Ilang araw na ang nakakalipas simula nong huling beses akong makatanggap nang mga Notes from Ever. Actually hindi naman iyon totally big deal para sa akin. Hindi ko rin naman ineexpect o hinihingi sa kanyang gawin ang mga bagay na iyon. Mas pabor nga sa akin kung ititigil na niya ang kakasulat at kakaiwan nong mga papel na iyon sa Locker ko.
Siguro nag-sawa na siya at napagod na dahil halos araw-araw niya iyong ginagawa! Hmm...
Tahimik ang mga araw ko at nagagawa ko rin ang lahat nang mga kailangan kong unahin at dapat pag-tuunan ng pansin nang hindi siya umaaligid at hindi siya nanggugulo sa akin. Ganoon kapayapa ang mundo ko recently.
Ano kaya ang problema nang isang iyon?
Alam niyo yung physically He is there pero mentally para siyang hangin lang? Hindi mo mararamdamang masyado ang presensya niya. Dahil walang kahit anong maingay at magulo sa paligid mo. At para sa akin isang malaking himala iyon!
Wala siyang ibang ginawa kung hindi ang idukdok ang sarili niya sa pag-babasa ng mga Libro. Mag-review ng mga naging past lectures namin at maging focus lang sa pag-aaral niya.
Madalas ring pag-katapos nong klase namin ay umaalis siyang agad, but still hindi nawawala iyong palaging pag-bati niya sa akin. Hindi niya pa rin ako totally nilulubayan but I actually see the difference. Mas imbyerna ako sa kanya before kaysa ngayon.
Marunong rin naman pala siyang manahimik kung gugustuhin niya! Sa bagay... Busy rin kasi ang buong Academy sa dami nong mga events at sunud-sunod na Class activities namin. Dikdikan nanaman kami ngayong period dahil ilang araw na lang e... Mag-uumpisa na ang examinations for this coming third grading, and this week na iyon. During these days... wala ka talagang ibang gagawin at iisipin kung hindi ang isubsob ang sarili mo sa pag-aaral. Kailangan naming mag-review para pumasa at maisalba ang aming mga sarili hanggang sa matapos ang school year na ito.
Kaya naman pala niyang mag-seryoso. Kaya pala niyang manahimik diyan, pero wala siyang ibang ginawa noon kung hindi ang guluhin ako at ang asarin ako nang asarin! Hindi ko lang maiwasang matawa somehow kapag naiisip ko at naaalala ko ang mga iyon. Natatawa ako hindi dahil natutuwa ako sa kanya at sa mga pinag-gagawa niya, kung hindi natatawa ako kasi finally nanahimik rin siya.
Pero naisip kong bigla na hindi pa din pala bagay sa kanya ang maging tahimik! Parang mas lalo lang akong naaalibadbadran dahil sa pananahimik niyang yon! Hindi rin ako sanay na makita siyang ganyan dahil kahit mga kaibigan niya ang mga kasama niya sobra ang ingay niya. Halos dumagundong na nga ang buong klase dahil sa mga kalokohang pinag-gagagawa nila kapag sama-sama sila. But based sa mga naririnig ko at napapansin ko... Ever's academic credential is good. Matalino naman talaga siya, Oo at never ko pa siyang nakitang naging Stress tapos ang reason is ang Pag-aaral. Wala pa ata akong naririnig, nakikita o kahit anong nababalitaan na Nag-failed siya or something.
Laman din siya ng ilan sa mga school competition like Quiz bee, especially kapag Math and Science ang nilalaban. Doon ko siya totally nakikitang nag-iexcel. Sa tingin ko iyon din ang mga paborito niyang Subjects dahil doon siya mas active.
Nag-sasawa na nga ako sa pag-mumukha niya e! Dahil madalas rin akong isama at ilaban sa mga ganoong events na nagaganap dito sa school. So sa ayaw ko at sa gusto makikita at makikita ko ang pag-mumukha niya.
Likas lang talaga siguro sa kanya ang pag-kakaroon ng sapak sa utak! Oo. Para siyang may tama sa utak. Masyado siyang maraming energy at hindi ko kinakaya yong vibes niyang iyon. Kalalaki niyang tao ang ingay-ingay niya! Nabubuwisit ako every time na naririnig ko ang mga malalakas niyang tawa lalo na kapag mag-kakasama sila nila Marcus. At the same time naiinis ako kapag naaalala ko yung time na napahiya ako sa CR nang dahil sa kanya. At hanggang ngayon ginagamit niya pa ring pang-asar sa akin yung bagay na yon. Na gusto ko na sanang ibaon sa lupa pero siya itong pilit na nag-papaalala sa akin.
Nakakahiya talaga! Naisip ko lang ganoon ba talaga ako ka-distracted sa kanya? To the point na nakagawa pa ako nang kahihiyan sa sarili ko dahil sa kakaiwas ko sa kanya?!
---- ---- ----
"Lirah, Okay ka lang?" He asked. Nagulat naman ako nang bigla niya akong Iapproach. Hindi ko kasi maiwasang hindi pa rin kabahan sa puwedeng mangyari mamaya.
"Oo. Okay lang ako. Just don't mind me." Sagot ko dito ng diretso.
Kasalukuyan kaming nasa sa isang School for a Spelling bee Competition. Akala ko nga hindi pa Mai-seset ang event na ito gawa nong incoming Exams kaya lang nagulat ako nong bigla kaming I-meeting nong Head Teacher namin sa English club at biglang I-announce sa amin na gagawin na nga ang competition. Nashookt talaga ako sa pangyayari dahil nga nasa kalagitnaan kami ng Pag-rereview para sa parating naming Periodical exams.
Masyadong malaki ang competition na ito. At the same time isa ito sa mga School Academy na malalakas kalaban. Isa ako sa mga napiling Representative nang School namin.
Alam ko naman kung ano ang gagawin ko pero hindi ko pa rin maiwasang mag-isip. Ewan ko ba! Parang ang laki nong Pressure nito para sa akin. At the same time... Halos sumabay rin kasi itong Competition sa ilang mga kaganapan sa School namin. Kaya grabe na lang rin ang kabog ng dibdib ko.
"Relax lang! Kaya natin 'to. O kainin mo yan, baka sakaling makatulong sa'yo." Aniya saka nito iniabot sa akin yung ilang piraso ng Chocolate bar.
Tinignan ko lang muna yung kamay niyang iyon kung nasaan yung Tsokolateng hawak-hawak niya sa tapat ko.
"Ayaw mo?" He asked directly into my eyes. Teka nga! Bakit ba ganyan siya kung makatingin saakin?
Napabuntong hininga na lamang ako.
"Akin na nga!" Sabi ko sabay kinuha iyon sa kamay niya.
"Thank you." Pahabol ko pang sabi dito.
"For the next Contender... Let's welcome two high school students from St. Raphael Academy." Kasabay nong pag-announce at pagpapakilala sa amin nong Emcee ang malalakas na palakpakan at cheering nang ilang mga kasama namin.
Kaya mo yan, Wendy! Hindi lang ang sarili kong pangalan ang bitbit ko rito, pati na rin ang pangalan ng Eskwelahan namin. So ang laki talagang pressure ang binibigay nito sa akin. Though sinabi naman na sa amin ng aming Head na si Ms. Angelie na No pressure at Ienjoy lang namin ang buong Competition.
Hingang malalim, Wendy! Kaya mo iyan.
Lumabas na kami nitong si Ever mula sa Back stage saka diretsong umentrance doon sa Entablado. Agad na rin namang nag-simula iyong Spelling Bee
Let's welcome two high school students from St. Raphael Academy. The first and second rounds went well. Same with the Third round hanggang sa umabot kami nang final round. Kakaba-kaba ako nang tawagin na naman yung pangalan ng school namin pabalik doon sa Stage.
Napakaraming tao sa loob nitong hall ang nanunuod. Tapos may ilang Media Team pa from different schools ang nag-pifeature nitong buong Event.
Naging maayos naman ang takbo ng Kompetisyon. At nagawa pa naming makapasok sa Semis for the next Competitio na siya namang gaganapin sa isa mga pinaka malaking school dito sa Manila. Feel ko malaki rin ang naitulong nong barya na inilagay ko kanina sa loob ng sapatos ko dahil naitawid ko nang maayos ang buong event kahit na grabe ang kabog ng dibdib ko simula kanina hanggang sa matapos kami.
And yes! Naniniwala ako doon sa Power ng barya. And I think sobra siyang effective sa akin.
"Congratulations, Lirah. Ang galing mo!" Bati nitong si Ever sa akin habang nakangiti pa siya ng malapad.
"Congratulations to us!" Ngumiti ako sa kanya at binati rin siya ng pabalik. Hindi lang naman kasi ako ang lumaban ng mag-isa roon.
"Oo nga pala!" Aniya saka bahagyang natawa at nag-kamot ito sa ulo. Ano ba yon?
"Great Job, Ever and Lirah!" Bati sa amin nitong si Ms. Angelie na kasama namin rito sa event and bilang Head Coach na rin namin.
"Thank you, Ma'am!" We said in Chorus saka pa kami nag-katinginan na dalawa.
"You guys have great teamwork. Just keep it up! Maganda ang ginawa ninyong dalawa kanina. Just enjoy the whole competition okay? Lirah, Don't pressure yourself. Just go with the flow and do your part, okay?" Sabi nito sa akin saka pa ako nito tinapik sa dalawa kong balikat.
"Okay po, Thank you, Ma'am." Sabi ko rito .
Matapos nong event na iyon... Inihatid na kami noong Service na ibinigay nila sa amin at ibinaba na kami sa school. Pumasok na rin akong agad sa School at dumiretso roon sa Locker room.
Nandoon kasi ang ilan sa mgalibrong kailangan kong gamitin sa pag-rereview para sa parating na exam namin sa mga susunod na araw.
Pag-katapos non lumabas na rin akong agad at nag-paalam na doon kay Ms. Angelie na kaninang kasama namin.
*** **** ***
"Good morning, Anak. Tamang-tama gising ka na. Halika na dito maupo ka na at kumain. Hindi pa ba gising ang kapatid mo?" Bungad nito sa aking si Mama pag-labas na pag-labas ko galing sa aking kuwarto.
"Good morning, Ma! Hindi pa po ata." Sagot ko sa kanya habang nag-iinat pa saka ako agad na naupo sa bangkong nasa tapat nitong Lamesa.
"O sige. Ako na lang ang aakyat doon sa itaas at ako na lang ang gigising sa kanya. Ikaw.. Kumain ka na at kailangan mo pang pumasok ng maaga." Aniya saka ito diretsong umakyat sa taas. Hindi na ako sumagot pa sa kanya at nag-umpisa na akong kumain nitong Almusal.
Matapos kong ayusin ang aking sarili at nang sa tingin ko ayos na ang lahat saakin. Nag-paalam na din ako sa mga tao sa bahay at agad na ding umalis. Nag-lakad na ako palabas nitong Kalye mula dito sa tinitirhan naming hanggang sa makarating ako nang kalsada at nag-abang na ng masasakyang Jeep papasok at papunta ng school.
---- --- ----
"Keep all your Notes and all of your Reviewer materials. Ballpen lang at ang inyong examination permit ang dapat makita ko sa harapan ng lamesa ninyo." Panimula noong Class Adviser namin.
"Alright! Let's start."
"Everyone... Lalabas lang ako saglit. Puwede na kayong mag-umpisang sumagot. Do your best para lahat kayo ay makapasa at makaabot pa ng Fourth grading. No cheating! Honesty is the best policy, Gasgas man... Pero bahala kayo kung gagawin ninyong mag-cheat sa subject ko o hindi. Kayo ang responsable sa mga sarili ninyo! Hindi ako ang mawawalan. Alam niyo na kung ano ang tama sa mali." Dagdag pa nito saka na ito diretsong lumabas ng Klase.
"Ballpens up! Pass all your papers at the count of three." Makalipas ang mahigit isang oras... Nag-bigay na ng Signal si Ma'am.
As usual... Nag-labasan iyong mga kaklase ko para mag-breaktime pero ako pinili ko na lang manatili dito sa loob, kaysa ang lumabas pa.
Tanging ako at yung Advisory class na lang namin ang naiwan dito sa loob. Ni hindi ko nga agad napansin iyon kung hindi niya pa ako inapproach doon sa harapan.
"Excuse me, Ms. Lacierda. Hindi ba kayo lalabas para mag-CR or para bumili ng snacks?" Napakunot nang bigla ang noo ko nong marinig ko ang sinabi niyang iyon sa akin.
Kayo, Bakit? Kami na lang naman ang nandito ha? Saka ako nag-palingon lingon sa buong paligid. At tama si Ma'am tatlo pa pala kaming naiwan dito sa loob.
Hindi ko kasi siya napansin. Hindi man lang ba siya mag-iingay diyan? Hindi kasi bagay sa kanya ang masyadong tahimik at hindi magulo e!
Akala ko naman... Siya din yung klase ng estudyante na hindi alam ang salitang pag-rereview pero pumapasa. Nag-aaral din pala talaga nang ayos ang isang 'to!
Mag-katulad lang rin pala kami ng style kapag Exams ang usapan. Hindi ko kasi inilulubay ang sarili ko sa mga Reviewer ko. Mas gusto ko kasi ang nag-babasa kaysa ang gumawa ng ibang activity.
Nag-sisibalikan na din ang ilan sa mga kaklase namin na nanggaling dooon sa labas, pero itong si Ever ni hindi ko man lang napansing tumayo mula doon sa kinauupuan niya.
Wala ata talaga siyang balak manggulo ngayon ah? May problema kaya siya?!
"Okay, everyone... Nandito na ba ang lahat? Okay sige. Mag-proceed na tayo sa susunod ninyong Exams." Rinig ko pang pag-kakasabi nitong si Ms. Lampano. Kaya agad akong umayos ng upo ko.
"Alright, Class... Pass all your papers and take your lunch. Sa mga hindi pa tapos mag-sagot. Bibigyan ko kayo ng pag-kakataon na balikan yung mga hindi niyo pa nasasagutan, dahil inabutan na tayo ng Lunch time. Then sart tayo ulit after thirty minutes." Rinig naming sabi nitong Ms. Lampano. Hindi ko na namalayang past twelve o'clock na kung hindi ko pa narinig na nag-ring ang Bell.
~~~~ ~~~ ~~~~
Halos maubos na ang oras namin sa pag-sasagot ng exam sa araw na 'to. Kaya naman nag-bilin na itong si Ms. Lampano, sa amin saka nito idinistribute ang dalawa pang subject.
"Ma'am... Diba ho, May lima pa tayong subject na natitira? Bakit dalawa lang po ito?" Napalingon ako sa bandang kaliwa ko nong marinig ko siyang mag-salita.
At si Ever yon...
"Bakit kaya niyo pa bang mag-take isa pang subject?" Tanong nito sa kanya.
Napatingin naman ako sa Orasan na nasa itaas noong Blackboard. Ang klase kasi namin ay nag-uumpisa nang Alas-otso ng umaga hanggang Alas tres ng hapon.
And it's already two o'clock in the afternoon. Medyo late na rin kasi kaming natapos sa pag-take nang mga naunang subject kaninang umaga kaya naabutan na kami Lunch kanina.
"You only have one hour and twenty minutes..." Dagdag pa ni Ma'am sa mga sinabi niya.
Kaya naman wala na kaming ibang nagawa kung hindi ang tapusin na lamang ang dalawa pang examination paper na ibinigay sa amin sa natitirang oras na mayroon kami para sa araw na ito.
After thirty minutes... Nakita ko nang nag-pasa na ng papel itong si Ever saka siya agad na lumabas nitong Room.
Nag-patuloy na ulit ako sa pag-sasagot sa mga papel ko dahil kaunti na lang ay matatapos na din akong sumagot.
Fifteen minutes after may dalawa pang mag-kasabay na tumayo at nag-pasa na ng kanya-kanyang papel.
Iilan na lang kaming natitira dito sa loob pero tuluy-tuloy lang ako pag-sagot. Dinig na dinig ko pa ang bawat kumpas ng kamay nitong orasan na mas lalo ko pang ikinakaba. At kapag nag-kataon... Mag-papasa ako ng test papers na kulang kulang ang sagot.
"Ten minutes!" Rinig ko pang sabi nitong si Ms. Lampano habang nakatingin sa kanyang relos na mas lalo pang nag-bigay sa akin ng Pressure.
Ilang questions na lang naman ang natitira na kailangan masagutan ko. Then ready na din akong lumabas at umuwi.
"Times up! Finish or not finish, Akin na yan. Ipasa na ninyo yan." And saktong natapos ako.
Dumiretso na ako sa pagtayo hawak-hawak ang mga papel sa kanang kamay ko saka iyon inilapag sa harapan ni Ms. Lampano.
Inayos ko na ng mabilis ang ilang mga gamit ko at diretso yung isinilid sa Bag ko.
Lumabas na din ako nitong Classroom hanggang sa makarating ako noong Veranda palabas nitong buong School.
Habang nag-lalakad... Nakarinig naman ako ng isang pamilyar na tunog nang Pag-lalakad. Oo. Pati yung tunog ng lakad niya alam ko.
Siya lang naman kasi yung kilala kong ganon mag-lakad. Maingay! Animo'y nag-uuntugan ang mga paa niya doon sa Sahig habang nag-lalakad siya.
At kagaya niya... Maingay din siyang mag-lakad.
"O andyan ka pa pala? Akala ko umalis ka na. Umuwi ka na." Bungad ko sa kanya nang makalapit na siya ng kaunti sa direksyon ko. Pero ito siyang hindi sumagot sa tanong ko.
Na-Pipi na ba siya diyan?!
Tinignan ko pa siya to check on him. You know... Baka kasi nag-Iilusyon lang ako na nandiyan siya, pero wala naman pala talaga akong kinakausap.
Ay... Wala naman pala talaga kasi hindi siya sumasagot diyan. Tss...
"Ngumingiti ka diyan?" Taas kilay ko pang pag-kakasabi dito. Napansin ko kasi ang bigla niyang pag ngiti sa akin.
Bakit ba ayaw niyang mag-salita? Ano bang problema nito? Kanina pa siya ganyan simula pag-pasok ko. Saka nong mga nakaraang araw! Nong nag-daang competition naman kinakausap niya pa ako.
Ano bang nangyayari sa kanya diyan?
Binilisan pa nito ang pag-lalakad niya hanggang sa mauna siya nang kaunti sa akin. Pero agad din naman siyang umatras hanggang sa maging pantay siyang muli sa pag-lalakad ko.
Ayaw ko na ngang mag-salita! Parang wala naman kasi akong kausap. Para lang akong tanga dito!
Nag-patuloy na lang ako sa pag-lakad at hindi na talaga ulit na nag-salita pa. Habang siya e... Pilit akong sinasabayan sa pag-lalakad ko.
Binilisan ko kasi nang kaunti ang paglakad ko.
Gusto niya atang mapanis yang laway niya e! Akala niya siguro bagay sa kanya yung ganyang hindi siya nag-sasalita.
Nakakairita ah? Mas nakakabuwisit pala kapag tahimik siya.
Stop being like that Ever Pollux, Hey! Hindi bagay sayo.