So hindi ko na talaga ginawang kumain ng marami. Ayoko kasing mapahiya sa harapan ng maraming tao mamaya. Baka kasi mag-reak itong tiyan ko at masuka ako pag kumain ako nang mas marami. Kakain na lang siguro ako ulit mamaya kapag nakaramdam ako ng gutom.
Pinipilit pa ako nitong si Welsy na kumain pa dahil kaunti nga lang iyong kinuha ko kanina. Umayaw ako. Mahirap kayang kumanta kapag busog!
"Okay ka lang ba?" Panimula nitong tanong doon sa tabi ko. Napatingin naman ako dito.
T'was Welsy na nag-tanong at nangumusta sa akin. Habang ito si Ever ay tahimik lang doon sa tabi kasama pa rin itong si Marcus.
"Oo naman." Ngumiti ako sa kanya habang tinataas baba pa iyong dalawang kilay ko. Mukha namang nakumbinsi ko siya doon sa naging sagot ko. Kaya ayon tumigil na siya roon at nanahimik.
Ano ba kasing itsura ko at bakit kanina pa sila tanong ng tanong sa akin kung okay lang ako? Hmm... Do I look like ugly? May sauce ba ako sa mukha or anything?
Hay nakoo!
Ilang minuto na ang nakalipas simula noong matapos na mag-dinner ang marami sa amin pero hindi pa rin ako binibigyan ng Signal ng Emcee about the Intermission. Kaya umalis na lang muna ako roon sa Table namin para sandaling mag-punta sa CR.
I have to check myself at baka kung ano na ang itsura ko. Baka kasi hulas na ang Make up na inilagay sa akin.
"Hey, Lirah!" Muntik na akong mapabalikwas sa gulat dahil sa biglaang pag-sulpot nitong si Welsy.
Sumunod pala siya dito? Hindi ko napansin.
Pag-pasok niya sa loob nitong Comfort room ay saka ko lang siya sinagot.
"Hindi ko alam na sumunod ka pala? Nag-punta pa tuloy akong mag-isa rito."
"Ayos lang yon. Nga pala.. Sure ka bang hindi ka na kakain niyan? Baka magutom ka ulit ha? Mamaya pa naman ata ang Special number mo. Ano gusto mo samahan kita?" Napatingin lang ako sa kanya mula dito sa harapan ng salamin saka ko ako nag-salita.
"Mamaya na lang ako ulit kakain. Don't worry about me! Saka mahirap kasing kumanta kapag full na ang tiyan mo. Baka masuka ako or biglang dumighay sa harapan ng Mikropono. Ang panget naman ata non diba?" Explain ko pa sa kanya habang nag-lalagay ng unting powder sa mukha.
Hindi ako nag-memake up pero kahit papaano naman e.. Marunong akong mag-ayos ng aking sarili. Hindi ko lang talaga siya palaging ginagawa.
"Ay oo nga no? Sa bagay tama ka nga naman don." Sumang-ayon na lamang ito doon sa mga sinabi ko. Saka ito pumasok doon sa Isa sa mga Cubicle para mag-CR.
"Ready ka na ba niyan later?" Rinig ko pang sabi nito habang nandoon siya sa loob.
"Uhm.. Oo. Medyo nakakaramdam lang ako ng kaunting kaba." Natawa pa ako ng medyo awkward.
Narinig ko naman na iyong pag-flush noong Toilet. Kaya naman inabangan ko na ang kanyang pag-labas doon.
"Uy, Goodluck ha? Just own the stage lang, Lirah. I mean the floor pala." Aniya saka pa ito bahagyang natawa dahil doon sa mga tinuran niya.
Nakalabas na kami noong Comfort Room nang mapansin kong nandoon na pala itong si Ms. Garcia. Inaabangan niya ata ako doon simula kanina. Nako nakakahiya naman! kaya binilis-bilisan ko na iyong lakad ko hanggang sa makalapit na ako sa kanya.
"Jairah, Halika na? Ready ka na ba? Ikaw na ang susunod sa program. Sama ka na muna sa akin roon sa harapan." Salubong nito sa akin nang makalapit na ako ng tuluyan sa tapat niya.
Sumenyas naman itong si Welsy sa akin na aalis na siya, saka ito nag-lakad pabalik doon sa Table na inuupuan namin. Kaya ayon naiwan na ako kasama itong si Ms. Garcia. At gaya nong sinabi niya kanina ay nag-punta na kami roon sa harapan.
Nahagilap namang agad ng aking mga mata iyong Keyboard na nasa tabi.
Napasipat pa ako mula dito sa kinatatayuan ko. And napansin ko namang mula doon sa Keyboard piano e.. Medyo matatakpan naman pala ako at hindi masyadong magiging expose sa mga tao mamaya. Which is pabor naman para sa akin. Gawa nong ayaw ko ng Too much attention. Hindi ko rin naman kailangan iyon. Saka pumayag lang naman akong gawin ito dahil pinakiusapan ako nong mga Facilitators. And alam kong makakatulong sa akin ang ganto para kahit papaano e.. Mabawas-bawasan ang Stage fright ko.
"So.. Anong kakantahin mo, Hija? May naisip ka na ba?" Napalingon naman ako kay Ms. Garcia nang marinig ko siyang biglang mag-salita.
"Hmm.. Actually, Ma'am hindi pa po ako nakakapag-decide kung ano ang tutugtugin ko. Ang dami po kasing pumapasok sa Isipan ko." Napataas naman ang dalawa niyang kilay dahil doon sa naging sagot ko.
Teka.. Hindi ba maganda iyong sagot na yon para sa kanya? Mukha kasing hindi ko siya nakumbinsi doon sa sinabi ko sa kanya.
Mali pa ata na iyon ang nasabi ko.
Maya maya lang e.. Tinawag na ako ng Isa sa dalawang Emcee saka ito lumapit sa amin.
"What's your name again?" Nakangiti pang tanong sa akin noong Emcee. And if I'm not mistaken isa rin siya sa mga Subject Teachers dito sa Academy.
"Wendy na lang po." Medyo naiilang ko pang sabi rito.
They used to call me Lirah dito sa School pero mas gusto kong tinatawag ako sa pangalang Wendy. Si Ever lang naman kasi ang nag-umpisang tawagin akong Lirah hanggang sa pati ibang mga kaklase namin e.. Nasanay na ring iyon ang itawag sa akin. Nakakainis lang! Kasi siya ang madalas na naaalala ko whenever na naririnig ko ang pangalan na yon! At hindi ko gusto ang Ideya na yon galing sa kanya.
Kung baga hinayaan ko na lang at hindi na iyon pinalaki pa.
"Okay, Wendy. Ready ka na? Ikaw na ang next! Hindi ka na namin ipapakilala ha? So ikaw na ang bahala sa sarili mo. Ang gagawin mo na lang is ang maupo diyaan sa harapan ng Piano. Ikaw na rin ang didiskarte kung mag-umpisa ka ng kumanta at umugtog. Okay?" Tumango na lamang ako sa kanya at hindi na nag-salita pa.
They just announced about the Special number.
Mas lalo akong napangiti nang makita ko na ang nasa harapan ko. Yung Piano! Maghang-mangha pa akong naupo sa harapan non. Ang ganda lang!
Maganda rin siguro ang tunog nito. Amazed na amazed talaga ako dahil sa nakikita ko. Mayroon ring Microphone doon sa bandang taas nitong Piano.
Hindi naman masyadong halata na Inlove na inlove ako sa Piano no?
Unti-unti namang nag-subside ang kabang nasa dibdib ko simula kanina pa.
Katulad nang sinabi ni Sir na Emcee, earlier. Ako na ang bahala kung kailan ako mag-uumpisang tumugtog.
At kapag narinig iyon ng mga students.. Yoon na ang magiging hudyat para mag-sitayuan silang lahat at para mag-punta roon sa gitna para sa isang sayaw.
Doon rin mag-uumpisa at manggagaling iyong mga Special awards and recognitions na ibibigay nila right after this event.
Bago pa man rin umalis at matapos na mag-salita iyong dalawang nag-hohost e.. Naka-antabay na ako dito sa tabi.
Pero laking gulat ko nong makaalis na iyong dalawa sa harapan nitong Keyboard at medyo lumaki iyong space sa tapat ko. I thought hindi ako masyadong makikita mula dito sa kinauupuan ko but I was wrong.
Dahil na sa akin na iyong Spot light. Huminga pa ako ng malalim at sandali pang napapikit.
I have to focus on this. Relax lang Wendy! You can do this. Just enjoy the time and the moment.
Ngumiti ako kahit alam kong hindi naman iyon mapapansin ng lahat.
Pero bago pa man din ako mag-umpisang tumugtog ay nilingon ko pa sila Ma'am saka naman sila tumango sa akin. Nag-hihintay sa mga susunod na mangyayari.
I started to play Piano with some intro. Saka ako tuluyang kumanta.
I decided to play my own composition. And ito yung isa pang song na kakatapos ko lang maisulat. This is a Jolly song short but sweet.
Magiliw pa akong kumakanta habang pinag-mamasdan ang buo kong paligid. Hanggang sa ang kanina'y mga nakaupong students ay nag-umpisa na ring mag-tayuan at magsi-huntahan roon sa Gitna.
While singing and playing instrument.. Hindi ko rin maiwasang maigala ang mata ko sa mga Junior and Seniors na nakapaikot dito sa buong place.
Sinubukan kong hanapin si Welsy pero hindi siya mahagilap ng mga mata ko.
Nasaan na kaya ang isang yon?
Hay.. Di bale na nga lang!
The organizers requested na kumanta ako ng dalawang song and nag-agree naman ako doon.
Advantage na rin talagang maituturing para sa akin ang Naisip nilang isama ako sa Program. Dahil parang mas nagugustuhan ko na itong kalagayan ko rito kaysa ang masama sa ilang mga taong nag-sasayawan ngayon sa gitna.
Hmm.. Hindi ko tuloy maiwasang mas mapangiti ngayon dahil sa katayuan ko. First love ko kasi talaga ang Pag-tugtog at pag-kanta. This is actually my fast time bukod sa pag-babasa ng book.
Pero mas gustung-gusto kong nakikita ang sarili ko na nasa harapan ng Piano kahit pa na hindi kumakanta. Basta tumutugtog lang ganon! Ang gaan kasi ng feeling kapag may Music.
I feel safe and nari-relieve ang buong pagkatao ko.
Mas lalong hindi naalis iyong mga ngiti ko nang makita kong nasa gitna na rin itong si Welsy na may kasayaw.
Pero hindi ko kilala kung sino yung lalaking kasama niya. And mas lalong hindi ko maintindi yung feeling non. Pero bakit parang ako yung mas naiilang for her?
Nag-patuloy na lang ako sa aking pag-tugtog at inenjoy na lamang iyong sitwasyon kung nasaan ako. Saka oo nga pala.. Hindi naman kasi ako dapat na maging interesado sa ganoong bagay e!
Hindi ko na dapat pinapansin ang mga yon.
And more thing! Hindi rin dapat ako matuwa na nakakakita nang mga ganitong eksena sa paligid ko.
Siguro pagkatapos ng Event na ito.. May mga aamin ng feelings nila para sa Isa't isa. Siguro may magiging mag-boyfriend and girlfriend dito.
Ano ba yung mga yon? Saan naman galing yon Lillian Jairah ha?! Natatawa na lang ako sa loob ko dahil sa mga bagay na pumapasok sa isipan ko.
Pero bakit ganon? Sa dami nang tao na ngayo'y nasa gitna nitong place kung nasaan ang lahat e.. Nagawa pa rin siyang mahagilap ng mga mata ko?
Saka teka lang... Tama ba ako nang nakikita, talaga bang mag-isa na lang siyang nakaupo doon sa puwesto namin?
Bakit wala siyang kasayaw na babae? Ano pang ginagawa niya don?
Saka bakit pakiramdam ko parang papalapit siya sa akin?!