#16: That Awkward Moment

2046 Words
Para akong nakikipag-date dahil sa setup naming ito. Date tapos nakagown and suit? Ang formal! Teka nga... Bakit ba yun ang agad na unang pumasok sa Isipan ko? Ang awkward kasi talaga sa pakiramdam. Lalo na't dalawa lang kaming nandirito sa lamesa. Kakaupo lang naming pareho nong tumugtog yung sumunod na kanta. Saka ko napansin na papalapit ang isa sa mga Organizer nitong Event sa Table namin. Niremind lang nila ako about sa aking magiging performance later after nong mga mauunang nasa program. Nanahimik na ako uli pagkatapos nong naging pag-uusap namin. At nag-mamasid na lang ako sa buong paligid. Nag-umpisa na rin kasi iyong Cotillion. Kaya nanunuod lang rin ang lahat sa amin. Napansin ko namang tahimik lang rin itong si Ever na nasa tapat ko. At bising-busy rin ito sa kanyang panunuod. After that part. Nag-sipuan na ulit ang lahat nang mga Estudyanteng galing doon sa Gitna. Napatingin naman ako sa gawi nitong si Ever saka ko naman siya nahuling nakatingin sa direksyon ko. Ngumiti pa ito sa akin dahilan para mapakunot naman iyong noo ko. Ewan ko! Pero yon kasi agad ang unang lumabas na reaksyon sa pag-mumukha ko. Bigla-bigla na lang kasi siyang ngumi-ngiti diyan. He's a smiley person talaga kahit kailan. Kaya after non binawian ko na lang din siya ng ngiti kahit na hindi iyon bukal sa loob ko. "Tara?" Napakunot nanaman ang noo ko dahil doon. "I mean... Can I have this chance to dance with you?" Nakahalata ata siya! Hindi kasi ako agad na nakasagot doon sa kanyang sinabi. Tinignan ko lang siya at yung kamay niyang ngayon e.. Nakalahad na sa aking harapan. Napatingala pa ako sa kanya dahil nakatayo na ito sa tapat ko. Ilang segundo pa ang lumipas bago ko kunin at tanggapin ang alok nito sa akin. Wendy! What's wrong with you? Bakit parang namemesmerize ka masyado sa nangyayari sa paligid mo? Hindi ko pa maiwasang maigala iyong mga mata ko habang napapaligiran na kami nang maraming tao. Yes, nandito na kami ngayon sa gitna. Napatingin naman ako sa dalawang kamay ko na kasalukuyang nakapatong sa kanyang mga balikat. Medyo napalagay na ng kaunti ang loob ko kahit papaano. Hindi ko din kasi maipaliwanag nang maayos ang kung anong nararamdaman ko sa ngayon. Napatingin ako kay Ever na ngayon ay nakatingin na pala sa akin. Habang nakahawak ito sa magkabilaang side ng aking baywang. "Are you okay?" Panimula niya. "Ahh.. O-Oo naman. Bakit mo naman biglang natanong yan?" Teka ano bang itsura ko, Bakit naman bigla siyang nag-tatanong diyan? Namumutla na ba ako or something? May dumi ba ako sa mukha? "Hindi kasi maipinta yang mukha mo. Hindi ko tuloy alam kung masaya ka ba o hindi." Medyo worried pa nitong pagkakasabi. Naging blangko namang bigla ang ekspresyon ng mukha pagkatapos niya iyong sabihin sa akin. Halata pala? Like nag-rireflect na pala ang mga iyon sa mukha ko. "Okay lang ako. Huwag mo'kong masyadong isipin." Sabi ko saka pilit na ngumiti sa harapan niya. Tumingin naman na ako sa ibang direksyon at talagang hindi ko na siya tinignan pa. "Sigurado ka?" Dagdag pang tanong nito. Kaya naman nakuha niyang muli ang atensyon ko dahilan para mapatingin ako nang diretso sa kanyang dalawang mata. "Nagugutom lang ako." Palusot ko. Kaya naman natawa lang siya dahil doon. Anong nakakatawa sa sinabi ko? Possible naman talagang nagugutom na ako kahit hindi. Ilang minuto na ang nakakalipas at mag-kasayaw pa rin kaming dalawa nang mag-salita siyang ulit. Kanina pa kami dito. Hindi pa ba kami uupo? May balak pa ata siyang tapusin iyong Music. "Bakit nga pala ayaw mong mag-punta sa Prom?" Tinignan ko lang siya bago ako tuluyang sumagot sa kanya. "Ha? Saan naman nanggaling yan?" Imbis na diretsong pasagot ang ginawa ko. Naging patanong iyon. "Narinig ko sa'yo nang mag-kausap kayo ni Welsy nong mga nakaraang araw." "Ha, Kailan.. Saan?" Bored ba siya? O ayaw niya lang mapanis yung laway niya kaya siya dumadaldal diyan? Chismoso rin pala ang isang 'to. Nakikinig sa usapan ng may usapan. Natawa naman siya bago pa muling mag-salita. Bakit ba masyado siyang masaya? Kahit wala namang nakakatawa sa mga sinasabi ko?! Kasi kung natatawa siya sa mga ganoong bagay. Nakakatakot na! Dati ata siyang taga Mental. "Psh. Dineny pa! Rinig na rinig ko nang nag uusap kayo that day ni Welsy." Rinig ko pang pag-kakasabi nito sa akin. "Narinig mo naman pala e! Alam mo ikaw chismoso ka." Napairap ako dito after saying those words at him. "Sungit naman! So bakit nga?" Pinipilit niya ba akong mag-kuwento sa kanya? Is this a sort of Interview or what? "Bakit kailangan pang malaman mo yon?" Napataas na lamang ang mag-kabilaang kilay ko. "I'm curious?" Rinig kong sabi nito. Kaya pati ako rin ay matawa-tawa na. "May nakakatawa?" Natawa kasi talaga ako sa katuwirang niyang yon. "Bawal akong tumawa ha, Ever?" "You're cute!" Sabi pa nito habang nakatingin sa akin. Mabuti na lang at nagawa ko pa ring tignan siya sa mata. Tekaa? Ako lang ba o talagang pakiramdam ko umiinit ang mukha ko?! Halaa.. Bakit? Namumula na ba ako? Ano yon Lillian Jairah, Bakit? Anong meron sa sinabi niya! Sinabihan ka lang cute? You're not a Dog ha. "So bakit nga ayaw mo?" Ulit pa nito sa harapan ko. "Curious ka kamo?" At tumango naman siya sa akin saka ito muling ngumiti. "Chismoso!" Singhal ko ngunit mahina. Kaya naman napayuko siya saka natawa. "Ganon ba yon, Kapag curious?" Sakto namang natapos na iyong kanta. At muling nag-salita iyong Emcee kaya naman nag-karoon ako nang dahilan para manahimik at umalis na roon. Inalalayan niya pa akong makabalik doon sa Table namin. Hmm.. Gentleman? Ganoon ba talaga siya, O ngayon lang ito?! "O Welsy, Nandiyan ka na pala. Alam mo bang kanina pa kita hinahanap?" Nakita ko kasing nandoon na nakaupo itong si Welsy sa Table namin. "Lumipat na ako. Para hindi awkward para sayo!" Bulong pa nito sa Tainga ko. "Manahimik ka nga!" Napalakas ata iyong bibig ko kaya napalingon naman iyong isa sa gilid. "O baka naman gusto ninyong bumalik na ako don sa pinanggalingan ko?" Nakatingin pa siya sa amin pareho habang sinasabi iyon. Ano ba sa tingin niya ang ginagawa niya? Nakakahiya! "Hindi. Dito ka na lang. Mas magandang nandito ka!" Hila ko sa kanya paupo doon sa isang Chair na nasa tabi. "Oo nga. Samahan mo na lang kami dito ni Lirah." Napatingin naman ako doon kay Ever na nakikinig na pala. "Oh-kay?" Sagot naman sa kanya nitong si Welsy saka pa muling tumingin sa amin. Parang siraulo! Napaayos na lamang ako nang Upo saka muling ibinaling ang Atensyon doon sa harap. Makikinig na lang ako sa mga sinasabi nong Emcee. Bahala silang dalawa diyan! Parang gusto ko na tuloy umuwi. Tss.. ---- ---- ---- After that First dance. The two emcee announced that we can go on getting our food. Especially sa mga gusto nang kumain. So I decided na tumayo na mula sa aking pagkakaupo para kumuha nang makakain ko. Nang makita kong papalapit sa akin ang isa sa mga Emcee saka sumenyas na tinatawag niya ako. So hinintay ko na lang siyang makalapit sa akin. She grabbed me at my left hand saka ito ngumiti. "You are Lillian Jairah right?" Banggit nito sa pangalan ko. "Opo." Diretsong sagot ko naman. Hindi kasi siya iyong lumapit at kumausap sa akin kanina. "I've heard na part ka ng Music club sa School. Sinabi na rin sa akin ni Ms. Garcia na magkakaroon ka ng Special number tonight?" "Opo. Actually may lumapit na rin po sa akin kanina. Regarding po diyaan." Saka na lang ako biglang ngumiti dito. "O sige. Ready ka naman anytime no? Bale tatawagin na lang kita later. Naka-set naman na iyong Piano sa unahan. Tutugtog ka 30 to 40 minutes after Dinner. If that's okay to you, My dear?" Pakiusap pa nito sa akin habang Ini-instruct nito ang mga sinasabi niya. "Opo. Ready naman na po ako." Maikling sagot ko. "Okay, Deal! Pasensya na, Anak. Nagulat ka ata kita." Aniya saka pa ako nito tinap sa Balikat. "Ayos lang po." Reply ko pa. "O sige. You can now eat! Lillian Jairah." Rinig ko namang pag-kakasabi nito "Wendy na lang po, Ma'am." Suhestiyon ko pa. Halos banggitin na kasi nito ang buo kong pangalan. "Okay, Sige Wendy. Again may Piano doon sa unahan. You can sing with that Instrument or puwede ka rin namang mag-minus one." Aniya at itinuro pa nitong uli sa akin iyong Keyboard kung nasaan iyon nakapuwesto. "Sige po." "Alright then! Sige kumain ka na roon. Pero kaunti lang muna ah? Dahil kakanta ka." At saka na lamang ako napatango sa sinabi niya. After that umalis na ako doon at diretsong pumunta sa Buffet section at kumuha na ng kauting makakain. Naupo na rin ako doon sa tabing upuan nitong si Welsy na ngayon ay nag-uumpisa nang kumain. "O Lirah, Saan ka ba galing at ngayon ka lang?" Salubong nito sa akin ni Welsy. Saka ko inilapag sa mesa yung hawak kong Pinggan. "Ahh.. Kinausap kasi ako nang isang Emcee kaya ngayon lang ako nakabalik." Explain ko naman sa kanya. Saka ito nag-patango tango sa akin. Saka ko napansing hindi pa din pala nakakabalik iyong si Ever. "Si Ever, Nasaan?" Tanong ko naman dito nang makaupo na ako. "Hindi ko rin alam e! Kasunod ko lang naman yon kanina. By the way.. Diet ka ba? Bakit ang unti naman ata niyan?" Napansin niya rin pala iyong nasa plato ko. "Hindi no. Hindi kasi ako puwedeng kumain ng marami." "Bakit naman?" Nag-tataka pa nitong tanong sa akin. "Diba nga kinausap ako nong isang Emcee kanina? Niremind lang nila ako sa magiging performance ko later. Tutugtog kasi ako mamaya. Baka masuka ako doon sa harap kapag naparami ang kain ko." Paliwanag ko sa kanya sabay subo nong Pasta. "Talaga?" Tumango na lang ako sa kanya bilang sagot. At baka mabulunan pa ako kapag ginawa kong mag-salita. "Ano namang kakantahin mo?" Tanong niya pang uli. "Secret." Nakangiti ko pang sabi pero pabiro. "Sino na lang kumanta?" Natawa ako. Saka ko siya tinignan na ngayo'y busy na sa kanyang pag-kain. "Ha, Ang ibig kong sabihin.. Hindi ko pa alam kung anong kakantahin ko." I emphasized it to her. Gusto ko kasing masurprise rin siya mamaya. "Opps.. Sorry." Aniya saka siya bahagyang natawa at napatakip sa kanyang bibig. "Kumain na nga lang muna tayo. Aabangan ko na lang yan after this." Ako naman tuloy ang natawa dahil doon sa kanya. Sakto naman ang biglang balik nitong si Ever but now kasama na niya si Marcus. Kaklase rin namin at Kaibigan niya. Nagkatinginan pa kaming tatlo. Nagawa pa naming mag-kuwentuhan na apat pagkatapos kumain. Nakakatuwa lang rin na kahit paano may iba nang nag-aapproach sa akin, kahit na hindi ko sila ganoong nakakausap before. Nakikipag-biruan pa itong sila si Marcus akin. Which is hindi naman ganoon ka-awkward or something ang dating non sa akin. It's just that friendly lang rin talaga siya like Welsy. Nalaman ko pa na kaya ganon sila ka-close nitong si Ever e.. Naging classmates pala silang dalawa way back nong nasa Elementary pa ang dalawa. Pakiramdam ko tuloy unti-unti nang lumalawak ang way of communication ko sa mga taong nasa paligid ko. Hindi kasi talaga ako sanay na nakikipag-usap sa iba. Dahil okay na nga ako kahit na mag-isa. Introvert nga talaga siguro ako at naiiba ang personality ko sa ibang taong nasa paligid ko. That's why! After nang ilang kuwentuhan naming apat. Nag-salita nang ulit iyong dalawang Emcee na nasa harap malapit doon sa nakaset na maliit na Stage. Konting chikahan sila roon sa harap. Habang ina-announce ang ilang parts ng magiging Program. Napuno pa ng hiyawan ang buong Venue dahil sa ilang mga nabanggit ng dalawa. May special awards, Recognition and everything pa kasi sila na ibibigay after nitong event. Kaya naman napuno pa ng Excitement at ingay ang mga kapwa ko estudyante na nandirito. Basta ako.. Alam ko kaya ako nandirito dahil na-invite ng ilang Facilitators para tumugtog at kumanta. And part iyon ng magiging kagaganap ngayon. Other than that wala na! Wala na akong care doon sa mga sinasabi nilang Pa-sash and special awards na iyan. But just like what Mama and Ate liyann said. Enjoyin ko lang ang gabing ito sa life ko. Which is tinatry ko naman na gawin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD