Pinipilit niyang ibigay sa akin yung ilang food na binili niya na para daw sa akin? Pero hindi ako pumayag. So hindi ko tinanggap. Instead sinabi ko sa kanyang babayaran ko na lang kung ipipilit niyang kuhanin ko yon mula sa kanya.
Ayoko kasing mag-bigay ng false hope sa kanya. Ayokong mag-isip siya nang kung anu-ano about me. Baka kasi magkaroon pa ng misunderstanding sa pagitan namin, Which is ayoko talagang mangyari! Ayoko siyang umasa.
Saka paulit-ulit ko namang sinasabi sa kanya na hindi ako interesado sa mga pinapakita niya. Nagiging harsh na nga ako sa kanya kung minsan... Dahil sa mga salitang binibitawan ko towards him. And yes... Tine-turn down ko na talaga ang feelings niyang iyon para sa akin. Para hindi na lalo pang lumalim ang attachment niya sa akin.
Pero dahil matigas ang ulo niya at mapilit siya. Para akong sirang plakang paulit-ulit na sinasabi sa kanyang hindi nga ako interesado sa feeling ng pag-kakaroon ng Romantic relationship lalo na ngayong nakaset ang utak ko sa pag-aaral.
I'm not yet ready!
Pag-aaral ko muna before anything else! Para walang distractions.
Hindi ko gustong mag-sungit sa kanya palagi kasi sobra na akong nae-stress sa nangyayari. Sa mga ginagawa niya. At the same time para akong nagi-guilty na hindi ko maintidihan dahil sa mga ginagawa kong actions para lang maturn off siya o tumigil na siya diyan!
Para kaming tangang nag-babalikan nang gamit sa Isa't isa tapos ayaw din naming tanggapin pareho. Ganon!
"Bakit ba ang kulit mo? Okay na ako dito sa food na inorder ko. Hindi ko na kailangan niyan." Sabi ko saka itinutok yung tinidor na hawak ko sa tapat nitong plato kung nasaan yung mga inilapag niyang pagkain.
"Okay ganito na lang... dahil ayaw kong tanggapin at ayaw mo din namang kunin. O sige, Akin na." Napabuntong hininga na lang ako. Saka tumingin sa kanya ng diretso.
Siya naman nakangiti pa sa akin. Is he expecting something from me?
"Pero... Babayaran ko! Mag-kano ba ito?" I asked straightly to his face. Habang kunwari inuusisa iyon.
"Ano? Bakit mo tinatanong kung magkano? Binigay ko yan sayo. Hindi mo kailangang bayaran saakin yan."
"Bakit ba ang dami mong sinasabi diyan? Ang dami mong tanong! Ayoko nga nang libre di ba? At ayoko nang nililibre ako. Unless you're my parents or kapatid kita. Kaya tanggapin mo yang pera ko. Kung hindi sayo ko ipapakain ang mga 'to!" Pag-babanta ko roon sa kanya saka ko inilapag yung pera sa tapat niya.
Tinignan niya pa ako nang sandali. Pero parang ayaw rin naman niyang kunin iyong pera. Edi sige... Get his food back!
"Ang Cute mo!" Aniya saka akmang kukurutin yung pisngi ko.
"Don't you dare to touch my face! We're not Close ha? Feeling ka diyan!" Taas kilay ko pang pag-kakasabi dito saka siya inirapan.
"Sige, kapag close na tayo... Saka kita kukurutin sa pisngi." Sabi pa nito saka pa siya bahagyang natawa.
"Dati ka bang baliw?" Tanong ko rito out of nowhere.
"Tinatanong mo ba sa akin yan? Kasi ang sagot ko sa'yo ay Oo. Baliw sayo at mas mababaliw pa sa'yo! Yiee.. Kikiligin na yan!" Aniya at kumindat pa siya sa akin.
Oh my ghaaaaad! Ang cringe talaga ng feeling grabe! Gusto kong masuka dahil sa mga sinasabi niyang yon.
"Puwede bang kumain ka na lang diyan. Napaka-corny mo kasi, alam mo ba yon?" Tss... Saka ko siya muling inirapan.
Ang korni korni, Sobra! Nakakabuwisit. Bakit ba ang feeling niya masyado diyan?
*** *** ***
Kinabukasan pag-katapos nong huling naging klase namin... Sakto rin namang nag-bell na doon sa labas. Alas dose nanaman ng tanghali. Agad na ring nag-labasan ang ilan sa mga kaklase namin at ilang mga students sa kabi-kabilang classroom. Kagaya nong palagi kong ginagawa... Nag-papaiwan ko rito sa loob at hindi agad na lumalabas para kumain. Madalas kasi kung kakain ako ng lunch or snacks, Dito lang sa loob ayos na ako.
Pero later that day... Nag-tataka ako kung bakit hindi pa rin lumalabas itong si Ever. Nandoon lang siya sa tapat nong pintuan. Nakatayo na parang may inaabangan.
Nag-palingon lingon pa ako sa paligid at napansin ko namang wala nang ibang tao dito sa loob kung hindi siya at ako na lang.
Ano ba sa tingin niya ang ginagawa niya diyan?
"Hoy, Bakit nandiyan ka pa? Anong ginagawa mo?" Tanong ko saka ko siya doon nilingon.
"Gusto ko kasi sabay tayo ulit mag-lunch" Aniya saka pa ito ngumiti nang malawak.
"Hindi ka ba makakakaing mag-isa?" Pag-tataray ko sa kanya saka pa nag-Cross arms sa harapan niya. Nakaupo pa rin ako.
"Hindi naman pero gusto ko sana gaya nong isang araw. Sabay tayo ulit kumain." Sabi pa nito habang nakatayo pa rin siya doon sa tapat ng pinto.
"Hindi ako lalabas. Okay na ako dito sa loob. Dito na lang ako kung sakaling maisipan kong kumain." Diretso kong pag-kakasabi sa kanya. Hindi ko naman kailangang kumain ng may kasama. Hindi rin naman ako paralisado para samahan pa niyang kumain. Kaya ko na ang sarili ko!
"Ahh... O sige! Kung gusto mo ditong kumain. Sige sasamahan kita." He said. Saka ito lumapit sa direksyon ko. Hinila niya pa iyong isang upuan saka iyon itinapat sa akin.
"Hindi ako kakain. Saka hindi mo naman kailangang gawin kung ano man yang mga ginagawa mo. Kumain ka na doon kung nagugutom ka na. Ako okay pa naman ako." Plain kong pag-kakasabi sa kanya saka muling itinutok ang sarili sa pag-babasa.
"Hindi ka pa ba nagugutom? Busog ka ba? Wala naman sigurong masama kung kakain ako ng kasama mo hindi ba? Wala naman sigurong magagalit." Aniya. Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabing niyang yon.
"Hindi pa." Sabi ko saka biglang iniiwas ang tingin ko sa kanya.
"Anong kinain mo? Bakit hindi ko nakita?" Ang kulit! Kailan ba siya mauubusan nang mga tanong?
"Bakit mo tinatanong? Saka kailangan ba updated ka kung nakakain na ako or hindi pa?" Naiinis na ako sa kakulitan niya. Parang hindi pa siya nadedrain ang baterya niya.
"Oo naman. Concerned kasi ako sayo, kaya inaalam ko ang lahat tungkol sayo." Diretsong sagot nito saakin, pero ngayon hindi na siya nakangiti.
Oh.. Seryoso siya doon?
"I can handle myself and I can be alone whenever I want! Malaki na ako no? Hindi ko na kailangang ng companion sa lahat ng gagawin ko." I said directly to him. Am I too harsh again?
Ang dire-diretso ko nang nag-sasalita sa kanya.
"Sige, Hindi na kita pipilitin kung ayaw mo pang kumain. Pero babalikan kita. Diyan ka lang ha? May bibilhin lang ako." Sabi pa nito saka agad na tumakbo palabas nitong room.
Napapakunot na lamang iyong noo ko sa kanya. Hmm, Wendy please lang... Huwag kang mag-papaapekto sa mga ginagawa niya at sa mga pinapakita niya sa'yo. Huwag kang mahuhulog sa mga pag-kaconcern kuno niya saiyo.
You're fine and you don't need someone para samahan ka sa lahat nang bagay. Hindi ko kailangan nang kasama sa pag-aaral and sa lahat ng mga kailangan kong gawin. I can be independent!
---- --- ---- ----
Kinaumagahan... Pag-pasok na pag-pasok ko nong school. Dumiretso na muna ako sa Locker room na palagi kong ginagawa para kunin ang ilan sa mga kailangan ko.
Napaka convenient talaga kapag may Locker room ang School. Dahil hindi ko na kailangang umuwi sa bahay nang maraming dala-dala kada papasok at uuwi ako araw-araw.
"Kung kaya ko lang... Ipasok dito yung mga iba ko pang gustong ibigay sayo kagaya ng note na ito, Ginawa ko na :) Kaya lang baka sumabog na ang locker mo. Hehe. Good Morning, Lirah! Have a nice day!"
"Good morning!" Wait, what! Wendy? Bakit mo sinasagot yung Note? Nababaliw ka na ba?
Nagiging ordinaryo na lang sa akin ang makatanggap ng mga note galing mismo kay Ever. Total hindi ko naman siya mapipigilan doon, Edi sige bahala siyang gawin kung ano ang mga gusto niya!
Isinara ko na iyong Locker ko saka na umalis roon at nag-lakad na papuntang classroom.
"Hey, Lirah... Nabasa mo?" Bungad nito sa akin na siya namang ikinagulat ko.
"Nanggugulat ka ba? Kasi kung Oo. Ang galing mo don!" Singhal ko sa kanya at agad nang naupo diretso sa puwesto ko doon sa unahan.
Natawa naman siya sa akin.
"Ayan nanaman yung dalawa o? Alam niyo, Pre ang cute ninyong dalawa!" Kantyaw pa nitong si Carlo sa amin. Tss... Hindi nakakatuwa! Gaya ko hindi niya rin pinansin iyong pang-aasar sa amin nong kaibigan niya.
"Gusto ko lang itanong kung nabasa mo na!"
Humarap ako sa kanya.
"Nabasa ko oo. Tapos tinapon ko na. Ang dami-dami na kasi. Baka mapuno na yung locker ko. Maging cause pa nang anay yon nang dahil sa mga papel na Iniipit mo doon e!" Dire-diretsong pag-kakasabi ko dito saka na ulit ako umayos ng pagkakaupo.
"Oh! Grabe naman yon, Dude." Rinig ko pang pangbubuyo nitong si Carlo.
"Tinanong ko lang naman kung nabasa mo. Bakit nag explain kana diyan?"
"Okay? Tapos kana kasi kung oo. Puwede quiet ka muna? May gagawin pa kasi ako." Pag-iiba ko nang usapan para matapos na siya sa kakadada niya diyan.
"Huwaran kang estudyante alam mo yon? Sobrang sipag mo naman!" Aniya.
"Yiee... Aga-aga naman nag-aaway ang mag-jowa!" Singit naman nitong si Marcus sa usapan.
"Tol, Huwag ganyan baka lalong mainis yan sayo. Mafall!" HA-HA-HAH! Nakakatawa itong mga lalaking 'to! Puro kalokohan. Narinig ko namang natawa lang itong si Ever sa sinabing iyon ni Marcus sa kanya.
Anong nakakatawa?
Nanahimik na lang ako at wala nang ibang sinabi pa. Maya-maya lang dumating na iyong Class Adviser namin. Kaya ayon... Diretso na rin silang nanahimik doon sa likuran ko.
Lumabas ako at nag-paalam sa Teacher para mag-puntang CR. Pag-katapos e... Pumunta ako ulit doon sa Locker room.
Pag-kaunlock ko nong locker saka naman bumulaga sa akin ang tatlong maliliit na papel. Hindi pa pala siya tapos? Bago ba ang mga ito? Bakit ngayon ko lang nakita?!
Hmm...
Kailan kaya mauubos iyong papel at tinta nang ballpen niya para rin tumigil na siya kakasulat niya nang kung anu-ano.
Binabasa ko naman talaga ang lahat nang mga pinagdidikit at pinag-susulat niyang iyon para sa akin. At hindi totoo yung mga sinasabi ko sa kanyang tinatapon ko lang lahat nang yon, dahil kinikeep ko talaga siya. Nakatabi siya ng maayos sa mga gamit ko. Naiipon na nga ang mga yon dahil sa sunud-sunod niyang padala noon sa akin.
Appreciated ko naman oo. Nakukulitan lang talaga ako sa kanya. Hindi ko nga maintindihan kung bakit ang tsaga tsaga niyang gumawa nang mga bagay na yon! Pero hindi ko talaga maitatangging mahangin siya.
Pero yung ilang qualities niya bilang estudyante aaminin ko na hindi matatawaran yon. There's no problem para maturn off ako sa kanya based on what I see inside him. Hindi pa lang talaga ako interesado sa way nang pag-trato niya sa akin.
Wala lang talaga siguro akong panahon pa para mag-entertain ng kahit sinong lalaki sa buhay ko. Marami rin kasi akong kinatatakot. Takot akong masaktan. At inaamin ko yon! Pero alam ko rin naman na part iyon ng kahit anong stage sa buhay natin. Ang masaktan at mareject!
Dahil hindi naman puwedeng hindi ka masasaktan o hindi ka madadapa when it comes to love and sa kahit anong pag-kakataong maaaring kaharapin natin sa buhay.
Kadugtong na ng buhay natin ang Failure at Pain. At during those times na masasaktan at madadapa tayo nandoon ang salitang Pagkatuto. Sa mga Failures na iyon tayo mas magiging better person at doon natin malalaman kung ano ba ang mga bagay na dapat nating ayusin at dapat nating iwasan para huwag nang maulit uli.
Ilang araw na rin ang dumadadaan na wala nang tigil itong lalaking ito sa kakasunod sa akin. Bahala siya sa Buhay niya. Mapapagod ka rin!
Hinahayaan ko na lang rin siya. Parang nasasanay na nga lang rin ako sa presensya niyang ganyan. Hindi ko rin naman siya mapahinto. Ako na lang minsan ang napapagod sa pinag-gagagawa niya. Papansin nang papansin e! E kung hindi mo papansinin mag-mumukha naman siyang tanga diyan!
"Lirah, Tara sabay na tayong lumabas!" Sigaw nito mula sa likuran ko. Nilingon ko naman siya. Habang patakbo siyang lumalapit sa akin.
So ako nag-patuloy na lang sa aking pag-lakad.
"Saan ka galing? Bakit hinihingal ka?" Tanong ko sa kanya nong halos sabay na kami sa pag-lalakad.
"Hinanap kita e." Aniya saka pa kumindat ito sa akin. Napapataas na lamang ang dalawa kong kilay.
"Hindi mo ako kailangang hanapin. Hindi naman ako nawawala!" Walang emosyon kong pag-kakasabi.
"Kasi... Mahahanap at mahahanap kita. Kahit saan ka mag-punta." Hirit pa nito saka ako mahinang sinanggi sa braso. Napataas iyong magkabila kong kilay.
"Sigurado ka?" Tanong ko sa kanya habang salubong pa rin ang dalawa kong kilay.
"Bakit?" Kunot noong tanong nito
"Hindi moko mahahanap. Kasi hindi ako mag-papahanap sa'yo!" Sabi ko saka na ako naunang nag-lakad at iniwan na siya doon.
"Sandali! Hintayin mo naman ako. Ang bilis mong mag-lakad." Aniya at humabol ulit siya sa akin.
"Nakalabas na tayo nitong School. Siguro naman puwede ka nang humiwalay sa akin." Sabi ko sa kanya saka sandaling tumigil sa pag-lalakad para harapin siya.
"Anong sasakyan mo?" Curious pa nito pagkakatanong sa akin.
"Jeep." Diretsong sagot ko nang hindi siya tinitignan.
"San ka bababa?" Tanong niya ulit habang nakangiti.
"Bakit mo tinatanong? Saka bakit ko naman sasabihin sayo?" Inirapan ko siya at muli nang humarap sa kalsada. Hindi pa ba siya aalis?
"Sasakay din ako. Sabay na tayong sumakay. Ayon na yung jeep o? Sakay na!" Rinig ko pang sabi niya.
Agad naman akong sumakay sa unang Jeep na huminto. At naupo na siya doon sa tapat ko.
"Kuya, bayad po." Akmang iaabot ko na sana yung bente pesos na hawak-hawak ko nang pigilan niya ako.
"Ako na." Aniya. Saka nito pinigil ang kamay ko.
"Hindi na kailangan, Ako na." I insist.
Iniabot ko naman na ng diretso iyong perang hawak ko sa Driver nang sa ganon e... Hindi niya na ako mapigilan pa.
"Bakit? Huwag mong sabihing baka mag-iba din ang lasa niyan!" Napatingin ako sa kanya.
"Seryoso ka, Alam mo kung anong lasa ng pera? Pati ba naman pera.. Ever?" Singhal ko sa kanya at hindi ko mapigilang matawa sa nasabi ko.
"Hindi no! Hindi ba sayo na kasi nanggaling na iba ang dating sayo kapag nililibre ka?" Aniya. At pati siya ay natawa na rin sa akin.
"Ilan yong Bente?" Tanong noong Driver.
"Dalawa pong estudyante" Sagot ko doon sa Tsuper.
"O bakit dalawa?" Gulat pa nitong tanong sa akin.
Tinignan ko lang siya nang diretso. Mukha siyang siraulo sa itsura niya.
"Libre mo?" Tanong pa nito saka ngumiti ng malawak.
"Hindi ah? Akin na yang barya mo!" Sabi ko saka pa inilahad iyong kanang palad ko sa harapan niya.
Natawa naman siya ulit.
"Tawa ka ng tawa diyan. Hindi ako Nag-bibiro. Saka dati ka bang baliw?"