May kasama pala talaga ako ditong nag-lalakad?
Napalingon pa ako nang kaunti sa kanya para sipatin siya. Pero parang hindi e... Wala! Wala talaga akong kasama. Para siyang tuod diyan sa tabi!
At nang makalabas na kami noong School... Nag-lakad lang ako ng kaunti sa tabing kalsada saka agad na sumakay doon sa naunang Jeep na dumaan at naiwan na siya doong mag-isa.
Nilingon ko pa siya bago tuluyang lumiko itong Jeep sa isang Kanto. Ni hindi man lang siya lumingon o hindi niya na siguro napansing nawala na ako. Hindi na talaga yon, Lillian Jairah! Hindi ka talaga niya masi-sense kasi mukha nga siyang Lutang e!
Siguro may sasalihang Pa-contest ang isang yon... Maybe may bagong challenge sa Internet na hindi ko alam.
Like"Papanisan ng Laway Challenge" Hindi ko maiwasang biglang matawa nang dahil doon sa pumasok sa Isipan ko. Napatingin pa ako sa mga taong kasama ko dito sa loob nitong Jeep. Kaya naman umayos ako ng pag-kakaupo na kunwari parang walang nangyari. Baka isipin nilang nasisiraan na ako ng Ulo at tumatawa na ako ng mag-isa.
At saka... Ano namang pakielam ko sa kanya? Mas maganda na nga yung ginagawa niya na Manahimik siya nang ganon at nang sa ganon hindi ako naiinis sa kanya! Tsk tsk.. Pero there is a part of me na hindi ko pa rin maiwasang hindi maisip kung ano ang dahilan. Bakit nananahimik siya nang ganon? Like may problema ba siya or may dinadamdam ba siya?!
It's bothering me, Promise!
"Bayad po. Pasuyo!" Rinig kong sabi noong babaeng nasa hindi kalayuan saka naman noon nakuha ang atensyon ko at diretsong kinuha iyong barya sa kamay niya.
"Bayad daw po!" Abot ko ulit noong panibagong bayad na Bente pesos.
Naiirita rin naman akong makita na ang tahi-tahimik niya sa Klase. Like hindi kasi ako sanay na nakikita siyang ganon! Curiosity hits me so harder... Grabe! At hindi nakakatuwang nag-iisip ako nang gan'to na parang concern pa ako sa kanya. Ano ba, Wendy? Teka nga... Inantay ba talaga niya akong matapos sa Examination kanina? O talagang sumakto lang na nag-kasabay kaming dalawa sa pag-labas? Hmm...
Hay nako! Ayaw ko nang isipin kung ano man yon!
"Bayad po. Isa lang po sa pangalawang Kanto lang ho!" Awtomatiko namang nag-stretched yung braso ko at iniabot ko yung bayad papunta doon sa Driver.
Teka nga ha... Nakakainis na ah? Nakakahalata na akong masyado ah?! Napakunot na lamang iyong Noo ko. Napapagod na ako e. Kanina pa! Kaya ayokong nauupo rito sa likod ng Driver e. Ako yung nagiging Instant Konduktor nitong Jeep. Mabuti sana kung may Kick back ako sa kakaabot kay Manong noong mga bayad nang mga pasaherong 'to e.
Napangiwi na lamang ako at wala nang nagawa pa! Tss...
Napansin ba nang mga tao dito na nag-iisip akong masyado kaya binigyan nila ako ng gagawin? Aish... Lesheeeee!
Pero mukha kasing hinintay talaga ako ni Ever kanina e! Yung parang may gusto siyang sabihin? O nag-iisip ba siya kung mang-aasar siya? Pero... Nevermind, Wendy. Tama na! Huwag mo na siyang isipin. Dapat mabuwisit ka lang sa kanya mas maganda yon. Oo tama ganon na nga!
Kasi hindi ka naman talaga Interesado sa kanya umpisa pa lang! Pangalawa hindi ka ulit Interesado sa kanya.
Lagpas na ako...
"Kuya, Para po diyan sa tabi!"
**** *** ****
"O Wendy, Nakauwi ka na pala?" Bungad nitong si Ate Liyann sa akin.
"Ahh... Oo. Aakyat na muna ako doon sa Kuwarto ko ah?" Mabilis kong pag-kakasabi dito.
At diretso na akong pumasok doon sa kuwarto ko. Nag-bihis at nag-palit na ng isang simpleng Shorts at isang Loose na shirt saka ko pa itinali ang buhok ko.
Naupo ako doon sa Kama. Saka ko inilabas ang isang maliit na Box na halos mapuno dahil sa sari-saring papel na nasa loob nito. Binuksan ko na iyon saka naman bumulaga sa akin ang iba't ibang kulay ng maliliit na papel doon. Dito ko kasi nilalagay lahat nang mga note na nare-Receive ko from Ever Pollux simula umpisang kulitin niya at sundan niya ako doon sa Library up until sa huling natanggap ko.
Yes! Lahat iyon tinatabi ko talaga. Ewan ko din sa sarili ko kung bakit ginagawa ko pang itago ang mga 'to.
Siguro kung nag-kataong tinapon ko nga yung mga papel na yon pag-katapos kong basahin lahat... Ako na rin siguro ang pupuno sa Basurahang pagtatapunan ko nito.
Ilang linggo na ba ang lumilipas na sinisingit-singitan niya ng iba't ibang kulay nang papel ang Locker ko? At bakit umabot na lang siya nang ganoong Karami?
Hindi ko alam pero sayang nga naman kung itatapon ko lang sya pag-katapos di'ba? Tsk tsk. Baka mabuwisit na lang din yung makakakita nito at mag-didispose sa sobrang dami niya. Ni hindi ko na rin matandaan yung huling beses na nakatanggap ako nang mga Note galing sa kanya. Simula kasi nang mag-exam wala siyang ibang ginawa kung hindi ang manahimik at Mag-aral. Tapos aalis na lang siya agad pag-katapos ng Klase which is good for him naman kung tutuusin.
Saka consistent naman siya sa mga ginagawa niya...
**** *** ****
Hindi ko alam kung anong oras ako nakatulog kagabi. Ni hindi ko na nga namalayang nakatulog na pala ako. Hindi ko na rin nagawa pang mag-Scan sa mga Lectures notes ko. Bumangon na akong agad saka pinatay yuong Alarm Clock na nasa Side table nitong Kama ko.
Awtomatiko namang bumalik ako sa mga senses ko nang mapansin kong wala na yung maliit na Box sa ibabaw nitong kama ko.
Hala! Asaan yon? Nasaan na?! Halos malaglag ako mula sa puwesto ko. Hindi yun puwedeng mawala.
Nataranta na talaga ako at Hinanap ko na sa buong Kuwarto ko iyong box. Sa ilalim nang Kama, sa drawer. Dito sa Ilalim ng kumot nitong papag pero wala... Hindi ko makita.
Saan naman kaya puwedeng mapunta yon? Kung talagang nakatulog na ako kagabi at hindi ko na naayos ang mga gamit na Inilabas ko... Sino kayang nag-tabi?
Lalabas na sana ako nitong Kuwarto ko para mag-tanong sa mga Tao doon sa labas baka sakaling alam nila kung nasaan yung hinahanap ko. Baka naman alam ni Mama?
"O Anak, Gising kana pala! Gigisingin pa lang sana kita para sumabay kana sa aming kumain e! Tamang-tama nandito na ang Ate mo kasama yung Pamangkin mo. Dali... Sumabay ka na sa aming kumain." Anito saka pa ito ngumiti ito s aakin nang pag-kalawak lawak.
"S-sige po. Susunod na ako." Sagot ko sa kanya saka ako nag-diretsong pumunta sa CR para mag-hilamos at mag-mumog.
"Wendy, Good morning!" Bati nitong si Ate Liyann sa akin nang makaupo na ako sa harapan noong hapag.
"Good morning, Ate... O bakit ang aga mo atang nandito?" Tanong ko sa kanya. Kagabi kasi na nandito siya umalis din siya at umuwi sa kanila.
"Maaga din kasing umalis ang Kuya Leo mo nang bahay para pumasok sa trabaho niya. So sabi ko... Ihatid niya muna kami dito bago siya tuluyang pumasok. Total naman dadaanan din naman niya itong sa atin." Paliwanag niya at ako naman itong napatango na lang sa mga sinabi nito.
"Hi, Lily! Good morning!" Bati ko naman doon sa maliit na Pamangkin ko saka ito kinurot ng mahina sa pisngi.
"O Aloy, Bakit nandito ka pa? Wala ka bang pasok?"
"Wala, Wala kaming Teacher e. Huwag na daw kami pumasok sabi ni Ma'am." Sagot nito sa tanong ko saka ito sumandok ng Sangag sa kanyang pinggan.
"Sigurado ka?" Tanong ko pa rito.
"Oo naman, Ate. May Group chat kami e. Doon sa amin sinabi, kaya nalaman ko agad bago pa ako makaalis ng bahay. Saka tapos na rin naman kami sa lahat ng Exams namin! So ayos lang." Dagdag niya pa at nakumbinsi naman na ako doon.
Aloy is also a Girl. Tatlo kaming mag-kakapatid na Babae kaya sobra din kung ingatan kami ni Mama. Pero kung maaari hindi niya gagawin ang pag-bawalan o ang pag-higpitan kami ng sobra dahil baka daw mag-rebelde naman kami kapag ginawa niya iyon sa amin. Hindi siya Kill joy sa mga interes namin pero mayroon siyang limitations sa mga pag-payag niya.
Si ate rin ang may Pakana sa likod nang Palayaw nitong si Liyah. Ang layo ng Aloy sa tunay niyang Pangalan! Ewan ko ba sa trip nitong kapatid ko at bakit pati pag-papalayaw sa amin ay pinakielamanan. Wala siyang pinalampas sa amin e. Even yung anak niya hindi nakatakas sa mga trip niya.
Nakakalungkot lang isipin na pati itong si Aloy hindi na nakita at naabutan si Papa. Almost two years lang naman ang Gap naming dalawa. Kagaya ko, Hindi ko alam kung anong klaseng Tao ang Tatay ko. Kung paano siya bilang Ama sa amin. Pero isa lang ang alam ko... na naging mabuti siyang Ama at Asawa sa amin ng buong pamilya niya lalo nong mga panahong nandito pa siya kasama namin.
Maliit pa lang ako nang mawala si Papa. Si Liyah naman noon ay pinag-bubuntis pa lang ni Mama. Hindi ko din alam kung bakit kahit katiting wala akong Memory about sa Papa namin noong bata pa ako. Wala akong kahit na anong matandaan! Pero kahit na Ganoon ang Nangyari... Never kami nakamiss nang mga kuwento nila Ate tungkol sa Tatay namin. Kaya sa likod nang mga Kuwento nila nanatiling buhay sa amin ang tatay namin.
Nang matapos akong kumain... Saka ko naalala na may itatanong nga pala ako sa kanila kung nakita nila iyong Box na hinahanap ko simula kaninang pag-gising ko. I have time pa naman para mag-hanap noon bago ako pumasok ng School.
"Ma, May napansin po ba kayong maliit na box kagabi? Baka sakaling nakita po ninyo?" Saka ako tumayo mula roon sa Kinauupuan ko.
Kailangan ko na pala talagang maligo at mag-aayos pa ako ng sarili ko dahil may exam pa kaming natitira para sa araw na ito!
"Oo. Nakita ko nang pumasok ako sa Kuwarto mo kagabi para Icheck ka. Hindi na kita ginising. Itinabi ko na muna iyon dahil nakakalat na roon sa lapag nong kuwarto mo." Rinig kong pag-kakasabi nito. Pag-labas ko noong banyo para kuhanin ang mga kailangan ko.
"Saan po ninyo tinabi?" Tanong ko naman sa kanya.
"Oo. Naitabi ko. Doon ko ipinasok sa ilalim nang higaan mo. Sige na... Intindihin mo na muna ang Pag-ligo mo at baka malate ka pa sa klase mo." Hindi na ako sumagot pa sa kanya at Nag-sara na ako ng Pinto saka diretsong nag-buhos ng malamig na tubig sa katawan ko.
Agad na akong pumasok doon sa kuwarto ko pagtapos kong maligo.
"Wendy, Anak... Dahan-dahan at baka ka naman madulas. Malelate ka na ba at nag-mamadali ka diyan?" Hirit pa nito sa akin pagkalabas ko galing doon sa banyo.
"Hindi pa naman po, Kailangan ko lang mag-aga ng Pasok at mag-rereview pa ako pag-dating kong school." Medyo pasigaw kong sabi nang tuluyan na akong makapasok sa loob ng aking kuwarto.
----- --- -----
Nakapatay pa ang ilaw at nakasara pa din ang pintuan ng Classroom namin nang makarating ako ng School. Masyado pa pala talaga akong maaga kaya I have enough time to review. Kaya naupo na ako doon sa Ilalim ng Puno na halos katapat lang nitong room namin.
Ten minutes after may dumating nang Ilan sa mga Kaklase ko. Medyo umingay na rin ang buong paligid ko.
Diko naman napansin ang Pag-dating nitong si Ever. Basta biglang nandiyan na lang siya. Saka bakit ba ang tahimik niya diyan? Oh well... Sige. Tuloy niya lang yang pag-gaganyan niya at malapit na talagaakong matuwa sa kanya.
"Good morning, Everyone!" Bati noong Class Adviser namin pag-pasok na pag-pasok nito ng klase. Awtomatiko ko namang itinigil at isinara ang mga Notes at Reviewer materials ko. Titigilan ko na ang pagka-cramming.
"Okay, Sige mag-start na tayo. Goodluck, Everyone!" Nakangiti pang pag-kakasabi nito sa amin saka diretsong idinistribute ang mga Test papers sa aming lahat.
By the way, Biyernes na uli. So after these examanation week... Rest day na ulit. So may panahon na ako muling ipahinga ang utak ko sa pag-aaral.
Nang matapos ang ilang Exams namin... Nag-kanya kanya na rin ng labas ang mga kaklase kong nandito sa loob simula kanina. Lumabas na rin ako nitong Classroom at nag-diretso papuntang Cafeteria. Bumili nang kakainin ko saka naupo sa Isang Table mag-isa. Ngayon lang akong nag-decide na mag-lunch out. Ni hindi na ako lumingon-lingon sa paligid ko kanina at gutum na gutom na ako para mag-isip pa.
"Puwedeng paupo?" Napatingin ako sa direksyon nang isang babae na ngayo'y nasa harapan ko. Hindi na ako nag-salita pa at tumango na lang ako sa kanya bilang sagot.
"Kumusta?" Nagulat ako nang bigla itong mag-umpisang mag-tanong. Kumusta? Like hindi naman kami close yon ang alam ko. Teka... Are we? Baka hindi lang kasi ako aware!
Never pang may nag-approach sa akin except Ever Pollux!
"Ha?" Yon na lamang ang lumabas sa bibig ko dahil sa pag-kagulat ko sa naging tanong niyang iyon sa akin. Natawa naman siya pagkatapos non.
"Nagulat ata kita sa naging tanong ko sa'yo. Sorry! Oh well... Okay lang naman sa akin kahit hindi mo na ako sagutin." Aniya saka siya nag-umpisang kumain.
Ngumiti na lamang ako sa kanya. Ang awkward ah? Akala ko nga hindi na siya mag-sasalita ulit.
"Close kayo ni Ever di'ba?" Bigla na lamang akong nasamid sa iniinom kong Orange Juice. Dahil hindi ko inaasahang maririnig ko iyon sa kanya.
"Omg! Pasensya na, Lirah. Nagulat ba kita? Nako, Hindi ko sinasadya!" Anito saka siya kumuha ng Tissue at ipinunas iyon sa akin.
"Hindi ayos lang ako, Don't worry it's okay." Sagot naman sa kanya saka ko pinunasan ang sariling bibig.
Bakit ba masyado akong nagugulat sa mga pangyayari? Oh my ghaaad, Wendy ano bang problema mo? Nag-tatanong lang naman yung tao sa'yo. Umayos ka ngaa! Aissh...
"To answer you honestly... I'm not sure about it." Saka ako umayos nang pag-kakaupo matapos kong ayusin ang sarili ko sa harapan niya.
"Ahh. Ganon ba? Tingin ko kasi very close kayong dalawa." Aniya saka pa ito tumingin sa akin ng diretso.
"Kami? Hindi ah. Siya lang yung makulit." Medyo awkward kong sagot saka sumubo doon sa Inorder kong Carbonara.
"Alam mo... May napansin lang ako sa inyong dalawa. Ang cute niyo pala together no?" Bigla naman akong natawa dahil sa sinabing niyang yon. Seriously?
"Ha? Cute kami? Seryoso ka ba diyan sa sinasabi mo? Saka bakit mo naman nasabi iyan?" Sunud-sunod kong tanong sa kanya.
"Wala namang nakakatawa sa sinabi ko di'ba? I'm just stating facts. Ang cute ninyo pag mag-kasama!" Nakangiti pa nitong sabi sa akin. Hindi na ako ulit nagsalita sa kanya at nag-patuloy na lang doon sa Pagkain ko.
Hanggang sa pag-balik nong Classroom sinabayan niya din ako. I actually know her naman kasi ilang beses na rin kaming naging mag-kaklase pero hindi kami totally na nakakapag-usap kasi may iba siyang Group friends noon. Kaya nagulat na lang ako nang bigla niya akong lapitan kanina.
She's Welsy Valencia. As I've said earlier... Naging kaklase ko na siya noon pa. She's also good at class pero hindi niya iyon masyadong pinapakita. She's not competitive kagaya nang ibang naging kaklase namin. Parang okay na siyang hindi masyadong napapansin pero may tinatago rin palang talino.
And for me... Baka pag nag-kataon may tiyansa na maging close kaming dalawa. Dahil hindi naman siya gaya ng ibang babae na maingay at kikay. She's quite simple.
---- ---- ----
Madali kong natapos ang mga nahuling subject namin. Kaya naman I decided na lumabas para mag-puntang CR at doon na lang rin ako mag-sstay sa Veranda right after.
Nag-huhugas ako nang Kamay nang makita kong pumasok si Welsy. Sinalubong niya ako ng ngiti kaya naman ngumiti lang rin ako sa kanya para naman hindi ako mag-mukhang snob sa harapan niya.
"Hi." Aniya.
"Hello?" Sabi ko saka ako bahagyang natawa.
"San ka nga pala, Umuuwi?" Biglang tanong nito sa akin. Saka siya pumuwesto sa tapat ko. Bakit ba palagi na lang akong nagugulat sa mga tanungan niya?
"Ahh... Isang sakay lang mula dito sa School." Sagot ko naman sa kanya.
"Ahh.. Okay." Saka pa ito tumango-tango sa akin.
Sabay na rin kaming lumabas noong CR. Saka namin napansing Isa-isa nang nag-lalabasan yung mga Estudyanteng galing sa section namin. Sumipat-sumipat pa ako kaunti ng lingon to check if Ever Pollux is Out...
Hindi ko siya makita. Ahh... Siguro umuwi na. Kaya tinuon ko na lang ulit ang atensyon ko sa Pag-lalakad. Napansin ko naman na nakanguso na itong si Welsy sa na nasa tabi ko. Saka ko nalaman na si Ever pala iyong nginunguso niya.
Teka, Paano niya nalaman? Nababasa niya ba ang nasa isip ko?
Akala ko umalis na siya, Nag-stay pa pala siya dito sa labas ng Room. E ano pa nga ba ang ginagawa niya don? Bakit hindi pa siya umaalis?
~~~~ ~~~ ~~~~~
"Ma, Asan na yung Box na sinasabi ko sayo kaninang Umaga?" Yun agad ang naging bungad ko sa Nanay ko pag-dating na pag-dating ko.
"Oo nga. Hindi ba sabi ko sayo kanina, Inilagay ko doon sa ilalim ng kama mo? Bakit ba parang alalang-alala ka tungkol sa box na iyon ha? Ano bang meron doon, Anak?" Sagot naman nito sa akin.
Agad naman na akong nag-punta at pumasok doon sa Kuwarto ko. Saka iyon kinuha sa ilalim ng kama ko.
Hindi ko namalayan na nakasunod na pala itong si Mama sa akin.
Anong ginagawa niya diyan at bakit kailangan niya pa akong sundan?
"Bakit, Ma ano po yon?" Nag-tataka ko pang tanong doon sa ngayon habang nakatayo siya sa harapan ng aking pintuan.
"Ano yung mga Notes na nasa loob ng box na yan?"
"Ma, Don't tell me binasa mo?" Nanlaki naman iyong mga mata ko nang malaman niya kung anong laman ng kahon na hawak-hawak ko.
"May sinabi ba akong nabasa ko?" Anito saka naman umiwas sa akin nang tingin.
"Ma? Binasa mo ba yung laman nito?" Ulit ko pa nang tanong sa kanya.
"Hindi nga sabi. Wala akong binabasa ano ka ba? Pero ano... Galing ba yan sa manliligaw mo, Wendy? Mag-sabi ka sa akin... May nag-paparamdam na ba sa'yo doon sa Eskuwelahan mo?"
Hindi naman ako agad na nakasagot sa kanya.
"Umamin ka? Sino yan? Gwapo ba? Mabait ano?"
"Ma... Wala! Walang ganon!" Diretso kong sabi na walang emosyon. Pero hindi ko siya nakumbinse saka ako nito kinulit nang kinulit at Kiniliti. Gusto niya ba akong paaminin sa bagay na hindi ako Sigurado?
"Ano, Sasabihin mo ba kay Mama o I-dedeny mo pa?" Tanong pa nito sa akin saka ako diretsong tinignan sa mga mata.
"Ee... Hindi ko nga po alam kung ganoon yon no! Saka hindi ako interesado." Saka naman ako biglang tumakbo palabas noong kuwarto ko.
Wala akong aaminin sa kanila kasi hindi ko naman binibigyan ng malisya yung mga ginagawa o pinapakita sa akin nang Ever na iyan. Hmp! Saka bakit ba parang ang Big deal sa kanilang malaman kung may nanliligaw na sa akin o wala?
Hindi ko pa naman kailangan non sa buhay ko no? Ayoko. Ayoko pa hangga't maaari! Hindi ako papasok sa isang desisyon na hindi ako sigurado.
"Uy Ang anak ko dalaga na! May manliligaw na." Sigaw pa nito habang tumatawa nang makalabas na ako nong kuwartong pinanggalingan ko.
"Ma!"