#19: Ever Pollux POV

2107 Words
The moment I saw her tinamaan na agad ako. Tinamaan na ng matindi! O.A mang pakinggan pero yon ang totoo. Ito na siguro yung sinasabi nilang napana ka ni Kupido. Kaya ayon! Na-fall agad sa unang pagkakataon. Love at first sight, I guess? Maraming mga babae akong nakikita rito na Maganda, Sexy at grabeng mag-ayos sa kanilang mga sarili. Pero hindi ganoong lutang ang ganda nila kung ako ang tatanungin. Hindi ko alam kung ako ba mismo ang may problema o sadyang hindi lang talaga sila ang tipo ko. Tandang-tanda ko pa yung unang beses na nakita ko siya sa loob ng Classroom. Mag-kaklase kasi kaming dalawa ni Lillian Jairah. She's active at school. Laman ng Quiz bee at iba pang mga School competitions. Madalas rin kaming mag-sama sa mga event na katulad non gawa nong isa rin ako sa mga palaging napipili para mag-represent ng aming School particularly sa subject na Science at History. Sa ilang napansin ko sa kanya. Siya yung tipo ng babae na Matalino pero tahimik. Mahilig siyang mag-basa at palagi siyang tutok sa kanyang pag-aaral. Kahit na ang mag-break at kumain sa Cafeteria ay hindi niya ginagawa dahil mas pinipili nito ang mag-stay sa loob ng room. Hindi ko alam kung bakit ganon pero iyon ang isa sa mga napapansin ko sa kanya simula't simula. Tipong kuntento na siya sa ganong setup niya at mayroong sariling mundo. Siya at ang mga libro niya lang. Doon lang palaging umiikot ang buong paligid niya. Hindi ko tuloy maiwasang maging curious kung anong klaseng tao siya kapag wala siya rito sa Eskuwelahan. Pero malinaw naman kung titignan na simple lamang siya at talagang tahimimk lang! Ni minsan hindi ko rin siya nakitang naka-make up o nag-aayos ng kanyang sarili. Pero kahit na ganon, Lutang na lutang pa rin ang ganda niya. Ang aliwalas ng mukha niya at gustung-gusto kong nakikita iyon lalo na kapag humahampas ang hangin sa kanyang mga buhok. Saka mas maganda talaga kapag natural! Bare face pero ibang klase yung ganda niya. Walang katulad naiiba sa lahat. Kaya siguro siya ang nakakuha noong Atensyon ko. Ilang linggo ko rin siyang pinag-mamasdan mula dito sa malayo. Kapag tapos na ang klase napapansin kong wala siyang kasabay na umuuwing kaibigan. Kung minsan may nakikita akong kausap niya pero yung palaging kasama at nakaka-kuwentuhan niya wala talaga. Maybe she's just the type of girl na sobrang Independent lang kaya ganon. Na kahit mag-isa lang siya makaka-survive siya. Kaya nong isang beses na makita ko siya nong mag-isa at papunta roon sa Library ay agad ko siyang sinundan. Naku-curious kasi talaga ako sa kanya at the same time gusto ko siyang lubusang makilala. Pero hindi ko inaasahan na itataboy niya ako at susungitan nong moment ginawa ko siyang lapitan para kausapin. Nagulat ako. Akala ko kasi siya yung tipo nong babae na Soft hearted pero may pagka-Amazona pala! Pero hindi ako nainis o na-off dahil doon sa way ng response niya sa akin. Mas natuwa pa nga ako! Ang cute niya kasi kapag nakakunot ang noo niya lalo na kapag nag-sasalubong yung mga kilay niya. Hindi ko siya tinigilan noon hanggang sa makapasok siya sa loob ng Library. Kinulit ko siya nang kinulit para subukang kausapin pero tuluy-tuloy pa rin sa kanyang pag-susungit at pang-iignore nito sa akin. Pero hindi ako nag-papaapekto doon at mas lalo pa akong nag-papansin sa kanya. Nasita pa nga kami nong Librarian sa loob dahil sa ingay na kino-cause namin. Pero kasalanan ko naman talaga! Sa kagustuhan kong makausap siya pati siya napagalitan nang dahil sa akin. Kaya umalis siya agad noon at lumabas na. That moment ay nagawa ko ring umamin sa kanya tungkol sa aking espesyal na nararamdaman. That was fast! Nagulat rin ako maging sa aking sarili dahil walang paligoy-ligoy ay nasabi kong agad lahat sa kanya na gusto ko siya. That the first time I saw her talagang nakuha na niya ang buong atensyon ko. Ewan ko! Pero sobra akong natutuwa kapag nakikita ko siya. Lalo na kapag nag-kakasama kami sa ilang Competitions na ina-attenan namin. Pakiramdam ko ang gaan-gaan lang nong buong paligid. Weird ba? Pero yon kasi talaga yung napifeel ko towards her e. And during that time that I confessed about what I feel... Nireject niya rin akong agad. Pero hindi iyon naging dahilan para tigilan ko siya. Dahil simula noon mas palagi ko na siyang kinakausap at binabati kahit na parehong energy lang ang binibigay niya sa akin. Ang sungitan ako at irapan ako! Para tuloy akong virus na iniiwasan. Hindi ako huminto sa pag-papapansin sa kanya. Sa sobrang pagkagusto ko sa kanya naisip ko pang araw-araw na bigyan siya ng ilang maliliit na sulat na palagi ko ring isinisingit sa kanyang Locker. Ginagawa ko yon just to brighten up her day. Malay ko kung ano ang mga tumatakbo sa isip niya, kaya naisip kong gawin yong bagay na iyon for her baka sakaling makatulong hindi ba? Every time na binabati ko siya tuwing pumapasok sa aming klase palagi lang umiikot ang mga mata niya dahil sa ilang beses na pag-irap niya sa akin. Pinararamdam niya sa akin palaging ayaw niya nang mga ginagawa ko at hindi siya interesado sa akin. Pero ang ginagawa ko is ang ngitian siya ng ngitian lang palagi! Hindi ko tuloy alam kung natutuwa pa ba siya sa akin o ano e! Iniisip ko hindi kaya minsan winiwish niya na sana hindi na lang ako nag-exist sa mundong 'to? Dahil sa inis na inis siya sa akin sa tuwing nakikita niya ang guwapo kong mukha? Pero ako sa tuwing nasisilayan ko ang mukha niya tuwang-tuwa ang puso ko at halos kumawala na ito sa aking dibdib sa lakas ng pag-kabog nito para sa kanya. Grabe! Mahal ko na ata siya. "Ever, Anong ginagawa mo riyan? Wala ka bang pasok ngayon sa School?" Kasalukuyan akong nakatambay rito sa Salas ng aming bahay nong marinig ko ang boses ni Daddy na ngayo'y palabas na galing sa kanyang Kuwarto. Napa-angat ang ulo ko sa kanya. "Ahh. Wala po, Dad." Plain kong pag-kakasabi rito. "Ganon ba? Wala ka naman bang gagawin para sa araw na ito kaya nandito ka lang sa bahay?" Pero imbis na umimik ako sa kanya e.. ginawa ko na lamang na tumango doon sa harap niya. Wala kasi akong klase para sa araw na 'to. At mamayang gabi lang e aalis rin ako nitong bahay para mag-duty naman roon sa Fast food na pansamantalang pinapasukan ko. Ayoko kasing may masabi ang Parents ko sa akin especially ang Tatay ko lalo na kapag wala akong ginagawa kung hindi ang tumambay rito sa bahay, lumabas kasama ang ilang mga Kaibigan ko. Lalo na kapag wala akong klase. "Ahh.. O sige. Babalik na muna ako roon sa loob at may mga kailangan pa akong asikasuhin. You better update me kapag dumating na ang Mommy mo." "Okay, Dad." Yon na lamang ang nasabi ko sa kanya. Saka naman ito diretsong bumalik sa loob nong Kuwarto. Nag-iisa lang akong anak nila Mommy at Daddy. At wala akong ibang kasama rito sa bahay kapag sila ang wala parehas. Actually mayroon namang ibang tumatao dito sa bahay na ilang Kasambahay. Isang Boy at Driver na madalas namang mag-hatid sa kanila sa tuwing papasok ng Opisina Kaya ako napag-desisyunan kong mag-work kahit na Part time lang. Ganon sila ka-hands on sa Korporasyong pag-aari ng aming buong Pamilya. Nasa Food Industry kami at ginawa ko ring pumasok at mag-trabaho sa isang Fast food chain as Part-timer para kahit na nag-aaral pa ako ng Highschool e.. May idea na ako at alam ko na kung paano tumatakbo ang isang Food Business. Mostly malalaking Restaurants at Cafe ang hawak ng Parents ko pero pinili kong pumasok sa isang Fast food dahil ayokong makita nilang nag-tatrabaho ako roon lalo na ang Mom ko. Ayaw kasi ni Mommy na nag-wowork ako habang nag-aaral. Pero nag-desisyon akong gawin yon para mapatunayan ko rin sa kanila na kaya kong gumawa ng paraan para buhayin ang aking sarili. Na hindi lang ako umaasa sa mga pinoprovide nila sa akin kahit na nag-iisa lang nila akong Anak. They gave me a Car as a gift pero hindi ko yon palaging ginagamit at dinidisplay sa Kalsada. Hindi alam ng mga Magulang ko nag-wowork as a Crew sa isang Fast food. May plano naman akong sabihin sa kanila ang tungkol don pero hindi pa sa ngayon dahil masyado silang busy at hindi ko sila magawang makausap. Dinner na nga lang minsan ang Pag-kakataon na puwedeng mag-kakasama kami bilang isang Pamilya. Pero hindi pa namin magawang kumain ng sabay-sabay. Pareho kasing busy ang Parents ko sa aming mga Negosyo. At naiintindihan ko naman yung rason kung bakit nila ginagawa ang lahat nang yon. It's just sometimes... Hindi ko lang talaga maiwasang malungkot dahil ganon. Wala naman akong masyadong nakakausap rito sa bahay. I have my friends sa School and sa pinapasukan kong trabaho. But still iba pa rin yung mga Magulang mo ang nakakasama mo palagi e! Kaya sobra rin akong natutuwa kapag may nakikita akong Pamilyang sabay-sabay na kumakain. Tipong marami sila sa iisang table tapos ang saya-saya nila tignang nag-kukuwentuhan at nag-tatawanan. Naligo't nag-bihis na ako at pag-katapos ay lumabas na ako galing sa aking kuwarto. Palabas na ako nong pinaka-pinto namin matapos kong mag-paalam kay Daddy. Saka ko naman biglang nakasalubong si Ate Maya, Isa sa mga kasambahay namin rito sa bahay. "Ate Maya si Mommy na po ba yan?" Tanong ko rito nang makapasok na siya ng pinto. "Opo, Sir." Nakatungo pa nitong sagot sa akin bitbit ang isang Eco bag. "Ma, You're here. Natagalan ka po ata?" Salubong ko sa kanya saka ako bumeso rito. "Hay nako, Anak... Nag-kita kasi kami ng Tita Alicia mo doon sa Supermarket kaya nag-stay kami sandali sa isang Cafe. Napasarap ang kuwentuhan namin kaya ito kakauwi lang ng Mommy mo. Where's your Dad?" Dire-diretsong sabi nito sa akin saka ito agad na naupo sa Couch na nasa Salas. "Si Daddy? Nandoon po sa kuwarto niya. Sige, Mom.. Kailangan ko na pong umalis." Nakangiti ko pang paalam sa kanya. "O where you goin'? Kumain ka naman na ba ha?" "Yes. Ma, I just ate earlier. May duty po kasi ako ngayon sa Fast food na pinapasukan ko. Saka wala naman kasi akong klase ngayong araw." Paliwanag ko pa sa kanya habang nakatayo doon sa kanyang harap. "Anak, Ilang beses ko bang sinabi sa'yong hindi mo kailangang mag-trabaho? Me and your Dad is here to support you. Kaya hindi mo kailangang gawin yan Ever." "It's okay, Mom. Masaya naman po ako sa ginagawa ko. Saka gusto ko pong tumayo sa sarili ko kahit paano. Saka isa pa, Mommy tuwing wala lang naman po akong Class nag-duduty roon. Don't worry about me okay lang po ako." Ngumiti ako ng malapad sa kanya pagkatapos kong sabihin ang lahat ng iyon. "Gusto kong mas mag-focus ka sa Studies mo, Ever. Pero sige kung yan ang isa sa mga gusto mong gawin. Hahayaan kita but as much as possible gusto kong mag-focus ka sa sarili mo. I-enjoy mo ang buhay habang bata ka pa. Okay?" Anito. Ngumiti ito sa akin saka ito lumapit at hinaplos pa ako nito sa aking dalawang balikat. "Thank you, Mom. Sige po kailangan ko nang umalis. At baka po malate pa ako." "Sige, Mag-iingat ka anak!" ---- ---- ---- Sunud-sunod ang pasukan ng mga Tao dito sa aming branch kaya naman dire-diretso rin ang pag-gawa ko ng aking trabaho. Isa ako sa mga nag-aassist sa customers na pumapasok, Nag-lilinis ng table at nag-hahatid ng ilang mga orders. Nasanay na akong ganito ang ginagawa ko sa bawat araw na nakaduty ako. Marami na rin akong natutunan dito dahil sa ilang buwan na akong nag-wowork sa Kainan na ito. Pero sa ilang buwan na nandirito ako.. Ni isa sa mga co-worker ko walang nakakaalam sa buhay na mayroon ako. Never kong pinaalam sa kanila na may kaya kami sa buhay dahil ayokong mag-bago ang tingin nila sa akin dito. Saka isa pa... Hindi naman ako mismo iyong may kaya at medyo nakaka-angat sa buhay. Magulang ko iyon produkto lang nila akong dalawa. Kaya nga ito pinipili kong mag-trabaho at tumayo sa sarili kong mga paa para makita at malaman ko mismo sa aking sarili na hindi ganoon kadaling kitain ang Pera. Saka isa pa... Nag-eenjoy naman ako sa mga ginagawa kong 'to. Wala namang masama kung matuto akong mag-sinop ng pera para sa sarili ko hindi ba? Maganda na rin yung kahit papaano e masasabi kong may sarili akong savings dahil ako mismo ang gumagawa ng sarili kong Pera. At hindi ko ginagawang parati na humingi sa mga Magulang ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD