bc

DAVE: THE GHOST HITMAN (Sequel MOML The Bodyguard)

book_age16+
618
FOLLOW
3.8K
READ
spy/agent
revenge
kickass heroine
brave
dare to love and hate
billionairess
bxg
city
office/work place
bodyguard
like
intro-logo
Blurb

Dahil sa isang malaking kaso na naresolba niya ay nalagay sa peligro at panganib ang kanyang buhay. Isang malagim na trahedya ang naglayo sa kanya sa babaeng tanging minahal at nagbura ng alaala niya sa loob ng mahabang panahon.

Lahat ay nag-akalang patay na siya pero mula sa hukay ni kamatayan ay babangon siyang muli na may isang masidhing layunin. Sa kanyang pagbabalik ay hahanapin niya ang taong dahilan ng kanyang pagkawala, ang taong may malaki at matinding galit sa kanya. Gagawin niya ang lahat para makapaghiganti hindi lamang para sa mga nasayang na panahon sa buhay niya, kung hindi para sa puso niyang namatay na hindi man lamang niya naipaglaban.

Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay muling mabubuhay ang puso niyang matagal na nahimlay sa babaeng hindi niya dapat mahalin, isang babaeng dapat niyang layuan at huwag bigyan pansin. Ang babaeng ito ay ang nag-iisang anak ng kanyang mortal na kaaway na siyang dahilan sa pagkawala ng babaeng una niyang minahal.

Ano ang kanyang uunahin at nararapat na gawin? Ang kalimutan ang layunin at pagtuuan ang bagong pag-ibig na sumibol sa kanyang puso? O ang ituloy ang nasimulan ng paghihiganti sa may kagagawan ng pag-ibig na nawala sa kanya?

Abangan ang maaksyon na kwento ni Dave Leviste o mas kilala bilang si 'D', ang original na rank 1 at legendary Silver Bullet ng Black Rose International Contract Agency sa "Dave: The Ghost Hitman".

Note: This story is a sequel from MOML The Bodyguard.

chap-preview
Free preview
Chapter 1 -Guhit Ng Aking Tadhana
Chapter 1 -Guhit Ng Aking Tadhana Isang buwan matapos niyang lisanin ng tuluyan ang bansang ito ay nag-decide akong bumalik na sa dating buhay ko, buhay na kaakibat ang panganib at nakikipaglaro kay kamatayan. Nagbalik na ako ngayon araw lang sa kung saan nagsimula ang lahat. Kung saan ako hinubog at hinasa upang maging isang matapang at walang kinatatakutan na bodyguard agent, kung saan ko rin unang nakilala at nakasama ang nag-iisang babaeng bukod tanging bumihag ng puso ko. Dito nagsimula ang lahat, dito sa loob ng BRICA kung saan naging tahanan ko sa loob ng halos siyam na taon. Nagulat ang lahat nang magpakita ako kasama si Jewel matapos niyang magpagaling ng tatlong buwan sa bahay ko sa Laguna makalipas ang mission niya sa case ni Echanove. Akala kasi ng lahat dito sa BRICA ay patay na ako, yun rin ang akala ni Jewel dahil matagal na panahon akong nawala at hindi man lang nagparamdam sa kanila. Ang totoo niyan ay nawala ang aking memorya dahil sa isang trahedya na halos kumitil sa buhay ko. Nasa isang mission ako that time at ang hindi ko napaghandaan ay ang pag-double crossed sa akin ng isang kakilala ko na look out na nagtatrabaho pala sa target ko. Nabaril ako sa batok na halos ikamatay ko. Nakita ko pa ang pagbulusok pababa sa kakahuyan ng sasakyan kung saan ako pilit na isinakay ng mga taong gusto akong patayin. Pero siguro ay talagang hindi ko pa oras upang mawala sa mundo dahil may nakakita pa sa akin at tinulungan ako bago pa sumabog ang sasakyan. Ito rin ang tumulong sa akin at nadala ako sa pinakamalapit na ospital at kumupkop na rin sa akin nang malaman nitong nawala ang aking memorya. Mapalad ako dahil mabait ang tumulong sa akin, tinuring niya akong anak at inaruga akong maigi hanggang sa gumaling ako. Although nakabalik na ako sa dating buhay ko at nakabalik narin ako sa trabaho ko, nawala naman ang isang bahagi ng pagkatao ko na hinding-hindi ko na maibabalik pa. Nawala si Jewel sa akin, ang tanging babae na minahal ko ng higit pa sa buhay ko at ang tanging babaeng pinaglaanan ko ng puso ko. Pero hindi ko siya masisisi at kahit kailan ay hinding-hindi ako magagalit sa kanya dahil walang nakaka-alam na buhay pa ako. Hindi niya kasalanan na mahulog ang puso niya sa ibang lalaki dahil sa pag-aakala na patay na ako. Alam kong minahal rin ako ni Jewel, ramdam ko yun noong mga panahon na kami pa. Pero iba na ang sitwasyon ngayon, may iba nang nagmamay-ari ng puso niya at hindi na ako ang lalaking yun. At kahit pa ipaglaban ko ang pagmamahal ko sa kanya ngayon, huli na ang lahat. Hindi na bilang isang kasintahan ang pagtingin niya sa akin kung hindi bilang isang matalik na kaibigan na lamang. Masakit sa akin pero kailangan kong harapin ang katotohanan, masakit pero kailangan kong mag-move on dahil ito ang guhit ng aking tadhana. Akala ko noon ay si Jewel na ang aking tadhana, na siya ang nag-iisang liwanag sa madilim na mundong meron ako pero hindi pala. Nakakamiss lang ang mga panahon na kami pa noon, lalo pa ngayon na maraming alaala ang nagbabalik sa akin sa lugar na ito kung saan kami nagkakilala at naging magkasintahan. "D." agad akong nag-angat ng tingin nang tawagin ako ni Boss V, kakapasok lang niya ng pantry kung saan ako nagkakape. Umupo siya sa harapan ko at malapad na ngumiti sa akin. "Masaya ako sa pagbabalik mo D, ganitong nag-resign na si J ay malaking bagay ang iyong pagbalik dito sa agency." "Namiss ko ang aksyon Boss. May bago ba akong assignment?" "Gusto kang makausap ni Big Boss, hinihintay ka niya ngayon sa office niya." tumango lang ako saka inubos muna ang kape ko bago ko siya iniwan at nagtungo papunta sa office ni Big Boss. Pero bago pa ako maka-katok sa pinto ay may isang boses ang umagaw ng pansin ko. "Legend!" napatingin ako sa pinanggalingan ng boses. Isang lalaking hindi naman katangkaran at medyo balingkinitan ang katawan ang patakbong lumapit sa akin. "D! Oh s**t! Ikaw nga D! Pakamay naman sayo idol!" wala sa loob na kinamayan ko ang binata. Bago siguro ang isang ito dahil mukhang bagito pa sa lugar na ito at hindi ko siya kilala. "Ako nga pala si Gerald Montes, Legend! Marami na akong narinig na mga kwento tungkol sayo, nabanggit ka rin sa akin ni J nung minsan na nagpunta siya dito!" nginitian ko siya nang mabanggit niya ang salitang J. "Kilala mo si J? Inabutan mo siya dito kung ganon." "Saglit lang Legend dahil nasa mission siya noon kay Echanove nang iwan niya ako dito. Siya ang nagdala sa akin dito, niligtas niya ako sa kalsada at sa mga masasamang tao." tumango-tango ako sa sinabi niya. "Papasok ka rin ba sa loob Legend?' "Oo. Eh ikaw?' "Tawag daw ako ni Big Boss, baka may bago akong assignment." "Tara na kung ganon." kumatok muna ako ng tatlong beses bago buksan ang pinto. Inabutan namin na seryosong nagbabasa si Big Boss. "Maupo kayo D at G." kaagad na sabi ni Big Boss nang hindi nag-aangat ng tingin. Naupo kami sa magkabilang upuan ni Gerald. "So, I hope you two already knew each other D." "Kanina lang sa labas Big Boss." muli kong tiningnan si Gerald na manghang nakatitig sa akin. "Mabuti naman. We all knew na nag-resign na si J, nakakalungkot isipin pero yun ang pinili niyang daan para magbagong-buhay. Hindi natin siya pwedeng hadlangan sa bagay na yun, knowing J kapag nag-decide na siya ay final na yun. Anyway, may bago akong assignment para sayo D. This will be your very first assignment since you have returned." pinatong ni Big Boss ang envelope sa harap ko kaya mabilis ko itong binuksan. "Dating first lady ang bago ninyong assignment, D. She is in deep trouble. Nakasaad jan ang details sa new mission nyo." kumunot ang noo ko sa pagbanggit ni Big Boss ng salitang ninyo at nyo. Pero bago pa ako nagtanong ay pinasadahan ko muna ng tingin ang picture ng dating first lady at ang trabaho na dapat kong gawin. Matapos ay tumingin ulit ako kay Big Boss. "You will not be alone on this mission, D. You will be working this mission with G." nagtaka ako sa tinuran ni Big Boss. "Pero, alam nyo naman na hindi ako nagtatrabaho ng may kasama. Mula pa noon nang nagsimula ako dito ay palaging solo flight ako kung magtrabaho." tumingin ako saglit kay G. "No offense G pero, sanay ako na ako lang sa mission ko." "I knew that D pero matagal kang nawala sa serbisyo at isa pa ay kailangan pa ng gabay ni G. Kay J ko sana siya ididikit kaso ay wala na si J dito. I want him to learn from the expert dahil hinabinilin rin siya ni J sa akin. Wala na akong nakikita na pwedeng gumabay pa sa kanya but you. Wala na rin si B at ganun din si K. You were brief already on what happened to them, right?" bahagya akong tumango. "Nasabihan na ako ni Boss V regarding the death of B and that traitor K." "Once this mission is over which is saglit lang naman, hindi mo na kailangan gabayan si G. He already had an assignment prior to this at natapos niya yun on time, kaya kahit paano ay may alam na siya. Just train him further kagaya ng ginawa mong pag-alalay noon kay J. Turuan mo ng mga techniques mo and other skills." "Madali naman akong matuto, Legend." nakita ko kung paano ngumiti si Big Boss. Alam niya kasi na ayaw na ayaw kong tinatawag akong legend ng mga baguhan na agents. Kailangan masabihan ang bagitong ito bago pa man kami sumabak sa assignment namin dalawa. "Alright. If you say so, Big Boss." tanging nasabi ko bago kami pinalabas ni Big Boss. "Excited na ako Legend! Akalain mo! Ikaw pa talaga ang makakasama ko sa next assignment ko! Woohoo!" natawa lang ako ng sinuntok-suntok niya ang hangin na tila ba may kaaway. "Excited na rin naman ako. Namiss ko ang aksyon, bagito." ngumisi ako nang kumunot bigla ang noo niya. "Legend naman, huwag mo naman akong tawagin na bagito. Feeling ko tuloy ay totoy na totoy ang dating ko niyan." kinamot niya ang batok niya. "Ilang taon ka na ba?" "18." "Kung ayaw mong tawagin kitang bagito, then huwag mo akong tatawagin na legend." "Huh? Bakit? Eh idol kaya kita!" "Ayos na ang D kahit idol mo ako. Tatawagin kitang G pero dapat ay D ang itawag mo sa akin." halatang nag-iisip pa siya. "At kapag magawa mo yan, may ibibigay ako sayo na dating pag-aari ni J. Ako ang nag-imbento nun at ibibigay ko sayo yun para magamit mo sa mga missions mo in the future." "Sige ba D! Madali naman akong kausap, D!" ngumisi pa siya sa akin ng nakakaloko. "Madali ka naman pala kausap! Nasabi sa akin na sa dating kwarto ni J ka raw natutulog na dating kwarto ko rin bago pa naging kwarto ni J." "Eh talaga D? Ikaw ang dating natutulog sa kwarto ko ngayon?" tumango lang ako habang naglalakad kami pababa sa mga quarters. "Ang swerte ko pala talaga! Akalain mo, ang kwarto ni Lady Phantom na dating kwarto ni Silver Bullet ay kwarto ko ngayon! O diba hanep sa alright!" "Na magiging kwarto ko ulit." natawa ako sa naging reaksyon niya. Nawala ang ngiti sa mukha niya at napalitan ng lungkot. "Kung ganon D, saan na ang kwarto ko ngayon?" ngumisi lang ako saka nagpatuloy sa paglalakad. Pagdating sa dating kwarto ko ay ipinasok ko ang password na saulo ko pa hanggang ngayon, kaagad itong bumukas kaya pumasok na ako sa loob. Maayos naman sa kwarto si G, malinis at masinop rin. Hindi na masama kung makasama ko siya sa kwarto, at least hindi ako mag-isa. "Sa ngayon ay dito ka na muna sa kwarto ko pero..." "Pero ano D?" "Kapag sa loob ng isang buwan ay hindi mo natutunan ang mga ituturo ko sayo, maghanap ka na ng ibang tutulugan mo. Isang buwan lang ang ibibigay kong palugit sayo." "Sige D! Kayang-kaya ko yan! Batang Quiapo yata ito! Sisiw lang sa akin yan!" "Yun naman pala eh! Pareho pala tayo na batang Quiapo. Magkakasundo tayo niyan bata." ------,--'--,-{@

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

His Obsession

read
75.1K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook