Chapter 7

3012 Words
Hindi ako nakapag react sa sinabi niya. Basta na lang niya akong tinalikuran pagkatapos niyang lituhin ng sobra ang isipan ko. I looked at the transfer paper na pinunit niya, and somehow, bigla kong naisip na hindi ko na nga kaylangan nito. Lumabas ako ng dean's office para sana sundan si Hades ng harangin ako ni Yeuseff. Malapad ang ngiti nito nang salubungin ako. "Miss Summer, I'm glad that you're back!" Nag dire-diretso ako sa paglalakad. I need to talk to Hades. Kaylangan magkalinawan kami dahil naguguluhan ako. Hindi dapat ganito na pinaglalaruan niya ang buhay ko. Marami akong nakakasalubong pero napapansin ko ang mga paglayo nila sa akin. Ang iba ay tumitingin tapos kapag nagtatama ang mga mata namin, bigla silang iiwas, yuyuko at lalayo. Hindi ko na lamang iyon pinansin pa. Nang ma-realized ko na hindi ko alam kung saan ko hahanapin si Hades, natigilan ako. How can you be so stupid Summer? "Huy! Saan ka ba—" Nilingon ko si Yeuseff, "Saan ko puwedeng makita si Hades?" Halatang nabigla siya sa tanong ko. Kahit naman din ako ay hindi inaasahang lalabas iyon sa bibig ko. Pero nasabi ko na. Mas magmumukha akong tanga kung babawiin ko pa. "Ahh, eh?" Kumunot ang noo ko, "I'm not kidding, Yeuseff. Where can I see him?" Tumitig siya sa mga mata ko. Parang tinatantya niya kung ano 'yung mga dapat niyang sabihin sa hindi. Yeuseff is a bishop, he's maybe protecting their king but as if naman na may magagawa akong masama sa hari nila. I'm not capable of doing anything. "Can you explain to me first kung anong nangyayari?" Nagisip ako kung anong pwedeng i-sagot. I decided to create white lies. Mas hahaba kasi ang tanong kapag nagbigay ako ng totoong sagot. "Everything is fine. Now, pwede mo na bang sabihin sa akin?" He shook his head, "But Summer—" "Don't worry. I'm not gonna kill your king." "I'm worried about you." I got speechless, na ang tanging naging sagot ko lang ay ang pagsambit sa pangalan niya. Bakit ba ang hilig na lang manggulat ng mga tao rito? "Yeuseff, please..." This time, halatang suko na siya. He sighed at nagaalalang nakatitig sa akin. "I don't know what's going on but I hope you'll be fine, Summer." I nodded, "Yes, thanks Yeuseff." "Sa ganitong oras, sa iisang lugar lang namamalagi si King. Sa Eastridge." Name doesn't sound familiar to me, pero siguro naman madali lang yun makita. Since Hades isn't just an average person, he's suppose to be at the high end and famous places. I mouthed thank you to Yeuseff at agad naglakad pabalik ng parking lot. I texted dad that I canceled my transfer papers. Mage-explain na lang ako mamaya. Agad ko nang natanaw ang sasakyan namin. Lumabas agad ang isang driver at pinagbuksan ako ng pinto. Sasakay na sana ako nang biglang may humaltak sa kamay ko. "What the!" It was Yeuseff. Mariin ang titig nito sa akin ngunit puno ng pagaalala sa mata. Sa ginawa niyang ito, agad na-alarma ang driver ko at agad itong tinutukan ng baril. I thought Yeuseff would panic or at least magugulat pero nananatili pa rin ito sa puwesto, nakatitig sa akin at hindi alintana ang baril na nakatutok sa kaniya. "Yeuseff," Tinignan niya ang driver ko, sunod sa baril na hawak nito, tapos sa akin ulit. Huminga siya ng malalim bago binitawan ang braso ko. I signaled my driver to drop the gun and assured him I was fine. "What's the problem, Yeuseff?" He bit his lips which I find cute. "I'll go with you, Summer. Please, let me." Muli akong natigilan sa sinabi niya. I laughed sarcastically. "Why would you? Madali naman sigurong hanapin ang lugar na 'yun. You don't need to come with me." "Yes, pero hindi ko hahayaan pumunta ka ng magisa sa lugar na 'yun. Eastridge is the most dangerous place here in Metro. Ayokong mapahamak ka." I appreciate his concern pero hindi naman maaari na sasamahan niya ako. I want to deal with Hades alone. "I have my guard, Yeuseff. Enough reason that I would be safe." "No, you don't understand." I shrugged. "Believe me, I do. No worries, I will be safe. Thanks for the concern, Yeuseff. But No, I wanna deal with Hades alone." Tinalikuran ko na siya at sumakay na sa kotse. I told the driver about the Eastridge and good thing alam niya ang lugar na iyon. Medyo hesitant pa siya nung una pero wala siyang nagawa kung hindi sumunod sa utos. Hindi ko alam kung anong mayroon sa lugar na iyon. Mas lalo akong na ku-curious. And why Hades would go to that place? Halos kagagaling lang niyang dean's office. Dumiretso agad siya doon, for what? Won't he attend his classes? Pinaglololoko lang yata ako ni Yeuseff. It took us 45 minutes before we arrived at Eastridge. The parking lot is perfectly huge with full of sports cars. I saw men outside, smoking. Napagawi sila ng tingin sa sasakyan ko, confusion was evident on their faces. Naunang bumaba ang driver ko. Pinagbuksan ako nito ng pinto at doon lamang ako bumaba. Humampas sa aking mukha ang malamig na simoy ng hangin. At some point, medyo kinabahan ako. What's with the eerie feeling? I walked towards the huge door with a two bouncer in front. Agad akong hinarang ng mga ito. Kumilos agad ang driver ko at nagtungo sa harapan para protektahan ako. May hinugot sa likod ang driver. I thought he's gonna take out his gun pero wallet ang nilabas niya. Nagpakita siya ng I.D sa bouncer at nang makita iyon nung bouncer, tumango lamang ito at tsaka kami binigyan ng daan papasok. Nung naglakad kami, hindi ko maiwasang tanungin yung driver ko. "Ano 'yung pinakita mo sa kaniya?" Saglit na tumingin sa akin ang driver ko at ngumiti. "Nothing so important, miss. Identification process lang." nabanggit ko na ba na ang gwapo ng driver ko? If my memory serves right, he's just 21 years old and already working to my dad. He's 6 footer and very masculine. I wonder bakit sa gwapo niyang ito, driver ang napili niyang trabaho. Hindi na ako umimik. Not that interested also. Ang nais ko lamang ay ang makita si Hades ngayon. Pagpasok namin, tumama ang hinala ko. Eastridge is an exclusive bar. Kaonti pa lang ang customers siguro dahil daylight pa lang, pero mahahalata na agad sa paligid na bar ito. I roamed the area, trying to find Hades pero hindi ko siya makita. My driver is still behind me. Lumapit ako sa counter at nagtanong sa bartender na naroon. "Excuse me," Napatingin sa akin ang bartender. He eyed me head to foot. Na-conscious ako bigla dahil sa klase ng tingin nito sa akin. Napansin kong kumilos ang driver ko at lumapit sa unahan. Nagulat ako nang maglapag ito ng baril sa table at mariin tumitig sa mata nang bartender. "Take off of your eyes, homie." agad nataranta ang bartender at daling nanghingi ng paumanhin. I sighed. My driver is really unpredictable. "You know where can I find Hades?" Nagulat ang bartender sa tanong ko. Maging ang ilang customers na malapit sa amin ay napatingin sa akin. Hindi naman ganon kalakas ang boses ko pero bakit narinig agad nila? Kilala ba nilang lahat ang hinahanap ko? Biglang naging iba yung klase ng tingin nila sa akin. Umusod ako para magtago ng kaonti sa likod ng driver ko. Nakakatakot kasi 'yung tingin nila. Agad naintindihan ng driver ko ang ginawa kong pagtago sa likod niya. Nagkasa ito ng baril at kita ko ang pagigting ng pagang nito. "You heard her crystal clear, ain't you?" Lumipat ng tingin ang bartender mula sa akin papunta sa driver ko. Tapos bumaba ng tingin sa baril na nakatutok sa kaniya. Dahan dahan itong tumango. "Now, tell me where he is." Nakarinig ako ng sunod sunod na pagusog ng upuan at parang ilang beses na lagitikan ng buto. Napakunot ang noo ko at lumingon sa likod ko. Halos manlaki ang mata ko nang makita ang lahat ng akala kong customers kanina, ngayon ay mga nakatayo at may hawak na mga armas habang nakatingin sa amin. Biglang nagtaasan ang balahibo ko sa takot at wala sa sariling napakapit sa driver ko. Sa nagawa kong pagkapit sa kaniya, napatingin ako sa mukha niya at nagulat nang malamang nakatingin din siya sa akin. "Dadaan muna kayo sa amin bago niyo makausap si King." sabi nang isang mukhang bouncer na may hawak na baseball bat. I smiled and looked at the driver. "Should we run?" Pansin ko ang bahagyang pagkunot ng noo nito. "I thought you wanted to meet someone?" Alanganin akong napatango. "Oo nga. But, look at the situation. Ayoko pang mamatay. Next time na lang siguro?" I heard a soft chuckle from him. God, nagawa niya pang tumawa? Didn't he know na mukhang hindi na kami makakalabas ng buhay? But then, I was quite confused with myself. Wala kasi akong nararamdamang takot. Siguro masyadong malaki ang tiwala ko sa driver ko na alam kong makakaya niya akong protektahan? How many times did he saved my life? Countless. "Ano, magbubulong-bulungan na lang kayo diyan?" Mas humigpit ang kapit ko sa damit niya. God, sana pala nakinig ako kay Yeuseff. Hindi ko naman ineexpect na ganito nga kadelikado ang lugar na 'to. Why would Hades go to this kind of place? Is he a gansgter? All these scumbags in front of us looked one. I looked up to him. He smiled and winked at me. "Don't worry, miss. I can handle. Find whoever that asshole you want to meet." Kumilos na ang driver ko at nagtungo sa harapan. Agad din kumilos ang mga gangster. Isa isa silang nagpatunog ng buto ganon din ang ginawa ng driver ko. "Will it be okay kung ako na lang ang makakalaban niyo at hahayaan niyo na lang ang magandang binibini na na sa likod ko?" my driver offered. God. Why was he damn sexy in speaking Filipino? I shook my head in disbelief. Nagawa ko pang magisip ng ganito at a times like this. Sumeryoso ang mukha nung bouncer na na sa harap nila. "Walang problema. Basta ba sa amin siya mamayang gabi kapag natalo ka." then they all laughed. Nakita ko kung paano nagigting ang panga nung driver ko dahil sa sinabi nang mga gangster na yun. Lumingon siya sa akin. "Go now, miss. I don't want you to witness this." I nodded at him. He smirked at those bastards and before I leave, I heard him said, "Let's start, then. In 30 seconds, if you couldn't kill me, you're all dead." Diniretso ko ang hallway na nakita ko. Tapos may sunod sunod na pinto na kulay gold. I know this is stupidity pero isa isa kong binuksan ang pinto. Laglag ang panga ko sa bawat pinto na nabubuksan ko dahil lahat nang tao sa loob ay may ginagawang milagro. Goodness! Napatigil ako dahil sa bilis ng t***k ng puso ko. God, Summer, ano ba tong pinasok mo? Una, pumunta ka sa isang napaka delikadong lugar, pangalawa ng istorbo ka pa ng mga couple na nagawa ng milagro, ano pa ba'ng susunod?!! Natigil ang paghinga ko nang mapatapat ako sa natitirang pinto na nasa dulo. The door is color black. It looked creepy. But my curiosity is motherfucking killing me. Dahan dahan ang hakbang ko patungo sa kwartong iyon. I stared into it. I touched the doorknob, and my heart beats faster. I'm not in a marathon but I felt like I was. Bigla rin nanlamig ang kamay ko. The ambiance became hard and the aura is suffocating. Then it hit me. I opened the door and I lately realized, sa isang tao ko lang nararamdaman ang ganito ka-intense na pakiramdam. If he's near me, parang hindi kinakaya ng puso ko dahil sa sobrang bilis ng t***k nito. No scientific explanation why. It just happens. He's sitting on a couch, smoking. Nilibot ko ng tingin ang paligid ng VIP room at nakitang wala siyang kasama ni isa. He's just sitting there, smoking and looking at nowhere. I stepped inside. I felt the cold aircon pero mas nanlamig ako nang tignan niya ako. He looked at me as if he's expecting me to be here. He's supposed to be shocked isn't he? "Who told you to come inside, woman?" Triple na yung bilis ng t***k ng puso ko. Napakalamig ng boses niya at sobrang bigat ng prisensya niya. He's scary, no doubt. Hindi ko alam kung sinasadya niya lang maging ganito para katakutan niya or ganito na talaga siya. Hades Dmitri, you're something, so hard to read. "We need—" Nagulat ako nang bigla siyang tumayo at nilapitan ako. Napa-atras ako dahil sa paglapit niya. Akala ko hanggang ganon na lang ang gagawin niya pero sobrang nagulat ako ng hawakan nito ng mahigpit ang braso ko. "You're damn stubborn, ain't you?" Napadaing ako sa sakit. "Na—nasasaktan ako!" Pero hindi niya ako pinakinggan. Kinaladkad niya ako palabas ng VIP room. Nagpumiglas ako pero the more na ginagawa ko 'yun, mas lalong humihigpit ang hawak niya sa akin. God, I hate him so much! "Argh! Pwede ba Hades, nasasaktan ako!" "Bitawan mo na ako!" Again, he didn't listen. He's frustrating me. Nakakainis! "God! I hate you so much, Dmitri!" sigaw ko sa kaniya. Bigla siyang napahinto sa paglalakad kaya ako naman tumama yung ilong ko sa braso niya. Ugh nakakabwiset na talaga to. Nagpumiglas akong muli pero hindi nagbabago ang higpit ng kapit niya. Tumingin ako sa mata niya, but I regret afterwards. Napakalalim ng tingin niya sa akin na waring binabasa ang kaloob looban ko. Muling bumalik ang bilis ng t***k ng puso ko. Muli ko na naman naramdaman ang kakaibang tensyon sa akin. Bakit ba ganito ang nangyayari sakin sa tuwing tinitignan niya ako nang ganito? This is too much. I hate this feeling. I hate his affection to me. I hate it when I can't do anything! "I don't allow you to hate me, Summer." Laglag ang panga kong naka tingin sa kaniya. Nang ma-realized ko ang sinabi niya, napatawa ako ng pagak. "You can't just order me around, Hades. I'm not one of your pawns!" A small smirk curved onto his lips. "You are not? Why, Summer? You wanna be my queen?" What? Of course, I never want to. Pero hndi ko alam bakit hindi ko nasagot. Still, ayoko at hindi ako papayag. I hate him to death. I can't believe na nagagawa niya akong saktan saktan lang at paglaruan. He's too much. I can't handle him! Nagpumiglas ako. Nang napansin nyang hindi ko nasagot ang tanong niya, kaagad nag igting ang panga niya at muling dumilim ang aura niya. Muling nagbalik yung presence ni Hades na kinatatakutan. Muli niya akong kinaladkad hanggang sa nakarating kami sa pinanggalingan ko kanina. Bigla kong naalala yung driver ko. Oh god, I hope buhay pa siya! Nadatnan namin ang puro sira sirang upuan at lamesa. Sa paligid, nakahiga ang halos puro sugatan na kalalakihan. Huminto ang mata ko sa gitna at doon nakita ang driver ko na prenteng nakaupo sa silya, habang ang isang paa nito ay nakapatong sa likod nang nakadapang bouncer mukhang wala nang malay. "Jesus christ!" I shouted in disbelief. Ang driver ko ba ang may gawa nito? Seriously? Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kaniya. But then, mukhang hindi siya sa akin nakatingin, kundi sa lalaking katabi ko na ngayon ay mas humigpit ang hawak sa braso ko. Muli akong dumaing. "Aray! Hades, masakit na!" pero mukhang wala siyang naririnig. Bumaba ang tingin ng driver ko sa kamay ni Hades na nakahawak sa akin. Biglang sumeryoso ang itsura nito. God, he looks deadly but still looks hot. Seriously. "If I were you, I will let go off that arm." banta nito kay Hades 'tsaka muling nagkasa ng baril at ipinatong ito sa lamesa. Mukha naman hindi natinag si Hades. "Who are you to dictate me?" malamig na tanong nito. Nakita ko kung paano humigpit ang panga nito. "I'm her driver—" "Oh, just a driver." ngumisi si Hades. Jusko pati ba sila magaaway? Nako, hindi na maganda to. Wala 'man lang galos ni isa yung driver ko. Ibig sabihin marunong din siyang makipag basag ulo. Katulad ni Hades. Remember nung may na-encounter kaming mga pangit na gangster nung nakaraan? I clearly saw what happened at tinalo ni Hades lahat nang lalaking yun. And that's what my driver did also. Wow! My driver stood up at lumapit sa amin. "So you're the king here." "I am. And I own these bastards you bullied." Binalik ng driver ko ang baril niya sa likod. Binitawan na rin ni Hades ang kamay ko kaya nakahinga ako ng maluwag. I look at my arm and cursed upon seeing another bruise. God! How dare him do this to me! Lumapit na ako sa driver ko dahil gusto ko nang makaalis sa lugar na to. Hindi ko naman nagawa ang plano ko. Kakikita ko pa lang kay Hades pero pinaalis niya na agad ako. Feeling ko wala na rin ako sa mood makipagusap sa kaniya dahil sa ginawa niya sa akin. Kapal nang mukha niya! Nakakainis siya! "Let's go!" Pero nanatili ang titig ng driver ko kay Hades, ganoon din ang isa. Pinagmasdan ko silang magtitigan dalawa. Ano bang problema ng dalawang to? Sa titigan nila, parang nakakakita na ako ng kuryenteng naglalaban. "The next time you hold her arm like that, magagaya kana sa mga tao mo." wika ni driver. Nakita ko kung paano kumurba ang ngisi sa labi ni Hades. "Not enought to scare the King, dumbass." Tumawa yung driver ko. "Alright. If that's what you say, so... til we see each other, king." at diniinan talaga niya yung word na king. What's with this two? "And I'll make sure next time would be bloody, Raegan." pahabol ni Hades. God, ano bang pinaguusapan nilang dalawa? Sinuot ng driver ko ang kamao niya sa bulsa at ngumiti kay Hades. "Sure, I would be excited to witness that, Hades Dmitri." Kilala niya si Hades?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD