CHAPTER 1
Habang papunta ako sa Earlytech University, sobrang nilalamig ang kamay ko at bumibilis ang t***k ng puso ko. First day of school kasi ngayon, at first year college palang ako, sa kursong Accountancy. Hindi ko alam kung bakit ako nakakaramdam ng kaba eh ang Earlytech University naman ang dream university ko. Dapat nga maging masaya ako dahil nakapasok ako.
Pagdating ko sa room ko ay mabuti nalang hindi ako late at kakaonti pa lang ang mga students kaya nag basa muna ako ng w*****d. Wala akong close friend o kakilala man lang kaya nahihiya talaga ako. Ayoko naman mag first move dahil hindi ko 'yon gawain huhu.
Nang dumating na ang professor namin ay tinigil ko na ang pagbabasa at nag pakilala kami isa - isa. Nakakamangha at nakakagulat din dahil halos lahat ng blockmate ko ay galing sa mga mayayamang paaralan o kaya naman sa mga science schools. Kamusta naman akong public school lang kaya talagang hindi ko sila kayang pantayan. Pero kahit sa public school lang ako, consistent with honor to simula grade 1 hanggang grade 12. Hindi naman sa pagmamayabang pero ako palagi ang nag f-first honor saamin kada graduation kaya ako palagi ang nagbibigay ng speech. I hope na makasali ako sa dean's list o kaya naman sa president's list.
Natapos ang araw sa pagpapakilala lang namin at pag orient saamin. May iba na rin akong mga nakausap at naki-smile saakin kaya gumaan gaan ang loob ko.
Makalipas ang tatlong buwan......
Sa loob ng tatlong buwan, tumakbo ako bilang treasurer ng aming program, ang college of Business Economic and Management (CBEM). Ang mga nakapaloob na course dito ay, BS in Accountancy, BS in Entrepreneurship, BSBA major in Management, BS in Economics, BSBA major in Finacial Management, at BSBA Major in Human Resource Development Management. Hindi naman siya nakakapagod, actually nakaka enjoy siya dahil marami akong taong nakakasalamuha. Ok na rin ito para hindi na ako mahiya.
Eto nga at nag hahanda kami sa mid term exam test namin, kinakabahan ako kahit wala naman akong dapat ipakaba dahil nag aral naman ako. Halos lahat ng tanong sa guizmo, nasagot ko ng tama.
Habang nag babasa ako ng reviewer, biglang lumapit ang blockmate/friend kong si Raine.
" Beh alam mo na ba ang chika? " sabay tanong nito saakin
" Anong chika na naman yan ha" sagot ko naman dito.
" Sinugod daw sa hospital ung professor natin na mag papa test sana saatin bukas. Kaya siguradong walang mag midterm bukas, nasa hospital sya " Saad naman nito habang tumatawa tawa pa.
" Kawawa naman sya, hays sana gumaling sya kaagad " Saad ko naman..
" Hay! Tara na nga, kumain na tayo at gutom na gutom na 'ko" pag aaya niyo saakin.
Habang nasa canteen kami, nag cellphone muna ako kasi marami pa namang nabili. Biglang nalalaglag ang cellphone ko dahil sinagi ako ni Ravenna. Ang blockmate ko na palagi nalang mainit ang dugo sa akin.
" Ouch! Bakit kasi paharang harang ang mga pangit sa daan! " Ani nito habang hawak hawak kuno ang kaniyang balikat.
Pinulot ko agad ang aking cellphone at hindi nalang siya pinansin. Ayaw ko gumawa ng gulo kaya pinapabayaan ko na lamang sya.
"Ano hindi ka ba mag s-sorry!? Binangga mo ako!" Pag-sisigaw nito sa akin kaya halos lahat nag tinginan saamin.
"Hindi ko naman kasalanan kung bulag ka. Nasa gilid na kami, eh ang lawak lawak ng dadaanan." sagot ko dito.
Sasagot pa sana ito ng dumating ang guard at sinaway kaming dalawa.
"Mamaya ka sakin" bulong nito saakin sabay tulak saakin at umalis na sila.
Hindi naman ako kinabahan sa sinabi niya dahil kayang kaya ko siya patulan. Kaso nga lang, hindi pwede dahil officer ako at baka masira ang image ko at mapatalsik pa ako. Kaya hinayaan ko nalang siya para hindi na lumala ang gulo.
Pagkatapos namin kumain sa canteen, bumalik na kami sa room dahil mag uumpisa na ang klase.
"Good luck for tomorrow midterm examination" Saad ng teacher namin.
"Ma'am, sino po ba ang magpapa exam sa amin gayong nasa hospital ang prof na magpapa exam sana sa amin?" tanong ng isa kong kaklase.
"Ang alam ko may bagong Professor na papalit sakaniya, siya ata ang magpapa test sainyo bukas" sagot naman ng teacher namin.
"Good bye" pag papaalam nito saamin at umalis na.
Habang nag aayos ako ng gamit ko, nilapitan ako ni Ravenna kasama ang kaniyang dalawang asungot.
"Akala mo ba hindi ko nakakalimutan ang ginawa mo sa akin kanina" Saad nito habang naka cross ng kaniyang kamay.
Hindi ko nalang pinansin, kailangan ko nang umuwi dahil marami pa akong gagawin.
Aalis na sana ako ng bigla nitong hilahin ang bag ko kaya napa upo ako sa sahig.
"Bingi ka ba?!" sabay hawak sa buhok ko.
Hindi naman ako nag patalo at hinawakan ko sya sa buhok. Dahilan para mag sabunutan kaming dalawa. Hindi naman kami pinigilan ng dalawa, at tuwang tuwa pa na nag sasabong kami ni Ravenna.
Buti nalang dumating si Jarrel, ang boybestfriend ko. At natigil kami ng awatin niya kaming dalawa.
"Sa susunod na ulitin mo pa ang panggugulo kay Sienna, irereport ko kayo sa Dean." pananakot ni Jarrel sa mga ito.
"What ever." saad ni Ravenna at pinulot ang kaniyang bag at umalis kasama ang kaniyang mga asungot.
"Hindi ka talaga tinatantanan ng Ravenna na yan." Saad ni Jarrel
"Hayaan mo na, mapapagod din yan." Saad ko naman.
"Bakit kasi napaka perfect mo! matalino, maganda, mabait, at s-sexy." Saad ni Jarrel na nahihiyang sabihin ang huli niyang sinasabi.
"Nambola ka pa talaga, Tara na nga." pag aaya ko rito.
Hindi sa amin makakasama si Raine dahil kasama nito ang kaniyang boyfriend. Sabay na daw silang uuwi kaya nauna na itong umalis saamin.
Bago kami umuwi, dumaan ako sa office namin para I check kung may gagawin. Wala naman daw na gagawin sabi ng president namin kaya umalis na kami.
Habang nag lalakad kami, biglang nag salita si Jarrel at inaaya akong mag ice cream.
"Gusto mong mag ice cream tayo? Pang pa good luck lang para bukas" pag aaya ni Jarrel.
"Kung libre mo, oo" saad ko dito habang naka smile.
"Oo, Tara na!" sagot naman nito kaya hinila ako papuntang 7/11.
"Anong gusto mong ice cream? Pili ka na" saad nito saakin.
"Kung ano nalang sayo, un nalang din saakin" sabi ko naman dito. Wala kasi akong mapili dahil mga mahal ung ice cream na nandon, wala man lang 20 pesos.
Kumuha sya ng dalawang Magnum, yung isa chocolate at ung isa naman ay white chocolate. Pakabayad niya ay binigay niya saakin ang chocolate. Alam na alam niya talaga ang paborito ko.
Pagkatapos naming kumain hinatid niya ako sa sakayan at umuwi na rin siya.
Pagkauwi ko, nag review agad ako dahil kahit ako ang may pinaka mataas na score kapag may quiz o test kami, maaring mabagsak ako kapag hindi ko naipasa 'tong midterm na ito.