Hindi na ako sumama upang sunduin si Chezca sa ospital, naghanda kasi ako ng surprised para kan'ya kasama ang mga kaibigan namin. Alam kong magugustuhan niya ang mga inihanda namin para sa kan'ya, blessings na rin dahil naging okay na ang kapatid ko at nakaligtas sa kapahamakan. Subalit heto na naman, may nangyari na naman kay Chezca, bigla na lang itong nanlata at sumakit ng ulo, nahilo, at nasuka. Sobrang nag-aalala talaga kaming lahat sa kan'ya. "Chin, kumusta si Chezca?" Nag-aalalang lumapit si Keve sa 'kin kung kumusta na ba si Chezca ngunit hindi ko rin talaga alam. "Keve, hindi ko rin talaga alam ang nangyari. Ikaw? 'Di na kausap mo siya kanina? Wala siyang sinabi sa 'yo?" tanong ko at agad naman niyang kinailing. "Wala naman, nagprisinta pa nga akong kuhanan siya ng pagkain pe

