MALAMLAM ang mga matang nakatingin si Elaine sa nakasaradong pintuan ng O.R habang nanalangin sa maykapal. Si Tyler na ang kusang maging donor ng anak niya, na hindi niya naman inaasahan. Oo, balak na sana niyang aminin dito ang totoo noong nasa coffee shop pa sila pero inunahan na siya nang kanyang kaba at takot. Ang hindi niya alam ay kamuntik nang mapahamak ang anak niya sa katangahan niyang 'yun. Mas inuna nito ang personal na galit sa lalaki kaysa ang buhay ng anak niya bagay para sisihin niya ang kaniyang sarili. Dapat lang. Makasarili siya at hindi nag-iisip nang mabuti. Gayunpaman, gusto niyang itama ang lahat. “Diyos ko, karma ko na ba ito? Bakit ganito kayo magparusa? Ang bigat!” Lumuluhang naidalangin niya. Isang bisig ang yumapos sa kaniya nang yakap para siya ay pakalm

