I really love to sing, playing Piano and Guitar at the same time.
Ang sarap kasi talaga sa Tainga ng Musika. Aminin niyo? Masarap makinig ng mga tugtugin lalo na kapag maulan ang panahon. Sabayan mo pa ng pag-inom ng isang tasa ng Kape. Saka wala naman sigurong tao ang ayaw sa Music hindi ba?
Ahm.. Maybe sa Movie na Coco, Yung family nila ay ayaw nila sa music because of some reasons... Para sa kanila curse ang pagiging Musicians. And yung pelikula na yon cool at ang magical. It's all about love sa Pamilya.
Just like what I am always saying gustung-gusto kong tumutugtog.
Watching different scenaries sa labas ng aming bahay at sa buong nasa paligid ko.. Nagagawa ko nang makabuo ng isang Kanta.
Ibang-iba kasi ang pakiramdam ko kapag may music. Binibigyan pa ako nito ng iba't ibang vibes. Hindi ko rin maiwasang masenti sa ilang mga kantang naririnig ko. Especially kapag may istorya mismo iyong song. Hay, Ang sarap mag-reminisce diba? Lalo na kapag nakakarelate ka sa entire song dahil nailalagay mo roon ang iyong sarili.
Pero hindi lahat ng bagay ay masarap alalahanin at balikan.
Hindi ko talaga gusto yung Ideya na nakabihis ako para sa gabing ito.
Sa ayaw ko man o sa gusto ay pinipilit kong iproseso sa aking utak yung mga bagay na nangyayari ngayon sa buong paligid ko.
Lahat sila ay nag-eenjoy habang may kanya-kanyang kasayaw. Damang-dama ko ang excitement nila lalo nong makita ko ang buong lugar nong makarating na ako rito kanina. Makukulay na damit. Kanya-kanyang ayos ng buhok. Habang ang iba ay may escort pang kasama.
Narito pa rin ako ngayon sa harap habang patuloy na tumutugtog.
Malaking bagay rin para sa akin ang pag-sali sa Club na kinabibilangan ko ngayon. At least hindi lamang sa Pag-aaral at pag-sali sa ilang mga School competitions lamang naka-baling ang Atensyon ko.
Nasa unang kanta ko pa rin ako. At may kinalaman ang song na ito sa Love pero hindi naman ito generally nakatutok lang sa Eros or Romantic love. Gusto nang mga Organizers na kumanta ako at least ng two or more songs. Kaya naman nag-decide na muna akong tugtugin iyong kanta na ako ang mismong gumawa at nag-lapat ng Tono.
Nakakatuwang isipin na natapos ko na iyong kanta at nagagawa ko na ring mai-share yon dito.
Hindi ko maialis ang tingin ko kay Welsy at doon sa kasayaw niya dahil sa ilang mga bagay na ngayo'y tumatakbo sa isipan ko. Hindi ko kilala iyong lalaki at sure akong hindi namin siya kasama sa klase.
I was wondering sino kaya yon? Is there any Romantic relationship between that guy and Welsy? Hmm.. Bigla tuloy akong na-curious ngunit awtomatiko na lamang akong napangiti dahil sa mga nasaksihan ko mula dito sa kinauupuan ko. Na-eenjoy ko na talaga itong katayuan ko. And maybe kaya ako nandito dahil ito ang role ko para sa gabing ito.
I felt relieve!
Thank you mga Ma'am at Sir. Bulong ko sa aking isip.
I was about to end my first song nang magawa pa siyang mahagilap ng mga mata ko. Hindi ko siya hinahanap pero napansin siya ng kusa ng aking mga paningin.
Pero bakit ganon? Sa dami nang tao na ngayo'y nasa gitna nitong buong lugar e bakit nagawa pa rin siyang mahagilap ng mga mata ko?
Napapikit pa ako nang dalawang beses na parang hindi pa makapaniwala dahil doon sa mga nangyayari.
Saka tama ba ako nang nakikita? Mag-Isa na lang siya sa mesang yon?
Bakit wala man lang siyang kasayaw? Saka oo nga no? Hindi ko man lang siya nakitang sumayaw.
Saka bakit pakiramdam ko palapit siya dito? Nag-iilusyon lang ba ako o talagang nag-lalakad siya papunta rito sa direksyon ko?
Ayokong mag-assume at mag-isip ng kung ano mang bagay dahil sa mga nakikita ko. Pero pakiramdam ko sa akin talaga siya nakatingin.
Natapos ko na yung mismong piece ko at napatigil ako nang ilang segundo bago ko tuluyang tugtugin ang pangalawa kong kanta.
Malapit na malapit na siya sa akin nong kusa kong mapindot ang isa mga keys nitong Piano dahilan para tumugtog na akong muli ng panibagong kanta.
Napahinto naman itong si Ever na papalapit sa akin matapos niyang marinig ang sunod kong pag-kanta.
Right now, I'm playing my own version of Mahika. Inumpisahan ko iyon sa mabagal na Intro
Hindi ko alam kung bakit biglang yon ang kantang naisip kong tugtugin basta pakiramdam ko matutulungan ako nang bagay na 'to para magawa kong makaiwas sa kanya. Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong isipin pero tingin ko naman makakatulong yon dahil nahinto siya sa pag-lapit sa akin.
Alam ko ring nagulat ko ang ilan sa mga schoolmates ko dahil sa ginawa kong yon kaya naman nag-alisan sa gitna ang ilan sa kanila.
"You can continue your dance every one ha? And later lang ay malalaman na natin kung sino sa inyo ang makakasungkit ng Special sash and awards." Rinig ko pang sabi nitong isa sa mga Emcee. Kaya naman hininaan ko muna ng kaunti ang aking pag-tugtog.
Ang ilan sa kanilang paupo na dapat ay nag-stay pa roon sa gitna para mag-sayaw ulit habang yung iba naman ay umupo na ng tuluyan sa kanya-kanya nilang puwesto. Kaunti na lamang silang nasa gitna at hindi na kasama doon si Welsy at iyong lalaking kasayaw niya kanina. Kitang-kita ko pa mula dito ang mga ngiti sa labi niya habang pinapanuod ako kaya naman gumanti din ako ng ngiti sa kanya pabalik.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin umaalis itong si Ever sa kanyang kinatatayuan. Naka-ngiti pa siya sa akin ng malapad habang nandoon pa rin siyang nakatindig.
Siguro nga tama ako nang naiisip. Kaya mas minabuti ko na lang talaga na kumanta ulit kahit na wala pa naman sana sa plan na kakantahin ko na iyong kasunod kaya tiyak ko na nagulat din ang mga Emcee sa ginawa kong eksena.
Hindi ko sinasadya! Pero kailangan ko itong gawin.
Ginawa ko namang tumingin sa gawi kung nasaan yung mga Emcee at itong si Ms. Garcia na nag-request sa aking mag-perform para sa gabing 'to. Saka ko napansin na nakatingin rin sila sa aking ginagawa. Nag-bigay naman ang mga ito ng signal sa akin na okay lang iyong ginawa ko. Kaya naman hindi ko magawang ngumiti ng maayos sa kanila.
I'm trying to say to myself na thi is okay, pero my feeling does not agree with it..
Ano ba sa tingin ni Ever ang ginagawa niya at hanggang ngayon e.. Nakatayo pa rin siya sa tapat ko? Talaga bang gagawa siya ng Eksena dito?
Ugh.. I can't help it! Tinatry kong mag-focus sa pag-tugtog at pag-kanta ko pero hindi ko maialis sa Isip ko yung mukha niyang nakangiti pa habang nakatingin at nanunuod siya sa akin. Ano ba talaga sa tingin niya ang ginagawa niya diyan?
Sinusubukan ko talagang ituon ang atensyon ko sa huling lyrics nang kanta ko. Pero up until now nakatayo pa rin siya doon at hindi umaalis. At kitang-kita ko siya mula sa aking Peripheral view.
Talaga bang aantayin niya pang matapos ako dito? Ano naman kaya ang naiisip niya sa ngayon?
Gusto ko na siyang sigawan! Kung pwede lang. Pleasee... Huwag mo akong ilagay sa ganitong eksena, Ever pollux!
Hindi ko kailangan ng spotlight please lang!
Kaya gagawin ko na lang na mag-smile while singing sabay tingin nang kaunti sa mga taong nasa Paligid ko para kunwari e hindi ako ganoong ka-apektado sa ginagawa nang isang to!
"That was great, Right partner?"
"Yes, Partner! That was romantic. Nakakatuwamg panuoring sumasayaw ang ating mga nag-gagandahan at nag-gawapuhang estudyante. Nako, pakiramdam ko tuloy bumabalik ako sa time na nandiyan din ako sa gitna habang isinasayaw pa ako ni Crush!"
"Aham! Sino naman kaya iyang Crush mo na yan, Partner?"
"Hmm.. Ayon, kasama ko na siyang nag-eEmcee!"
"Ay nako, Partner ngayon ko lang ata nalamang yan ha?" Saka naman napuno nang kantiyawan at tawanan itong buong lugar.
And yes.. Natapos ko na iyong pangalawang song ko pero nakaupo pa din ako dito sa harapan nitong Piano.
Wala pa akong planong tumayo dito dahil inaantay ko pa rin iyong signal nina Ms. Garcia sa akin.
Matapang akong tumingin sa direksyon kung nasaan siya pero hindi na siya nakatayo doon.
Mabilis ko naman siyang nakita at mag-kasama pa rin silang dalawa nitong si Welsy. Nakangiti pa ito habang nakatingin pa rin sa aking direksyon. Ako naman e.. Umakto na lamang akomg tumingin bigla sa aking likuran at gilid at umaasang baka may iba pang tao doon pero wala.
So ako nga iyong tinitignan niya hanggang ngayon? Hindi lang ako basta napa-paranoid or something.
Tinaasan ko pa siya ng kilay pag-katapos kong muling ibalik ang tingin ko sa kanya. Siya naman ay mas lalo pang lumawak ang ngiti.
Bakit ba siya ganyan?
Bumalik na ako roon sa table namin matapos akong sabihan nitong si Ms. Garcia na tapos na ang aking part.
---- ---- ----
After nong ilang sandali na nanggaling ako sa labas para mag-CR. Bumalik na ako doon sa aming lamesa saka ko naman nakita na may kausap na lalaki itong si Welsy. At iyon yung lalaki na kasama niya sa gitna na sumasayaw.
Agad naman itong umalis nang makarating na ako roon upang maupo.
"O bakit biglang umalis yon?" Bungad ko rito kay Welsy pero nag-kibit balikat lang ito sa harapan ko.
Saka naman nito ibinalik ang usapan tungkol sa akin.
Umiiwas ba siyang mapag-usapan namin yung taong yon? Hmm...
Ilang minuto pa ang lumipas ay nag-announce muli iyong dalawang Emcee na mag-kakaroon pa ng one last dance.
Saka naman tumayo si Ever sa aking harapan. Mabilis niyang inilahad sa harapan ko ang kanyang isang kamay habang nag-aantay siya na tanggapin ko yon.
Pakiramdam ko lang ba talaga yon o Totoo na kami na ang Center of Attraction?
Bakit ba kasi nasa gitna itong lamesa namin e! Hays..
So para hindi na lang siya mapahiya doon sa kinatatayuan niya ay ginawa ko na lang ulit tanggapin ang alok niya. Hinawakan ko ang kamay niya saka ako tumayo mula sa pag-kakaupo ko.
Nakatingin pa siya sa akin ng diretso nong makarating na kami roon sa gitna. Napuno naman na ng mga tao itong place at halos matabunan na kami ng mga 'to.
Pakiramdam ko tuloy nasa isang Eksena kami sa loob ng isang Pelikula.
Ano bang nangyayari? Gusto ko nang Umuwi.
Naging mabilis lang iyong huling sayaw saka muling nag-salita ang Emcee.
Inalalayan pa ako nitong makabalik at makaupo sa aming upuan. Habang ngiting-ngiti pa rin siya doon.
*** *** ***
Hanggang ngayong nakaupo na kami dito sa mesa ay hindi ko pa rin mai-alis sa isip ko yung mga nangyari kanina.
Really, that's it? I'm not convinced. And it's a bit kind of weird. I mean yun lang ba yon? Para kasing may sasabihin siya sa akin by that time tapos bigla siyang natigilan.
"Excuse me.." Napatingin naman ako sa gilid.
"Okay ka lang ba, Ever? Water gusto niyo?" Rinig kong alok nitong si Welsy sa amin.
"Hindi, okay lang. Salamat." Plain kong sagot sa kanya. Saka na ulit itinuon ang atensyon ko sa harapan.
Sumensyas naman itong si Ever kay Welsy.
"Sigurado ka? Bigla ka kasing nasamid diyan e.. Hindi ka naman kumakain o ano? Hmm.." Dagdag pa nitong si Welsy saka ito napatingin sa akin.
"Ano?" Sa itsura niya kasi parang may binibintang siya at gusto niyang sabihin na may kinalaman ako. Kung bakit biglang nasamid yang si Ever.
"Wala!" Aniya habang mag-kasalubong pa ang mag-kabilaang kilay nito. Tila ba parang hindi siya kumbinsado sa naging sagot ko sa kanya.
Hala? E bakit ba, Sa tingin niya ba may ginawa ako? Saka bakit parang sa akin biglang napunta yung usapan? Siya nga itong dapat kung tanungin tungkol sa lalaking kanina niya pa kasama.
"You're acting weird!" Sabi ko na lang dito. Kaya siya biglang natawa sa akin.
"Okay, Guys.. Okay pa ba kayo diyan?" Biglang tanong noong isa sa mga Nag-hohost nitong event.
"Yes!" They said in chorus.
"So.. Let's have a dance again. Huli na talaga 'to. Bigyan natin ng pag-kakataon ang ilan sa mga kaklase ninyong maisayaw kayo ulit." Pag-katapos nilang sabihin yun e.. Nag-umpisa na silang mag-play ng music.
Kala ko ba huli na yon? Usal ko naman dito sa gilid.
Isa-Isa nanaman muling nag-tayuan ang mga Estudyanteng kanina ay nakaupo lang at tila napuno nanaman ng Tao iyong gitna.
Nakaupo pa rin ako. Hanggang sa mapansin ko na wala na pala sa Tapat ko itong si Ever. Nag-katinginan naman kaming dalawa nitong si Welsy saka kami biglang nangiti sa Isa't isa.
"Ikaw, Hindi ka na tatayo?" Umpisa ko. Pero umiling lang siya sa akin bilang sagot.
"Ikaw. Ilan na bang guys ang nag-sayaw sa'yo?" Tanong niya saka pa siya ngumiti sa akin ng nakakaloko.
"Ha? Ano ba yang ngiti mong yan? Saka bakit biglang sa akin napunta ang usapan?" Saka naman ako nag-taas ng kilay.
"Bakit tinatanong lang naman kita? Bawal na bang mag-tanong ngayon?"
"Hindi naman. Pero simula kanina siya pa lang iyong sumasayaw sa akin." Diretsong pag-kakasabi ko.
"You mean, Si.."
"Ewan ko sayo! Wala namang iba. Siya pa lang naman." Saka ako napairap at biglang natawa.
"Seryoso, I mean bakit?" Bakit ba parang takang-taka naman siya?
E di'ba nga nag-perform ako ng kanta kanina. Kaya wala nang ibang nag-sayaw sa akin. And hindi naman ganoong ka-big deal kung iisang tao lang ang nag-sayaw sa akin.
Pag-katapos non ay sandali kaming nanahimik pareho at pinanuod na yung mga taong walang sawang nag-sasayawan sa gitna.
Tinanong ko pa itong si Welsy kung sasayaw pa siya pero sabi niya hindi na at napagod na siya.
Saka mas nakaka-enganyo naman pa lang manuod keysa isa ka sa mga taong sumasayaw don. Its too awkward though! I'm not used to it.
Saka hindi ba sila napapagod?
Matatapos na yung kantang tumutugtog. Nong nag-decide akong tumayo..
"O saan ka pupunta?" Nakataas pa ang dalawang kilay niyang tanong sa akin.
"Magsi-CR. Sasama ka?" Pero sumenyas lang ito sa aking hindi.
Lalabas na sana ako ng tuluyan... Nang marinig kong biglang may isa pang kantang tumugtog.
Hindi ko na tuloy maintindihan kung last na talaga yung kanina o ano e!
Pero napatigil akong sandali nang marinig ko ang ilan sa mga lyrics sa umpisang part nong kanta. Saka ko naman biglang nakita si Ever doon sa gilid.
Teka anong ginagawa niya don? Kanina pa ba siya?
Nag-umpisa na ulit akong mag-lakad. Kunwari hindi ko siya nakita para makalabas na ako.
"Hey, Lirah! Saan ang punta mo?" Rinig kong sabi nito ngunit nakatalikod ako sa kanya.
"Tara?" Nilingon ko siya.
"May sasabihin ka?"
"Tara doon sa gitna. Hayaan mong maisayaw pa kita sa huling pag-kakataon."
Hindi ako agad nakapag-react dahil sa narinig kong iyon galing sa kanya. Kaya naman natulala pa ako mula dito sa kinatatayuan ko.