Keve "Hayaan mo Keve, magiging okay din ako. Kung ano man ang resulta ng sa in'yo ni Chezca ay susuportahan ko pa rin siya. 'Wag ka nang ma-guilty dahil nagpakatotoo ka lang din naman, salamat pa rin sa pinaramdam mong saya sa 'kin kahit sa maikling panahon," malungkot na pagkakasabi sa 'kin ni Chin. Galit ako sa sarili ko dahil napakag*g* ko, pero wala eh! Kailangan kong sabihin ang totoo, ayaw ko rin naman siyang lokohin. "Maiwan na muna kita, puntahan ko lang si Chezca," paalam niti sa 'kin na tinanguan ko naman. At tuluyan na akong napag-isa. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko dahil nasabi ko ang guto kong sabihin sa kan'ya. Maya-maya ay bumalik na rin ako sa loob upang puntahan ang mga kaibigan ko g nagkakasiyahan. 'Kumusta na kaya si Chezca?' Alam kong nainis siya sa

