan mo kasama ang requirements and okay na."
I nodded. Finally!
"Okay— WHAT THE!"
Nanlaki ang mata ko sa nangyari. Maging ang dean ay halos malaglag ang panga dahil sa muling pag punit ni Hades sa papel. Hindi ko manlang namalayan na nakuha niya sa akin iyon! Napakabilis niya!
Parang biglang tumaas lahat ng dugo sa katawan ko at palagay ko ay sasabog na ako. Sobra na ito!
Nilingon ko siya na may puno ng galit sa mata. "Ano bang problema mo, Hades?!"
Wala akong mabasa na reaksyon sa mata niya. Ni wala nga siyang pakialam na hindi ko siya tinawag na King. Mamamatay muna ako bago ko gawin iyon. I clenched my fist and punched him pero mabilis siya at agad sinalo ang kamay ko.
Napasinghap ako ng hawakan nito ang kamay ko. Masyadong mainit ang palad niya kaya mas lalong bumilis ang t***k ng puso ko. Again, I was trembling again. I did my best to hide it. Hindi niya dapat isipin na natatakot ako sa kaniya.
I snatched my arm back and hissed. Mabuti na lang at hindi mahigpit ang paghawak niya sa akin. I can't tolerate another bruise.
"Don't meddle with my business, Dmitri."
I looked at the dean na ngayon ay tulala sa aming dalawa.
"Get another one, again!"
Muli itong napanganga sa aking iniutos.
"Are you serious?!"
"Do I look like a joke to you?"
Ang gulat sa kaniyang mata ay napalitan ng galit, ngunit sa akin lang siya nakatingin. Of course hindi niya maaaring tignan ng masama ang so-called King nila.
Wala muli itong nagawa kundi bumuntong hininga na lang at tumalikod. Hindi ko inaasahan na mangyayari ito. Lalong hindi ko inaasahan na makikialam si Hades. Seriously I don't know what his problem is.
"Get another one or you'll die. Choose!"
Napasinghap ako sa narinig at nanlalaki ang matang nilingon si Hades. Sa akin ang tingin nito pero alam kong ang dean ang sinabihan niya. Oh my! How could he do this to me?!
"S—sorry, Miss Harrison," instead na sundin ang utos ko, kumaripas ito ng lakad pabalik sa swivel chair niya at naupo doon.
Ako naman ngayon ang nalaglag ang panga. Ganon na lang yun? Isang utos niya lang mapapasunod niya ang lahat? Even this old man na mayari pa mismo ng school? Is everyone crazy?
The dean looked at me with apologetic smile. It's like he was saying na wala siyang choice kundi ang sundi ang utos ng mahal na hari. But No! I will never forgive him. I will tell this to dad.
Muli kong tinignan si Hades. Naiinis ako sa kaniya. He ruined my life. Dahil sa kaniya kaya ako sinaktan ng mga alagad niya. I just wanted a peaceful life. I made a decision. I was the one who gave up and raised the white flag. I decided to just leave but why the hell is he doing this?! I really have no idea and I wanna cry for f*****g out loud.
"What do you want?" malamig kong tanong sa kaniya.
I'm trying to make a deal with him. Kung sa ganitong paraan, baka hayaan na niya ako. I swear hindi ko na alam ang gagawin ko.
I was waiting for his answer. Humakbang ito ng ilan hanggang sa sobrang lapit na niya sa akin. Dahil doon mas naging obvious na ang tangkad niya. My height is 5'6 pero hanggang leeg niya lang yata ako kaya kaylangan ko pang tumingala to meet his gaze.
He put his hand inside his pockets at bahagyang yumuko palapit sa mukha ko. Kung kanina mabilis, ngayon triple na yung bilis ng t***k ng puso ko dahil sa sobrang lapit ng mukha niya. Kung sa malayo grabe na ang intense na dulot ng mata niya, mas sobra na ngayon na halos magusok ang kaloob-looban ko.
"Don't leave, Summer. You're not allowed, not until I say so."