CHAPTER 10

613 Words
SIENNA'S POV Pagkahatid saakin ni Sir ay pumasok na ako sa loob at nakita ko naman si mama sa may kusina at tinignan ako nang may pangtutukso. Alam ko na ang ibig sabihon non kaya inunahan ko na kaagad siya. "Professor ko 'yon ma." saad ko dito habang papalapit sakaniya at humalik sa pisngi niya. "Inomin mo nga 'tong gatas na tinimpla ko at amay alak ka. Siguro naparami ang inom niyo." saad naman nito saakin at iniabot ang braso na may lamang gatas. "Si Raine kasi mama eh, nag second round pa kasama yung prof namin kaya naparami ako ng inom." pagpapaliwanag ko dito. Hindi naman ako masyadong nalasing kanina nung kasama pa namin si Jarrel, pero nung nag nag second round kami at kasama na namin si Sir Fritz, doon na ako nalasing ng sobra dahil sunod - sunod ba naman ang pag order nila ng beer. "Hay naku talaga yan si Raine. Pero teka, akala ko ba kasama niyo si Jarrel? Bakit hindi siya ang nag hatid sayo? Nag chat kasi 'yon kanina saakin kung nakauwi kana. Eh hindi ko naman na nireplyan dahil akala ko ay nasa kwarto kana. At akala ko rin ay inihatid ka niya jan sa kanto." Saad naman ni mama. "Hayaan mo na si Jarrel, Ma. Ang mahalaga ay nakauwi ako ng safe. Icha-chat ko na lamang siya mamaya na nakauwi na ako." Saad ko naman dito at inubos ang gatas na binigay nito saakin. "Oh sya, sige na. Matulog kana dahil may pasok ka pa bukas." saad naman ni mama at nauna na akong umakyat at pumasok sa kwarto. Pagpasok ko saaking kwarto ay naligo muna ako para mawala ang pagkalasing ko. Nagbabad ako sa tubig ng halos 30 mins dahil iniisip ko kung paano ko iapproach si Sir bukas. Pagkatapos ko maligo ay nag bihis na ako ng pantulog at humiga. Chineck ko naman ang cellphone ko at nakita ko ang ilang missed call at message ni Sir at ni Jarrel. Hanggang ngayon talaga ay hindi ko alam kung kanino niya nakuha ang number ko. Chinat ko naman si Jarrel dahil nga sa sinasabi saakin ni mama. "Jarrel, sorry pala kanina. Pumunta kasi ako ng Cr tapos medjo natagalan ako dahil kinausap ako ni Sir. Pero nakauwi naman ako ng ligtas. Maraming salamat pala sa pag aalala, nakwento kasi saakin ni mama kanina." Chat ko dito at nakita ko namang nakadelivered ito at na seen niya agad. Naka online pa pala ito, akala ko ay tulog na dahil sa sobrang daming ininom ni Jarrel kanina. Hindi ko nga alam kung may problema ito dahil ang lalim ng kaniyang iniisip kanina. "Mabuti naman at nakauwi ka nang safe. Bakit nandoon si Sir? At bakit ka niya kinausap? Di ba tapos na ang class hour, hindi kana dapat niya kinakausap. Sino nga pala ang nag hatid sayo? Sina Raine ba?" reply naman nito saakin. "Ah.. hindi sina Raine ang nag hatid saakin." reply ko naman dito. Sino? Ung Sir Fritz na 'yon!?" tanong naman nito sa akin. Nagseselos ba sya? Bakit ganiyan siya makapag tanong. Sabagay, para ko na rin pala syang kuya at the same time kaya ganyan nalang siguro sya ka over protective sa akin. "Oo siya, hindi na nga sana ako magpapahatid kaso nga lang wala nang dumadaan na taxi kaya napilitan akong sumakay sakaniya at ihatid ako pauwi." pagpapaliwanag ko naman dito. "O sya, sige na. Bukas nalang natin yan pag usapan. Matulog kana Sienna. Good night." Nakita ko namang reply nito. "Ok, see you tomorrow. Good night din." Reply ko naman dito at nilagay ko na ang aking cellphone sa tabi ng aking kama at natulog. . . . CONTINUE?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD