#12: Welsy's gift

3014 Words
"Wendy, anak bangon ka na!" Naririnig ko namang ginigising ako ni Mama pero ayoko pa talagang bumangon. Inaantok pa ako pa kasi ako! "Sige na.. Bumangon ka na diyan Lillian Jairah!" Dagdag pa niya. Pero mas malakas na ang boses nito. "Ma, Ayoko pang bumangon, Ma." Sagot ko sa kanya habang nakapikit pa din. Sabay hatak doon sa kumot na nasa katawan ko papunta sa mukha ko. "Tumayo kana diyang bata ka.. Kumain ka na sa Baba! Hindi ba may klase ka? Saka birthday na birthday mo sisimulan mo nang ganyan. Ano ba naman yan, anak!" Sabi pa nito. Tinanggal ko naman iyong kumot na nasa mukha ko. Saka ito nag-punta sa harap ng Bintana nitong kuwarto at hinawi iyong kurtina. Nag-inat inat na muna ako bago tuluyang bumangon. Wala pa talaga akong gaanong energy para umalis sa higaan. And yes... Today is my birthday but It's just like an ordinary day for me. Pero hindi ko naman sinasabing hindi siya espesyal or something. Alam ko namang nandyan sila Mama para mag-celebrate tuwing darating yung araw na'to. Sa katunayan nga nyan... Sila pa itong mas nag-reremind sa akin about diyan. Saka hindi naman kailangan bongga o engrande ang maging celebration namin. Okay na ako sa makasama ko sila, yung makasabay ko silang kumain sa iisang mesa. Ganon lang! Hindi rin naman kasi ako Materialistic na tao. Tulala pa din ako hanggang ngayon. Maaga kasi talaga akong ginising ni Mama dahil may klase pa ako ng Alas otso. Sayang rin kasi yung araw na hindi ko ipapasok kung sakali. "Hala sige, Wendy! Bumaba ka na doon dalian mo. Inihanda ko na para sa'yo ang magiging breakfast mo. Uminom ka na roon ng Gatas nang mainitang yang sikmura mo bago ka maligo." Aniya saka pinagpagan na yung ilan sa mga Unan ko dito sa loob. Pero instead na sundin siya doon sa mga sinabi niya... Nahiga ulit ako. "Wendy, Ano yan!" Saka niya ako tinignan at tinaasan ako ng kilay. "Inaantok pa po ako!" Sabi ko. Saka nag-talukbong ulit ng kumot. Pero hinila ni Mama iyong kumot na nakataklob sa akin. "Bumangon ka na. Papasok ka pa. Dalian mo at baka malate ka pa. Pag hindi ka kumilos hihilahin kita pababa." Aniya pero seryoso pa rin. "Sige na.. Babangon na ako, Ma." Sabi ko saka agad nang tumayo pero pabagsak ang paa kong umalis mula doon sa Kama. Bigat na bigat pa talaga ako sa sarili ko. Nauna nang bumaba si Mama sa akin. So I decided na mag-hilamos muna at mag-mumog bago ako tuluyang bumaba at kumain. At nang makarating na ako roon sa ibaba.. sinalubong ako nila Mama at Aloy bitbit ang Isang bilog at medyo malaking plato na may lamang matataas na Pancake saka nila iyon tinusukan ng kulay pink na kandila. "Happy birthday! I love you, Anak. Mahal na mahal ka namin." Aniya saka ito lumapit sa akin para yakapin ako. Binigyan ko siya ng Isang malaking ngiti sa labi saying thank you saka siya niyakap. Hindi ko talaga maramdaman na wala akong Tatay dahil ang pakiramdam ko kumpleto pa rin kami dahil sa walang sawang pagmamahal na ibinibigay ng Nanay namin sa amin. "Happy birthday, Ate!" Bati naman nitong bunso kong kapatid sa akin saka nito itinapat iyong pancakes na hawak-hawak niya na agad ko rin namang hinipan. "Salamat!" Saka ako ngumiti sa kanya at naupo na sa tapat noong Mesa. "Si Ate liyann po?" Tanong ko naman sa kanila. Pero siya nag-kibit balikat lang at walang naisagot sa akin. Asan kaya siya? Usually kasi nag-pupunta yun ng umaga dito para kumain. Pero baka naka-off si Kuya leo kaya ganon. "Ma, Tara na po. Sabay sabay na tayong kumain. Ikaw Aloy, kumain ka na rin. May pasok pa sa School hindi ba?" ---- ---- ---- Pag-pasok ko noong Gate nitong School.. Bumungad sa akin ang ilang tumpok ng mga estudyante na nasa Hallway. Gumana ang curiosity ko kaya naman pati ako nakisilip na rin doon. "Come, Join us... And be a part of our Club! Our team is looking for a good singer.. who loves to play Piano, Guitar and more. The audition is now open! 1 PM at the Music Room. See you there!" Nag-paspas na ako ng lakad papuntang doon sa Locker room. Binuksan ko iyong locker saka ko nakita yung dalawang makulay na papel na nakasingit doon na agad ko rin namang kinuha at binasa. "Good morning, Have a nice day! Smile lang ha para mas lalo kang gumanda." Okay fine. Saka ko iyon diretsong inilagay sa bulsa ng aking skirt uniform. "Hi, Lirah! Birthday mo pala today?" Bungad nitong si Ever kaya naman awtomatikong nag-salubong ang dalawa kong kilay nang makita ko siya. Hindi ko siya pinansin at diretso lang akong pumasok sa loob ng classroom para maupo na doon sa seat ko. "February ka pala? Nays! Nasa buwan ng mga nguso ay puso pala! By the way... Happy birthday! Nakita ko kasi sa Socmed na ngayong araw ang birthday mo. Sayang, kung nalaman ko agad baka niregaluhan kita." Dagdag pa nito saka tumabi doon sa inuupuan ko. Hindi ko na kailangan ng regalo galing sa kanya! Ang gusto ko lang katahimikan galing sa kanya. Baka mas matuwa ako kapag ganon. Hindi ko pala kasi nai-hide sa socmed account ko yung birthday ko. Nakita tuloy niya! "Thank you!" Nakangiti ko namang sabi sa kanya. "Ayan, mas maganda ka kapag nakangiti." Anito na mas lalo pang ngumiti ng pagkalapad-lapad sa akin. "Happy Birthday, Lirah!" Salubong na bati naman sa akin nitong si Wendy pag-pasok na pag-pasok niya. "Salamat, Welsy!" Ngumiti ako sa kanya. Saka nito iniabot sa akin yung isang box na kasing laki ng Notebook. "Ano ito?" Napakunot ang noo ko at nag-taka pero kinuha ko iyong box. "Sige buksan mo!" Ngumiti siya sa akin. Kagaya nang sinabi niya, binuksan ko iyong box saka ko nakita yung cute na cupcake na may birthday dedication doon sa loob. Napangiti ako. I didn't expect na gagawin niya ang bagay na iyon para sa akin. Yah, nag-kakausap and minsan na kaming nag-kasabay na mag-lunch pero hindi ko talaga inaasahan na bibigyan niya ako ng ganto lalo pa ngayong birthday ko. "Ikaw ang gumawa nito para sa akin?" Tumango lang siya sa akin. Hindi kasi talaga ako makapaniwala na bibigyan niya ako ng ganitong klase ng regalo. Pag-katapos naming mag-kasabay na kumain noong Examination. Nakakatuwa naman at the same time nag-effort pa siya para sa akin. "S-salamat ulit Welsy! Nag-abala ka pa." Nakangiti kong sabi dito. "Oo naman. Actually matagal na kitang gustong I-approach. I really liked your personality kasi.. Kaya kung okay lang sayo gusto ko sanang maging mag-kaibigan tayo. If it's okay?" Aniya saka ito ngumiti sa harap ko. "Talaga? Nakakatuwa naman kung ganon. Sala oo naman! Sino ba naman ako para tumanggi. Saka wala rin kasi akong gaano na kaclose dito sa mga kaklase natin. Madalas akong mag-isa but I'm used to it naman na. Pero I'm happy na malamang gusto mo akong maging kaibigan." Panimula ako. Na-appreciate ko iyong way na ginawa niya just to be friends with me. "E bakit nga ba?" Naupo siya sa tabi ko. "Hindi kasi ako gaanong nakikipag-Socialize sa iba. Saka okay lang naman ako kahit mag-isa ako, ganon. Mas na-eexpress ko yung sarili ko kapag ganon! And at the same time hindi ako sanay na ako yung unang nag-aapproach sa tao." Paliwanag ko. Siya naman itong nag-patango tango lang sa mga sinabi ko. "Introvert ka pala no?" Plain pa nitong pagkakasabi sa akin pagkatapos ay ngumiti. "Parang ganon na nga!" Natawa naman ako pag-katapos kong sabihin yon. Nag-kuwentuhan pa kaming dalawa sandali hanggang sa dumating na yung first subject teacher namin. Saglit lang iyong naging discussion namin kaya agad rin namang natapos ang klase. Pag-katapos nang dalawang naunang subject, saka naman pumasok yung Advisory class ng section namin. Dala dala yung sinasabing Announcement na nakita ko earlier doon sa Bulletin board na nasa Hallway. "Good morning, everyone! I have something to announce. So makinig na muna!" Parang excited pa siya habang sinasabi na may i-aannounce siya saka nito iniangat ang mga hawak niyang papel. "This coming February 13, Saturday night will be our School Junior and Senior Prom! So who's excited?" Bigla namang umingay ang buong klase pagkatapos iyong sabihin ng Teacher namin. "Nai-Announce naman na ito sa inyo last time. Bale sinasabi ko lang ulit sa inyo just to remind each and every one of you para sa ilang mga bagay-bagay tungkol sa event na ito ng ating school. The further announcement about the fees needed to be paid is nakapost na sa ating bulletin board sa labas. Then starting tomorrow mag-kakaroon na kayo ng practice right after ng inyong mga klase. You have to practice your entrance para sa magiging program natin for that special and magical night. Medyo magiging Rush lang ito dahil sa dami nang schedule ngayong Love month plus nag-birthday rin last week yung Principal ng school natin. Your participation is badly needed. So be there, Alright?" "Then yung mga kasama sa gagawing Cotillion be ready!" Dagdag pa nitong si Ma'am na mas lalo pang nag-paingay sa buong classroom. Hindi naman masyadong halata na lahat sila Excited no? "O sandali lang! May isa pa akong sasabihin." Agad namang nanahimik ang kaninang maingay na klase. "For those students who are good to sing, can play musical instruments... Everything na may kinalaman sa music? Our Music club is looking for some members. So, everyone who is interested, We have auditions later after class." Doon ako mas naging interesado kaysa sa nabanggit na Prom night na iyan! "So the Information about sa magiging Audition is nakapaskil din sa ating Bulletin board kasabay nong iba pang parating na events. So kung may interesado sa inyo pumunta na lang kayo mamaya sa Music room sa ibaba. Okay? Lalabas lang ako sandali para kuhanin ang ilang gamit ko sa Faculty, then start na tayo ng Klase natin. Ayoko ng maingay habang wala ako!" Sabi pa nito saka agad na lumabas nitong room. Medyo umingay nanaman yung buong paligid pag-labas noong Advisory class namin. As usual they are all excited for that Prom but not me! "Lirah, Excited ka na ba sa mangyayaring Prom?" Tinignan ko siya dahil sa naging tanong niyang yon. "Hindi." Walang emosyon ko pang sabi sa dito saka 'ko umayos ng upo. "Ha? Bakit naman?" Dismayado pa nitong pagkakatanong sa akin. "Wala kasi akong interes sa mga ganyang klase ng bagay e! Saka puwede naman sigurong hindi pumunta doon diba?" Diretso ko pang pag-kakasabi sa kanya. "Uy, Pumunta ka! Ano ka ba! Ang dami kayang nag-sasabing masayang experience ang Prom. Saka feel ko naman totoo yung sinabi ni Ma'am na magiging magical ang gabing iyon para sa atin. Once in a lifetime lang iyon! Kaya kung ako sayo hindi ko yon palalampasin!" Aniya habang ngiting-ngiti pa ito sa harapan ko. Ngumiti na lang din ako sa kanya para kunwari mukha akong nag-agree sa mga sinabi niya. Almost vacant for class kami now. And mamaya lang din mag-uumpisa na ang mga susunod na klase. Saka ko naman nakitang papalapit sa akin itong si Ever. Sakto namang walang masyadong tao dito sa loob.. "Happy Birthday ulit! Nakukuha mo pa rin naman iyong mga note ko sa'yo hindi ba?" Panimula nito. Tumango lang ako sa kanya without saying anything to him. Inilapag niya sa ibabaw ng Table ko ang isang Paper bag na kaninang hawak niya. Lah, Saan galing yon? "Anong meron dito?" Tanong ko saka naman gumanang bigla ang curiosity ko. "Regalo ko sayo! Hindi ko kasi alam kung anong mga gusto mo kaya nilagay ko na lang lahat diyan nang alam kong magagamit mo." Nakangiti pa nitong pag-kakasabi sa akin habang nakatayo ito sa tapat ko. "You don't have to do this, Ever Pollux. Enough na sa aking binati mo ako kanina. But thank you!" Ngumiti ako sa kanya. "Grabe.. Yung salitang salamat pa lang galing sa'yo. Okay na ako. Tapos ngumiti ka pa... Oh my ghaaad, Heaven!" Anong sinasabi niya? He's really weird talaga pero at the same time hindi ko mapigil ang sarili kong matawa sa kanya. Para kasi siyang tanga diyan! Napangiti ako nang tuluyan ko na makita ang mga bagay na nandoon sa loob ng bag.. "Salamat." Ulit ko pa. "Walang anuman!" Aniya saka siya ngumiti ng pag-kalawak lawak. Pa nice talaga itong isang ito e! Tinanggap ko na lang din. Tama naman siya! Useful nga naman talaga iyong mga ibinigay niya. "Ehem.." Napalingon ako roon sa Pintuan saka ko nakitang nandoon na pala si Welsy. Kanina pa ba siya nandiyan? Pinanunuod niya ba kami mula kanina?! Hindi ko maitatangging natuwa ako sa mga binigay nitong si Ever sa akin. Pero hindi pa rin ako natutuwa sa mga pang-aasar na ginagawa niya sa akin araw-araw! "Infairness diyan sa mga bigay niya ah! Useful nga." Rinig ko pang sabi nitong si Welsy. Wala na akong naging response sa kanya kaya I smiled at her na lang. *** *** *** "Thank you for filling out the form. Goodluck!" Bungad nong isang estudyanteng nasa front desk nitong Music room. Mahiyain talaga akong tao pero ginawa ko pa ding mag-audition dahil gusto ko at hilig ko talaga ang tumugtog. At kung magiging parte lang rin ako ng ilang club dito sa Academy... Dito yon! Alam kong isa ito sa mga puwede kong subukang pasukan, kung saan ako Interesado. Sinabi ko kasi noon sa sarili ko na.. Kailangan kong maging active sa School at pumasok sa mga ganitong klase ng club para maboost ang self esteem ko at hindi maging boring ang memory ng Highschool sa akin. I loved to sing pero mas mahal ko ang tumugtog ng Piano. Hindi lang halata kasi hindi ko naman iyon bino-broadcast sa lahat! Hindi rin naman kasi ako ganoong kagaling basta gusto ko lang yung kumakanta at lalong tumugtog ng ilan sa mga Musical instruments. Basta nasa Percussion instrument gusto ko! Masarap kasi sa Tenga yung music na binibigay niya.. Nakakarelax. It gives me peace.. Naupo ako sa isang monoblock na nandito sa loob ng silid. Sinamahan pa ako nitong si Welsy. "Excuse me po. Paki-kabit na lang po nitong pin sa left side ng uniform mo." Nakangiti pang sabi sa akin noong babae kanina. "Salamat." Nakangiti ko pang pagkakasabi sa kanya. "Go pher it, Lirah! Suportahan taka." Napangiti lang ako nang marinig ko ang sinabing iyon sa akin nitong si Welsy. Lumakas namang bigla ang kabog sa dibdib ko nang marinig kong mag-salita iyong isa sa mga miyembro nitong club. It's my turn. Pumuwesto na ako roon sa harapan ng Piano. Tumingin pa akong muli doon sa buong paligid. Ang daming tao na nandirito ngayon sa loob dahilan para mas lalo pang nag-pakabog sa aking dibdib. Hindi ko gusto na nasa sa akin ang atensyon ng mga tao. Pero hindi ko naman sila puwedeng paalisin. Kaya naman iisipin ko na lang na wala sila diyan at ako lang mag-isa dito. Napa-pikit pa akong sandali bago ko tuluyang patugtugin ang Piano... Wendy, You can do this! Walang ibang tao dito kung hindi ikaw lang. Kaya mo'to! Ramdam ko yung panginginig sa buong kamay ko kahit nakaupo lang ako. Lulubos-lubusin ko na ang araw na ito. Birthday ko naman. Wala kaming kahit na anong musical instrument sa bahay gaya nito pero natuto akong mag-piano dahil before may relative sila Mama na mayroong Organ na madalas namin noong puntahan especially nong mga bata pa kami. Kaya siguro natuto rin akong tumugtog non! Wala rin naman kaming kakayahang bumili non dahil mahal. Kaya kahit gusto ko.. Hindi ko puwedeng hilingin yon sa kanila. Dahil mas marami pa kaming mga bagay na mas dapat pang unahin kaysa sa mga pang-sarili kong kagustuhan! I started to play and sing saka ako muling napapikit. Pilit kong isinisiksik sa isipan ko na ako lang ang taong nandirito sa loob ng kuwarto at wala nang iba pa! Ibubulong sa hangin mga nais kong sabihin. Ako'y nalulumbay sa tuwing nag-iisa.. Sa bawat oras na ikaw ay sumasagi sa isipan. Hinihiling sa bituin na sana'y nariyan ka pa. Ibinabaling ko na lamang ang Atensyon ko sa Pag-tugtog at pag-kanta ko. Saka paunting tumitingin sa mga Tao sa paligid para nandoon pa rin ang eye contact ko sa kanila. Kailangan ko lang Ienjoy itong ginagawa ko para masaya lang! Pero nasa dibdib ko pa din talaga yung Kaba simula kaninang hindi pa ako nakakapag-simula. Sa pag-kabored ko tuwing nasa bahay nakakagawa pa ako ng sariling kanta na siya ring isinusulat ko. At sinisave ko ang mga iyon sa ilang Notebook ko na nakatabi sa kuwarto ko. Nagawi pa ang tingin ko kung saan naroon itong si Welsy. Ngumiti siya sa akin saka pa nag-thumbs up! Ang cute rin ng babaeng 'to e. Alam niyo yung pakiramdam na parang matagal na kayong mag-kakilala? Ganon yung napifeeel kong energy sa kanya. Hindi ko akalain na mag-kakaroon ng Friendship sa pagitan naming dalawa. Nakakatuwa lang at may kaibigan na ako rito sa School. Madalas akong makabuo at makapag-sulat ng song lalo na pag mag-isa ako. Pero karaniwang malungkot iyong nabubuo ko. Nakita ko namang nakangiti din sa akin ang ilan sa mga taong nasa likod ng Auditions na ito. Nakangiti sila sa akin habang kukamakanta ako kaya hindi ko rin maiwasang mapangiti sa kanila. Dahilan para tuluyang mag-subside ang kabang kanina ko pa nararamdaman. Pinili kong tugtugin at iparinig sa kanila yung isa sa mga kantang nagawa at naisulat ko na hindi ko pa totally tapos gawin. While singing unti-unti kong nararamdaman na parang nawawala na rin ang ilang mga tao na nandito sa loob kasama ko. Gumagana na ang Imagination ko at unti-unti na rin akong narerelax.. Ipinikit ko ang mga mata ko habang patuloy pa ring kumakanta. Saka ko na lamang muling imunulat iyong dalawang mata ko nong malapit na akong matapos doon sa piece ko. Pero laking gulat ko nang siya lang ang tanging tao na maliwanag na ruhemistro sa paningin ko. He's standing there sa tapat nong pinto nitong Music room. Nakangiti pa siya sa akin habang nanunuod ito at nakikinig sa mga nangyayari. Ever pollux?! Anong ginagawa niya don? Is he really there?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD