Sila Mama walang ibang ginawa kung hindi ang asarin ako dito sa bahay. Hindi pa siya nakutento at kinuwento niya pa talaga pati sa Kapatid ko. Alam na din ni Ate Liyann kung ano yung laman nong maliit na Box na hinahanap ko nong isang araw. Naiirita ako kasi kino-consider nilang Love note ang mga bagay na iyon! Anyway si Ate liyann naman talaga ang mas nag-bibigay ng meaning doon sa mga papel na nandoon.
Iniisip kasi nila na ganoon ang ibig sabihin non, dahil ano pa nga ba? Letters galing sa lalaki? Siyempre yon ang iisipin nila! At kapag nakakatanggap ka nong mga ganoong klase ng bagay galing sa mga lalaki ibig sabihin they are confessing something to you. They are interested in you!
And it feels Awkward! May sinasabi pa sila sa akin na baka gusto ko naman daw ipakilala sa kanila kung sino man yung lalaking nag-paparamdam sa akin. Yung totoo? Para makilatis nila yung tao? Saka ano bang sense kung gagawin ko yon? Hindi kasi talaga ako interesado at ilang beses ko na rin namang sinasabi yon sa kanila. Hindi ba sila nag-sasawang kakatanong sa akin tungkol don o talagang gusto nila palagi na nabubuwisit ako. Ayoko kasi ng pakiramdam na porket tingin nila nasa tama na akong pag-iisip para mag-entertain ng lalaki e... gagawin ko na. I mean gagawin ko lang ba yon dahil sinabi nila na okay lang, kasi sinabi nilang puwede na? E kung ako ang tatanungin... Mas gugustuhin ko na mag-focus muna sa iisang bagay kaysa gawin kong komplikado ang sitwasyon ko. Saka ayaw ba nilang pangarap ko muna para sa aming lahat ang unahin ko over everything?!
Hays... Sila ata yung klase ng Pamilya na uudyukan ka pang magka-boyfriend or pumasok na sa isang desisyong dapat hindi muna talaga dapat! Hay, Ewan ko ba sa kanila. Hmp, Bahala sila diyan. Isipin nila ang gusto nilang isipin.
"Wendy, Natural lang naman sa kagaya mo ang maligawan at ang may mag-kagusto sa'yo dahil Dalaga kana!" Rinig ko pang sabi nitong si ate Liyann bago ko tuluyang maisara ang Pinto nitong Kuwarto ko.
Ano ba ang gusto nilang mangyari?
"Ate, tama na please! Hindi pa ako interesado sa kung anong sinasabi niyo. Tigilan niyo na ako ni Mama." Sigaw ko pa mula dito sa loob matapos kong Ilock iyong pinto.
Alam ko naman nang nasa stage na ako kung saan kagaya nga nong sabi nila e... Normal lang kung may Nag-papapansin na Lalaki sa akin at gusto akong kilalanin. Pero yung Pag-papapansin kasing ginagawa niya hindi ko gusto e! So para hindi ko na muna siya maisip... I decided to open my Account on Social media at agad naman na nag-boom iyong Group chat ng whole section namin.
So they have no Idea what is next right after noong Examination namin. All of them ay ayaw din munang pumasok at iniisip na mag-pahinga muna matapos ng buong linggong nag-daan.
Binabasa ko lang ang ilan sa mga usapan nila doon. Ayoko nang makisawsaw sa kung ano mana ang mga pinag-uusapan nila. Saka ayos na rin naman ako sa mga nakukuha kong Information from them! May hinihintay na lang rin talaga ako na mabasa. Kasi isa din talaga ako sa mga ayaw na munang pumasok hangga't maaari.
Katamaran ko talaga umiiral when it comes to checking our Test papers. Nandiyan pa yung pati yung ilang papel-papel nong Ibang Section kayo pa ang mag-checheck. Sounds.. Irritating right? Like bakit kailangan kaming mga estudyante ang gumawa non? E hindi naman part iyon nang pagiging student namin.
Natatawa na lamang ako dahil sa ilang mga nababasa kong rason kung bakit ayaw nilang pumasok pag-katapos nong Pag-susulit. Ewan ko ba sa mga trip nila at kung anu-anong mga thoughts ang pumapasok sa mga utak nila!
"Next two months nasa fourth grading na rin tayo. Tapos mag-eexam nanaman! Saka ilang saglit na lang February na. So excited for Our JS Prom. Who's with me?" Napairap na lamang ako habang nakaupo ako sa aking study table. Junior and Senior Prom? Kailangan ba talaga mayroon non? Tss... Ang baduy naman!
Saka diba ang dapat muna nilang isipin is yung Christmas bago yung Prom na iyan? Too advance and excited nga sila masyado ah?
I was about to turn off my phone dahil hindi na ako natutuwa sa ilang mga nababasa kong pinag-uusapan nila nang mapansin at mabasa ko iyong message na inaantay naming lahat!
"Teka.. Guys, Tinext ko si Ma'am kanina pa. And ito nag-reply na siya."
"O anong sabi sa'yo? Siguraduhin mong magandang balita yan ah?"
"Kahit hindi na raw pumasok yung iba sa atin ngayon, but the bad news is they need the Class officers na pumasok as per Ms. Peralta!"
Some of us are happy about the news pero iyong mga nasa Class officers... They are all disappointed pero wala silang choice kung hindi ang sumunod.
Buti na lang hindi ako na-elect as one of the Class officer. Kasi ayoko talaga sa mga ganyan! Hindi ako interesado kasi mas gusto ko iyong nag-aaral lang ako ng tahimik at walang ibang iniisip. And yeah... I am more interested sa mga School competitions over that thing. Minsan talaga may advantage iyong pagiging tahimik ko.
And yes... Hindi ko din kailangang pumasok bukas! Saka ko diretsong pinatay ang phone ko at ibinagsak ang aking sarili sa'king buong higaan.
---- ---- ----
Dahil hindi ako papasok ng klase. Lalabas na muna ako ng bahay para sandaling makahinga-hinga. Gusto kong mag-celebrate kasi wala akong ibang gagawin kung hindi ang mag-rest sa bahay.
Bibili lang ako nang Ice cream doon sa Ice cream house parlor na malapit dito tapos mag-sstay ako doon ng sandali.
"Anak, Saan ka pupunta?" Palabas na ako nitong pinto nang salubungin ako ng tanong nitong si Mama.
Ay hala! Hindi nga pala ako nakapag-paalam.
"Kakain lang po ng Ice Cream, Ma! Gusto niyo po ba dalhan ko kayo dito?" Sabi ko sa kanya saka agad na ngumiti doon sa harapan niya.
"Hmm... Idedate ka ba doon ng manliligaw mo ha, Wendy? O halika na muna dito mag-ayos ka ng sarili mo." Aniya saka ngumiti pa ito nang nakakaloko sa akin. Ako naman ay bigla na lang nanahimik at nag-iba ng ekspresyon.
"Ma.. Naman! Pati ba naman yung gusto ko lang lumabas para kumain ng Ice cream, Ididikit pa din natin diyan? Hindi po ba puwedeng lalabas lang ako kasi gusto ko?" Ewan ko ba, At naiinis na talaga ako sa mga Pang-aasar nilang yan sa akin.
"Biro lang! Ito naman masyadong seryoso! Huwag kang sisimangot. Mawawala ang ganda mo niyan. Sige na, Pumunta ka na kung saan ka pupunta. Saka sige pasalubungan mo ako ah?" Bilin pa nito saka ako sunod na tumango sa kanya bilang sagot.
Minsan na nga lang ako lumabas para mag-libang e!
Diretso na akong pumunta sa harapan ng mga Freezer sa loob nong store kung saan nakalagay ang iba't ibang flavor ng Ice Cream.
"Hi, Ate! Isang Ice cream cake sa akin. Yung maliit lang." Panimula ko at pag-katapos ay nag-order na.
Ngumiti pa yung babaeng nasa harapan ko saka nito kinuha at inihanda agad ang Order ko. Habang nag-aantay e pinili ko na munang maupo sa isa sa mga Upuan na nandito sa loob. Hindi ganoon karami ang tao ngayon kaya medyo tahimik din ang paligid.
Yung music na mahina at Wind chime lang ang maririnig mo mula dito sa loob ng tindahan. Ice cream parlor na may Wind chime? Sounds great! So every time na mayroong bagong tao ang papasok maririnig mo ang ingay nong windchime na nakasabit doon sa itaas ng pintuan.
"Ate, Isang Banana Split. Thank you!" Agad naman akong napalingon doon sa taong nasa harapan na ng Counter.
And yes.. It's Ever Pollux!
He wants Ice cream too? O sadyang nag-kataon lang na pareho kaming nanditong dalawa ngayong araw? Teka nga... Hindi ako Interesado na malaman na nandito siya ngayon at pareho kaming kakain ng Ice cream. Wala naman akong Pakielam! Kaya okay lang.
Pero wala bang ibang Ice cream house parlor at dito pa talaga niya napiling pumunta.
"Miss, Puwedeng tumabi?" Wala na bang ibang puwedeng Upuan? Kasi ang pag-kakaalam ko... Maluwag pa naman sa ibang Table. So bakit dito pa siya sisiksik sa kung nasaan ako?
Sinadya kong lumingon sa ibang Chairs and Table na nasa paligid ko. Teka? Bakit parang biglang dumami yung mga tao? Lahat ng tables occupied na. Bakit ni hindi ko man lang napansin?! At saka hindi ba niya nakikitang ako 'to? May pa Miss miss pa siya diyang nalalaman!
Hindi ko na siya pinansin pagkatapos non. Puwede naman siyang umupo kung gusto niya e! Saka namang signage na nag-sasabing 'Bawal makishare ng Table'
"Okay lang?" Tanong pa nito ulit sa akin saka ko siya tinignan mula sa upuan ko.
Nang-aasar ba siya? Nakaupo na kaya siya! Mukha namang hindi niya na kailangan ang permiso ko kasi siya na ang nag-desisyon para sa sarili niya. Ano pang gagawin ko? Kapag ba sinabi kong bawal siyang umupo dito susunod siya?!
"Oo sige. Nandiyan ka na e.. Saka hindi ko naman binayaran yung upuang nasa tabi ko para bawalan ka." Diretsong pag-kakasabi ko habang hindi siya tinitignan.
Napaharap naman siya saakin dahilan para magulat ako at manlaki yung mga mata ko
"Lirah?" Rinig kong sabi nito pero hindi ko siya nilingon.
"Nandito ka pala? Saka hindi ko alam na pumupunta ka pala sa mga ganitong place." Ay? Hindi wala ako dito. Joke lang 'to oo. Hindi ako to! Tss... Ano bang sinasabi niya diyan? Para siyang sira!
Expired na ata iyong pagiging tahimik niya. Mukhang dadaldal nanaman siya! Akala ko pa naman habang buhay na niya ititikom ang bibig niya. Sayang naman!
Tinaasan ko lang siya ng Kilay at agad na napakunot ang Noo ko pagkatapos.
"Paano mo nalaman na pupunta ako rito? Sinusundan mo ako no?" Panimula niya saka pa ito ngumiti nang pagkalawak-lawak. Oh my ghaaad, Ayan nanaman siya help!!
"Excuse me?" Saka muling napataas ang kilay ko. Bibinggo na sa akin ang isang 'to e! Ang kulit-kulit!
Sakto namang Inilapag nong babae iyong Inorder ko kanina kasunod nong Banana split na inorder niya.
"Joke lang, Namiss mo ako no?" Kaya nga ako lumabas para hindi siya maisip! Kasi hanggang sa bahay pinapaalala sa akin don yung mga papel na nakita nilang tinatabi ko. Parang maling idea pa atang ginawa ko yon e. Hays!
"Sino?"
"Ako, Sino pa ba? May iba ka pa atang namimiss? Selos naman ako!" Aniya saka siya natawa. Nakornihan ata sa sarili niyang joke.
"Kausap mo?" Dugtong ko pa doon sa sinabi ko. Tumawa naman siya pag-katapos kong sabihin yon!
"Marunong ka rin pa lang mag-biro kung minsan no? Madalas ka bang pumupunta dito?"
"Hindi."Maikling kong sabi habang dinudutdot nang hawak kong kutsara iyong Ice cream cake na nasa platito ko.
"Pero favorite mo ang Ice cream?" Bakit ba ang dami niyang tanong diyan?
"Bakit mo tinatanong?" Saka ako humarap sa kanya.
"Wala lang, Gusto ko lang namang malaman yung mga ganitong bagay lalo na't may kinalaman sayo. Para naman may alam ako sa mga gusto mo." Kailangan ba lahat alam mo, Ever?
"Kumain ka na lang kaya diyan? Ang daldal mo nanaman e!" Sabi ko na lang saka na nag-simulang kumain.
Bumalik si Ever na may bitbit nang dalawang baso ng tubig saka nito iniabot sa akin yung isa.
"Thank you!" Sabi ko saka ko kinuha sa kanya iyong baso.
"Kumusta?"
"Ha?" Anong kumusta?
"Wala. Huwag mo nang pansinin. Ang cute mo!" Aniya na mas lalo namang ipinagtaka ko sa kanya. Unti na lang maiinis na ako. Ay mali! Matagal na pala akong inis sa kanya. Tss...
"Hindi mo ba namiss yung presensya ko?" Tanong nito saka uminom doon ng tubig sa tapat ko.
"Tinatanong pa ba yan, Ever? Syempre hindi ang sagot!" Saka ako umirap. Tumayo naman na ako mula doon sa pag-kakaupo ko saka diretsong lumabas.
"Uy sandali lang, Huwag mo akong iwanan dito! Hindi mo talaga ako namiss ha?" Habol pa nito sa akin hanggang doon sa labas.
"Akala ko nga... Tuluyan ka nang mananahimik e! Sayang naman! Saka kailangan ba mamiss kita ha?" Sabi ko. Hindi ko tuloy maiwasang matawa dahil doon sa mga sinabi ko.
"Hindi pa ako puwedeng manahimik, Lirah kasi pasasayahin pa kita! Saka Nag-try lang naman akong mag-pamiss sa'yo baka kasi mairita ka na kapag palagi? Tignan mo nga o wala pa akong ginagawa tumatawa ka na diyan!" Aniya saka pa ito nag-kamot sa Ulo.
Wow! Umpisa pa lang... Iritado na ako sayo. Napapansin niya naman siguro iyon. Sadyang wala lang siyang pake diyan!
Tumawid na ako saka ako naunang mag-lakad sa kanya.
"Teka, Sandali ang bilis mo namang mag-lakad" Aniya saka siya tumakbo. Mabilis na pala ako non at tumatakbo na siya diyan.
"Malapit ka lang ba dito?" Tanong nito nang makaabot na siya sa akin.
"Ano naman sayo kung malaman mong malapit lang ako dito?" Balik ko naman ng tanong sa kanya.
"Malapit lang rin kasi ako dito. Baka mas mauna lang yung sa inyo." Hindi na ako nag-reak doon sa mga sinasabi niya.
"O bat hindi ka na mauna?" Suhestiyon ko saka ako nahinto sa paglalakad.
"Sasamahan na lang muna kita, bago ako umuwi. Okay lang naman." Aniya saka pa ito ngumiti sa akin.
"Okay?" Wala na akong ibang nasabi sa kanya kung hindi yun na lang. Saka ako ulit nag-patuloy sa paglalakad.
Nanahimik na siya doon habang magkasabay kaming nag-lalakad hanggang sa makarating na kami doon sa unang kanto.
"Puwede mo na akong iwan dito. Kaya ko na dito, Salamat!" Sabi ko. Hindi ko naman kasi kailangan ng companion sa paglalakad.
Naiwan ko na siya doong nakatayo kaya naman nag-lakad na ako ulit pero wala pang ilang segundo naramdaman ko nanaman iyong pag-lakad niya dahil pa doon sa pag-sadsad ng suot niyang sapatos sa lupa. Ang kulit talaga! Wala ba siyang narinig doon sa mga sinabi ko?
"Bakit ba ang kulit mo? Okay na nga ako dito! Kaya ko na 'to. Hindi mo na ako kailangang samahan pa no? Kaya kong mag-lakad mag-isa at makakauwi ako kahit wala ka, Okay?" Dire diretso kong sabi saka ko siya tinignan ng masama.
"Ha? Hindi." Aniya.
"Anong hindi. Anong hindi ko maintindihan?" Dagdag ko pa na medyo naguguluhan na rin.
"Dito rin kasi ang daan ko." Plain at diretsong sabi sa akin.
"T-talaga ba? Dito din ang daan mo?"
"Oo. Bakit, may problema ba?" Dagdag pa nitong tanong sa akin habang nakapamulsa pa siya roon.
"Siguro naman pag-diretso na ako dito sa Kaliwa, Iba na ang way mo no?" Sinisigurado ko lang na hindi ko na siya kasunod na maglalakad doon sa parating na kanto.
Pero instead na sumagot siya sa akin hindi niya ako pinansin at nag-umpisa na ulit siya na mag-lakad. But this time siya na ang nasa unahan ngayon.
"Okay na ako dito, Ever. Kakaliwa na ako dito. Hindi ka pa ba liliko sa kabila or babalik doon sa dulo?" Hangga't maaari sana makarating ako ng maayos at tahimik sa bahay.
Hindi ko gusto ang susunod na mangyari kapag bigla akong makita ng Nanay ko na may kasunod na lalaki hanggang sa makauwi ako.
"Ha?" Bakit ba kanina pa siya parang lutang na hindi ko maintindihan? Napa-Straight face na lamang ako. May problema ba ang tenga niya at bakit parang hindi niya ako marinig sa mga sinasabi ko?
"Ang sabi ko... Okay na ako dito. Puwede ka nang umalis, puwede mo na akong iwanan dito." Tinignan niya lang ako at wala siyang ibang sinabi sa akin.
Ano ba kasing problema niya?!
"Ahm... O sige. Ikaw ang bahala!" Bigla itong nag-salita nong tumalikod na ako.
"Ano?" Halos mapasinghal na ako mula doon sa kinatatayuan ko.
"Dito kasi talaga ako dadaan. Dahil dito talaga yung way nong pupuntahan ko. Buti na lang nag-kasabay pa tayo."
"Sige, Lirah... Mauuna na ako sayo. See you tomorrow na lang. Ingat ka!" Aniya saka pa ito kumaway sa akin para mag-paalam saka na siya tumalikod at nag-lakad na paalis.
Pag-katapos non napatigil ako dahil daig ko pa ang na-estatwa dahil doon sa mga nangyari. All this time pala, mali lang ako ng iniisip? Dahil dito pala talaga ang daan ng pupuntahan niya. Tapos para akong tangang paulit-ulit siyang pinapaalis.
Ako pala talaga ang may problema, Simula't sapul!
Hindi niya siguro ako maintindihan kanina pa kaya pati siya naguguluhan na sa mga sinasabi ko sa kanya.
Nag-mukha ka nanamang distracted sa paligid niya! Ano ba naman yon, Lillian Jairah. Bumalik ka nga sa mga senses mo!
Napatakbo na lamang ako hanggang sa makarating ako sa huling kanto ilang steps bago makarating sa harapan nong Bahay namin.
"O wendy, Nakabalik ka na pala? Kanina ka pa ba diyan ha?" Nakapamewang pang salubong nito sa aking si Mama.
"Hindi, Ma. Halos kakadating ko lang rin po." Tumango lang naman siya sa akin habang nakatayo siya doon sa tapat nong pinto namin.
Sumunod na ako sa kanya papasok doon sa loob nang may sabihin pa ito sa akin...
"O Wendy anak, Nasaan na yung Ice cream ko?" Bungad nito sa akin. Saka ko biglang narealized na wala pala akong bitbit na Paper bag ng Ice cream para kay Mama.
Nasapo ko na lamang ang mag-kabilan kong pisngi dahil sa pagka-dismaya ko sa aking sarili. Oh my ghaaaad, Ano na bang nangyayari sa akin?
Bakit ganito? I can't! Gusto na lang talagang lamunin ako ng Lupa.