"Alissa?" Iyon na lamang ang unang naibulong ko sa sarili. Napakurap-kurap pa ako nang ilang ulit habang pilit na kinukumbinse ang aking sarili dahil sa aking ngayo'y nakikita mula dito sa kinatatayuan ko. "Everrrrrrr, Omg!" Rinig kong sigaw nito. Matapos niyang mapansin na naroon ako sabay patakbong lumapit sa akin. Niyakap ako nito ng mahigpit matapos niyang makalapit sa akin. "I miss you so muchie! Sobrang nakakamiss rito sa Pilipinas. Omg!" Aniya matapos nitong kumalas mula sa pag-kakayakap sa akin. "K-kailan ka pa nakabalik? Saka bakit hindi ka man lang nag-pasabi na uuwi ka na pala?" Medyo nauutal ko pang mga tanong sa kanya. Hanggang ngayon kasi hindi pa rin ako makapaniwalang nandito na siya sa aking harapan kausap ko. Alissa is one of my childhood friend since our Elementa

