Ilang taon na rin pala ang nakakalipas simula nong lisanin niya ang mundong ito at piliing mag-punta sa isang lugar na kung saan payapa ang lahat. Sobra na kitang miss Papa. Ilang taon lang ako nong mga panahong nandito pa ang tatay ko kasama namin. Ni hindi man lang naabutan nitong si Aloy ang tatay namin dahil yung time na iyon ay pinag-bubuntis pa lamang siya ni Mama. Pakiramdam ko tuloy kahapon lang kasama pa namin siya rito. Masaya lang ang lahat! Sabay-sabay kami na kumakain sa hapag. Masayang nag-kukuwentuhan at nag-kukulitan sa Sala. Ni hindi ko nga maalala yung eksaktong taon. Araw o oras kung kailan yong huling beses na nag-kasama kaming lahat bilang isang buong Pamilya. Basta ang alam ko napakarami naming bagay na nagawang magkakasama. Ang dami naming magagandang Memories

