Chezca Kinabukasan pagpasok ay maaliwalas ang pakiramdam ko ay hindi na namin napag-usapan ni Chin ang tungkol kay Keve, hindi rin naman ako nag-open at hindi rin naman na siya nagtatanong. 'Mas mabuti na rin siguro 'yon.' Nang maghiwalay na kami ni Chin dahil pumasok na rin siya ay himala, hindi ko nakita sina Keve ngayong umaga. Kadalasan kasi ay nakatayo na 'yan sila nina Giovan at Jerome malapit sa entrace pero ngayon ay wala. 'Tsk! Ngayon naman ay hinanahap mo?' Pagdating sa room ay nauna na pala ang dalawa. "Good morning, bestfriends," masayang bati ko. "Good morning best! Aba, mukhang maganda ang araw natin ah! Anong mero'n?" Ang aga-aga etchusera na naman 'tong si Stacey. "Huh? Wala naman, bawal? Pakiramdam ko kasi ay babalik na ulit ako sa dati. No more stress, maganda lang

