bc

The Cold Guy Baby

book_age16+
719
FOLLOW
3.1K
READ
love-triangle
HE
drama
small town
addiction
like
intro-logo
Blurb

Elaine Guerrero is a mother who will put up with anything for her child.

Tyler Monteverde was her first love, despite his desire for someone else.

Tyler, who was now her husband, was claimed by her. However, they only became a couple in one role.

Tyler didn't love her or treat her as a woman with respect.

The incident will alter her life, and she is filled with regret.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Six years past. . . Kararating ko lang galing trabaho at nakita kong tumakbo papunta sa ’kin si Tyson, kaagad niya akong sinalubong ng halik nang buhatin ko siya. Natatawa ako at saka pinisil ang kaliwang pisngi niya. Nakakapanggigil. “Nagpakabait ka ba habang wala ako?” tanong ko sa kanya pagkatapos ko siyang kargahin. Ngumiti siya at tumango. Nagsimula siyang humagikgik nang kilitiin ko siya sa kaniyang leeg. Doon kasi siya nakikiliti. “Sabihin mo nga sa ’kin, hindi ka ba nagmatigas sa Lola mo?” patuloy kong usisa habang panay ang pagkiliti ko sa kanya. Lumakas ang tawa niya, “Tigil na po mama, nakikiliti ako,” pigil niya sa ’kin. Natawa ako at tumigil na rin mula sa pagkiliti sa kanya. Ibinaba ko siya pagkatapos at baka umiyak na naman siya. “You laughed at me, ma. I didn't get stubborn to Lola, ” He said and pout. Natawa ako sa reaksyon niya, kaya yumuko ako para mapantayan siya. Binigyan ko siya ng isang halik sa pisngi. “Mabuti na ’yung maging mabait, anak. Tara na! Puntahan na natin Lola mo. I'm sorry, huwag kang malungkot, okay?” senserong naihingi ko ng tawad saka siya niyakap nang mahigpit at hinalikan buong mukha niya para hindi na sumimangot pa. Bahagya kong ginulo ang buhok niya dahil nagtatampo na naman. “Mama, buhatin mo ako ulit, please” nakikiusap ang tinig niyang sambit para buhatin ko siya ulit. Lumawak ang ngiti ko, “Okay, halika--- My God! anak, masyado kang mabigat. Big boy ka na kasi!” hirap kong saad. Nakaya ko ulit siyang buhatin, at totoo namang bumibigat talaga siya. He chuckled and kissed my lips pagkatapos niyakap niya ako nang mahigpit. “I love you, mama!” sambit niya saka ngumiti sa ’kin nang ubod-tamis. Hinalikan ko siya pabalik, pagkatapos ay hinalikan ko ulit siya sa kaniyang gitnang-noo. “Mas mahal kita, Baby boy.” Tumawa lang siya hanggang sa makapasok kami sa loob ng bahay. I sighed, Ako si Elaine Guerrero Monteverde, dalawa't limampo't taong gulang. At ang batang ito. . . ay ang anak kong si Tyson Elinor Monteverde. It was 6 years back then, since I decided to leave his father's side. Tinakasan ko ang kalupitan niya, dahil gusto kong protektahan ang anak ko mula sa kanya. Anak ko lang ang lakas ko ngayon hanggat kaya ko. Hindi ako magpapakita sa lalaking iyon. Sapat na sa ’kin kahit wala si Tyler sa buhay namin dalawa dahil noon pa man, hindi ko maramdaman ang pagmamahal niya sa ’kin bilang asawa. He is selfish and a Jerk Husband. Masakit lang isipin dahil naging desperada ako noon at tanga pa. Pero, ang mundo ay ganap na bilog at gumagalaw, buburahin ko nang tuluyan ang parte niya sa puso ko. At hindi ko siya hahayaang makalapit at makilala ang anak ko. Dahil, siya ang dahilan kung bakit muntik akong mawalan ng anak. At sisiguraduhin kong hindi niya malalaman ang totoo. KINABUKASAN, abala ako sa pag-aayos nang kwelyo ng polo ni Tyson, dahil papasok na siya sa school nang muli kong matitigan ang mukha niya. Bumuntonghininga ako. Nakikita ko tuloy si Tyler, at naalala ko ang mukha niya. Ang daya, sa akin lang namana ni Tyson, ang kaniyang mga mata, pero lahat ng meron siya maliban sa mata ay kay Tyler. Tch! Kinasusuklaman ko siya.. Napairap ako nang wala sa oras dahil, bigla kong naisip ulit ang asungot na iyon kaya naman napatitig sa akin ang anak ko. “Galit ka ba, mama?” Usisa niya. Jeez. Elaine, ayan nga. “Huh? Ah, hindi. Hindi anak, nakasimangot ba ako?” depensa ko at sinadya kong palawakin ang ngiti ko. Jeez! Ang sakit ng panga ko. Sumeryoso ang mukha niya habang nakatitig sa akin na nakabusangot. “Bakit ka po nakasimangot?” pangungulit niyang naitanong kaya napatigil ako. Ginulo ko ang buhok niya saka siya hinalikan sa pisngi nito at pagkatapos ay hinayaan ko siyang isuot niya ang kanyang sapatos. “Don't pout anymore, okay? Hindi ako galit, promise,” saad ko dahil sa nagtatanong niyang mga titig. Naku! Daig ko pa ang na-hot-seat. Sinunod nga niya ang inutos ko, pero ramdam ko pa rin na masama talaga ang mga titig niya. Natigilan ako sa isang bagay at ikinagulat ko rin ang tinanong niya. “Mama, kailan ko po makikita ang papa ko?” inosenteng tanong niya sa mahina nitong boses. Hindi ako nakasagot dahil sa biglaang tanong niya. Nanlamig ang buong katawan ko dahil, doon. Nanunuyo na rin ang lalamunan ko. Napalunok ako at napadasal din. “Diyos ko? Tulungan mo ako, pakiusap. Ano ang isasagot ko?” “Sabi ng kaklase ko. Hindi ako mahal ng papa ko, dahil wala siya sa tuwing family day,” malungkot niyang sabi, saka yumuko. Inangat ko ang mukha niya para titigan ang mga mata niya. Hindi ko alam ang isasagot ko dahil parang may bumara sa lalamunan ko bigla, at gusto kong umiyak. Oras na ba at magsisimula na siyang maghanap? “Anak, I’m s-sorry pe-pero---” nauutal kong sabi, pero bigla niya akong niyakap nang mahigpit. Gusto kong umiyak, ngunit pinigilan ko ang pagpatak ng mga luha ko dahil ayokong makita niya akong umiiyak. Hindi! Hindi na ako iiyak. “Sorry po, mama, gusto ko lang magkaroon ng papa, katulad nila,” sabi niya habang yakap ako kaya bumagsak ang mga luha ko na agad ko rin pinunasan nang humiwalay siya mula sa akin. Ngumiti ako at maluha-luha siyang hinalikan kaniyang noo. “Hindi, anak. ayos lang,” “Sige po. Pupuntahan ko na si, Lola. Bye, mama!” paalam niya matapos akong halikan sa pisngi ko saka tumakbo ito patungo sa sala para hintayin si mama. Nagpakawala ako nang malalim na buntonghininga. Eto ’yung part na kinatatakutan ko. Ang maghanap siya ng isang ama. Naiiba sa ibang mga bata si Tyson. ’Cause he is mature and smart. Nakita kong lumabas si mama mula sa kusina. Seryoso itong tumingin sa akin. “Anak, may problema ba? Narinig ko ang pinag-uusapan ninyo ng anak mo,” Malungkot akong tumitig kay mama habang hinahaplos-haplos ko ang braso ko. “Ma, natatakot po ako. Naghahanap na kasi si Tyson, ng ama,” sumbong ko at nagsimulang tumulo ang mga luha sa mga mata ko Lumapit sa akin si mama, saka ginanap ang mga kamay ko. “Hindi mo maitatago iyan, Elaine. Dahil, habang tumatagal, lumalaki ang anak mo, at hindi mo siya mapipigilan na maghanap ng ama.” “Kapag dumating sa puntong iyon. Sabihin mo sa kanya ang totoo. May karapatan siyang makilala ang kanyang ama!” pagpapatuloy ni mama. Lumamlam ang mga mata ko, nangilid doon ang luha at kalaunan, tumulo ang mga ito. Kusa akong yumakap kay mama at naramdaman ko na lang ang paghaplos ng palad niya sa buhok ko para aluin ako. Sa kanilang dalawa, si mama lang ang tumanggap sa akin. Itinakwil ako ni papa, dahil hindi niya inalam ang dahilan ko kung bakit ko iniwan si Tyler. “Huwag kang magpakita nang kahinaan sa harap ng iyong anak, magugulat ka na lang na masasaktan din siya kapag makita kang umiiyak. Kaya, tahan na ha?” ani mama, saka humiwalay mula sa pagkakayakap sa akin. “Papasok ka na ba sa trabaho mo? Dahil kung hindi. Ihatid at ibigay mo kay Caleb, ang pagkain niya. Inihanda ko ang pagkain na iyon para sa kanya, nakalimutan niyang dalhin, kanina.” sambit niya saka iniabot sa akin ang box na nakabalot sa pulang tela. Ngumiti ako nang bahagya saka ngumuso. “Ma, ayoko po. Hindi ako pupunta doon!” pag-aayaw kong sabi pero hinampas lang ako ni mama nang mahina sa braso ko. “Huwag ka nang magdahilan pa. Oh, siya! Kunin mo na ito, at aalis na kami ng apo ko.” Nagmartsa palabas si mama kasama ang anak ko, kaya wala akong choice kundi sundin ang gusto niya. My Goodness! Alam niyang ayokong makipag-usap sa taong iyon, pinipilit pa niya ako. Hayst! °°°°°°°°°°°°° Caleb Meanwhile, I wear my genuine smile at Mr. Zeke Montebello while shaking hands with him. At Last, he agreed to negotiate with me. “So the deal was closed, Mr. Monteverde, Just call me, when you need my help,” He said seriously. “I will. By the way, thank you! ” my enthusiastic response. After we've talked. They left with his secretary. I smirk. I will make sure Tyler’s company collapses as well because, thanks to his friend, who is now on my side. I look at my wristwatch, and it’s already 10 am. I decided to go out for lunch with my colleagues. But it surprised me then, after the door was open, and I saw Elaine standing out there. “Hi! Kanina ka pa ba?” I ask her. She smiles at me while nodding her head. “Kararating ko lang. Heto, pinagluto ka ni mama ng paborito mong pagkain. Nakalimutan mo kasing dalhin. Ginawa niya ito, para makakain ka ng tanghalian,” sambit niya. She handed me the wrapped box. And I smiled. “Thanks anyway.” Tinanggap ko ang inabot niya saka muling ngumiti. Not only that, but I also felt the coldness of Elaine’s dealings with me, so I just smiled. After she turned her back on me, I quickly took her hand. But it was sudden because I knew she didn’t like the way I was doing. And I respect her. “Samahan mo akong kumain. I can't finish it. Parang balak ni tita na patabain ako,” pabiro kong sabi. She smiled and then sigh. “Sorry, Caleb. Pero, kailangan ko nang umalis. May trabaho kasi ako ngayon,” she refused, and I just nodded. I don't have a choice, but to let her go. “All right. Be careful!” She smiled at me and turned her back. I took a deep sigh while fist my arm. I promise. Gagawin ko ang lahat para hindi na makuha mula sa akin ni Tyler sina Elaine. Ganun din, alam kong darating ang araw na magugustuhan din ako ni Elaine. Selfish man kung iisipin, pero mahal ko siya. ————°°°°°°°———— Elaine Iniiwasan ko si Caleb kahit alam kong masasaktan ko siya. Pero mas masasaktan lang siya kung umaasa siyang magugustuhan ko rin siya. Mahal niya ako, pero hindi ko siya kayang mahalin pabalik. Sinubukan ko ngunit, hindi ito gumana. Dahil, mahirap talagang turuan ang puso. Nagpakawala ako ng buntonghininga. Nasa tapat ako ng nakasaradong elevator para hintayin itong bumukas. Bahagya din akong natigilan nang tumunog ito. Pagbukas niyon, agad akong pumasok sa loob habang nakayuko ang ulo. Hindi lang iyon, hindi na rin ako nag-abalang titigan at sulyapan ang mga taong nakasabay ko sa elevator dahil, wala akong pakialam. Isa pa, hindi ko ugali ang tumitig sa iba. Pipindutin ko na sana ang Floor#1 button, pero may kamay na naunang pumindot doon. Huminto ako at hinayaan ang taong iyon. Pero pagkatapos niyon, bigla akong kinabahan dahil, nagsimula nang magwala ang puso ko. Kinabahan din ako na parang ewan. Muling tumunog ang elevator kasabay nang pagsilabasan ng dalawang empleyado, pumasok ang isang babae na bahagyang yumuko at ngumiti ito sa kausap. “Good morning, Mr. President!” pagbati ng babae at lihim na napangiti dahil, sa pagsagot ng kausap nito. “Good morning!” baritonong boses ng lalaki bagay na ikinapigil ko sa paghinga. Nanlaki ang mata ko, napatitig ako sa likod ng lalaking kasunod ko lang. Pinakiramdam ko ang bilis ng t***k ng puso ko na para bang tinatambol sa lakas ng kabog. Nag-iinit na rin ang tenga at buong katawan ko dahil, sa nararamdaman ko ngayon. Si Tyler ito. It was like I were nailed from my stand. I saw how his wide backside was moving to give the woman space. I held my breath and immediately hid with a lady next to me. I went straight to the corner. Covering my face with the shoulder bag I carry. Hindi! Ayokong makita niya ako. Hindi ko inaasahan na mangyayari ito. Paano siya napunta rito? Gosh! Kunot-noo ay nagtaka ako. “Diyos ko! Elaine, bakit dito—Presidente, nga di ba? Relaks! Magpanggap ka lang na wala siya sa tabi mo, kalma lang. Kalma lang,” pangumbinsi ko sa sarili ko, saka ako napapikit at tinago ko ang buong mukha ko at lumayo sa kanya. Dahil sa pangyayari, para akong naparanoid at natakot saka nagdasal na makaalis kaagad. Pakiramdam ko humina na ang pag-ikot ng oras. “Are you alright?” usisa sa akin ng matandang babae. Tumango lamang ako, at hindi na ako sumagot pa dahil, baka marinig ako ni Tyler. Yes, six years has been past, but it was impossible for him not to recognize my voice. At least I can't forget that voice of his. Bigla akong natigilan mula sa pag-bell ng elevator kaya lumabas ang babae. Pero pagtitig ko doon ay Floor#2 pa ito. Heist! After I realized, kami na lang dalawa ang naiwan sa loob. Napaypay ko ang sarili ko gamit ang mga kamay ko dahil, sa tensyon na nararamdaman ko. Oh my God. Lord, why? I stuttered while still squeezing to the side that I almost glued my face to hide. My nervousness increased. I knew, he was watching my behavior. Bakit kasi ang tagal nitong elevator na ito, Jusko! Pinindot ko ang button para lang mapabilis ito, pero napatigil ako nang magsalita siya. I think iniisip niya na baliw ako. “Miss, bababa din tayo kaya kung ako sayo, itigil mo na ang pagpindot diyan. Natatakot ka ba sa akin? HAHA! I won’t bite you,” biro niya bagay na ikinaangat ng kilay ko. Tumigil na din ako saka inilayo ang sarili. Tch! Para saan pa? Tahimik pa rin ako kaya hindi na siya nagsalita pa. Nararamdaman ko ang tingin niya, pero hindi ko iyon pinansin. Hindi lang iyon, pero alam kong kapag sasagot ako, malalaman niyang ako ito. Natatakot pa naman ako sa kaniya. Alam mo ba ang pakiramdam ng phobia? Dahil, 'yan ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. “Ayos ka lang ba, miss?” tanong niya at saktong paglapit niya sa akin ay agad akong tumango habang hinaharangan ang bag sa mukha ko para hindi siya makalapit. “Okay, pasensya na,” tanging sabi niya pabalik sa kinatatayuan niya at naramdaman ko pa rin na nakatingin siya sa akin. Kung ice cream lang ako, sigurado akong nalulusaw na ako ngayon. I bitterly smirked and roll my eyes. Sigurado akong masaya siya sa kung anong buhay meron siya ngayon. Bakit? Syempre, wala na ako sa buhay niya, na isang istorbo lang sa kanya. At ayokong makasama siya nang matagal. Naiinis ako sa sarili ko kung bakit ako naging desperada noon. Ipinikit ko ang aking mga mata at kinuyom ang aking mga kamao, muling nag-iisip. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin nakakalimutan? “Diyos ko, pakiusap. Burahin mo.” I prayed in my mind. I want to get rid of my anger towards him, but I can't seem to. The pain is still here. Coming back and hunting. Napabuntonghininga ako. Bahagya akong natigilan nang tumunog ang elevator, at agad akong lumabas. Isa pa, gusto ko lang tumakas. Ganun din, mas gugustuhin kong hindi na makipagkita sa kanya. Not only that, but I don't like the way my heart is beating.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ballerina's Downfall

read
81.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.0K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
175.9K
bc

His Obsession

read
104.0K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook