#6: He's a Jerk!

2489 Words
Pag-katapos nong nangyari na mapahiya ako sa school. Mas lalo pang nag-karoon itong si Ever nang maraming time para sirain at buwisitin ako nang sobra. Hiyang-hiya ako sa sarili ko dahil sa nangyaring yon. Pero hindi ko naman kasi talaga sinasadya yon no? Hindi ko lang talaga namalayan na sa comfort room na pala ng mga lalaki ako nakapasok at napunta. Kasalanan talaga niyang Ever pollux na iyan kung bakit ko nagawang mag-iiwas sa kanya at napunta ako sa lugar na iyon. Ugh! Kainis! Pero ang alam ko talaga is CR talaga nong girls ako pumasok! Buti na lang talaga at walang ibang nakakita sa akin doon. Nako, Kung may ibang tao doon during that time, Malamang sa malamang baka hindi ko na kayanin pang pumasok sa Eskuwelahan na ito dahil wala na akong mukhang maihaharap sa mga tao rito! Bakit ang aga-aga kasi nambubuwisit siya! Kailan niya ba ako tatantanan? So matapos nong Flag ceremony dumiresto na muna ako roon sa aming Locker room para kuhanin ang ilang libro at mga gamit na kakailanganin kopara sa aming pang-umagang klase. "Kumusta, masyado ka namang distracted sa akin. Sorry ha? Hindi ko talaga sinasadya yon! Nagulat ka ata sa akin. Hindi ko makalimutan yung nangyari kanina. You're so cute. By the way Good morning! :) Huwag kang mainis please?" Naibagsak ko na lamang iyong pinto nitong Locker ko dahil sa Inis. I wonder... Sulat niya kaya talaga yon? Infairness sa penmanship niya wow?! Ang ganda niyang mag-sulat. Mukhang may bago nanaman siyang ibabala sa akin. May bago nanaman siyang ipang-aasar sa akin. Hindi na niya malilimutan yung nagawa kong kahihiyan don sa CR at talagang proud pa siyang sabihin sa akin na Nadi-distract ako sa kanya every time na nandyan siya, Like Hello Iniiwasan ko nga kasi siya dahil palagi ko na lang nakikita yung Pag-mumukha niya. Nakakasawa kaya! Oo. Nag-sasawa na ako sa presensya niya at doon sa energy na binibigay niya. Minsan kasi parang pati enerhiya ko nasasagap niya na e! Napapagod na ako sa mga pang-bubuyo niya. Saka Oo. Malapit na akong mainis! Namumuro na siya sa akin. Tsk tsk. Dahil sa kakaiwas ko sa kanya ganon ang lumalabas. Nagiging distracted ako, iniisip niya tuloy na apektadong apektado ako sa mga ginagawa niya at nagiging advantage iyon sa kanya. Maganda para sa kanya yong mga ganoong reaksyon ko when he's around. Iniisip niya na pati ako may something na sa kanya. Like duh... Ang assuming niya naman masyado kung ganon! Wala lang yon sa akin. Masyado lang siyang mapag-bigay nang meaning sa mga bagay-bagay. Out of nowhere I asked to myself... Siya kaya hindi siya nag-sasawang makita ang mukha ko or hindi ba siya nasusuyang maramdaman ang Presensiya ko? Kasi kung ako ang tatanungin niya alam niyo na kung ano ang magiging sagot ko. Napapabuntong hininga na lamang ako. "Kumusta, Lirah?" Tatawa tawa pa nitong tanong sa akin. Anong nakakatawa? Tsk. Such a jerk! Nag-lalakad na ako dito sa may hallway papasok nong classroom nang makasalubong ko siya roon. Nilingon ko siya... "Alam mo, Ever kung wala ka rin namang gagawing matino kung hindi ang mang-asar at mangbuwisit... Puwede lubayan mo na lang muna ako?" Sabi ko nang diretso dito saka ako umirap sa kanya. "Ito lang kasi yung alam kong way para makausap ka e! Kaya kahit alam kong nakakabuwisit ako, Itutuloy ko pa din. Iniiwasan mo kasi ako e! Hindi mo ako pinapansin. Hindi mo ako kinakausap. Kaya ito... Nilalapitan kita." Rinig kong pag-kakasabi nito saka pa ito napakamot sa kanyang ulo. Nag-patuloy na lang ulit ako sa pag-lalakad at pinili ko na lang na hindi siya pansinin at kausapin hanggang sa makarating na kami pareho noong Classroom. At talagang hindi niya iniintindi na siya na lang ang dahilan kung bakit ako nae-stress sa mundo? Bukod sa pag-aaral ko! Pero actually mas stress pa ako sa kanya kaysa sa mga school activities namin. Oo. Ganon siya katindi! "Huwag ka nang mastress at mainis diyan ha!" Bulong pa nito sa akin saka diretsong nag-punta roon sa likuran. Teka, aware naman pala siya at nararamdaman niya din naman pala sa sarili niyang nakaka-buwisit siya. Pero bakit itinutuloy niya pa rin ang maging Toxic sa kaklase niya? My gosh! I can't!! Inilapag ko na iyong mga gamit na bitbit ko sa aking mesa saka na ako naupo sa upuang naroon sa harapan ng Teacher. "Good morning!" "Good morning, Ms." Sabay-sabay naming bati pag-pasok nong Teacher namin nitong umaga. "Okay. May babalikan lang ako saglit sa Faculty. Just get your textbooks and be ready for a short quiz later." Aniya saka na ito lumabas. "Lirah!" Tawag nito sa akin. "Ano nanaman Arellano!" Sagot ko sa kanya pero hindi siya nililingon. Napapakunot na lamang ang noo ko dahil sa kanya. "May sasabihin lang ako. Huwag ka na munang masungit!" Aniya. "Wala ka bang ibang puwedeng gawin bukod sa mang-asar at manira ng araw?" Plain ko pang pag-kakasabi sa kanya. Saka na siya nilingon mula doon sa pag-kakaupo ko. "Meron naman. Dami ko ngang Joke para sayo e! Tawa ka ha?" The F! Seriously, Ever! Hindi ko na alam. Ayoko na, tama na please! "Ayoko nang kahit anong sasabihin mo!Saka wala akong oras na pakinggan pa kung ano man yang bibitawan mong Jokes o kung ano pa yang mga kalokohang naiisip mong gawin!" Sabi ko sa kanya habang umiiling-iling pa rito. "Iready mo na lang kaya iyang sarili mo kasi may quiz tayo, kaysa kung anu-ano yang ginagawa mo diyan. Hindi mo ba narinig yung sinabi ni Ms. kanina?" Sabi ko pa sa rito saka na siya tinalikuran. "Sabi ko nga... Marami pa akong textbooks na dapat basahin. Marami pa akong gagawin." Aniya at nanahimik na roon sa kinauupuan niya. Ang buong akala ko nanahimik na siya doon pero bigla na lang siyang tumayo doon at dumaan sa harapan ko. Pero bago pa siya tuluyang Umalis... Inilapag niya muna iyong Bote ng juice sa mesa ko. "Inumin mo yan para may Energy ka." Rinig ko pang sabi nito. Energy? Bakit mukha ba akong lantang gulay sa kanya at nasasabi niyang wala akong energy?! Hinawakan ko naman yung Boteng yon saka diretsong tumingin sa kanya habang siya naman e papalabas na nong pinto. Sige! Hindi ko na ipipilit na ibalik sa kanya 'to baka kasi mas lalong hindi niya ako tigilan kapag nag-sulian pa kaming dalawa. Tatanggapin ko na lang kahit na labag iyon sa loob ko. Sayang nga naman! Pero mag-mumukha nanaman akong mapag-patol nito sa kanya kasi tinanggap ko yung binigay niya. Hay nako! Bahala siya diyan! Hmp. Napatingin akong muli doon sa may pintuan nitong room at nagulat ako nong nakita ko pa siyang nakatayo doon. Kaya nakita niya pa akong nakatingin sa kanya. Tss... Huwag siyang Assuming diyan ha? Ngiti kung ngiti pa kasi siya! He's a smiling person anyway. But still a JERK! Itinuon ko na lang ulit yung atensyon ko sa mga ginagawa ko. Dahil mas mai-stress lang ako sa kanya kaysa sa pag-rereview na gagawin ko. ---- ---- ---- "Lirah, kumain ka na ba? Tara na, kain na muna tayo. Mamaya na yan!" Bungad nito sa akin ni Ever. Saka ko lang siya tinignan at ibinalik iyong atensyon ko sa ginagawa ko kanina pa. Wala akong sinasamahang kaibigan. Even sa pag-kain wala akong kasama... O kahit ka-share sa table depende na lang kung may mag-ask na puwede silang maupo kasama ko ganon. But I used to be alone! So okay lang sa akin kung mag-isa ako or may kasabay ako. I will consider them naman as my Food buddy for the day. Pero wala rin namang something sa akin na dapat Ika-iwas ng mga tao na nasa paligid ko or dapat nilang Ikatakot sa akin. At times hindi lang talaga ako interesadong makipag-usap sa ibang tao. Mas sanay lang talaga ako na mag-isa. Hindi rin ako yung klase ng tao na unang mag-aapproach para makipag-usap. Mostly sila ang unang magme-make move para sa akin para kausapin nila ako. Hindi rin naman kasi ako madaldal o ni makuwento. Hindi ako ganoong ka-vocal pero kapag naman may lumapit sa akin like kilala ko naman. Ngingitian ko naman sila and when someone is there na I-accommodate ako as their companion, or maybe their acquiantance. Kaya lang kasi hindi ako yung tao na agad agad mag-oopen up sa kahit kanino. Ang akin lang... Kapag sana ikaw binigyan ko ng time, attention at pati tiwala ko na-gain mo. Please sana... Kung maaari huwag mong sirain. Huwag mong sayangin! That's me as a Person! And in life... We have to take a risk. Kasi sabi nga nila hindi mo malalaman kung sino ang mag-istay sa buhay mo. Kung sino ang panandalian lang at kung sino ang pang-matagalan. Who knows? At ewan ko dito... Kay Ever Pollux kung ano ang nakain niya at ako ang gustung-gusto niyang asarin at buwisitin! Marami namang iba diyan! Bakit kasi ako pa? At ako... Ang rami ko na ring time para mabuwisit nang mabuwisit sa kanya! Kung ako lang... Hindi mapag-timping tao baka matagal ko na siyang ipinalit sa crater nang ilang Volcano dito sa Pilipinas! "Bakit hindi ka pa, Kumakain?" Tiningala ko naman siya sa tanong niyang iyon sa akin. Nakaupo pa rin kasi ako dito sa loob ng Classroom namin. Halos lahat kasi ng students na nandirito kanina ay nag-silabasan na to take some break and Food to eat! "Bakit mo tinatanong? Hindi ka ba makakakain alone?" Walang emosyon kong pag-kakasabi sa kanya at pag-katapos ay ibinalik ko na ang atensyon kong muli sa ginagawa. "Oo. Inaantay kasi kita, Gusto ko sana sabay tayong kakain." Aniya saka pa ito ngumiti ito sa akin. "Okay?" Kunot noo pang pag-kakasabi ko. Bakit jowa niya ba ako? At may pag-aantay pa siya diyang nalalaman. Ang korni niya ah? Hindi ba siya makakakaing mag-isa. Or gusto niya pa may mag-susubo sa kanya habang kumakain siya?! "Anong sabi mo?" Tanong niya. "Hindi mo ba narinig?" I asked him sarcastically. Tss... "Sabi ko nga... Tara na!" Aniya saka pa ito bahagyang natawa. Tsk tsk... Baliw talaga! May sayad ba siya? Tumayo na ako at nauna na rin ako sa kanyang lumabas nitong silid. Habang siya e... Sumunod na lang rin sa akin palabas. Okay, Go! Gutom na rin naman ako. So I guess... He will be my Food Buddy for today. And I have no choice. Nang makarating na kami noong Cafeteria, Una naming hinanap is ang mauupuan. "Anong kakainin mo?" He asked me. "I can manage. Ako na ang bahalang umorder ng akin." Casual kong pag-kakasabi dito saka na dumiretso roon sa harapan ng mga shelf ng pagkain. "No need, Ako na ang bibili. Balik ka na doon. Antayin mo na lang ako dito." Pag-piprisinta nito saka pa siya ngumuso sa empty chair and table na ngayo'y nasa tapat namin. "Kaya kong bumili mag-isa. Ako na lang!" Sabi ko pa saka ko pinilit na ngumiti sa kanya pero ang totoo may halong pang-aasar yon. Sana hindi niya mamis-interpret. "Sige. Hindi ko na ipipilit." Masigla pang pag-kakasabi nito. Pero hindi pa rin siya umalis doon sa harapan ko. Napapairap na lang ako doon sa kanya. Nang makapag-decide na ako ng kakainin ko. Kinuha na yung Tray na siya rin namang iniabot ni ate mula roon sa loob ng Counter, at agad na ring nag-bayad. Umalis na ako roon at dumiretso nang pumuwesto sa nakuha naming lamesa. Halos mag-kasunuran lang kaming dalawa sa pag-order saka nito inilapag ang Tray na bitbit niya at naupo na rin siya doon sa katapat kong upuan. "Carbonara lang ang kakainin mo for lunch?" Aniya pag-kaupo na pag-kaupo niya. "Oo. Bakit may problema ka ba don?" Diretso ko pa siyang tinignan habang sinasabi yon. "Ayan, Bumili ako ng chocolate saka tinapay pa para sayo. Para naman hindi lang yang inorder mo ang kakainin mo. Dapat nga nag-rice ka pa e!" Dire-diretso nitong sabi sa akin saka nito inilapag sa tabi ng plate ko yung chocolate at tinapay na sinasabi niya. "Hindi ko hiningi yan sayo. Kaya itabi mo na yan at ikaw na lang ang kumain niyan. Mukhang mas kailangan mo! Saka okay na ako dito sa Pasta. Mabigat na rin naman ito sa tiyan, parang rice na rin." Bakit ba nag-eexplain pa ako sa kanya? "I insist! Sige na... Tanggapin mo na. Don't worry walang ibang kahulugan yan" Sabi pa nito at nag-smile pa siya. Tinignan ko lang siya sa sa mga mata at hindi na siya pinansin pa. "Okay. Fine. Thank you." Bigla kong sagot dito saka ako nag-umpisa nang kumain. Pero habang kumakain... Napansin ko na hindi pa siya kumakain at nakatingin lang siya sa akin. "O bakit nakatingin ka lang sa akin? Hindi ka na kumain!" Taas kilay ko pang pag-kakatanong rito. "Wala. Gusto lang kitang titigan!" Aniya at nag-pangalong baba pa ito sa harapan ko. He's weird! "Huwag mo akong titigan habang kumakain. Saka hindi ko kailangan ng audience sa pag-kain ko." Pag-tataray ko pa. "Saka may dumi ba ako sa mukha?" "Wala pa naman! Don't worry... Sasabihin ko sayo kapag may nakita na ako. Ang cute mo kasi!" Aniya at ngumiti pa ito ng malapad. "Ewan ko sayo! Hindi ka mabubusog sa kakatingin mong yan sa akin. Lalamig yang pag-kain mo!" Sita ko roon sa kanya. Daig ko pa ang may kapatid na pinapaalalalahanan at sinasabihan dahil doon sa kakulitan niya. Tss... "Saka naisip ko. O!" Inilabas ko naman iyong wallet ko at inilapag doon sa tapat niya ang fifty pesos. Enough naman na siguro yon para sa Tinapay at chocolate na binili niya no? "Ano yan?" Nag-tataka pang tanong nito sa akin habang nakakunot ang kanyang noo. "Pera?" Patanong ko pang pag-kakasabi. "Bakit?" Ano ba yan, Nag-shushunga shugahan ba siya sa harapan ko? My ghaaad! I can't! "Binabayaran ko yang ipinatong mo diyan! Ayoko kasi nang namimihasa ka na binibigyan mo ako na kung anu-ano. Saka isa pa... Kaya kong bumili ng mga ganitong klase ng pag-kain para sa sarili ko at hindi mo kailangang gawin yon para sa akin." Sabi ko pa habang iniikot-ikot iyong tinidor sa tapat nong pinggan ko. Saka ayokong mag-karoon nang kahit na anong pag-kakautang sa kanya o kung ano man ang tawag niya doon! Ayokong mag-bigay ng assurance sa kanya. Dahil malinaw rin naman sa kanya na simula pa lang wala na siyang Pag-asa! Pero imbis na mag-salita siya doon at mag-response sa mga sinabi ko. Isa nanamang malawak na ngiti ang ibinigay niya sa akin. Tss.. He's literally a living smiling emoji. "Bakit ba ang nice-nice mo sa akin?" Bigla ko pang tanong sa kanya. Kahit na alam ko na ang isasagot niya roon sa akin. "Kasi gusto kita, Para sayo yang mga ginagawa ko. Saka ikaw lang bibigyan ko ng mga ganyan at gagawan ko nang mga ganyang bagay! Walang katumbas na presyo ang mga yan no? Hindi pa ba sapat na explanation yon sayo?" Seryoso pang pag-kakasabi nito, saka siya kumagat doon sa Chicken niya. "Saka kahit anong sabihin mo... Hindi yon ang makakapag-pahinto sa akin sa pag-kagusto ko sayo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD