I was amazed kung paano at anong klase ng estudyante itong si Ever. He can speak well in front of many people. He's actually a good student and yes... Inaamin ko I was amazed by him being like that. Matalino siya at creative at kayang-kaya niyang dalhin ang sarili niya. No wonder... Magaling siyang mambola pero sorry siya! Hindi niya ako basta-bastang mabobola. I'm not that cheap and easy to get.
Pero since nong naging mag-kasama kami sa iisang group, mas lalo pa siyang nag-karoon nang oras at pag-kakataon para kulitin at buwisitin ako every day!
At hindi na talaga ako natutuwa sa mga ginagawa niya! Napaka-Alaskador niya kasi. Ang laki laki ng sinasayang niyang energy sa mga bagay na wala namang katuturan. Palaging sa akin na lang niya ibinubuhos ang atensyon niya e. Hindi ba puwedeng kahit minsan... Subukan niyang manahimik ganon?
Inis na inis na ako promise!
"Uy, Ang galing galing mo pa lang mag-salita sa harapan Lirah ah? Naintindihan kong maigi yung mga in-explain mo kanina sa harapan. Pero alam mo hindi na ako nagulat don. Kasi alam ko namang kaya mo!"
Biglang nag-pop up iyong chat icon ng hindi ganoong pamilyar ang picture sa akin. Like hindi ko pa nakikita ang isang yon ever sa aking account. I open that message saka ko na-confirmed na sa kanya nga galing ang message na iyon.
Grabe talaga tong isang 'to. Hindi pa siya nakuntento sa group chat namin at talagang minessage niya pa ako privately para lang sabihin ang bagay na yon. Tss.. papansin talaga!
Sineen ko lang siya doon at hindi siya nireplayan.
"Lalo tuloy akong Napo-fall sayo, Saluhin mo kaya ako!" Aniya na may kasama pang parang kinikilig na nauutot na emoticon.
The f! Sakit niya sa Ulo. Hindi ako kinikilig sa ginagawa niyang yan! Mas lamang at nangingibabaw ang pag-kabuwisit ko. Ang korni niya ha!
"Lirah"
"Lirah" Sunud-sunod nitong message sa akin pero ini-ignore ko lang ang mga yon.
He kept on chatting me. At ayan, palagi na lang siyang nakakahanap ng paraan para kulitin ako ng kulitin.
Hinayaan ko na lang siya diyang mag-message. Hindi ko na lang pinapansin ang mga bagay na iyon galing sa kanya. Mapapagod ka rin! Buti na lang talaga asa bahay na ako at wala doon sa school. Mabuti na yong hindi ko nakikita ang pag-mumukha niya. Mas higit iyong pabor sa akin.
Hindi pa rin siya humihinto. Kaya ang ginawa ko... Minute ko na lang yung notification nang chat niya para hindi na tumunug nang tumunog yung cellphone ko.
"Ate Wendy, Kakain na tayo." Nadinig ko naman ang biglang pag-bukas nong pintuan nitong kuwarto ko saka ako lumingon sa nag-sasalitang si Aloy habang nakasilip pa siya doon sa gilid nong pinto.
Si Aloy ang bunso kong kapatid. Halos limang taon rin ang age gap namin sa isa't isa.
"O sige. lalabas na ako." Sagot ko rito ng diretso.
Tumayo na ako mula sa aking pag-kakaupo at agad na ring lumabas para isara iyong pintuan ng silid ko.
Weekend na bukas And yes... Natapos na iyong class presentation ng group namin. Thank God nabawasan nanaman ang ilang gawain ko sa school. Rest naman muna ako with myself and my family hanggang bukas nito.
Naupo na ako roon sa harap ng dining table. Dahil halos lahat sila ay nakaupo na rin at ako na lang pala talaga ang inaantay nila at puwede na kaming kumain ng sabay-sabay.
"Wendy, Anong plano mo? Wala ka na bang ibang gagawing school activities?" Ani Mama habang nag-sasandok ito ng Kanin.
Nag-taka naman ako sa kanya kung bakit bigla siyang nag-tanong tungkol roon.
It's already late in the evening pero ito mag-didinner pa lang kami. Actually nagugutom na talaga ako kanina pa pero hindi ko lang ganoong pinag-tuunan ng pansin. Hindi kasi ako agad lumabas noong room ko.
"Wala po, Tinapos ko na po kagabi yung iba bago ako makatulog" Sagot ko sa kanya saka ako nag-sandok ng ulam at kanin.
"Kaya pala dis-oras na ng gabi gising ka pa at naririnig ko pa yung speaker sa loob nang kuwarto mo. Pero ang ibig kong sabihin, wala ka bang pupuntahan sa Eskuwelahan ninyo o hindi ka ba lalabas ng bahay?" Ako naman ay nangiti na lamang sa kanya at Nag-umpisa nang kumain. Hindi ko na lang din pinansin yung sinabi niyang iyon at napatingin na lamang ako rito ng blangko at nang parang walang emosyon.
Ayoko kasi nang natatambakan ako nang mga gawain lalo na sa school para later after those things wala na akong masyadong ibang iisipin kung hindi ang mag-pahinga na lang o kaya itutulong ko na lang dito sa bahay but most of the time... Hindi ko naman nagagawang kumilos dito sa bahay, Dahil ayaw naman ni Mama na gumagawa pa ako nang gawaing bahay. Ako lang talaga itong mapilit! Gusto kasi niya mas focus ako sa pag-aaral ko.
"Wendy, Gusto mo pag-timplahan kita ng Juice? Hindi ka na nakababa kanina para mag-meryenda." Aniya saka ito lumingon sa akin ng may ngiti.
"Huwag na, Ma. Okay na po ako rito. Thank you po!" Nakangiti ko pang pag-kakasabi dito.
"Hindi ka ba talaga lalabas? Mamamasyal with your friends o kahit kayo ng kapatid mo lumabas kayo bukas." Sabi pa nito sa akin ulit.
"Ayoko po. Wala naman akong gagawin sa labas e! Dito na lang ako sa bahay mag-sstay. Mas may magagawa pa ako." Nakangiti ko pang sabi dito. Saka ulit nag-patuloy sa pag-kain.
"Wala ka bang mga kaibigan sa School, Anak?"
"Hindi naman sa wala Ma. Hindi lang kasi ako yung unang nag-aapproach sa tao. Pero meron naman po akong mga ka-close sa klase namin. Saka nag-tetake lang po ako ng actions kapag sila mismo ang gumawa ng way to approach me. If they're interested to talk to me ganon, pero kapag hindi... Okay lang po ako." Explain ko sa kanya.
I'm actually fine. Hindi nila kailangang mag-alala sa akin. Dahil mas gusto ko pa rin yung mag-isa lang ako. Kuntento na ako sa ganoong eksena ko lagi. Saka nakakapagod masyado yung maraming taong kinakausap.
"Okay lang naman po ako, Ma. Huwag po kayong masyadong mag-alala sa akin dahil okay lang ako. Minsan nahihiya lang din akong makipag usap sa ibang tao. Pero alam ko rin naman pong hindi palagi na ang ibang tao ang mag-aadjust para sa kahit kanino o kahit sa akin pa." Dagdag ko pa.
"Makipag-kaibigan ka Anak. Mas masaya kapag may mga kaibigan kang nakakasama. Masarap ang tumawa. Ang may kakuwentuhan. Yung may karamay ka kahit sa kalungkutan at nakakatuwa kung makakatagpo ka nang mga ganoong klase ng mga kaibigan. At yun ang mga taong masasabi mong tunay. Mag-kaiba ang Barkada lang sa Kaibigan, Wendy ha? Tatandaan mo." Saka ako nito tinapik sa balikat at ngumiti ito sa akin.
"Iexplore mo ang buhay mo. Makipag-socialize ka sa ibang taong nass paligid mo. Huwag puro aral. Mag-enjoy ka rin!" Dagdag pa nito sa sinabi.
Sinuklian ko lang siya nang ngiti sa mga sinabi niyang iyon sa akin. Alam ko din naman kung ano ang kinaibahan nang dalawang yon!
Ang barkada maaaring sa saya mo lang makasama. Pero ang Kaibigan hanggang sa kalungkutan sasamahan ka niyan. At kapag nakakilala ka nang tunay na mga taong makakasama mo, Doon pa lang magiging blessed ka na. Kasi mapapaligiran ka ng mga taong positibo ang mindset. Yung i-lilift up ka at tutulungan kang mag-grow as a person.
"Walang mali sa mga sinasabi ko sayo ha? Dapat talaga huwag ka puro aral lang. Saka sige ka... Baka walang manligaw sayo niyan!" Singit at biro pa nito sa aming si Ate at nag-tawanan pa sila.
"Ate naman... Wala pa akong time para sa mga ganyang bagay no? Pangarap ko muna hangga't maaari."
"Pero hindi maiiwasan yon, Kasi babae ka tapos maganda pa yung anak ko. Okay lang naman anak kung mag-entertain ka na ng manliligaw. Basta alam mo ang priorities mo. Alam mo kung hanggang saan ka lang. Saka dapat balanse lang!" Hindi ko tuloy alam kung matutuwa ako sa sinasabi nang Nanay ko sa akin o maaasar ako e Tss...
Bigla ko tuloy naalala si Ever! Should I consider him as my suitor? Yung lalaking nakakabuwisit na yon? Yung walang ibang ginawa kung hindi ang mang-inis at sirain ang araw ko.
Napapairap na lang talaga ako kapag naaalala ko ang isang yon!
"Ma, hindi ko alam kung matutuwa ako sa mga sinasabi mo. Saka hindi ko alam kung kino-compliment mo ba ako or ano." Reklamo ko sa kanya at pinipilit na hindi matawa dahil sa mga sinasabi kong iyon sa kanya.
"Hoy, anak ata kita no?" Aniya saka pa ako nito inakap.
"Ibig sabihin kung hindi mo ako anak, Hindi ako maganda? Hmm..." Reply ko sa sinabi niyang yon sa akin. Saka ito panandaliang kumalas sa pag-kakaakap niya.
"Syempre, Maganda ka! Kahit hindi kita maging anak." Aniya at ngumiti pa ito sa akin. Yung ngiting abot tenga.
I am so grateful dahil siya ang Nanay ko saka ko siya muling niyakap pabalik.
"Paano naman ako dito?" Singit naman nitong si Aloy.
"Asus... Ang bunso nag-seselos." Sabi naman nitong si Mama saka humiwalay sa akin para naman yakapin itong bunso kong kapatid.
That's Us as a family. Simple, Happy and Contented sa kung anong buhay ang mayroon kami. Maagang nawala ang Tatay ko. Kaya all this time ang Nanay na lang namin ang patuloy na gumagabay sa aming mag-kakapatid hanggang sa ngayon. Siya na rin itong pumupuna sa pag-kawala nong tatay namin.
And ang Nanay ko ang isa sa mga example ko ng salitang Matatag kasi kahit wala na si Papa never niyang pinakita sa amin na mahina siya. Never naming naramdaman na maaga kaming nawalan nang ama kasi palagi niyang pinapaalala sa amin kung gaano naging masaya ang Pamilya namin, Lalo na noong mga panahong kumpleto pa kami. Nong nandito pa si papa.
At times... Hindi ko pa rin maiwasan ang maging malungkot dahil hanggang sa kuwento at litrato ko na lang makikilala at makikita ang tatay namin.
Kaya sinabi ko sa sarili ko na magiging matatag at malakas ako para kala Mama at mangangarap ako ng mas mataas hindi lang para sa sarili kong kagustuhan at mga pangarap ko kung hindi para din sa buong pamilya ko na walang ibang ginawa kung hindi ang sumuporta sa lahat nang bagay na gusto kong maabot sa buhay! At kung maaari kapag dumating yung time na ako naman ang mag-karoon ng sarili kong Pamilya hindi ko hahayaang basta maging ayos lang ang magiging pamilya ko. Dahil gagawin ko ang lahat para magkaroon kami ng maayos at mas masaganang buhay.
Si Ate rin ang isa sa mga ni-lolook up kong tao para mas lalo akong maging motivated na mas mangarap pa dahil palagi niyang sinasabi sa akin kung gaano kahalaga ang mag-karoon nang Edukasyon at iyon ang isa sa mga maaaring maging susi ko papunta roon sa mga pangarap na gusto kong maabot. She's always right there for us. Though mayroon na siyang sariling Pamilya hindi niya pa rin hinahayaang mawalan siya ng oras para sa amin.
Never naming nararamdaman na Iba kami sa kanya lalo na sa second family niya and sa Asawa niya. Ate Liyann is such an ideal and a great person that I can look up to.
And I wanted to be like her.
By the way Wendy became my second because of Peter Pan. Never kasi daw akong nag-sawa na panuorin yon noong bata pa ako pero parang ang pag-kakaalam ko si Ate Liyann ang nag-pupumilit sa amin na panuorin ko yon nang paulit-ulit hanggang sa pati buong pag-katao ko nainvade na ng Peter Pan, Kahit na ang totoo mas gusto ko ang side story ni Tinker Bell.
Lagi ko daw kasi sinasabi noon na ako si Wendy na partner ni Peter pan, kaya ayon naging Wendy ang alyas ko dito sa bahay at iyon na rin ang kinalakihan ko.
Di ba ang layo sa Pangalan kong Lillian Jairah?
Lirah is my other nickname. Short for Lillian Jairah. Pero hindi ko masyadong bet na iyon ang tinatawag sa akin lalo na ng mga kaklase ko but I find it cute naman.
Sadyang may epal lang na gustung-gusto rin akong tinatawag sa pangalang iyon.
Saka parang hindi na ako natutuwa na nadisvover ang nickname na yon! Kasi since then siya ang mas gumagamit nong name na iyon para sa akin.
Bukas lang sunday nanaman. Tapos sa susunod na araw... Lunes nanaman. Papasok nanaman ako ng school tapos makikita ko naman tong Ever Pollux na ito! Maririnig ko nanaman yung mga walang kuwenta niyang jokes at mga walang humpay niya Pang-aasar sa akin.
**** *** ****
"Lirah!" Ayan nanaman siya! Parang ang saya na lang mag-tago sa CR forever para hindi ko na rin makita ang pag-mumukha niya.
Agad kasi akong dumiretso ng CR para hindi niya ako mapuntahan. Oo yon agad ang unang pumasok sa isip ko para makaiwas ako sa kanya. Kasi nga... Wala nanaman siyang ibang gagawin kung hindi ang sundan at kulitin ako mag-hapon. Ewan ko na lang kung makapasok pa siya rito. p*****t siya pag nagawa niya yon.
"Lirah!" Rinig na rinig ko naman iyong boses niya mula dito sa loob nang Cubicle.
Teka nga!
Bakit parang rinig na rinig ko pati ang mga yabag nang paa niya? Omg! Pumasok ba siya dito sa loob?!
"Hoy, Bastos ka! Anong ginagawa mo dito bakit ka Pumas--" Hindi ko na natuloy yung sasabihin ko until I realized na hindi CR nang babae ang napasok ko.
Halaaaa... Nakakahiya ka, Wendy! Anong ginawa mo, Bakit ka pumasok sa banyo nang mga lalaki?
Hindi na ako nakapag-salita pa ulit at agad na akong lumabas patakbo nitong CR nang Boys. Buti na lang rin talaga walang ibang tao during that time. Kung hindi yari talaga ako!
Nag-didiretso lang ako ng pag-lalakad hanggang sa makarating ako nang field para sa Flag ceremony na ginaganap lang dito sa aming school every Monday.
"Lirah, Huwag kang mag-alala hindi ko ipag-kakalat yung ginawa mong kahihiyan!" Rinig ko pang sigaw nito habang pinipigilan niya ang matawa sa akin.
Sige lang, Tumawa ka ngayon, Ever Pollux! Makakabawi rin ako sayo.
Bastos!
Waaaaaaa... Nakakahiya. Parang gusto ko na lang lamunin ng lupa dahil sa nangyari at nagawa ko. Hindi ko talaga sinasadya promise!