#4: Reaching Out

2731 Words
Nandito ako ngayon sa loob ng aking kuwarto. Nag-babasa nang ilan sa aking mga medical textbooks. Well... Wala naman akong dapat na aralin at I-review sa ngayon dahil kakatapos lang ng aming nag-daang practical tests. n Wala. I just want to read lang nang sa ganon ay hindi matengga ang utak ko. Like... Mas gugustuhin ko na lang na mag-basa nang mag-basa ng libro kaysa ang mag-entertain ng ilang negative thoughts sa aking isipan. Gusto ko lang na libangin ang sarili ko, dahil wala naman na akong masyadong ibang ginagawa. In short... Vacant ako as of today. Pahinga kasi wala akong klase sa Med. School. While reading and scanning one of my books... Tumunog iyong Phone ko na siya ring nasa study table kung saan ako kasalukuyang nakatapat at nakaupo na nag-babasa. I checked where the notifications coming from. "Lirah" Napakunot ang aking noo nang makita ko kung kanino galing iyong private message. Yep. It's him again. And he's trying to reaching me out. Nakita at nabasa ko naman na kung ano ang laman ng message niyang iyon, Pero hindi ko pa siya totally inoopen and nasi-seen. Alam ko na... Once I decided to open that message from him and nag-replay ako sa kanya e Hahaba at hahaba lang yung usapan naming dalawa. Ma-oopen up nanaman yung topic tungkol sa nakaraang nakalipas na at tapos na! And yes! Our relationship is a failure. Ma-rerefresh nanaman sa utak ko yung mga nangyari kung bakit kami nag-hiwalay. Ayoko na sanang maalala pa yon ulit. Dahil aminado naman ako na hanggang ngayon masakit pa rin sa akin yung mga nangyari sa amin. Hindi ko pa rin matanggap ang katotohanang kailangan naming humantong sa ganoong sitwasyon. Na kailangan naming mag-desisyong tapusin na ang kung ano mang namamagitan sa aming dalawa. Ayoko nang i-bring up pa iyong mga bagay na matagal nang tapos! I need to protect myself from those pain. At iyon ang dapat kong gawin ang protektahan ang sarili ko mula sa kanya. Ayoko na ulit masaktan at ayoko nang maulit pa yung nangyari sa amin noon. Sobrang traumatizing noon sa akin. To the point na hanggang ngayon apektado pa rin ako even yung lifestyle ko as a person lalo na kapag may naaalala ako. Hindi ko alam kung ano ang mga bagay na pumasok sa isipan ko at bigla ko na lang binuksan iyong message niya. Ewan ko sayo Wendy! Bakit mo pa binuksan? Ang Tanga-tanga mo! Hindi ka nag-iisip! Ano pa bang pag-uusapan ninyo? Tapos na kayong dalawa, hindi ba? Para ako ritong siraulong nakikipag-talo sa aking sarili. "Lirah!" He called me with that nickname that he used to call me back when we we're in Highschool. Hindi ko alam kung bakit hahayaan ko pang mag-umpisang mag-usap kami ulit. Kahit alam ko naman sa sarili ko na wala naman ng patutunguhan ang pag-uusap naming ito! "Hindi na mag-babago ang desisyon ko, Ever! Kaya sana tigilan mo na ako." Bulong ko sa aking sarili. "Akala ko ba malinaw na sayong tapos na tayo? Akala ko ba okay na iyon sayo? Hindi ba sabi ko... I already made up my mind? At tapos na ako sa desisyon na iyon. Hindi na mababago pa ang isip ko. Kahit na mag-usap pa tayo uli." Reply ko sa kanya. "Bakit, Ano pabang gusto mong pag-usapan natin, Ever? May dapat pa ba tayong pag-usapan?" Dagdag ko pa saka ko iyon diretsong isinend sa kanya. "Bakit mo pa ako kino-contact? May hindi ka pa nasasabi saakin na gusto mo pang sabihin?" Sunud sunod kong tanong sa kanya. Ewan ko kung ano yung mga tinatype niya na hindi niya masend send saakin. "Wala naman." Wala naman? E bakit niya pa ako ginugulo? Ano pang sense ng pag-memessage niya sa aking yan?! Ano pa kaya ang gusto niyang mangyari? "Sigurado ka diyan? Alam mo kung wala ka nang ibang sasabihin... Hindi mo na dapat ako kinokontak! Para sa akin kasi hindi mo na dapat ako minemessage pa. Hindi mo na dapat ako kinakausap pa. Sa ginagawa mong iyan... Mas lalo mo lang pinahihirapan ang sarili mo. Kung palagi ka na lang gumagawa nang paraan para i-reach out ako, Which is dapat hindi mo na ginagawa di ba? Paano mo ako makakalimutan niyan? Kung ikaw tong pilit na gumagawa ng way para mag-karoon pa tayo ng communication?" Ang dami ko nanamang sinasabi sa kanya. Gusto kasi siyang i-convince na dapat hindi niya na ito ginagawa. Nang sa ganon hindi na kami parehong nahihirapan pa. Pero siya... Parang dedma lang o walang pakielam sa mga sinasabi ko. Saka totoo naman ang mga sinasabi ko, hindi ba? Hindi namin matutulungan ang Isa't isa na makalimot kung patuloy pa rin kaming nag-uusap kagaya ng ganto. Akala niya siguro mababago pa yung fact na tapos na kaming dalawa. Na puwede pa kaming bumalik sa dati. Paano ako makakausad? Paano kami makakaalis sa ganitong sitwayon kung siya ito mismong hindi maka-move on?! "Gusto lang kitang kumustahin" Reply nito saakin. Hindi ako naniniwala! "Ahh... Ganon ba? Palagi mo naman ata ako kung kumustahin? Kinamusta mo na ako last year di ba? Nong last few months tapos ngayon nangangamusta ka ulit? Ever... Don't worry, I'm Okay. I will be okay, and I know that everything will be fine. Huwag mo na akong masyadong inaalala. Kaya ko na ang sarili ko. I am safe and HAPPY even without you." Reply ko ulit sa kanya saka iyon mabilis na isinend. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat ko pang maramdaman. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kung isipin habang nag-uusap kami... He's typing... Pero matagal. Nagulat siguro siya sa sinabi kong iyon. Pero totoo naman kasi! Kailangan kong ipakita sa kanya at sabihin sa kanya mismo na Okay na ako. Kahit na ang totoo hindi pa talaga! Dahil nasa part pa ako ng healing process. Like kailangan kong maging masaya ulit. Kailangan kong maibalik yung dating ako. At kailangan kong kayaning humarap sa hinaharap nang hindi na siya kasama. I need to fix myself! And ginagawa ko ito hindi lang para sa akin mismo kung hindi para sa buong pamilya ko. Ayokong makita ng family ko na mahina ako. Dahil ayoko na maapektuhan sila dahil sa mga nangyayari sa buhay ko. Gusto ko nang makabalik sa old self ko. Yung walang ibang iniisip... Kung hindi ang goal ko sa buhay. Kasi umpisa pa lang naman... Sinabi ko na sa sarili kong ayaw ko na munang mag-commit sa Romantic relationship na iyan. But I let Ever Pollux enter into my life. Kasi alam ko at ayokong mag-sinungaling sa sarili kong nadedevelop na rin yung feelings ko for him. He pursued me, Niligawan niya ako kahit na noong umpisa pa lang e... Pinakita ko na sa kanyang hindi ako interesado at ayoko pang pumasok sa isang relasyon! I rejected him for how many times. Pero hindi niya ako sinukuan. Hindi niya ako binitawan! Which is isa iyon sa mga reason na sobra ko ring hinangaan sa kanya. That's why I gave him a chance. "May Boyfriend ka na ba ulit?" He asked with his favorite Emoticon. Napatawa ako nang mabasa ko yong message niya na yon sa akin. At the same time nag-cringe ako. "Bakit mo tinatanong? Curious ka?" Hindi ko maiwasang mag-pigil nang tawa rito habang tinatype ko yon. Nasisiraan na ata ako ng ulo! "Syempre. Kung sakaling may ibang tao ng nag-papasaya sayo, Gusto ko lang sanang malaman kung meron na. Kung okay lang sayo na sagutin yong tanong ko?" He sent that question again with a smile emoticon. He's really weird! Sad bhoi? "Ayokong sagutin! Saka kailangan ba may bago na agad?" Hindi ko maiwasang mapataas ang mga kilay ko dito. "Hindi naman kailangang mayroon agad akong kapalit. Pero gusto ko lang sanang malaman kung may iba na bang nag-papasaya sayo ngayon?" Hindi ako agad nakapag-react sa sinabi niyang yon. Huminga pa ako nang malalim bago tuluyan ulit na mag-reply sa kanya. "Bakit? Kailangan ba sa Romantic relationship ko makuha yung True happiness? Hindi ba kayang maparamdam nang Pamilya ko saakin yung sinasabi mong pag-mamahal at kasiyahan? Hindi ko ba mararamdaman sa mga taong nasa paligid ko na importante ako? Saka marami namang puwede pang mag-mahal sa akin di ba? Bukod sa pag-kakaroon ng boyfriend na iyan! Saka hindi naman ibig sabihin na nag-karoon na ako nang Past relationship, E dapat mag-entertain na ako ulit ng bago. Hindi yon ganon kadali, Ever!" Gusto kong iparating sa kanya at maramdaman niya na hindi na ako interesado sa kung ano mang mga sinasabi niya. Saka hindi ko kailangan ng lalaki sa buhay ko para maging masaya ako. Nandiyan ang pamilya ko na walang ibang ginawa kung hindi ang suportahan ako. So bakit kailangan kong mag-madaling kumilala ng iba? Saka marami pa ako naman akong ibang bagay na dapat mas pag-tuunan ko nang pansin. Masyado na akong madaming nasasabi sa kanya! Inumpisahan niya kasi ako e. "Ikaw, bakit ka ba pumapasok sa Isang Relasyon?" Out of nowhere bigla ko iyong naisend sa kanya. "To commit with someone you love. To build a special bond and relationship lalo na sa magiging partner mo. Masarap kayang mag-mahal at ang mahalin lalo na kapag totoo." Mabilis siyang nag-reply sa tanong kong iyon. "Pero masakit maiwan lalo na sa pag-kakataong hindi mo alam ang dahilan kung bakit bigla ka na lang pinalitan at iniwan." Reply ko naman doon sa sinabi niyang yon. Hindi ko matake yong sinabi niyang masarap mag-mahal ng totoo. Ako kaya minahal niya talaga ng totoo? "I'm so sorry, Lirah!" "You don't have to say sorry again, dahil tapos na tayong mag-usap, hindi ba? Saka bakit pa nga ba tayo nag-uusap pa? Wala naman na rin akong nakikitang rason." Dire-diretso kong type at reply sa kanya. Alam ko na kung ano yung gusto niyang tumbukin sa usapan na ito. Saka alam ko naman talaga. Ramdam ko iyon... I know na he's sorry talaga siya dahil sa nangyari. Kaya nga siguro hanggang ngayon... Hindi niya pa rin ako tinitigilan. At lalong mas masakit yon para sa akin. Kasi tuwing nagri-reach out siya, every time na gumagawa siya ng way to communicate... Naaalala ko lang lahat at bumabalik sa akin lahat-lahat ng pain. "Sorry for Everything." Napapailing na lamang ako matapos kong mabasa iyong reply niya sa akin. "It's okay. Tapos na iyon. So tama na, Ever! Huwag na nating pag-usapan pa yung matagal ng tapos!" "Yes, I'ts done! Kaya nga tayo humantong sa ganito di ba? Kasi may nagawa ako. I just wanted to say Sorry again, kasi pakiramdam ko hindi pa sapat yung pag-hingi ko ng sorry sa'yo noon. Sinadya talaga kitang Ichat ngayon. At masaya akong binigyan mo ako ng pag-kakataong makausap ka ulit! Masaya akong nag-respond ka sa akin. I missed those days when we we're Together, Lirah!" So, Ano yon? Ano 'to?! Akala ba niya... Madadala ako sa mga mabubulaklak niyang salita? Sorry na kung sorry Ever, but we're so done! Nag-ka trust issue na ako. Saka bakit kailangan niya pang sabihin ulit yung mga ganitong bagay? Bakit kailangan pa namin ulit na pag-usapan ito? "Nasabi mo naman na lahat ng gusto mong sabihin di ba? Tapos naman na tayong mag-usap tungkol dito. So hindi mo na kailangang ungkatin pa iyon! You're torturing me, alam mo ba yon? So please... Stop this! Magagawa mo naman iyon para sa akin hindi ba? You have to help yourself." Pakiusap ko sa kanya. "Pasensya ka na sa akin. Pero salamat pa rin kasi kinausap mo pa ako kahit through the screen lang." Ever Pollux Arellano, Hindi mo na mababago ang desisyon ko. Gusto ko ng maging okay ako please lang! Parang awa mo na tulungan mo naman ako pati ang sarili mo. "Pero ikaw ang kailangan ko." Napatulala ako nong mabasa ko yon. At hindi ko namalayang napatulo na pala ang luha ko. Yes, Umiiyak nanaman ako. Pina-iiyak nanaman ang same person. Ang sakit-sakit nanaman! Nahihirapan nanaman ako. Ever, Tapos na e! Nagiging okay na ako e. "I'm happy because you let me na makausap ka ulit!" "Ako tanungin mo ako, kung masaya ba ako ngayon Ever?" "Kasi kung tatanungin mo ako. Hindi. Hindi ang magiging sagot ko sayo. Kasi hindi ko na nga alam kung bakit hanggang ngayon kinakausap pa kita! Ngayon ... Bumabalik lang yung pain. Pinahihirapan mo lang tayo parehas." "Ahh... Basta ako masaya na kausap kita ulit ngayon." Bakit ba hindi niya iniintindi parating yung sinasabi ko? O baka naman hindi niya talaga maintindihan kung saan ako nanggagaling at pinipilit niya yung kanya! "Sige. Kung wala ka nang ibang sasabihin... Mag-ooff na ako. I have to do something really urgent. So goodbye!" Minabuti ko nang tapusin ang usapan naming iyon. Para matigil na rin siya. Diretso ko nang in-off yung Phone ko. At inilapag na yong muli sa study table na nasa tapat ko. Hindi na tamang nag-uusap pa kami. At hindi na talaga maitatama pa iyon. Pasensya na siya... Pero hindi niya naman ako masisisi kung ganon na lang yung naging epekto ng naging relasyon namin sa akin hindi ba? Given na siya pa ang una kong naka-relasyon. Hindi ko na alam kung magagawa ko pa ulit ang mag-tiwala or kung gaano pa ulit ako katagal bago mag-tiwala sa ibang tao. Masyado akong nasaktan! Hindi ko pa alam kung gaano pa katagal ang bubunuin ko para lang maibalik ko yung dating ako. Pero sa totoo lang... Malaki ang pag-papasalamat ko sa taong yan kasi naramdaman ko ang mag-mahal at ang masaktan. Natuto akong bumangon mula sa pag-kakadapa kong iyon! Saka naparamdam niya naman sa akin kahit papaano na deserved ko rin ang mahalin gaya ng iba kahit sa konting panahon na nag-kasama kaming dalawa. Nalaman ko na I am able to love. Naintindihan ko kung paanong mag-mahal, umintindi at sumugal sa love na iyan. Maaaring maling pag-kakataon para sa tamang tao. Ako kasi hindi ako naniniwala na may maling tao para sa kahit sinong gustong sumugal at mag-mahal. Na may maling oras at maling pag-kakataon! Kasi kung gusto naman pareho ng dalawang tao... Magiging posible naman ang lahat hindi ba? Naiintindihan ko na kailangan kong mag-patuloy kahit na may hindi magandang dumaan sa buhay ko. Na hindi lang sa iisang tao iikot ang mundo ko. Alam ko na walang nag-babawal sa salitang Pag-mamahal at walang masama kung Mag-mahal ang kahit na sino sa atin. Kailangan mo lang rin talagang bantayan at protektahan ang sarili mo at kailangan mong maging handa sa mga posibleng mangyari lalo na kapag pumasok ka sa isang bagay. You have to commit yourself sa kung ano man ang gugustuhin mong pasukin. Masarap kasi talaga ang mag-mahal. At masarap sa pakiramdam na malamang may taong nag-papahalaga sayo. May taong gusto kang makasama habang buhay at iyong pipiliin ka palagi kahit na ano pa ang mangyari! But not everything is just about Love. Dahil sa salitang pag-mamahal kailangan mag-build ng Trust. Kailangan niyong maging committed pareho at kailangang maging open kayo parehas para sa isa't-isa. Sa naging relasyon siguro namin hindi kami totally nag-kaintindihan ng maayos. Dahil ang dami naming pag-kakaiba. Sa personality. Sa mga gusto namin sa buhay. At hindi ko naman siya masisisi sa mga naging reason kung bakit kami dumating at umabot sa puntong kailangan na naming mag-hiwalay. Nag-kulang nga talaga siguro ako sa kanya bilang partner niya at hindi ko agad iyon napansin. Ang naging mali lang niya is hindi niya ginawang sabihin sa akin na may problema na pala. Na may nakikita o napapansin na siyang mali sa relasyon namin. Sana di ba, napag-usapan namin agad at naayos pa namin. But like what I've said... I made up my mind already. At wala nang kahit na ano pang mababago sa decision kong iyon! Sigurado na ako doon at paninindigan ko na ang bagay na yon hanggang sa makita ko sa sarili kong okay na ako. Hanggang sa makabalik ako sa dating ako. Yung ako na better version. Stronger and independent me. At may mga tao talagang darating sa buhay natin para maging aral. At naging malinaw na sa akin na si Ever dumating siya sa buhay ko para mag-bigay ng aral sa akin. Para matuto ako at maging mas matatag pa bilang tao. And at some point masasabi kong naging blessing siya para sa akin. At pinasasalamatan ko siya para sa bagay na iyon! I will keep the memories lalo na yung mga magagandang nangyari noong mga panahong mag-kasama pa kami at hindi ko yon makakalimutan. Yon na lang!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD