After what happened that night.. Hindi ko talaga magawang maproseso ng ayos sa utak ko yung ilang mga nangyari. Masyado lang ba akong nao-overwhelm sa mga nangyayari at nasasaksihan ko sa paligid ko kaya ganoon na lamang ang nagiging epekto nong mga kaganapan sa akin? This is so Weird! Hindi ikaw yon Wendy. Saka ano bang nangyayari sa'yo ha? Halos tampalin ko na ang dalawa kong pisngi dahil sa mga bagay na nag-lalaro ngayon sa aking isipan. Bakit nga ba ganon na lang ang nagiging epekto niya sa akin? Para akong lasing dahil sa mga nangyari nong gabing iyon! Saka bakit parang natatameme pa akong sandali kapag nasa harapan niya?! Dati naman wala akong pakielam sa kanya! Na kahit anong gawin niya hinahayaan ko lang siya at hindi pinapansin. Normal na sa akin yung mainis ako dahil may mg

