#11: Disyembre

2911 Words
December na pala! Hindi ko na namalayan. Wala din naman akong masyadong pakielam kung malamig man o hindi ang simoy ng hangin sa panahong ito lalo na't mag-papasko nanaman. Ang malinaw lang naman sa akin... Matamlay ako. Pakiramdam ko may isang malaking bagay na nakadagan sa buong pag-katao ko na hindi ko maintindihan kung ano. Malakas ang hangin. Malamig at ramdam na ramdam ko ang bawat hampas nito sa balat ko. Nakabukas ang bintana noong Kuwarto ko kaya naman damang-dama ko ang lakas nang hangin na dumadampi kanina pa sa balat ko at sa buong pag-mumukha ko. Pinagmamasdan ko lang mula dito sa inuupuan ko ang bawat taong dumadaan sa labas. Napatingin pa ako sa Wall clock na nandito sa loob ng room ko. Ala sais na pala ng gabi. Humigop ako doon sa tasa ng kape na ngayo'y hawak-hawak ko. Oo. Nag-kakape ako kahit na sa ganitong oras. Kahit naman kasi uminom ako nang coffee sa gabi... Hindi pa din naman ako mahihirapang makatulog nito. Itinuon kong muli ang sarili sa bintana. Halos bilangin ko na ang mga taong dumadaan dito sa labas namin. Sunud-sunod ang mga dumadaang tao, gawa nga nong dalawang linggo na lang e... Sasapit nanaman ang Christmas. Nag-papahinga na lamang ako dito sa bahay dahil nag-umpisa na iyong Christmas break namin sa University. Almost two weeks din ang lilipas bago kami ulit bumalik sa pag-pasok. Ilang sandali na lamang nasa apat na taon na akong nag-aaral ng Medicine. Mas magiging busy na kami dahil kailangan na naming mag-take ng Clinical clerkship. Mas lalawak na ang kaalaman namin sa degree na aming kinuha dahil bibigyan na nila kami sa University ng pagkakataon na mas matuto ng actual. Pabor naman yon sa akin dahil mas magiging focus ako sa pag-aaral at sa ilang mga bagay-bagay. Wala ng ibang magiging rason para ma-distract pa ako. Nakatingala ako sa ulap habang nakatanaw pa rin dito sa window. Nang mapansin kong may isang malaking patak ng tubig ang bigla na lang bumagsak. Isinahod ko pa doon ang isa kong palad to make sure na tubig ulan nga iyong pumatak hanggang sa tuluyan na ngang bumuhos ang ulan. Naupo na ako doon sa'king Kama habang nakabukas pa rin iyong bintana at kurtina dito. Lalo pang lumakas iyong ulan. Tipong wala na akong ibang marinig na ingay sa paligid kung hindi ang mismong buhos noon. I decided na tumayo na muna para mag-CR. Right after kong manggaling sa loob nong mismong toilet lumabas na ako roon para naman mag-hugas ng kamay at mag-freshen up na din ng aking sarili. Saka ko naman nakita ang sarili kong repleksyon doon sa harapan ng salamin. Napatulala pa ako mula dito sa kinatatayuan ko hanggang sa may tumulong luha na sa aking kaliwang pisngi. "Ano ba 'tong nangyayari sa akin?" Bulong ko sa sarili saka ko agad na pinunasan ang aking pisngi gamit ang isa kong kamay. Huminga pa ako ng malalim saka ako ulit na nag-hilamos at bumalik na doon sa labas ng Banyo dito sa loob ng kuwarto ko. Tumigil na din pala yung kaninang malakas na ulan. Kaya naman pinindot ko na din iyong switch ng ilaw para patayin iyon at tanging ilaw lang ng maliit na Lamp shade dito sa loob ang nag-bibigay liwanag. Suut-suot ko pa pala yong Jacket na Ibinigay niya sa akin nong nakaraang taon. Ganon na ba ako sobrang ka-absent minded para hindi ko mapansin o mamalayang yon ang suot ko. Wendy, you have to wake yourself up! You can do this, Okay? Halos sampalin ko na ang sarili dahil kung anu-ano nanaman ang pumapasok sa isip ko. Hindi ko na dapat siya iniisip pa. Hindi na dapat ako ganoong maging apektado sa kanya. At kailangan ko na ding sanayin ang sarili ko ng hindi na siya nakikita. Kailangan kong masanay na wala na siya sa buhay ko. Na kailanman hinding-hindi na siya babalik. Magagawa ko namang mag-patawad. Doon ako sigurado dahil yon ang isa sa mga dapat kong gawin at ibigay sa taong nakasakit sa akin and alam ko na mag-sisimula lang ang bagay na yon kapag pati sarili ko natuto ko nang patawarin! But the pain that he caused me? Yon ang hindi ko alam kung kailan ko malilimutan at patuloy na matatanggap. Pero sabi nga doon sa isang librong nabasa ko... Ang unang hihingi ng tawad ay ang siyang matapang at mapag-kumbaba. Ang unang mag-papatawad ay ang siyang taong malakas ang pang-unawa. At kung sino ang unang tatanggap sa pangyayari ay siyang taong mas magiging masaya at mas magiging maluwag ang puso at damdamin. Pero paano nga ba magiging maayos ang lahat sa akin kung hindi pa din maluwag sa dibdib ko yung nangyari sa aming dalawa? Kung hindi pa ako bibitaw sa nakaraan? Kailangan kong matutong mag-patawad at kailangan ko ring patawarin ang sarili ko para magawa kong ibigay yon sa ibang tao. Ayokong mag-mukhang mahina na lang palagi sa harapan niya, kung darating man yung pagkakataon ulit na magku-krus ang landas namin. Gusto kong ipakita sa kanyang matapang ako at kaya kong magpatuloy ulit sa buhay ko kahit wala na siya. Kailangan ko ring ipakita na kaya kong maging okay uli sa harapan nang mga taong hanggang ngayon ay nandiyan pa din para sa akin. Sa mga taong patuloy na nag-paparamdam sa akin na Kamahal-mahal ako na importante ako, na worthy akong ipag-laban at mahalin. At alam ko na kakayanin ko ding makabalik sa dating ako. Lalo na yung mga panahon na masaya ako kahit nong time na hindi ko pa siya kilala. Hindi puwedeng tumigil ang mundo ko nang dahil lang sa nangyaring yon! Dahil hindi naman sa kanya lang iikot ang mundo ko. Hindi lang naman siya ang taong nag-mamahal sa akin. Marami kaya sila! Pero ewan ko ba... Kung bakit ganoon na lang epekto nong nangyari yong sa akin. Siya kaya kumusta? Pareho din kaya kami ng nararamdaman? Nasasaktan pa rin ba siya kagaya ko o tapos na siya sa stage kung nasaan ako? Ahh... siguro hindi! Kasi hindi naman niya inisip kung anong mararamdaman ko nong sinaktan niya ako e. Ni hindi sumagi sa isip niya na puwede niya akong masaktan dahil sa gagawin niya. Okay lang naman sa akin kung one day mag-kakasalubong kami sa kung saan. Sa mall. Sa place na marami kaming naging memories. Kahit pa doon sa madalas naming kainan at puntahan, Okay lang. Tatanggapin ko kahit may kasama siyang Iba. Susubuan niya pa ng paborito kong Carbonara sa favorite restaurant namin pareho. Okay lang talaga, oo. Dahil kapag nangyari yon? Baka lapitan ko pa sila dalawa ng kasama niya saying "Puwedeng makiupo?" para masabayan ko sila sa pag-kain non. Baka sakaling mas maging Espesyal ang lasa nong food kapag halimbawang sila ang makikita ko sa harapan ko. Iniisip ko nanaman siya? Kailan kaya ako mapapagod at tuluyang mawawalan ng pake sa kanya? Dalawang buwan na ang nakakalipas simula nang mag-usap kami at mag-desisyon akong makipag-hiwalay na sa kanya. Maybe masyado akong nag-isip nang kung anu-ano para sa relasyon naming dalawa. Na maaaring baka kami na hanggang dulo, pero masyado lang pala akong nag-ilusyon at umasang magiging okay pa ang lahat. Pinilit ko namang ayusin. Ginawa naman naming ayusin at subukang ibalik ang lahat sa dati kasi gusto pa talaga naming mag-stay sa Isa't isa... sana. Pero wala na talaga. Yung trust na nasa gitna naming dalawa tuluyan nang nasira! And sa nakikita ko non.. hindi na talaga siya kayang ayusin pa. Kasi baka kapag pinilit pa namin... Lalo lang siyang masira sa akin. Baka lalo lalong mawala yung natitira kong respeto para sa kanya. Kaya hangga't maaari tama na! Mabuti na yung gan'to para nang sa ganon... Hindi na kami mag-kasakitan pa. Dumating na rin kasi ako sa punto na parang ako na lang yung pilit na bumubuo at gustong mag-ayos ng ilang piraso at parteng nasira sa naging Relasyon namin. Hanggang sa ayon... Natauhan na ako ng tuluyan at ako na mismo ang nag-decide sa sarili kong tapusin na. Nitong october ang huling beses na nag-kita kaming dalawa. At yon rin ang araw na sinabi kong kailangan naming mag-usap at that day doon akong nag-pasyang tapusin na ang lahat-lahat sa amin. Alam mo yon? Hindi ko na kasi kayang mag-bigay pa ng tiyansa sa pangatlong pag-kakataon dahil baka umabot pa kami sa pang-apat. Tapos ano magiging cycle na lang ang pag-papatawad sa akin hanggang sa mamanhid na ako at masanay sa ganoong sitwasyon? Ayoko atang makitang mag-kakaganon ang sarili ko! Hindi ko na ata kakayanin kapag umabot pa kami sa ganoong pangyayari. Baka malunod na ako nang tuluyan sa lungkot non! Masyado na ding malaking bagay ang naibigay ko sa kanya para pag-bigyan pa siya uli nang isa pang beses. Tama na yung tatlong beses na ako ay nagpaka-tanga sa harapan niya! Sobra-sobra na kung hanggang ngayon pipiliin ko pa ding manatili sa tabi niya kahit na yung totoo hindi na ako masaya. Never na maitutuwid ng pag-kakamali ang isa pang pag-kakamali! Ilang beses nang may nangyari. Ilang beses nang nag-karoon ng lamat ang relasyo namin. Puwera pa yung mga times na may alam na ako sa mga kaganapan pero mas pinili ko ang manahimik. Dahil ayoko ding umabot sa point na pati buong pamilya ko ay magalit na din sa kanya. Sa akin na lang muna iyon hangg't maaari. Magagawa ko na sigurong mai-share ang tungkol dito kapag handa na ako. Pakiramdam ko tuloy para akong Isang basura na kaya niyang itapon any time na gugustuhin niya. Hindi niya puwedeng iharap ang mukha niya sa akin at itatanggi niyang mali ako sa mga iniisip ko noon dahil kitang-kita ko kung paano niya ako ginago ng ilang beses sa iba't ibang pagkakataon. Ilang beses niya akong pinag-mukhang tanga at sinungaling sa harapan ng maraming tao, na gumagawa lang ako ng kuwento at walang totoo sa mga sinasabi ko. Yung pinaka-ayokong part is yong nawala na nang tuluyan yung kahihiyan sa sarili ko para lang kausapin siya ng harapan at sabihin sa kanya kung gaano na ako nasasaktan nang sobra sa mga nangyayari! Like I don't care if people see me cry. Makita nila ako sa part na nawala na talaga yung ilang bagay na iniingatan ko sa self ko. Saka totoo pala talaga yung kapag nadala ka na ng Bugso ng damdamin mo, Wala ka nang pakielam sa paligid mo. All you have to do is to say everything that you want hanggang sa gumaan ang pakiramdam mo dahil nasabi mo na ang lahat ng gusto mong sabihin. At yon ang hindi ko nakontrol. Totoo pa rin pala talaga na hanggang ngayon May lalaki pa rin na hindi marunong makuntento sa Isa. Manloloko,.Mr. Pa-Nice guy at MANGGAGAMIT! Hindi ko pa nagiging Boyfriend lahat ng lalaki oo. Pero ang dami talagang ganyan! Nananahimik naman kasi sana ako noon pero anong ginawa niya? Ginulo niya ang mundo ko. Saka hindi ko na kailangang maging Boyfriend ang lahat ng lalaki sa mundo para mapatunayan kong meron talagang lalaki na Katulad niyang EX ko. Like hindi ko naman nilalahat! One more thing hindi rin naman ako Diyosa ng Kagandahan but my feelings are all valid! Normal lang na makaramdam ako ng galit at iba't ibang emosyon. There's no such perfect relationship in this world, pero para mag-mukhang ganoon ang dalawang tao sa loob ng isang relasyon... Act like one. Kapag may mali na sa mga nangyayari. Pag-usapan nang sa ganoon maiwasan ang mas magiging malaki pang problema na parating. Ang naging mali ko lang siguro is yung hinayaan ko siyang pumasok sa buhay ko. Nag-mahal ako ng taong akala ko maiintindihan ako. Akala ko mamahalin ako ng totoo sa kabila nang lahat ng mga bagay na wala ako na mayroon ang iba. The mere fact na nasaktan ako at nadapa ako... natuto din akong maging matapang. Natuto akong maging malakas and about what happened to us? Still pipiliin ko pa din namang I-keep yung memories but not the person itself. Alam ko sa sarili ko at aaminin kong may naging pag-kukulang rin naman ako sa ilang taong naging kami. But I tried to explain everything to him. Pinaintindi ko lahat nang yon sa kanya. And akala ko during those days na nag-sabi ko sa kanya ng mga nagiging problem ko bilang Girlfriend niya... Akala ko naayos ko na iyon. Napunan na namin pareho yung pagkukulang na yon, Tinanggap at na-accept na namin pareho at napag-usapan na namin lahat. Pero mali nanaman pala ako kasi akala ko lang pala yon. Sa lahat ng taong bibigyan mo nang puwang sa buhay mo para mahalin ka at para mahalin mo. May bukod tangi talaga sa lahat! Mas higit pa sa Pamilya mo. Sa mga kaibigan mo at sa mga taong nasa paligid mo. Because HE will love you and he will choose... Always. Yes, I'm talking about Him. The big guy up there! "Wendy, Anak! Bubuksan ko na itong pintuan mo ha?" Rinig kong sabi nitong si Mama mula doon sa labas saka nito diretsong binuksan ang pinto. "O anak, Bakit nakapatay yung Ilaw mo dito sa Kuwarto mo? Napundi na ba?" Agad kong pinunasan iyong mga Luha na ngayo'y dumadaloy na sa Leeg ko. Ginawa ko iyon sa pinakamabilis na paraan kahit na hindi naman talaga yon mapapansin ni Mama dahil nakapatay naman iyong light dito sa loob. Saka nakaharap ako kasi ako don sa Lamp shade. "Hindi po, Ma. Sinusubukan ko lang pong mag-tipid." Saka ako napatawa doon ng bahagya. Ako na rin ang lumapit doon sa Switch nong ilaw para buksan yong muli. Naupo na ako doon Kama ko. Saka ako nito tinabihan sabay yakap sa akin. Nagulat ako sa biglaang pag-yakap niyang iyon sa akin. Napapikit na lang ako saka siya dahan-dahan inakap. Hindi ko maiwasang matulala dahil sa mga bagay na nararamdaman ko at ilang mga thoughts na tumatakbo sa utak ko. Hindi kasi dapat ako nag-kakaganito ngayon. Sa totoo lang! Saka ko lang narealize na humihikbi na pala ako sa kakaiyak at basa na rin yung balikat ng Nanay ko dahil doon. "Okay lang yan, Anak. Dapat diba.. Isang malaking iyakan lang tapos tama na?" Ang mga Nanay talaga alam agad talaga nila kung okay ka pa o hindi na. Ayokong mag-salita, Gusto ko siya lang ang maririnig ko. "Hindi ka naman nag-kukuwento sa akin. Tungkol sainyong dalawa ng Ever pollux na yan! Ano ba talagang nangyari sa inyo ha, Jairah?" Saka pa nito tinapik-tapik ang likudan ko. "Maski ang Ate mo, Walang alam sa mga nangyayari sa inyo. Tapos magugulat na lang ako hindi na pumupunta yang Boyfriend mo dito." At humigpit namang lalo yung yakap kong iyon sa kanya. Hinawakan niya ako sa mag-kabilaang balikat ko saka ako tinignan ng diretso sa aking mga Mata. Sabay lisya ng tingin sa ibang direksyon. Ayokong makita niya yung mugto sa mga mata ko. "Sige, Kung hindi mo pa kayang mag-kuwento hindi na kita pipilitin, pero kung ready kana.. Makikinig kami sa'yo okay? I love you anak! Sige na. Ayusin mo na yang sarili mo. Lumabas ka na lang kung gusto mo nang lumain at nag-dala yung ate mo dito ng Paborito mong Carbonara." Ngumiti lang ako sa kanya sa pag-katapos non saka ko siya hinintay na lumabas nitong room ko. Nag-sara lang naman ako ulit ng Pintuan at agad na nahiga doon sa aking kama. "I love you too, Mama!" Bulong ko sa sarili saka nag-umpisa nanaman sa pag-ngawa. Hindi ko alam kung kailan titigil at titla 'to. *** *** *** Tinutusok tusok ko lang nang Tinidor iyong pag-kaing ngayo'y nasa harapan ko. Lunch break namin ngayon matapos nong mahaba-habang tayuan at pag-siserve sa ilang mga customer doon sa Restau na pinapasukan ko. And yes, Kinakaya kong maging Working student para naman hindi palaging kala Mama at Ate liyann ko hinihingi ang mga panggastos ko sa pag-aaral ko. Nagutom na ako kaya I decided na kumain na lang sa labas kaysa doon sa Restau kasama ang ilang crew. Wala. Gusto ko lang na mapag-isa. Masyado kasing maingay doon. Maraming tao. "Excuse me po. Makikihingi naman ng Isang basong tubig. Salamat!" Plain kong pagkakasabi sa unang Waiter na dumaan sa gilid ko. Nakatulala lang ako sa Kawalan habang nginunguya yung kinakain ko. Nang biglang may luhang pumatak galing sa kaliwang eye ko. I wiped away my Tears bago pa muling tuluyang tumulo sa Pisngi iyon pero hindi ko na napigilan ang pag-bagsak non. Umiiyak ako pero pigil. Pilit kong inaayos ang sarili ko pero patuloy pa din sa pag-agos iyong mga luha ko. Nakakabuwisit lang kasi pilit kong pinupunasan iyon pero nag-papakawala pa din ng luha ang mga mata ko. Ito yung isa sa mga nakakainis sa akin.. Ang napaka-iyakin kong tao. Hindi ko makontrol ang sarili ko at ang Emosyon ko. "Ma'am, excuse lang po. Ito na po yung tubig ninyo." Nahimasmasan ako nang marinig ko yung boses noong Server na lumapit saka inilapag sa tapat ko iyong Baso ng tubig. Tila ba nabasag ang Katahimikan nang marinig ko din ang pag-kakapatong noong Baso sa lamesa. Dahilan para mapatayo ako at tuluyang mapatakbo papuntang Comfort room. Pumasok ako sa isang Cubicle. Naupo at doon ko lahat Iniiyak ang kanina ko pang pinipigilan. Ang bigat sa Dibdib dahil pilit kong iniipit yung sarili ko sa ganitong sitwasyon. Wala na akong pakielam kung marinig na ng mga Taong papasok nitong CR yung pag-iyak ko. Hindi ko na kasi talaga kayang pigilan pa. Ganito pala yung pakiramdam non no? Totoo pala talaga yung ganitong eksena! Pero may isang malaking tanong lang ako... Bakit kailangang sa akin mangyari 'to?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD